filipino,

Literary: Media Center

2/03/2020 08:26:00 PM Media Center 0 Comments




Nagsimula ang lahat sa papel at bolpen. Sabi ko lang ay gusto kong magsulat--gusto kong subukan. Malay mo ito ang talento kong ‘di ko pa natutuklasan.

Sinubukan kong bumuo ng konsepto, nagsulat ng mga malalalim at mababaw na salita, pinasa sa UPIS Media Center, pero sa araw ng pub, hindi ito nailathala.

Napaisip ako na baka wala nga naman kasi akong talento roon, pero natuwa ako noong nagsulat ako. Kakaibang tuwa ang naramdaman ko, parang punong-puno ang puso ko. Kaya sabi ko, isa pa, baka naman hindi ko lang naihayag nang maayos ang mga nais kong sabihin.

Kaya sinubukan ko ulit. Bumuo ulit ako ng konsepto, nagsulat, pinasa sa UPIS Media Center, at nailathala sa pangalang Pikachu.

Noong araw na iyon, isinilang ang bagong ako. Mistulang ospital kung saan ipinapanganak ang mga sanggol na wala pang muwang sa mundo. Sa room 115 kung saan talento ko’y unang nabuo.

Sa’yo, MC, maraming salamat sa pagpapakilala sa akin kung sino ako. Sa pagbibigay-buhay sa bagong bersyon ko at sa paghubog sa akin kung sino ako ngayon.

Sa pagtatapos ng aking paglalakbay bilang si Pikachu, napagtanto ko na higit pa sa ligaya ang nararamdaman ng puso ko tuwing nagsusulat ako. Ngayong patapos na ang lahat, aking babaunin lahat ng itinatak mong aral sa akin, MC.

You Might Also Like

0 comments: