feature,

Feature: Mga Himig ng Pag-ibig

2/07/2020 07:50:00 PM Media Center 0 Comments



Palapit na nang palapit ang Araw ng mga Puso! Umiibig, kaibigan, umaasa, nang-iwan, iniwan, o kung ano pa man ang iyong pinagdaraanan… siguradong may kantang para sa iyo.

Kung nagsasawa ka na sa mga paulit-ulit na pinapatugtog sa radyo at sa Top 50 Philippines playlist sa Spotify mo, 'wag mag-alala dahil mayroon kaming inihandang mga kantang fresh para sa inyong mga tainga't puso na siguradong magugustuhan ninyo!


Para sa mga nabiktima ni Kupido

1. Half Way There - The Vamps
"You spent a whole year wondering if
I see you in the same way you see me"
Takot ka bang umamin sa taong gusto mo dahil natatakot kang mawala ang pagkakaibigan ninyo, baka maging awkward na kayo sa isa't isa, at baka hindi ka na pansinin? Dahil ayaw mong mangyari 'yun, sinusubukan mong pigilan ang feelings mo para sa kaniya pero kahit anong pilit mo, hindi mo magawa. Ayaw mo rin namang pigilan ang feelings mo dahil baka, baka lang naman, gusto ka rin niya.

Kung nasa ganitong sitwasyon ka ngayon, naku, pakinggan mo na ang Half Way There ng The Vamps. Humandang kiligin!



2. Bloom - The Paper Kites
"Oh, the whole world, it is sleeping
But my world is you"
Alam mo ba yung pakiramdam na makatabi lang ang taong gusto mo, kuntento ka na? Tila ang simpleng presensya niya ay makabubuo na sa iyong umaga at mababaon mo na hanggang sa pag-uwi. Ang damdaming naidudulot niya sa'yo ay hindi mo maipaliwanag kung kaya't mapapaisip ka ng "Paano ko ba maipaaalam sa kaniya?"

'Pag pinakinggan mo ang Bloom ng The Paper Kites, siguradong lilitaw sa iyong isipan ang mukha ng taong iniisip mo habang binabasa ang naunang talata.

Official music video: https://youtu.be/8inJtTG_DuU


3. If The Moon Fell Down - Chase Coy
"I must have done something right
To deserve you in my life"
Walang sigurado sa mundo. Pero kahit na ganoon, patuloy pa rin tayong nagmamahal at umiibig.

Kung isa ka sa patuloy na sumusugal sa pag-ibig sa kabila ng pag-aalinlangan, tamang-tama ang kantang ito para sa iyo. Nagiging worth it naman ang lahat, 'di ba?



4. First Kiss - A Rocket to the Moon
"Looking back on what we had
It never went away
She still makes me feel it everyday"
Kahit ano pa ang relationship status mo ngayon, hindi mo mapipigilang kiligin habang pinakikinggan ang kantang ito. Inilalarawan sa First Kiss ang pakiramdam na kahit matagal mo nang nakakasama ang iyong special someone, kahit ang layo-layo n'yo na mula sa inyong pinagmulan-- sa inyong unang pagkikita, unang pagkain sa labas, unang beses na magkadampi ang mga kamay-- hindi pa rin kumukupas yung tila dumadaloy na kuryente sa iyong dibdib tuwing nakakasama o iniisip siya.



5. Bright - Echosmith
"You make what doesn't matter fade to grey
Life is good and that's the way it should be"
Ang saya-saya talagang magmahal-- higit na tumitingkad ang kulay at bumabango ang samyo ng mga bulaklak, lubusang lumiliwanag ang kinang ng mga bituin, at mas lalong gumaganda ang bawat pagsikat at paglubog ng araw sa kalangitan. Minsan, lagpas-langit pa ang kaligayahang naidudulot nito… umabot hanggang sa kalawakan.

Langhapin ang halimuyak ng pag-ibig sa kantang Bright ng Echosmith. Siguradong mapapantayan ng kantang ito ang kilig na nararamdaman mo sa tuwing iniisip ang iyong special someone.

Official music video: https://youtu.be/kMAzstG5O7E


Para sa mga puno ng "Sana…"

1. Million Words - The Vamps
"If there's someone where I used to be
I hope he tells you everyday
With a million words that I should've said"
Napapaisip ka ba minsan ng "Siguro kung sinabi ko lang sa kaniya…" kasabay ng lahat ng posibleng nangyari sa inyo? Baka okey pa kayo, baka masaya pa kayo, baka… at patuloy ang listahan.

Kung isa ka sa mga nagsisisi na hindi nakapagsabi ng iyong mga iniisip at nararamdaman noong puwede pa, tamang-tama ang Million Words ng the Vamps para sa iyo.



2. Sick Feeling - Boy Pablo
"I miss the way you sound
I miss to be around you"
Nanghihinayang ka ba sa pag-ibig na nakuha mo na pero pinakawalan mo pa? Nami-miss mo ba siya kahit na ikaw yung nagdesisyong bumitaw?

Dadamayan ka ni Boy Pablo sa kanta niyang ito.

Official music video: https://youtu.be/hTFDlGv2IWg


3. That's the Way I Loved You - Taylor Swift
"I never knew I could feel that much
And that's the way I loved you"
Kung naging parte ka na dati ng isang toxic relationship, siguradong mas madali nang huminga ngayon. Pero minsan, siguro kahit isang beses man lang, nangyari nang hinanap-hanap mo rin ang pakiramdam na nadadala ng inyong mga kalokohan, katuwaan, at mga simpleng pagsasama noon.

Malunod sa mga alaala kasama ni Taylor Swift sa kantang That's the Way I Loved You.



4. Loved You First - One Direction
"I've been waiting all this time to finally say it
But now I see your heart's been taken"
Noon, lagi siyang napapangiti ng mga joke mong corny, lagi mo siyang inihahatid hanggang sa kanto nila, at madalas ka pang napapagastos dahil di mo matiis ‘pag magpapalibre siya sa iyo ng paborito n'yong kwek-kwek at isaw.

Ngayon, wala ka nang magawa sa t'wing binabanggit niya ang pangalan ng bagong nagbibigay ningning sa kaniyang mga mata, hindi ka makatanggi kapag niyayaya ka niyang lumabas kasama nila pero hindi mo rin naman matiis ang selos at lungkot sa tuwing nakikitang hinahawakan ang kamay ng matagal nang may hawak sa puso mo.

Ba't hindi mo kasi ipinaalam sa kaniya kung ano siya para sa iyo?



5. She Was the One - The Vamps
"She was the one who got away
She was the one who I never got to say how much
I miss your touch"
Maliban sa kantang The One that Got Away ni Katy Perry, may isa pang kanta para sa mga nagsisisi para sa mga bagay na sana nagawa nila at sana hindi nila ginawa noon.

Para sa lahat ng may totga, namnamin ang sakit kasama ng kantang She Was the One.


Para sa mga balak magbakasyon (o manirahan na) sa Camp Sawi

1. Ghost of You - 5 Seconds of Summer (5 SOS)
"That my feet don't dance
Like they did with you"
Kapag nasanay ka na sa piling ng isang tao-- sa init ng kaniyang katawan sa tuwing kayo'y magkatabi, sa kung paano nabubuo ang kaniyang ngiti, sa kaniyang pag-good morning at pag-good night sa iyo araw-araw-- hahanapin at hahanapin mo ang lahat ng iyon sa dulo ng gabi. At kapag nawala siya, alam mong hindi na maibabalik sa dati ang lahat.

Kung ikaw ay nawalan ng isang taong napakahalaga sa iyong buhay, naiintindihan ka ng 5 SOS sa kantang ito.



2. Sa Hindi Pag-alala - Munimuni
"Buburahin na sa isip
Ang hugis ng iyong mga mata sa 'yong pagtawa"
Nakaka-relate ka ba sa "Ipinagtagpo pero hindi itinadhana"? Yung kahit anong pilit, hiling, o gawin mo, hindi talaga kayo puwede? Sinasabi ng mga kaibigan mo na kalimutan mo na siya, mag-move on ka na lang pero hindi mo magawa.

Pakinggan ang kantang Sa Hindi Pag-alala ng Munimuni at baka matulungan kang gumawa ng desisyon na umusad na (o manatili).

Panoorin ang lyric video sa: https://youtu.be/te84lbsGm3E


3. Please Never Fall In Love Again - Ollie MN
"And if some other guy
Catches your eye
Please just text me your goodbye
You know I don't look pretty when I cry"
Masyado bang masakit na makita siyang may iba nang mahal? Paniguradong dadamayan ka ng kantang ‘to!



4. Huling Sandali - December Avenue
"Kahit sandali, palayain ang pusong ‘di mapigil
Sana’y tayong dalawa sa huling pagkakataon
Na hindi na para sa atin"
Biktima ka ba ng “the right love but in the wrong time”? Yung tipong perpekto siya, pero pagkakataon ang mismong kontra? Naku, kung ako sa’yo, pakinggan mo na ang kantang ‘to!

Pindutin mo na ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=MyMmB7vnO9c


5. Still Feel It All - MARO
"It’s been five years and I still feel it all
Oh, its been five years
Why can’t I let you go?"
Hindi mo pa rin ba siya kayang bitawan? Yung tipong hanggang ngayon, kumakabog pa rin yung dibdib mo sa tuwing papalapit siya? Hirap ka pa rin ba sa paglimot sa lahat ng mga pinagdaanan niyong dalawa noon?

Pakinggan (o iyakan) and kantang ito sa: https://www.youtube.com/watch?v=0bLbwvB9nvk


Para sa mga araw-araw na pinipili ang pag-ibig

1. While The World Let Go - A Rocket To The Moon
"And after all we've been through fire and smoke
And through it all we've kept a hold of hope
While the world let go"
Sa buhay, may mga pagkakataon talagang papanghinaan ka ng loob dahil sa mga pagsubok na patuloy dumarating. Magkakaroon ng mga araw na tila gusto na lang natin sumuko. Ngunit buti na lang, may isang tao na hinding-hindi ka susukuan kahit ano pa man ang mangyari. Huwag mo rin siyang susukuan, ha?

Magpahinga ka’t pakinggan ang kantang ‘to sa: https://www.youtube.com/watch?v=fyOoalug2R0


2. Love Worth Saving - Griffin Peterson
"Even when the times are changing,
Nothing’s gonna change my view on you
You know we got a love worth saving"
Pagdating nga naman sa taong mahal mo, wala nang mas hihigit pa sa inyong pagmamahalan. Kuntento ka na sa kung anong mayroon kayo, basta’t nasa inyo naman ang isa’t isa. Kahit ano pa man ang humadlang sa inyong dalawa, hindi kayo magsasawa na ipaglaban ang inyong pag-ibig. “Sana all “ nga naman.

Sabay n'yo na ‘to pakinggan sa: https://www.youtube.com/watch?v=32AOIwUB0Ug


3. Ordinary People - John Legend
"And though love sometimes hurts
I still put you first
And we'll make this thing work
But I think we should take it slow"
Hindi madali ang pumasok sa isang relasyon. Oo, talaga namang masarap ang pakiramdam kapag kayo’y nagmamahalan, pero hindi maiiwasan ang mga araw kung saan magkakaroon kayo ng mga hindi pagkakaintindihan at mga alitan.
Ngunit hindi ibig sabihin no’n ay hindi n'yo na mahal ang isa’t isa. Normal lang ang magkaroon ng mga gan'tong araw.

'Sus, huwag ka nang magtampo, hindi mo rin naman siya matitiis! Pakinggan ang kanta sa: https://www.youtube.com/watch?v=PIh07c_P4hc


4. Every Way - Rex Orange County
"No one prepares you for the way in which things change
But you've been amazing, saw me through my darkest stage
And you always forgave me
And now you love me just the same"
Kung nasa ‘yo na ang taong tanggap ang iyong buong pagkatao, ang lahat ng bagay na bumubuo sa’yo, huwag mo na siyang pakawalan! Maniwala ka, tunay ang pagmamahal no’n sa’yo. Yung taong mananatili pa rin sa tabi mo kahit sa mga araw na pakiramdam mo, mahirap kang mahalin. Masuwerte ka sa kanya, dapat mo siyang pahalagahan.

Pasalamatan mo siya at iparinig mo sa kanya ang kantang ito sa: https://www.youtube.com/watch?v=HqYAgDYvdDw


5. Hold Onto Me - Mayday Parade
“I got a nervous habit and I drink too much
She said she hates her life and wants to change her ways
She wakes in the night and whispers
Oh so quiet
Hold onto me, hold onto me”
Kapag nahihirapan o kaya nama’y may pinagdadaanan ang taong mahal mo, kahit na ikaw mismo ay mayroon ding mga problemang kinahaharap, pipiliin mo pa ring samahan siya. Kahit na pareho kayong may pinagdaraanan, ang importante ay palagi pa rin kayong nariyan
para sa isa’t isa... pinanghahawakan ang pangakong sa hirap at ginhawa. O, alam mo na?

Pakinggan ang kantang ‘to sa: https://www.youtube.com/watch?v=FZCk5VRbpgU


Para sa mga patuloy na lumalaban sa ngalan ng pag-ibig

1. Pagsibol - Munimuni
"Ang pagsibol ng buhay ay paglalakbay hawak ang iyong kamay"
Isa sa mga pinakamagagandang parte ng pagmamahalan ay nasa inyo ang isa’t isa. Magkaagapay kayo sa araw-araw at sabay na sisibol sa piling ng isa’t isa.
Tunay na biyaya ang pagkakaroon ng ganitong klase ng pag-ibig.

Pakinggan ang hiwaga ng kantang ito sa: https://www.youtube.com/watch?v=sFtTjpA_wao


2. On Your Side - A Rocket to the Moon
"Rest your eyes tonight
You know that my love
Is on your side"
May mga pagkakataon kung saan hindi talaga natin maiiwasang mangamba kung mahal ba talaga tayo ng isang tao. Hindi natin maiiwasang matakot sa kung ano-anong bagay kapag tayo ay nagmamahal. Ngunit minsan, kailangan din nating matutong magtiwala sa pagmamahal na ibinibigay nila sa atin.

Pakinggan ang kantang ito sa: https://www.youtube.com/watch?v=k1asQ-Pt0Nc


3. New House - Rex Orange County
"No one can save me this evening,
She does her all
But I’ve never been the easiest ride
She says 'it’s okay, we know it’s alright'"
Sa mga oras na kahit tayo mismo ay nahihirapan nang intindihin ang ating sarili, nakamamangha na mayroon pa ring taong patuloy na tumatanggap sa atin at pinipili pa ring damayan tayo sa ating mga problema.



4. I Love You Always - The Icarus Account
"We’re in love,
Like the love that’s in our favorite songs,
You got me feeling like it’s more than just a feeling
When you say, 'I love you always'"
“Actions speak louder than words” nga naman. Ngunit napakasarap pa rin na maririnig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Tila lilipad ka na patungo sa kalawakan sa tuwing sasabihin niyang “mahal kita”.



5. I Do - A Rocket To The Moon
"Yeah, the longer that we're together
The good keeps on getting better
I never thought that I would ever
Find someone like you"
Minsan, sa sobrang tindi ng pagmamahal mo para sa isang tao, parang pakiramdam mo, wala nang mas hihigit pa rito. Ngunit habang tumatagal, lalo lang nadaragdagan ang pagmamahal natin sa taong ito. Tunay ngang napakasarap sa pakiramdam ang magmahal ‘no?



O hindi ba't naka-relate ka rin sa mga awiting ito? Sus, aminin mo na! Hay, pag-ibig nga naman. Minsa'y masasaktan ka tapos maya-maya, kikiligin ka. Gayunpaman, kailanman ay hindi matutumbasan ng kahit na ano ang halaga nito.

O ayan na, may bagong playlist ka na, ha? Halina't sabay-sabay harapin ang Araw ng mga Puso! //nina Rain Tiangco at Noemi Hechanova

You Might Also Like

0 comments: