edgewright,
Literary: Hatinggabi Na
Hatinggabi na, pero heto gising pa rin. Sadyang ayaw lang talaga ako patulugin ng isip ko. Mahirap talaga makalimutan ang aking naging mga paglalakbay, ngunit tandang-tanda ko pa rin ang mga ito na parang kahapon lang nangyari. Nagsimula ang lahat sa dalawang pangungusap. Mahirap paniwalaan, pero oo, nagsimula ito sa kwentong dalawang pangungusap lamang. Sinundan naman ito ng mahaba-habang sagutan tungkol sa Wild World. Bigla tuloy akong napatanong ng Kailan Kaya? Na hindi pa rin nasasagot kaya pwede bang pakisabi na lang.
Sabi nila ang paglalakbay daw ay ang pagtulak sa sarili mo sa extreme at pagtuklas sa iyong mga kakayahan. Bilang mga kabataan, oo dapat natin gawin ito. Ngunit siguraduhin lang natin na tama ang ating ipinaglalaban dahil tayo ang pag-asa ng bayan, Kabataan Tayo. Pero ano nga ba ang paglalakbay kung hindi ka sasakay ng eroplano. Alam ko medyo nakakatakot lalo na ‘pag naalala mo ang mga trahedya tulad ng Tres-Setenta. Pero paano kung maiiwasan mo ito? Paano kung mayro’n kang relo na nagsasabi kung kailan ka mamamatay? Literal na Hour of Death ang malalaman mo, alam ko medyo surreal na ideya pero paano nga ba talaga?
Sa paglalakbay, dapat laging pairalin ang utak at puso, pero paano nalang Kapag Nag-Isip ang Puso? Sasabihin kaya nito ang mga tunay na nararamdaman? Siguradong ipapakita nito ang ating paraiso, My Dreams at Experiencing Fantasy. Pero minsan talaga mapapasabi ka na lang ng Ganun Talaga ‘pag hindi mo alam ang sagot. Ganoon pa ‘man, naging Panunumpa Ko sa bawat buwan ang ipagpatuloy ang paglalakbay kahit maraming hadlang at para bang walang katapusan ang problema, kung kayo’y nagtataka kung anong mga pagsubok ito, It’s a Mystery for the Best. Basta may kinalaman ito sa ating bansa, yun bang The Best and the Brightest daw sila pero hindi naman talaga.
Ewan ko na, basta ang importante maraming natutunan sa paglalakbay. Mga aral na magagamit sa mga susunod pang paglalakbay upang mas maging maayos ang daanang tatahakin. Ako nga pala si Edgewright, nawa’y natuwa kayo sa pagbabasa ng aking mga paglalakbay. Hatinggabi na pala, kailangan ko nang magpahinga upang maghanda sa panibagong biyahe, hanggang sa muli!
0 comments: