filipino,
Magdiwang! Magsitalon!
Nagsimula na naman ang bagong taon!
Ngunit bago natin talakayin
Ang hinaharap na paparating
Ating balikan ang nakaraan
Na akala mo'y 'di mo na malalampasan
Naaalala mo pa ba?
Noong mga requirements ay tila hinaharana ka?
Sa pag-uwi mo sa bahay ay paulit-ulit kang ginagambala?
Ayaw mong sagutin dahil hindi ka pa handa
Ngunit ng sinagot mo siya,' di ka na niya sinipot pa
Naaalala mo pa ba?
Nung late ka na sa klase mo?
Tila may artista sa paaralan kaya ka tumatakbo
Kulang na lang ay sabihan mo ang jeep ng "bilisan mo po!"
Pagkatapos nang dumating ka'y absent pala ang guro
Naaalala mo pa ba?
Nang ang takdang-aralin ay 'di mo nagawa?
Kabadong kabado ka
At tila ba'y may katabi kang malaking pusa
At ikaw ang hapunan niya
Iilan lang ito sa mga ala-ala
Na ating pinagtatawanan at kinatutuwa
Ngunit ang hindi nahahalata
Ang mga ito ay may aral pala
Mga aral na maaari nating gamitin
Sa mga pagsubok na paparating
Kaya't sana ngayong bagong taon
Tayo ay magsibangon
Katamaran ay huwag gawing baon
Kahusayan ay ating ilayon!
Literary: Alaala

0 comments: