filipino,

Literary (Submission): Dahil Sa'yo, MC!

2/03/2020 09:10:00 PM Media Center 0 Comments




Kilala mo naman ako,
Ako' yung kapag nagsulat ng kwento,
liham, sanaysay, o kahit ano pa,
'yung laging sa porma ng tula.

' Yung gamit ko na mga salita
ay pinipilit na may tugma.
Kung minsan ay swak ito,
at kung minsan ito ay malabo.
(Huh ano?)

Ako din pala yung laging "unconventional" sa lit
Kaya palagi rin ako di na-approve, (nakakagalit)
Sasabihin sa akin, maganda ang lit mo, kaso…
At tuluyang makakalimutan yung nagawa ko...

Pero ayun, gusto ko lang i-share
Ang aking experience as an MC member.
(Sana naman hindi ito maging nobela,
baka sa haba e, di ko matapos at maipasa)

Grado Sampu

Aking isinulat ang aking unang lit para sa' yo,
Ilang araw ko itong pinag-isipan, grabe effort ko.
At noong pub night, ako'y nagpuyat,
upang malaman na...di ako na-pub...sadt.

Sunod na pub gumawa ulit ako ng kwento,
at para sure, pinabasa ko muna sa ibang tao.
Sabi nila maganda naman daw ang aking ginawa.
Pero sabi sa akin ng LC, "sorry...i-sheshelf ko muna".

(Pinasa ko ulit yung lit na iyon ngayong taon,
recommended naman without revisions ba't ganon?)

Siyempre, super nalungkot ako sa sarili.
Sabi ko, bakit pa ako nag-MC?
Pero may nagsabi sa akin ng isang himala,
"Huy! Madaling ma-pub...pag gawa mo tula…"

Bakit ganon, di magkasundo,
ang mga Soc-Sci. tuwing peryodismo?
Ang iba'y nagsisi sa kanilang desisyon,
at tuluyan, sa inis at galit nalamon.

Ang MC2020 noong una ay walang pagkakaisa.
Magulo, walang identidad, at unti-unting nasisira.
Ngunit lahat ng ito'y nag-iba at nagwakas.
Noong narinig namin ang sigaw na ito ng malakas.

Magkaisa, iisa, pagkakaisa, pangarap na sinisigaw ng 2!
Dugdug Dugdug. N! Dugdug Dugdug. T! Dugdug Dugdug. 2NT!

Iyon na pala ang ating huling sandali.
Kailangan na yata natin, sa isa't isa...mag-sorry.
Nanalo kami, bilang batch sa sayawan.
At ang MC2020 nakipagkasunduan.

Grado Labing-isa

Haist, ang daming nangyari noong taon na ito.
Unang Semestre, sa MC ako'y natalo sa puwesto.
Masipag ako sa pag-aaral, at nalaman ko na ako'y matalino.
Ako na tuwing quiz ang lalapitan para magpaturo.

Nakilala ko ang mga best friends ko.
Nakilala ko rin ang mga kaaway ko.
Naging kaaway ang ibang mga bestfriend ko.
At naging bestfriend ang ibang kaaway ko.

Dahil sa grades, unang beses ako umiyak.
Dahil sa love song, unang beses ako umiyak.
Dahil sa reqs (thesis), unang beses ako umiyak.

Wait lang, break muna! Kasama ako sa PL!!!
WOOOH, sorry, ang saya… SKL!!!

2nd SEM, natuto akong maging mabuti at magkaroon ng kusa.
Natuto rin akong maging masama sa kapwa masama.
Natuto akong magmahal (in past tense ito) ng iba…
Kaso 'yun nga lang, meron na silang Jowa…

Natuto rin pala ako mag-rant…

Alam mo naman, MC, na pocket wifi lang ang kaya ng aming buhay.
Kaya kapag may ipapasa sa email o sa Messenger online,
kinakailangan kong lumabas, dahil ang hina ng signal sa bahay.
Minsan tuwing 10pm, 12 or 1 am, para lang umabot sa deadline.

(Buhos ko kaya lahat sa lit na ito)
Yung iba dahil sa 'yo, MC, nagkasakit, nahilo, at sinipon.
Ako naman, tumaas ang pressure ng dugo.
(Bumaba naman, kaso tumaas ulit noong sumunod na taon)

Dahil sa 'yo, MC, natuto akong magmahal ng panitikan.
Ako'y namangha sa mga kwento at kasulatan.
Mas napalapit ako sa ating bansa at sa taglay nitong saysay.
At tuluyan kong nadiskubre ang aking tadhana bilang isang Soc. Sci.

Naging kritikal ako sa mga problema ng lipunan.
Sa mga ideolohiya, naging bukas ang aking isipan.
Pinilit ko rin tangkilikin ang wikang Filipino.
At sa wakas, nalaman ko ang pagkakaiba ng kapitalismo sa komunismo.

18 na ako! Ang mga tao May debut fever!!!
Road trip with friends muna sa summer!!!

Grado Labindalawa (Unang Semestre)

Ito yung tipong "ayoko na"
Kaso 'yun nga wala…
Huling taon ko na pala.
Kaya wala akong nagawa…kundi magsaya!

Dahil sa 'yo, MC, nag-iba ang aking tingin sa buhay.
Mula sa madilim patungo sa makulay .
Kasama ang mga kaibigan, makikipaglaro.
Mga kalokohan namin noong kabataan napagtanto.

Nalaman ko kung paano tunay na tumawa.
Sa anomang bagay, maging sa MC camera na di gumagana.
Nalaman ko na importanteng mahalin ang sarili.
Mga kamalian natin, sa iba'y wag isisi.

Natuto ako kung paano magbigayan
ng saya, hirap, trabaho, at ng pagkain tuwing kainan.
Natuto din ako kung paano magsabi ng "ayoko".
Dahil karapatan ko ito bilang nabubuhay na tao.

Teka MC, sorry pala na iniwan kita ng grado 12, kasi CETs ko na.
It's not you, it's me…I need time, let's take a study break muna…

And then I met her…

Masarap pala, at masakit pagkatapos…

Pakinggan…

Ang mga kanta ni Ben & Ben…

Anyways, ayun natapos na ang CETs.
At alam ko sa sarili ko na I tried to do my best.
Kaso naging malungkot ako sa puntong ito…
Ayoko na tuloy, pero gusto kong magalit at magtago..

Sorry MC kung nasaktan kita nito…
Let's take a real break muna…

Pag nagsimula ang Pasko...

Grado Labindalawa (Pangalawang Semestre)

Dahil sa 'yo, MC, mas lalo kitang gustong balikan.
Dahil sa 'yo, MC, gusto kong bumalik sa kasipagan.
At dahil sa 'yo, MC, gusto kong pasalamatan,
ang lahat ng taong ako'y tinulungan.

Salamat kay Ria sa masasayang kuwentuhan.
Tungkol sa mga adventures niya tuwing in*man.

Salamat kay Angie sa musikang aming pinagbahagian.
Mga kantang iyon, di ko makakalimutan.

Salamat kay Joy, sa pagtulong sa amin.
Sorry ulit, alam mo na yun, di ko na sasabihin.

Salamat kay Owen, dabest EIC sa mundo.
At sorry din kung minsan sa schedule ako'y magulo.

Salamat kay Ulap, ang iyong partida sa kalokohan,
Pati na rin ang iyong kasama, tuwing kalungkutan.

Salamat kay Cedric, kasama ko sa kasiyahan,
Sa parehong ingay at katahimikan.

Salamat kay Aldric, ang tinaguriang diktador,
at ang pinakamatikas na opinion editor.

Salamat kay Mariel, mga sulat kay ganda.
Pati ang nasa notebook noon, ito'y palagi kong maaalala.

Salamat kay Kiel, "vroom-broom!" kung tawagin.
Mula sa tawa niya, kaya ka pa muling patawanin.

Salamat kay Angel, anumang puwesto tulog siya.
Ngunit talo ka niya sa dami ng aklat na kanyang nabasa.

Salamat kay Aleana, at sorry din pala.
Na-stress lang ako, ngayon ok ka na.

Salamat kay Kiara, ang kaisa-isang nag-uupdate ng tracker.
Sana bumalik ka na sa pagiging YouTube videographer.

Salamat kay Keio, ang Spotify ng bayan.
Sa kanyang gitara ika'y tutugtugan.

Salamat kay CJ, kung gusto mong bumalik sa kabataan,
siya ang una mong lalapitan.

Salamat sa LCs (maams Mia, Cathy, and AC), kung hindi dahil sa inyo.
Baka ang MC tuluyan nang nagkagulo.

Salamat kay Sophia, ang pinaka malikhain sa lahat.
At ang anumang bagay sa kanya ay sapat.

Salamat kay Tracy, pinakamaingay sa mundong ibabaw.
Pero mabuti siyang nilalang, kahit siya'y matakaw.

Salamat kay Ned, at sa araw-araw niyang biro.
Ngunit sa kompetisyon, hindi magpapatalo.

Salamat kay Roel, at ang paborito kong kaniyang gawi,
ay ang pag-utot sa klase, na lahat makakasaksi.

Salamat kay Erika at sorry ulit, kahit di na talaga kailangan.
Ngayon, sana ay magsaya naman tayo sa kantahan.

Salamat kay James, ang nucleus ng buong organisasyon.
Kanyang trabaho natatapos niya, maski bakasyon.

Salamat kay Gabe, at sa kanyang mga ideyang radikal.
Ngunit sa pusa at kapwa, siya ang pinaka nagmamahal.

At panghuli, salamat sa 'yo, MC.

Dahil sa 'yo, ako'y napamahal sa aking kabataan.
Dahil sa 'yo, nag-iba ako bilang tao.
Dahil sa 'yo, aking lungkot nabawasan.
At dahil sa 'yo…

At dahil sa 'yo…

Dahil sa' yo, MC…

...alam mo na yun!...

You Might Also Like

0 comments: