barcode,

Literary: Masasanay

3/22/2016 09:17:00 PM Media Center 0 Comments



Mahal kita kaya
Sanay na ako na

Kapag sa umaga’y gigising
Ginawang unang nararamdaman
Kahit anong suotin
Ako’y giginawin pa rin

Sa pag-alis ng bahay kasabay ng pagsikat ng araw
Nadarama ko ang init ng sinag nito
Habang naglalakad sa daan
Nasisilaw ang mga mata ko

Sa tuwing biglang uulan
Tutuloy pa rin kahit walang masilungan
Kahit na mabigat sa paa
Ang sapatos na basang basa

Dahil

Noong ikaw ay nakilala ko
Nagsimula na akong mangako
Na titiisin ko at sasanayin ko ang sarili sa ganito
Basta kasama ko ikaw na pinakamamahal ko

Pero ngayon

Kapag gabi na kung ako’y umuwi
Nilalamig ang pusoko
Dahil sa kalungkutang dulot mo
At kahit anong suotin, ako’y nilalamig pa rin

Sa pag-uwi ng bahay sabay sa pagliwanag ng buwan
Ako’y natatakot dahil mag-isa na lamang
Nakatayo sa gitna ng madilim na daan
Walang kamay na mahawakan

At kahit walang ulan
Tila pagod at basang basa pa rin
Ramdam din ang bigat ng aking mga paa
At ng aking pusong durog na

Dahil

Simula noong umalis ka
Nangako akong muli
Na lahat ay gagawin
Makalimutan lang ng puso ko na minahal kita

At pangako
Masasanay rin ako

You Might Also Like

0 comments: