filipino,
Mga mag-aaral ng UPIS, nakasungkit ng medalya sa National Robotics Competition
NAGWAGI. Kinukuhanan ng panayam ng ABS-CBN news ang grupo ni Angel Ken Young. Photo credit: Angel Ken Young
Nag-uwi ng mga medalya ang mga mag-aaral ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa National Robotics Competition na ginanap noong Pebrero 1, 2020 sa Francisco G. Nepomuceno Memorial High School.
Ang nasabing kumpetisyon ay isang taunang paligsahan na may layuning ipamalas at paunlarin ang talento at pagkamalikhain ng kabataan sa pamamagitan ng paggawa ng mga robot. Nilalahukan ito ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa gaya ng Batangas National High School at Division of Sultan Kudarat- Mamali National High School.
Nasungkit ng grupo nina Angel Ken Young, Chi Agapito, Micheal Go, at Enzo Lampa ng Grado 8, kasama si Fiona Natalie Rosga ng Cavite National High School, ang pilak na medalya mula sa kategoryang Robot Rugby. Sa kategoryang ito, maglalaban ang dalawang koponan upang maka-goal gamit ang isang bola. Ang grupo nina Wilber Solis, Christopher Ambaras, Jason Talisbat, Christian Rey Arbiz, Jorel Gangan mula sa Division of Sultan Kudarat- Mamali National High School ang nakakuha ng unang gantimpala.
Nagkamit din si Young ng isang tansong medalya mula sa kategoryang Line Tracing Advanced na kanyang sinalihan. Sa nasabing kategorya, kinakailangan ng mga kalahok na gawin ang iba’t ibang mga hamon na ibinigay sa kanila tula ng pag-trace ng mga linya at pagtulak sa mga bagay papunta sa isang ispesipikong lokasyon. Sina Rico Euma Ordanza Aban at Steven Angelo Lucero Estabillo mula sa Laguilayan National High School ang hinirang na kampeon dito.
"Very nice and exciting because I was able to play robot rugby, one of the most exciting team games, as a team with my friends from UPIS. The other times I get to do it with my schoolmates is when we build and it's still fun but not as fun as when we're actually using the robots to fight other teams directly," mula kay Angel Ken Young. //ni Liane Bachini
0 comments: