4ever,

Literary: Bagong Umaga

2/03/2020 08:59:00 PM Media Center 0 Comments




Gumising ka aking anak
At salubungin ang umaga
Nang may ngiti sa labi
Dahil sa wakas, ito na.

Kalimutan ang nakaraan
Ngunit tandaan ang mga natutunan.
Mga pagkakamaling nagawa noon
‘Wag mo nang ulitin pa.

Taas noo kang maglakad
Buong-pusong ipagmalaki
Na ika’y nagbago na
Para sa sarili at sa kapwa.

Ang mga umagang darating
Hindi na katulad ng dati
Ito’y mga bagong umaga
Hatid ay pag-asa.

You Might Also Like

0 comments: