Feature: Sneak a Snack into Your Day
2/27/2017 08:44:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2017 08:44:00 PM Media Center 0 Comments
When sneakerheads look for delicious burgers to snack on, they head to Maginhawa Street’s Sneaks; Snacks, the one-stop shop for delectable bites and fresh kicks!
With the hopes of bringing its customers something extraordinary, owner David Matriano opened Sneaks & Snacks in October 2016. Matriano was already a sneaker enthusiast before he became a restaurateur and he thought of opening the sneaker-themed restaurant and store because several sneaker groups in the Philippines often meet over meals.
“We all know that apart from collecting sneakers mahilig din sa meetups ang mga sneakerheads over coffee, lunch, or dinner. So this serves as an avenue for them to connect and collect,” Mariano shares.
In Sneaks & Snacks, customers can indulge in burgers and drinks to feel more comfortable while checking out the shoes in stock. Those who are just getting into the sneaker world are also more than welcome visit the shop, which was designed so that customers can window shop without pressure.
The establishment is decorated with photos of shoes that would make any sneakerhead drool along with kickin’ quotes on the floor, Yeezys incased in glass on the table, and a pair of Jordan 1 Banned (BREDS) hanging from the ceiling. Next to the counter are shelves that display shoes and some Nike and Pablo apparel that are sure to make you look trendy. Matriano is also exploring other clothing lines and collaborating with other brands which is definitely something to watch out for.
AIR JORDANS. The iconic pair is sure to catch your attention as it dangles from the ceiling of Sneaks and Snacks along Maginhawa Street. Photo Credit: Paola Pagulayan. |
Besides the shoes, customers also come here for the food. The restaurant’s menu includes burgers, steaks, pasta, wings, rice meals, all-day breakfast and more! Recommendations are the Quickstrike and Stan’s Meat.
The Quickstrike has the contents of what a regular burger would have: beef, lettuce, tomatoes, bacon, and cheese, which is perfect for those who want the usual mix. You can start with this if you simply want a taste of their delicious Angus Beef patties. The ingredients complement each other so well, giving you a mix of different flavors in one bite. Once you cut the sandwich with a knife and fork, you’ll see the sauce oozing out, calling you to devour it immediately.
QUICKSTRIKE. Similar to its Nike counterpart, Sneaks and Snacks offers limited servings of this scrumptious dish per day Photo Credits: Paola Pagulayan. |
Not satisfied with just one patty? Your eyes will widen the moment you see the Stan’s Meat, the two-patty burger with shitake mushrooms and caramelized onions. It’s twice the meat and twice the goodness. The mushrooms with the caramelized onions just make everything better with the already savory burger. Your plate may get messy, but you won’t leave any hint of food behind.
STAN’S MEAT. This double trouble dish with mushrooms on top is sure to make you drool! Photo Credits: Paola Pagulayan |
These good eats and au courant shoes are waiting for you so don’t forget to visit Sneaks & Snacks, located at Level 3, 80 Maginhawa. The restaurant-store combination will have you walking out with a full stomach and happy feet. //Paola Pagulayan
Feature: Hot Topic: Setting the UPIS Vlogging Trend
2/27/2017 08:40:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2017 08:40:00 PM Media Center 0 Comments
Hey, hey, hey! Is there anything you need? A place to go this weekend? The latest millennial trend to try? Or challenges to do with your friends? Maybe these 3 Vloggers from UPIS can help you with your problems.
SWIM. SHOOT. SLAY.
First up is Suzy Mariella Uy, a Grade 11 student, a swimmer and an artist of the UPIS Media Center. She started her channel last year, and aired her first episode on November 26, 2016. The content of her channel mainly consists of travelling, music, film, photography, and current events in her life. She explained that she uploads her videos because it is easier for her to share her ideas and express her feelings.
Her main goal for her channel is to share and improve her skills in filmmaking and Photoshop. She is also using the experience as part of her training to pursue her dream college course: Multi Media Arts. The channel will also serve as part of her portfolio for it. With her fearlessness, she’s gaining viewers little by little and that’s what keeps her filming and making new videos.
STORY OF HER LIFE
Fatima Wadi, a student from Grade 10-Yakal, would like to thank her subscribers for making memories with her and her channel: Pizza & Lemonade. She loves photography but since she wanted to level it up, she tried to edit her own videos so she made this channel late 2014 but uploaded her first video on October 2015, entitled “Vlog: Chill Sunday|2,” sharing a tidbit of her life with us viewers. She treats her channel as a diary, as it is something she would like to keep forever, not just on the internet, but also in her heart.
Fatima’s videos are all about showcasing her talents like baking, drawing, painting and performing guitar covers. Sometimes she features her sisters Hannah and Cay, both UPIS students, for cameos or challenge videos. Hannah, a Grade 2 student, even has her own segment on Pizza & Lemonade, reviewing her toys like Baymax and My Little Pony.
Fatima also featured this year’s UPIS Fair including Powerdance 2016 where her batch (2019) won first place.
ALL AROUND THE WORLD
Anne Therese Papa or Telet is another Grade 10 student who has now taken part in the vlogging world. Her channel called Helicoptherese is all about her travels and experiences not just in the Philippines but also around the world. She’s been to Palawan, Cebu, Baler, Puerto Galera, Cambodia and many more!
Other videos on her channel include her experiences with bath bombs, C.A.-EMA’s Literally Literary Day, and their recent JS Prom, Lumine 2017. Sometimes, Telet creates Do-It-Yourself videos but she’s not confident enough about it, so she posts it privately. She made Helicoptherese because she loves editing videos and re-watching memories.
Telet’s goal is to have more viewers for her to interact with her subscribers because she loves to read their feedback on her videos. Her subscribers are important to her because they spend their precious time watching her videos. She hopes that they learn something from her channel.
If these sound interesting for you, visit their channel, hit like, subscribe, and leave comments on their videos. Who knows, maybe you’ll even get inspired to start your own vlogging channel! //Hanna David, Jaja Ledesma
Feature: Ang Pagbabalik Lupa
2/27/2017 08:37:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2017 08:37:00 PM Media Center 0 Comments
Kasabay ng selebrasyon ng UP Diliman Month 2017 na may temang Saysayan: K’wentong Bayan, Kaalamang Bayan, ipinagdiriwang din ang National Arts Month sa Diliman sa pamamagitan ng Sansinukob: Isang Art Installation na Eksibit na makikita sa Amphitheatre, UP Lagoon at sa CMC Hill sa buong buwan ng Pebrero.
Kilala sa UPIS dahil sa kaniyang istrikto ngunit masayang pagtuturo si Sir Anton, na simula pa noong 2001 ay nagtuturo na Art sa UPIS. Ayon sa kaniya, maituturing na “Destiny” ang pagtuturo niya dito sapagkat hindi niya naman ito inaasahan at bigla na lamang dumating. Kwento niya, isang post mula sa College of Fine Arts ang pinagsimulan ng kanyang paglalakbay sa pagtuturo nang sinubukan niyang mag-apply sa naturang post habang siya ay kumukuha ng kaniyang masters degree.
Sa labing anim na taon niyang pagtuturo, aniya, nagiging “memorable” o tumatatak sa kaniya kapag nakakakita siya ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Fine Arts. ‘’ In short marami na akong nabobola na maging artist din.’’ Biro ni Sir Anton.//Hanna David, Jaja Ledesma, Danna Sumalabe
Sports: UPIS TNF at VST, nakarating sa NCR Meet
2/27/2017 08:34:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2017 08:34:00 PM Media Center 0 Comments
Lumahok ang ilang miyembro ng University of the Philippines Integrated School Track and Field at Varsity Swimming Team bilang kinatawan ng Quezon City sa taunang National Capital Region (NCR) Meet na ginanap noong Pebrero 14-17 sa Marikina Sports Center.
Nag-uwi ng 2 gold, 6 silver at 4 bronze medals ang mga atleta ng UPIS Swimming Team. Pinangunahan ang koponan ng senior na si Drew Magbag na nakapagtala ng 2 gintong medalya sa 100m at 200m breaststroke, at 2 bronze medals sa 4x50m, kung saan kasama niya si Joshua Sedurante, at sa 4x100m relay.
"It feels great to represent the whole NCR and of course UP, too," sabi ng UPIS VST Senior na si Magbag, nang tanungin siya tungkol sa kanyang naging karansanan. "Malakas (ang) mga kalaban and intense. Plus it was also a good experience at saka learning and meeting new people." Idinagdag naman ni Isabel Baclig na nakasungit din ng isang bronze sa 4x100m freestyle relay.
ATLETANG ISKO. Nirepresenta ng ilang mga miyembro ng UPIS Varsity Swimming Team ang Quezon City Team sa nakaraan NCR Meet sa Marikina Sports Center. Photo Credit: Drew Magbag
|
Dahil sa kanilang pagkapanalo, lalahok sa Palarong Pambansa sina Drew Magbag at Zoe Hilario upang irepresenta sa NCR ang UPISVST. Gaganapin ang paligsahan sa Antique.
Samantala, nagkamit naman ng bronze ang kinatawan ng UPIS Track and Field team na si Gyles Abac matapos nitong kuhain ang ikatlong puwesto sa 2000m walk.
“Ako lang ang taga-UP na kasali sa palarong NCR, ako lang representative ng QC sa walk at representative ng UPIS sa athletics,” pagbabahagi ni Abac.
May posibilidad na uusad din si Abac sa Palarong Pambansa dahil sa pagkapanalo at magandang performance na ipinakita niya sa NCR Meet. // nina Maica Cabrera, Jaggie Gregorio, Nathan Ramos
Student Services Dept. conducts Support Staff Seminar
2/27/2017 08:31:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2017 08:31:00 PM Media Center 0 Comments
Another support staff seminar dubbed “Bata… Bata… Sino Ka Ba? Mga Wastong Pakikitungo sa mga Batang nasa K-2” was held on January 26 at the UPIS AV Room.
Initiated by the Student Services Department, the seminar was launched to assist the guardians and non-faculty staff in dealing with the students of K-2. School bus drivers, SSBs, custodial workers, helpers, and the school nurse were among the 50 participants of the event.
Prof. Annalyn Capulong of the UP Department of Psychology facilitated the seminar. She discussed the proper treatment of K-2 students and appropriate language and behavior towards them.
Developmental theories and common characteristics of the students were also discussed to help better understand the children. An open forum followed the lecture as a venue for the participants to share their experiences in handling the students.
AT YOUR SERVICE. Non-faculty staff, school bus drivers, and helpers from the K-2 pay attention to Prof. Annalyn Capulong’s talk. Photo Credit: Ms. Laarni Cabrales |
The seminar had two sessions to accommodate the guardians from both the morning and afternoon classes in K-2. The 10:00 AM and 2:00 PM sessions had 22 and 28 attendees, respectively.
Prof. Capulong first gave a seminar on parenting at UPIS in November last year. // by Chesca Santiago
News: UPIS ‘67 reunites to give back
2/27/2017 08:28:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2017 08:28:00 PM Media Center 0 Comments
Giving back has never been this golden.
UPIS Batch 1967, which is celebrating their 50th anniversary this year, gave back to their alma mater once again in their reunion last February 14 at the UPIS Narra Function Room.
The reunion was held to call on other members of Batch 1967 to take part in their scholarship program.
BACK TO GIVE BACK. 2017
is a momentous year for Batch 1967 as they celebrate their golden jubilee and
reunite in the new UPIS campus for the first time. Photo Credit: Ms. Laarni
Cabrales
|
Ms. Ena Charmaine Sy, one of their previous scholars and now a faculty member of the UPIS CA-EMA Department, delivered a speech of gratitude for the help she and the other scholars received. According to Ms. Sy, the scholarship program has been of huge assistance since it provides the students with both financial assistance and personal mentorship.
Four members of the Peer Facilitators Club toured Batch 1967 around the 7-12 building before the program commenced. // by Hanzvic Dellomas
News: Batch 2020, dumalo sa career talk kasama ang Fluor Corp.
2/27/2017 08:25:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2017 08:25:00 PM Media Center 0 Comments
Lumahok ang Batch 2020 sa isang career talk kasama ang Fluor Corporation noong Pebrero 16 sa UPIS AV Room.
Ang Fluor ay isang multinational company na nag-aalok ng engineering, procurement, construction, maintenance, at project management services sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nagsilbing tagapagsalita sa nabanggit na gawain sina Engr. Gizelle Jamero, Engr. Rommell Marinay, at Engr. Mark Sapungan ng naturang kumpanya. Nagbahagi sila ng kaalaman sa iba’t ibang larangan ng pag-iinhinyero gaya ng Electrical Engineering, Mechanical Engineering, at Civil Engineering. Inanyayahan din nila ang mga mag-aaral na lumahok sa National Engineers’ Week sa darating na Pebrero 19-25.
Karaniwang inoorganisa ng Student Services Department ang mga career talk sa paaralan. Inaasahang lalahok din sa parehong gawain ang Batch 2019 sa Pebrero 28. // ni Beca Sinchongco
START ‘EM YOUNG. Masayang nakiisa ang Batch 2020 kasama ang tatlong tagapagsalita sa naganap na career talk. Photo credit: Bb. Leng Painaga |
News: Batches 2019 and 2020 glimmer in Lumine 2017
2/27/2017 08:20:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2017 08:20:00 PM Media Center 0 Comments
A luminous night indeed.
Juniors and Seniors from Batches 2019 and 2020 illuminated the Celebrity Sports Plaza, Quezon City in Lumine, their Junior-Senior Promenade, last February 18.
This year's prom featured a program inspired by the details in renowned Harry Potter series by author J.K. Rowling. The Triwizard Tournament was a new activity for this year’s prom where representatives from both batches competed to be the first to answer a question correctly. The winner’s table got to be the first to eat.
Another first in Lumine is “The Chosen Ones” title awarded to Batch 2020’s Megarth Morillo and Sophia Loriega. The title was accorded to the pair who picked the papers with the words “The Chosen Ones” written on them.
Michael Tee Jr. and Samantha Faye Salazar were crowned as this year’s Prom King and Queen while Bryant Galicia and Ellene Arceo were hailed as Prom Prince and Princess.
The traditional turnover ceremony was also held wherein the seniors passed on their responsibilities to the juniors. The key that represents the responsibilities was handed over to Erika Sasazawa, the President of Juniors Association by Fred Samonte, Senior Council’s president; the torch of light from Chesca Joves to Mae Rodgers and the banner of Excellence from Patience Ventura to Rizza Cabrera.
Pairs from both batches were chosen to dance the cotillion. Bands Amamimamols, FLL, Smilky, and Silakbo together with other artists performed in the event as well. //Bryan Lina, Rebeca Sinchongco
News: Mga mag-aaral ng UPIS, lumahok sa Youth in Action 2017
2/27/2017 08:13:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2017 08:13:00 PM Media Center 0 Comments
Lumahok ang ilang mag-aaral ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa Youth in Action 2017: Karapatan ng Every Juan noong Pebrero 11 sa UP College of Law.
Naging kinatawan ng UPIS ang mga miyembro ng Economics Varsity na sina Jarod de Luna at Bryant Galicia para sa Extemporaneous Speech category, Marlon Nahial II at Fred Samonte sa Essay Writing, at Wenona Catubig at Lander Suguitan para sa Poster Making contest. Kasama rin sa Forum sina Alexandra Arugay at Aldric de Ocampo.
Sumentro ang serye ng diskusyon at kompetisyon sa pagtataguyod at pagtatanggol ng karapatang pantao at ang papel ng kabataan dito.
ALISTO. Atentibong nakibahagi ang mga kinatawan ng UPIS sa Youth in Action 2017 bilang pagdiriwang ng UP ETC sa kanilang 38th Consciousness Month. Photo credits: UP ETC |
Ang Youth in Action 2017 ay isang patimpalak na isinagawa ng UP Economics Towards Consciousness (UP ETC) bilang bahagi ng pagdiriwang ng 38th Consciousness Month na pinamagatang Gunita: Pag-alala sa Nakaraan, Pagkilos sa Kasalukuyan, Paghubog sa Kinabukasan. Ipinagdiriwang ito tuwing buwan ng anibersaryo ng organisasyon. // nina Trisa De Ocampo at Marianne Sasing
News: UPIS, nakamit ang ikalawang gantimpala sa DAGITAB
2/27/2017 08:05:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2017 08:05:00 PM Media Center 0 Comments
Nakuha ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) ang ikalawang gantimpala sa DAGITAB, isang Electronics Workshop and Contest, noong ika-18 ng Pebrero sa Computational Science Research Center (CRSC).
Nagwagi ng ikalawang gantimpala sa paligsahan sina Julianne Sasing ng Grado 8, at Christian Sarabia ng Grado 9. Pitong puntos ang lamang sa kanila ng kampeon mula sa Philippine Science High School habang nakamit naman ng Manila Science High School ang ikatlong puwesto.
UPIS PRIDE. Nagwagi sa sina Julianne Sasing (kanan) at naging kinatawan din ng UPIS si Marius Barcenas (kaliwa) sa katatapos lamang na DAGITAB 2017. Photo credits: G. Rafael Ibanez |
“Masaya siya, marami akong natutunan kasi parang it was more of a learning experience rather than a competition. Naramdaman ko na although focused kami sa pagkuha ng points, mas focused pa rin kami sa kung anong pinapagawa sa amin,” pagbabahagi ni Julianne Sasing ukol sa kaniyang karanasan sa patimpalak.
Lumahok din sa nasabing paligsahan si Marius Barcenas na kinatawan ng isa sa mga team na ipinadala ng UPIS. Sina G. Raffy Ibanez at Prop. Regina Taduran ang tumayong tagapayo ng mga kalahok na estudyante.
Ang DAGITAB ay isang patimpalak ng UP Engineering Radio Guild (UP ERG) na nilalayong mahasa ang interes sa Electronics at Engineering ng mga estudyante. Nagkaroon ito ng limang session sa loob ng isang buwan kung saan tinuruan ang mga kalahok ng basic electric circuit and logic circuit analysis, basic programming, at microcontrollers.// nina Chesca Santiago at Marianne Sasing
UPIS places 2nd overall in YouThink 2017
2/27/2017 08:01:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2017 08:01:00 PM Media Center 0 Comments
Fifteen students from the Media Center 2018 (MC2018) represented UPIS and won first runner-up honors in the recently-concluded YouThink 2017 held last February 18 at the UP Palma Hall.
YouThink is an annual writing seminar and competition for high school students organized by The Guilder Institute, the official publication of the UP Cesar EA Virata School of Business. Co-presented by The Philippine Star, this year’s event was themed Metanoia: Be the Change.
ANTICIPATION. Young delegates from 11 Metro Manila schools are all ears as Youthink '17 commences. Photo Credit: Guilder Wire |
Garnering the second highest overall score, UPIS bested 9 other schools including third placer Holy Spirit School of Quezon City but fell short to champion St. Theresa’s College.
The MC2018 team also bagged 4 individual medals, with Trisa de Ocampo and Marianne Sasing taking home 1st place in the News Writing and Business Writing events, respectively. Hannah Manalo finished next to Sasing in the same category while Hillary Fajutagana clinched third in the Editorial Writing event.
De Ocampo, Sasing, and other first place winners have the chance to have their work published in The Philippine Star.
The representatives were distributed among 6 writing events, namely, News, Business News, Feature, Editorial, Cartooning, and Photojournalism. Before the competition, a series of talks regarding the said writing events were conducted.
“It was a great learning experience for us and hopefully we can share what we learned with our classmates,” shared Forth Soriano, MC2018’s Editor-in-Chief who also participated in the event.// by Bryan Lina
Literary (Submission): Prom?
2/17/2017 09:39:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 09:39:00 PM Media Center 0 Comments
January-- karaniwang panahong may invitation na para sa prom. Natanggap na namin ‘yung amin last week. Last prom na namin 'to, tapos senior high school na.
Ngayon, isang buwan na lang prom na. Hindi ko alam kung paano ako magpoprompose sa kanya. Kinakabahan din ako kasi takot akong ma-reject pero ayaw ko rin namang maunahan ako. Alam ko ‘yung mga tipo niyang promposal dahil kaibigan ko rin naman siya. Hindi naman siya gaanong maarte sa promposal. Magarbo man o simple lang, ayos na sa kanya 'yon. Basta natanong siya nang maayos.
Nalaman ko rin 'yan kasi tinatanong-tanong ko rin siya, pero walang halong malisya. Hindi rin pahalata. Hindi naman din kasi masyadong nag-aassume 'yon. Ayaw niya kasi nang umaasa. Mahirap daw, hindi mo alam kung may inaasahan ka talaga o umaasa ka lang sa wala. Pero medyo magulo ‘yung sagot niya sa tanong ko. Depende raw sa tao ‘yung magiging sagot niya. Nako, baka may hinihintay na 'tong magprompose sa kanya?
UPIS Fair na, hindi ko pa rin alam kung paano ko siya tatanungin. Nauunahan ako nang pagkatorpe ko. Palagi na lang ganito, hay. Napagtanto ko na mas mabuti nang subukan ko na lang tanungin siya kaysa naman sayangin ko ‘yung mga pagkakataon at pagsisihan ko lang sa huli.
Pagkatapos talaga nitong mga practice namin para sa Battle of the Bands, tatanungin ko na talaga siya. Alam ko naman na kung paano ko itatanong sa kanya.
---
Ang dilim na pero papaalis pa lang ako ng school. Late na kasi nagsimula ang program ngayong araw. Tinapos ko lang ‘yung performance nung banda ng batch namin. Tinatawagan na rin ako ni Mama, kanina pa.
Ang bagal-bagal ko pang maglakad. Kasi naman nakaka-lss ‘yung kinanta nung huling banda. Migraine. Pababa na sana ako ng hagdan nang may tumawag sa akin. Paglingon ko, hingal na hingal siyang lumapit sa akin.
"Uy, ganda ng performance niyo kanina ha! Okay ka lang ba?" Tanong ko.
"Salamat. Oo, okay lang ako," sagot naman niya.
"Oh? Eh, bakit hingal na hingal nga?" pagtataka ko.
"May gusto sana akong itanong pero ‘wag kang magagalit ha? Kahit anong isagot mo, okay lang. Tatanggapin ko. Okay?" paliwanag niya.
"Okay..." kinakabahan kong sagot.
"Alam kong wrong timing 'to at biglaan, pero will you go to prom with me?"
Napatulala ako nang marinig ko 'yang tanong na 'yan. Hindi ko talaga inaasahan. Sa lahat ng taong magtatanong, hindi ko inaasahang sa kanya manggagaling.
"HA??" 'yon lang ang tangi kong nasagot sa sobrang pagkagulat ko.
"Will you go to prom with me? Okay lang kahit mag ‘no’ ka, tatanggapin ko naman," inulit niyang pagtatanong.
Ang tagal ko bago sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko kasi alam isasagot ko eh. Kaibigan ko kasi siya pero iba ‘yung hinihintay kong magtanong sa akin. Mag ‘yes’ or mag ‘no’ man ako rito, hindi pa rin naman siya ang magiging date ko…
"Kung ano mang sagot ko sa’yo, walang magbabago ha? Friends pa rin tayo?" paglilinaw ko. Ayokong maging awkward kami pagkatapos nito.
Tumango lang siya.
"Sorry pero no," malungkot kong sagot.
Nakakaguilty naman.
"Okay lang," sagot niya, kahit alam kong hindi naman. Tango lang siya nang tango.
"Uyy sorry talaga ha… Walang magbabago ha?" grabe sa sobrang pagka-guilty ko hindi ko namalayang niyayakap ko na pala siya.
"Oo nga. Okay lang talaga. Sige na, baka mas lalo ka pang gabihin n’yan," sabay pagbitaw at pagpapaalam niya.
"Sorry talaga ha? Sige, bye na," hay. Para namang may magagawa pa ‘yung mga sorry ko.
Pababa na ako ng hagdan. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil may nagyaya sa akin sa prom o malulungkot kasi ni-reject ko naman.
Gusto ko nang umuwi at itulog na lang 'to.
---
Kakatapos lang ng performance namin pero kinakabahan na naman ako. Paano ba naman kasi, ngayon ko pa naisipang magtanong sa kanya.
Hinanap ko muna siya. Baka mamaya kabadong-kabado ako rito, tapos umuwi na pala ‘yung tatanungin ko. Mas mabuting ngayon ko na gawin. Kung ipagpapabukas ko na naman, baka maunahan pa ako.
Ikakain ko muna 'tong kaba ko. Dami pa namang booth ngayon na masasarap ‘yung tinitinda.
Ayun na nga. Nakita ko na siya pababa ng hagdan. Okay na, busog na ako. Ready na akong magtanong!!!
Pero… bakit parang malungkot siya? Wrong timing ba kung magtatanong ako ngayon? I-reresched ko na naman ba promposal ko?
Bigla siyang napatingin sa akin at dali-daling lumapit. Hala siya. Bakit siya ganyan?! Bigla naman akog kinabahan.
Hinawakan niya ‘yung braso ko, nanginginig at nanlalamig ‘yung kamay niya. Nangingiyak pa ‘yung mga mata. Ano ba nangyari dito?
"Uy, ayos ka lang ba? Bakit ka naiiyak? Bakit nanlalamig 'yang kamay mo?" pag-aalala ko.
"Huuuuy. ‘Wag kang maingay ha? Sa 'yo ko pa lang 'to nasasabi, kasi ikaw ‘yung unang kaibigan na nakita ko. Kasi ikaw ‘yung nandyan. Hindi ko na alam gagawin ko. Nagiguilty pa rin ako. Nag-sorry naman ako pero alam kong hindi pa sapat 'yon. Nagprompose si Friend sa akin,” dali-dali niyang sinagot.
"Kasi ikaw ‘yung nandyan.."
"Nagprompose si Friend sa akin…"
Wow. 0 to 100 real quick.
"WEH? Talaga? Anong sagot mo?" kunwari-hindi-ako-affected na sagot ko. Pero, grabe, ganoon ba ako kabagal para maunahan?
Hindi ko inaasahang magtatanong din siya. Wala akong kaalam-alam na gusto niya rin pala 'tong kaibigan ko. Agh. Bakit ngayon pa?
"Oo, kahit ako rin nagulat eh. Hindi ko talaga inaasahan.
Nag 'No' ako," malungkot niyang sagot.
Paano na 'yan? Number 1 rule pa naman daw kapag tungkol sa promposal, hindi na pwedeng mag 'Yes' ‘yung tinanong kapag nag 'No' na siya sa iba.
Gusto ko sanang tanungin pa rin siya kaya nga lang… Paano kung nag ‘yes’ sa akin? Malay niyo lang naman, pero ang weird nun para sa kaibigan ko. Ang pangit tingnan. Ang sakit sa side niya. Pero ‘wag na rin. Mamaya i-reject din pala niya ako. Baka maging kotang-kota na siya sa pagkaguilty ngayong araw.
"Eh bakit ka malungkot na nag 'No' ka? Pinagsisisihan mo ba?"
"Hindi. Nagiguilty lang talaga ako. Kaibigan ko siya eh. Ang hirap kasi, malamang nasaktan ko rin 'yon," pagpapaliwanag niya.
Wala rin naman na akong magagawa. Kaibigan ko sila pareho. Lalo na ‘yung lalaki, simula pagkabata parang kapatid ko na siya kung ituring tapos itatapon ko lang sa ganito? Nako, ‘wag ganon.
"Kausapin mo na lang ulit, hindi naman mahirap kausap 'yon. Ipaliwanag mo na lang lahat sa kanya," payo ko.
"Sige. Maraming salamat. Uwi na ako," paalam niya.
Pinanuod ko siyang maglakad papalayo sa akin.
Hay. Wala na. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Sign na ba 'to na wala akong pag-asa sa kanya? O wrong timing lang talaga?
Kung nauna ba akong magtanong, may magbabago?
---
Naiisip ko pa rin ‘yung mga nangyari kanina. Nagiguilty pa rin ako. Ngayon ko lang na-realize, buti na lang at hindi niya tinanong kung bakit ako nag 'No' kay Friend.
Kasi iisa lang naman ang maisasagot ko sa kanya,
"Hinihintay ko kasing ikaw ‘yung magtanong sa akin nung tanong na 'yon."
Kung nakikisama lang sana ang magandang timing para sa ating dalawa…
Literary (Submission): Second Lead Syndrome (SLS)
2/17/2017 09:32:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 09:32:00 PM Media Center 0 Comments
EPISODE 1
“I like you” you blurted out in a hurry
Because of my shock, I almost choked
But you just laughed and told me it was just a joke
Dismissing your crazy prank, I smiled and giggled, too
When suddenly a tall and handsome oppa passed, then and there I knew
He was going to be my leading man
And the untamed beating of my heart began
EPISODE 2
But sadly, he was older and not my classmate
As expected, girls from everywhere tried to get his attention
And I’m just here, far away, filled with hidden admiration
EPISODE 3
But with chingu’s support, my heart filled to the brim with hope
So I sent him a note and revealed my identity
I was prepared to be liked back, but he just ignored me
EPISODE 4
Oppa’s uninterested face I could not forget
You replied, “Forget him already, find someone new,”
“Find someone who really deserves you.”
EPISODE 5
I did everything, from writing poems to cutting my hair
But I grew tired of chasing someone who doesn’t see me
I guess I wasn’t cut out to be his leading lady
EPISODE 6
I didn’t respond because I didn’t know how to
He spent time with me, more each day
But I was hesitant and didn’t want to stay
He was adored by my other friends and even my mom
I guess I adored him, too, but now, my heart is calm
They were rooting for us, wanted us to end up together
But, after all his indifference before, I now knew better
EPISODE 7
I don’t need someone to grab my wrist to stop me from leaving
Or someone to deliver cheesy lines and have looks that are breathtaking
I don’t need someone to swoop in and do a heroic deed
I realized I don’t need a K-drama lead
The one who comforted me whenever I cried
The one who endured the agony of pretending he was fine
You, the chingu who shared this agony mine
You, the one who stayed along the sidelines, watching from afar
The one who kept his feelings locked up in a jar
You might not be the star of the show
But even after over a hundred episodes, my love for you can only grow
THE END
Literary (Submission): For the Right Love That'll Come
2/17/2017 09:24:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 09:24:00 PM Media Center 0 Comments
I’m sorry.
It’s been a while.
Perhaps I’m still an emotional wreck,
But I know I loved you for a reason.
Bear with me, I know I can be indecisive
But the truth is I just don’t like to assume.
I don’t like giving meaning to the little things.
It makes me think about the wrong things.
I don’t understand mixed signals.
Please, let me feel that this is worth it.
I promise you that I’ll let you know
That I loved you for the right reasons.
Because I’m pretty sure that I’d hesitate
Even with the slightest of doubts.
Help me remember
How it feels like to be loved.
Help me remember
How even the darkness can be the brightest of places.
How I can still be loved
Even though I can’t get myself together.
How you can revive
The ember that once burned for someone else.
Forgive me if sometimes, I compare you to her.
It’s not that she set my standards,
But sometimes these little things of the past
Just suddenly shine like the stars that come and go.
You deserve to be happy,
To be loved by the right people.
I hope that I am worthy of your heart
Because I know you’re more than worthy of mine.
I promise you, I won’t look back.
Because I know that things had to happen the way they did
So I can find my way to you.
Stay with me.
I’ll show you how much I love you
And why love is always worth coming back for.
Literary (Submission): Repazoned
2/17/2017 09:18:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 09:18:00 PM Media Center 0 Comments
Ang mga hakbang ay patungo sa iyo
Nanginginig na rin ang mga tuhod ko
Sa nanlalamig kong kamay, Tsokolate’t bulaklak
Aaminin ko sa’yo ito ang nabuo kong balak
Mula sa likod, kinalabit kita
Humarap ka't tinanong kung bakit ako namumula
Tanging nasabi ko lang ay "Mahal kita"
Ngumiti ka't sinagot ako ng "Easyhan mo lang, repa."
Di nagtagal, ika'y aking niligawan
"Bakit naman kita sasagutin?" Tanong mo sa’kin
"Dahil nangangako akong ika'y mamahalin"
Lumapit ka sa akin at bigla akong hinalikan
"Gising! Gising!" Sigaw ni Inay
Minulat ko ang aking mata at tumayo
Sa kalendaryo’y agad akong nagtungo
Ika-labinlima na ng Pebrero!
Lumingon ako sa tukador kung saan nakalagay
Tsokolate't bulaklak na hindi ko pa naibibigay
Pumikit ako't humiling na sana hindi ako nagising
Dahil ang totoo’y hanggang ngayon di ko pa naaamin.
Literary (Submission): Para kay F
2/17/2017 09:12:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 09:12:00 PM Media Center 0 Comments
Hindi ako sigurado kung maisusulat ko o maisasalin ko sa mga salita ang aking nararamdaman pero susubukan ko.
Naalala ko pa ‘yung araw na binigyan mo ako ng tatlong pulang rosas at isang laruang oso. Ika-apat ng Pebrero taong 2016.
Kasabay nito ay ang pagbigay ko sa’yo ng puso ko. Umuwi ako noon ng nakangiti. Ito ang unang araw ng mga puso na hindi ako mag-isa. Ito ang unang araw ng mga puso na may nagmamahal sa'kin.
Sa mga natirang panahon ng 2016 nasa iyo lang ang puso ko. Nakampante ako na nasa akin din ang iyo. Mahal na mahal na kita, at siguradong mahal mo rin ako.
Nang patapos na ang taon, nagsimula nang lumabo ang lahat. Nasa iyo lang ang puso ko, pero nasa akin pa ba ang iyo? Mahal pa rin kita ngunit mahal mo pa ba ako?
Ika-apat ng Pebrero taong 2017. Ang pulang rosas na iyong ibinigay ay unti-unting naging kayumanggi. Ang mga talulot ng bulaklak ay unti-unting nalagas. Ang rosas ay nalanta. Nawala ka.
Sana sa susunod na magbibigay ka ng rosas para sa iba ay ibigay mo na rin ang puso mo sa kanya.
Mahalin mo siya. Mahalin mo siya hangga't sa maubos ka. Kagaya ng pagmamahal ko sa’yo.
Ipaglaban mo siya kahit anong mangyari at 'wag na 'wag mo siyang susukuan. 'Wag mo siyang susukuan kagaya ng nangyari sa atin.
Kapag nagkakalabuan na, gawin mong malinaw na mahal mo siya. Yakapin mo siya at patahanin kapag siya'y umiiyak.
Ibigay mo ang lahat sa kanya. Ibigay mo sa kanya ang pagmamahal na hindi ko naramdaman. Ibigay mo sa kanya ang lahat ng pagmamahal na para sa akin.
At para sa babaeng pagbibigyan mo ng mga rosas,
Gusto kong malaman mo na maswerte ka. Aalagaan mo yan ha? Kasi hanggang ngayon nasa kanya pa rin ang puso ko. Kasi hanggang ngayon mahal ko pa siya.
Literary (Submission): Tayo? Kayo.
2/17/2017 09:06:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 09:06:00 PM Media Center 0 Comments
Nagulat ako sa iyong sinabi.
Kahit ito’y inaasahan ko na.
Nagtanong ka.
“Oo” ang sabi niya.
Sino nga bang ‘di kikiligin?
Ang sarap pagmasdan,
Nag-uumapaw na kaligayahan
Na bakas sa iyong mukha.
Ngunit ano itong aking nadarama?
Tila ba parang di ako tunay na masaya.
Selos nga ba?
Ako na lang ba sana?
Makasariling katanungan.
Subalit ito’y di ko maiwasan.
Oo, nalulungkot ako.
Dahil may pagtingin ako sa’yo.
Ano nga bang dapat maramdaman?
Lungkot o ligaya?
Maligaya para sa kanya?
O lungkot kasi masakit na?
Mabigat sa’king puso.
Nalilito maging isipan ko.
Aasa pa ba ako?
O, dapat tanggapin ko na ang lahat ng ito?
Martir na kung martir.
Susuportahan kita.
Kung saan ka maligaya.
Pagtingin ko’y habambuhay itatago na.
Literary (Submission): Pitik-bulag
2/17/2017 09:01:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 09:01:00 PM Media Center 0 Comments
Ang larong ito’y para sa dalawa
Para sa mga taong nagbubulag-bulagan sa nadarama ng isa’t isa
Tinatakpan ko ang iyong mga mata nang di mo makita
Ikinukubli pa rin sa’yo, baka di pareho ang nadarama
Baka sa huli ako lang pala ang umaasa
Baka ako lang pala ang umiibig nang mag-isa
Sa isang ‘di inaasahang pagkakataon nahulaan mo ito
At binigkas mong “Gusto mo pala ako”
“Ba’t di mo pa sinabi noon?”
Sabi mo’y may gusto kang dalagita
Umaasa akong ako ang iyong sinisinta
kaso ang babaeng ito’y iba pala
Ang larong ito’y para sa dalawa
May isang di nakikita ang nadarama ng iba
Kaya hihilingin na lang na sana’y sumaya ka,
Kalaro ang iba
Literary (Submission): Undone
2/17/2017 08:56:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 08:56:00 PM Media Center 0 Comments
If ever the time I break comes
When I lose sight of what I stand for
When all my dreams and aspirations become lost in the murk of my sorrow
When I disregard my promises
When I fall for you for the last time
Please, my dearest, remember that you’ll always be my limit.
You’ll be the farthest I’ll go
You’ll be the greatest I’ll endure
You’ll be the loveliest I’ll see
You’ll be the most I’ll ever love.
But I’m yet to give in.
I am still.
Literary (Submission): Kailan
2/17/2017 08:53:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 08:53:00 PM Media Center 0 Comments
Kailan kaya ulit masisilayan
Mga ngiting nagbigay lambing
Sa mga araw na makulimlim
Ikaw ang bumubuhay sa akin
Kailan kaya magiging totoo
Ang damdaming itinatago
Sapagkat itong puso ko
Matagal nang naghihintay sa’yo
Kailan kaya ulit maririnig
Mga salitang oo at hindi
Ang pobreng ito’y labis na umaasang
Bigyan mo ng pansin kahit sandali
Hanggang kailan ako maghihintay
Hanggang kailan ako magtatanong
Kailan kaya makakamit ang panahon
Na maging totoo ang maririnig sa iyong “Oo”
Literary (Submission): Ikaw at Ako
2/17/2017 08:43:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 08:43:00 PM Media Center 0 Comments
Mayroong ikaw
Mayroong ako
Nariyan ka at nandito ako
Ngunit walang tayo
Maghihintay ako
Ipinangako kong kakayanin ko
Ngunit pinaasa mo lang ako
Dahil sa mga salitang sinambit mo
“Patawad pero babalik ako
Babalikan kita. Magiging tayo.
Araw-araw tatawagan kita.
Pangako. Hintayin mo ako.”
‘Yan ang mga salitang binitiwan mo
Na pinanghawakan ko
Ngayon ako’y umaasa pa rin
Sana’y di ito pagpapakamartir
Ngunit ang iyong mga pangako
Unti-unti nang napapako
At sa paglipas ng mga araw na wala ka
Unti-unti na rin akong nawawalan ng pag-asa
Naghihintay pa rin ako Babs…
Hanggang sa muli
Literary (Submission): Forelsket
2/17/2017 08:38:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 08:38:00 PM Media Center 0 Comments
Wherever you are, wherever you may be
May the moon bring you peace and serenity
Wherever you are, wherever you may saunter
May the wind hum sweetly and lull you into slumber
Whenever melancholy decides to wrap you up tight
May the bright, gay sun loosen and lessen your plight
Whenever fear decides to shroud you in its shadow,
May the pleasant memory of what we used to be, free you from the down low
Whoever manages to give you all that you deserve,
May he receive the love you have saved and reserved.
Whoever manages to kiss your woes away,
May he profess his love to you ‘til his dying day.
All these may’s for I’m unable to guarantee
That the metaphors I’m talking about are scenes in reality
But in the end, may happiness you find
I’ll let you go for now, but you’ll forever be in my mind.
Literary (Submission): For One More Chance
2/17/2017 08:35:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 08:35:00 PM Media Center 0 Comments
What words are there
That haven’t been said yet?
I’m sorry
I was wrong
I didn’t know
I still love you
Please give me
One more chance
A second chance
I’m sorry
I am not resentful
I am guilty
True as they may go
They are merely
Groups of letters
Designed as evidences
Of my mistakes,
Of my impatience.
I am sorry.
I hate myself for it.
I was wrong
I know that now
I do love you
I have loved you
Since I was seven
I never stopped
And probably never will
I’m still waiting
For one more chance
Literary (Submission): Sa Tamang Panahon
2/17/2017 08:30:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 08:30:00 PM Media Center 0 Comments
2012. Periodic Test.
May isang oras na break sa pagitan ng exam sa Science at Filipino.
Nakatanggap ako ng isang text mula sa’yo.
Nasa library ako, pumunta ka dito :)
Sa mga oras na iyon, kumakain ako ng siomai sa tindahan ni Aling Norms sa may Lovers Lane na di naman kalayuan sa library. Di ko alam kung matutuwa ako o ano, pero sa kaba ko, nabilaukan ako sa kinakain kong siomai.
Sa isip ko, tinatanong ko kung ano naman kayang naisip mo at pinapapunta mo ako sa library? At sa lahat ng lugar, bakit sa library? Di ka naman mahilig magbasa, at lalong di ka naman nag-aaral.
“Uy sandali lang ah. May pupuntahan lang ako sandali,” sabi ko sa mga kaibigan kong kumakain din ng siomai habang nagbabasa ng Ibong Adarna.
Di na ako nag-reply sa text mo dahil alam kong alam mo naman na pupunta ako. Alam ko rin namang alam mo rin na hindi ako hihindi sa’yo. Inamin kong gusto kita kahit alam kong may gusto kang iba. Gusto ko na ring tigilan itong kalokohan na ito dahil alam kong wala namang mararating. Ngunit heto ako, papunta pa rin sa’yo.
Nakarating na ako sa library. Wala ka sa labas na bahagi ng lib kaya naisipan kong pumasok sa loob kung saan nakalagay ang karamihan sa mga libro.
Nakita kita. Nakita mo ako. Naupo ako sa harap mo. Isang malaking lamesa ang pagitan natin.
Kahit na malayo ako sa’yo, kita ko sa mga mata mo ang kalituhan at kalungkutan. Alam kong may di magandang nangyari.
“May sasabihin lang ako sa’yo,” sabi mo, habang nakatingin sa mga sapatos mo. Ramdam ko ang lungkot sa boses mo. Gusto kong malaman kung anong sasabihin mo ngunit mukhang di pa ko handa.
“Ano?” mahinang sabi ko. Hindi ko alam kung narinig mo. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ang intense, grabe.
Tinignan mo ako sa mata. “Nakapagdesisyon na ako.”
Di ako nakaimik. Nakalimutan ko na kung anong huli nating pinag-usapan para sabihin mo sa’kin ‘yan. Ngunit mabilis na bumalik sa akin ang alaala ko. Humingi ka nga pala ng panahon para makapag-isip. Dahil sa akin, naging magulo ang isip mo. Mabuti naman at nakapag-isip-isip ka na.
“Ang pinipili ko ay si …”
Naramdaman kong nangingilid ang mga luha ko. Mahirap man tanggapin at gusto ko man umiyak, pinigilan kong tumulo ang luha ko. Ngumiti ako.
“Ah. Teka tinext na ako ng mga kasama ko. Hinahanap na nila ako,” palusot ko para lang makaalis sa harap mo.
Lumabas ako ng library at tuluyang pumatak ang mga luha ko.
Hindi ako. Hindi ako ang pinili mo.
2018 Graduation
“Stay strong kayo ah.”
“Oo naman! Kayo rin ah.”
2022 Tamang Panahon
Nagmamadali akong tumakbo pababa sa tambayan ng org para hanapin ka. At nang marinig ko ang tawa mo, alam ko na agad na malapit ka lang sa hagdan. Kaya naman, habang papalapit ako, pabagal din nang pabagal ang paglalakad ko.
Nasa likod mo na ako. “PUMASA KA SA --- ”
“AY @(÷*/!+¥*”?);:!# HAYOP KA!!!”
Sa tindi ng tawa ko, di na ako makahinga. Di ko na rin masabi nang maayos sa’yo ang nakakagulat na balita ko.
“Walang hiya ka. Humiwalay ata kaluluwa ko sa katawang lupa ko,” sabi mo, na di malaman kung matatawa rin o maiinis sa’kin. “Huli ka na sa balita. Alam kong nakapasa ako.”
Ay ganoon ba. Lagi naman akong huli. Okay lang, sanay na.
Sa di ko inaasahang pagkakataon, niyakap mo ako. “Huy, salamat ah. Tinuruan mo ako kahit ang dami mong ginagawa. Labas tayo mamaya, bababawi ako sa’yo. Di ka naman humihindi sa libre, di ba?”
Ayos din ah. Kilalang kilala mo na talaga ako. Siyempre hindi ako hihindi sa’yo.
Pagdating sa kainan na ginagawa nating library, bumili ka agad ng pagkain. Ako naman, naglabas ng laptop at nagsimulang mag-type ng thesis.
“Di ka ba nagsasawa dito?” tanong ko sa’yo. Halos linggo-linggo kasi tayong kumakain doon.
Ngumiti ka. “Hindi. Ang dami na nga nating memories dito eh. Ang dami kong naalala ‘pag nandito ako… tayo.”
“Eh ‘yong ginawa mo sa’kin ‘nong Grade 7 tayo naaalala mo pa ba?” sabi ko, sabay tawa ng malakas. Rinig na rinig sa buong kainan ang tawa ko.
Parang maiiyak ka na sa kahihiyan habang nagtatago sa likod ng laptop ko. “’Yan ba ‘yong sa lib? Grabe nakakahiya. Sorry na po,” mangiyakngiyak mong sinabi sa akin. Natatawa na lang ako sa’yo.
“Grabe ‘no, sampung taon na pala ‘yon. Parang kailan lang, di pa puro thesis inaatupag ko.”
“Oo nga eh. Pero ikaw, di ka pa rin nagbabago kahit naghiwalay na kayo, hanggang ngayon mataray ka pa rin, pero mabait, matalino, at ikaw pa rin ang personal tutor ko. At hanggang ngayon ako pa rin ang gusto mo,” sabi mo, sabay kindat na may kasamang nakakaasar na tawa.
Gusto ko man ibato sa’yo ang laptop ko, hindi na lang. Sayang effort. Pero ikaw, nagbago ka na simula nang magkahiwalay kayo. Hindi na ikaw ‘yong iyakin na batang kilala ko. Di ka na rin mabilis mapikon. Pero mabait ka pa rin, pasaway minsan, at di ka pa rin nag-aaral. At lalo ko pang nakilala ang bagong ikaw noong mas maging malapit tayo nang magkolehiyo na.
Simula nang makalipat ka dito, ikaw na ang lagi kong kasama. Pano bang hindi, eh sa dinamirami ng kurso, kaparehong kurso ko pa ang napili mo. Minsan wala na rin akong choice kundi tulungan ka sa pag-aaral mo, kaya mas napalit talaga ako sa’yo.
“Huy, salamat pala sa libre ngayon ah. Feeling ko ang swerte ko kasi natulungan na kita, libre pa lunch ko.”
Ngumiti ka lang. Pero di basta bastang ngiti kundi ngiting abot tenga. Lalong sumingkit ang mga mata mo.
“Ako nga dapat magpasalamat sa’yo eh. Kung hindi dahil sa’yo, baka bumagsak na ko sa long test last week,” napangiti lang din ako at tumuloy sa pagta-type ng thesis. “Kung feeling mo swerte ka, feeling ko mas swerte ako.”
“Ha? Paano?” natatawa kong tanong habang patuloy sa pag-type.
“Kasi naman, pumasa na ako sa long test, may date pa ako sa crush ko.”
Natigilan ako. Natulala. Namula, siguro. Nagulat, sobra. Akala ko tapos na ‘to. Akala ko wala nang happy ending ang malungkot na kwento nating dalawa.
Siguro nga hindi lahat ng nabubuong samahan noon ay nananatiling buo, ngunit hindi rin naman pala lahat ng nasisirang samahan ay hindi na maaaring mabuo ulit.
“Hindi. Mas swerte ako, dahil sa wakas, pinili mo na rin ako.”
Literary (Submission): On the Encomium of Aristophanes
2/17/2017 08:27:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 08:27:00 PM Media Center 0 Comments
That night,
I looked at you for the second time.
I remembered thinking
how beautiful you looked,
how your face lit up when you smiled.
I remembered
the wrinkles on your eyes as you stared at me,
the gentleness of your hands holding mine.
I kept thinking
why we did not work out the first time.
More than two thousand years ago,
A wise man said
In his speech to praise Eros
To praise love
That we once lived by twos
In one body
With two faces peering
Out of one giant head
And four arms and four legs
Called children
Of the sun and the moon and the earth
And these children
Cut in half
Scattered by great floods
Cursed to look for each other
In their lifetime
In all their lifetimes
And I found you
My other half
A soulmate, you might say,
Standing so close to me
And I found
You had your own soulmate
The morning I looked at you
For the first time
You looked at someone else
Maybe you weren't my other half
But the first time
We looked
at each other
That night
It was the second time
I fell for you
We knew we wouldn't last
And maybe we weren't
Made
For each other
Weren't destined for one another
We decided
That we needn't be halves of a whole
In our first lives
To love
And be loved
This 'love' did end
On a sad note
And we saw it end
With tears
And smiles
With broken cheers
And hopeless cries
Twice
We loved
Hoped that
That wise man
Was wrong
Maybe we were those halves
Meant to be one
But we knew deep inside
And we loved anyway.
Literary (Submission): Abot Langit
2/17/2017 08:23:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 08:23:00 PM Media Center 0 Comments
Sino ang tunay na nagmamahal?
Iyon bang ipinadarama ang pagmamahal sa mga yakap at halik?
Maaari ka bang magmahal sa hindi mo makita at makasama?
At paano kung hanggang dasal at luha na lamang ang lalim ng iyong nadarama?
Paano maipakikita ang pagmamahal sa isang taong wala na sa piling mo?
Paano ko paabutin sa langit ang pagmamahal at pasasalamat na di ko naibigay sa’yo?
Sana’y dinidinig ng langit ang araw-araw kong panalangin na muli kang makapiling.
Ang pagluha’t pag-alala ko sa’yo sana’y maiparating ng mga bituin.
Kayong mapapalad!
Malaya kayong magmahal nang kapiling sila.
Mararanasan ninyo ang kanilang yakap.
Mararamdaman ninyo ang mapag-aruga nilang mga bisig.
Walang hadlang.
Tunay na mapalad ang sinumang may ina pang inuuwian
Nawalan na ng halina ang araw para sa akin.
Pagkat sa gabi at sa panaginip ko na lamang siya nakapipiling.
Sa umaga, ang kalinga ng ina ang hanap-hanap ko paggising.
Bago ko maalala na ang gunita niya na lamang ang natitira sa akin.
At habambuhay ko pang hinihintay ang araw ng muling pagkikita namin.
Kaya oo, may pag-ibig na di tulad nang sa iba.
Di matatagpuan sa masayang usapan, yakap,halik at madalas na pagkikita.
Ang pag-ibig na minsa’y napupuno ng mga luha.
Ang pagmamahal ng isang anak para sa inang nasa langit na.
Literary (Submission): Bawat Tulang Pang-Araw ng mga Puso
2/17/2017 08:19:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 08:19:00 PM Media Center 0 Comments
Literary: Supernova
2/17/2017 08:13:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 08:13:00 PM Media Center 0 Comments
Literary: Stargaze
2/17/2017 08:08:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 08:08:00 PM Media Center 0 Comments
Barely in the present tense
I can sense your presence
You’re right beside me
And as I glanced at you, I see
That you were lit up with glee
Lying down on a bed of leaves,
Exchanging thoughts and fantasies,
As we are beneath the stars,
All throughout the night,
Everything just felt and seemed so right
As we shared
Bits of information,
The air was filled
With a sweet sensation,
As you said to me
That Valentine’s Day is special
And you chose to spend
This moment, with me
Your existence is unprecedented;
It crowds the space,
Where my ideas dwell
Distorting facets of reality,
Such as sight and smell
At that time,
When we were with each other,
We were happy
In close proximity
The level of positivity
Is beyond any other feeling
I hoped that it would not end,
For it was everything
That the extent of my mind
Could have ever imagined
Yet, it was just that:
Another one of my fascinations,
Another common daydream.
As you got closer to me
An unknown force
Somehow reminded me
And pushed me back into reality
Literary: Muling Sagipin
2/17/2017 08:05:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 08:05:00 PM Media Center 0 Comments
Hindi mo ako mahal
Alam ko iyon simula pa lang
Sa tuwing hinahawakan mo ang aking mga kamay
Na para bang isang malamig na bakal lang ang iyong tangan-tangan
Sa tuwing yayakapin mo ako
Hindi pa nagdidikit ang ating mga katawa’y nakabitiw ka na
Sa tuwing mamumutawi sa iyo ang ”mahal kita”
Para bang may tinatagong kahulugang “mahal ko pa rin siya”
Sa paulit-ulit na pag-iwan mo sa akin
Hindi ba dapat ako’y pagod na?
Pero bakit ganoon?
Hanggang ngayo’y nalulunod pa rin ako
Mula sa pangungulila sa iyo
Alam kong mahirap ngunit
Maaari bang kahit sa huling pagkakatao’y
Sagipin mong muli ako?
Literary: Siya Pa Rin
2/17/2017 07:59:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 07:59:00 PM Media Center 0 Comments
Ika-labing-apat ng Pebrero. Malamig ang simoy ng hangin, tahimik na ang paligid. Tanging liwanag ng buwan at mga bituin ang nagdadala sa ‘kin patungo sa isang bangkong kahoy sa ilalim ng puno ng mangga. Mabilis ang aking paglalakad, unti-unti’y namalayan ko na lamang na tumatakbo na pala ako. Sumasabay ang bilis ang pagkabog ng aking dibdib sa bilis ng paghakbang ng aking mga paa. Dahil sa pagod o dahil sa kasabikan na makita ka? Papalapit na ako sa pupuntahan. Natanaw kita. Naghihintay. Nakaupo, nag-iisa. Lumapit ako sa’yo hinihingal lang ba ako? O, ang pagkabog ng dibdib ko’y isang masamang palatandaan. Nang makaharap na kita, tila nag-iba ang pakiramdam ng paligid.
Kung para sa iba ay may malalim na ibig-sabihin ang araw na ito, ibahin mo ako. Hindi naman mahalaga para sa akin ang araw na ito; isang araw lamang itong ordinaryong araw. At, kung hindi dahil sa tawag mo, hindi ako babangon mula sa buong araw na pagkakahiga sa kama ko.
Humahangos, hinahabol ang paghinga. Bigla kang tumingin sa akin nang may luha sa iyong mga mata. Sinalubong mo ako ng mahigpit na yakap; ang nauna nang bilis ng pintig ng puso ay nadagdagan pa. Naamoy ko ang pabangong lagi mong ginagamit, ngunit kahalo nito ang amoy ng serbesa mula sa paghinga mo. Umiiyak ka; nagsasabi ng mga salitang ‘di ko mawari kung ano ba, o hindi naman kaya’y hindi ko na lang ininda. Bumagal ang ikot ng mundo. Hindi ko malaman ang dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ako dahil sa pagkakadantay ng iyong magandang mukha sa aking bisig, o malulungkot at makikisimpatya sa iyong pinagdaraanan? Subalit hindi naman ito tungkol sa iniisip o nararamdaman ko. Tungkol ito sa nararamdaman mo, sa pinagdaraanan mo, sa pagluha mo, sa iyo; lagi naman itong tungkol sa iyo.
“Iyakin ka talaga ‘no?” bungad ko, habang hindi ka pa rin bumibitaw mula sa iyong pagkapit sa akin.
“Mahal mo naman ako kahit na ganito ako, hindi ba?” Tila lumamig pa lalo ang paligid at nanigas ang aking buong katawan sa iyong tugon.
Bumitaw ako, “hindi naman ako tatakbo dito kung hindi, ‘di ba?” Gumaan ang pakiramdam sa aking dibdib nang marinig kang tumawa ng kahit kaunti. Kahit pilit lang.
“Anong chapter na ba tayo diyan sa kwento mo?”
“Hindi naman umuusad ‘yung kuwento,” unti-unti na akong nakaramdam ng kurot sa aking puso, “siya pa rin naman, wala nang iba.”
“Akala ko ba ayaw mo na sa kanya?”
“Akala ko rin eh.” Akala ko ayaw ko na.
“Naninigurado lang naman.”
“Wag mo nang ipamukhang tanga ako.”
“Mahal mo pa rin?”
“Iiyakan ko ba siya kung hindi na?”
“Ako, mahal pa rin kita.”
Lumalalim na ang gabi, lumalalim ang usapan, lumalalim ang kirot sa puso na ako rin naman ang siyang nagtanim dahil sa damdamin kong di mo naman kayang tumbasan. Hindi nagtagal, nakatulog ka sa balikat ko. Tumingin ako sa buwan na lalo pang nagliwanag, kabaliktaran ng aking pag-asa na lalong nagdilim. Lumiwanag ang paligid kasabay ng panlalabo ng aking isipan at nararamdaman.
Pinasan kita sa aking likod at doon na nagsimulang maglakad pauwi. Sa aking paglalakad, narinig ko ang malambot mong tinig sa aking tainga:
“Bakit ba siya pa rin?”
“Bakit nga ba ikaw pa rin?” paulit-ulit kong tintanong sa aking isip. Pilit na hinahanapan ng kasagutan. Pero, wala, bumabalik pa rin ako sa simula. Walang maisip na dahilan bakit hindi kita dapat mahalin.
Ika-labing-apat ng Pebrero. Wala namang espesyal sa araw na ito, maliban na lang sa’yo. Kung maari lang sana na para sa iyo ay ganoon din ako.
Literary: Long Stemmed Rose
2/17/2017 07:55:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 07:55:00 PM Media Center 0 Comments
I always water the rose
You gave me on Valentine’s Day.
Every drop of liquid
That kisses its red petals
Reminds me of how sweet and romantic
You once were.
Each time I try to touch
The long-stemmed flower,
I always get pricked by its thorns.
Yes, it hurts
And stings
But what hurts the most
Are the sharp words
That pricked my heart,
And the jealousy
That stings whenever
I see the sight of you and her
But just like the rose,
Our time ran out and
What we once had
Has now wilted.
Literary: Ganito Ako Mahalin
2/17/2017 07:51:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 07:51:00 PM Media Center 0 Comments
Mahal kita.
Mahal mo ako.
Yun nga lang, mahal mo rin siya.
Pero ako ang pinili mo.
Kahit na alam naman nating lahat
Na mas matimbang siya sa puso mo
At minahal mo lamang ako
Dahil ako ang nagpupunas ng mga luha mo
Habang siya ang nagpapaiyak sa iyo,
Kaya ako ang pinili mo.
Naging masaya tayo, oo, aaminin ko.
Kahit na siya ang tunay na kaligayahan mo,
Mukha niya ang nakatatak sa isipan mo,
Pangalan niya ang siyang isinusulat mo,
Oo, naging masaya ako.
Kahit na 'pag nagkakatinginan tayo,
Alam kong mata niya ang hinahanap mo,
Kahit na 'pag nagpapaalam ako
Alam kong hinahangad mong
mangangamusta siya,
Oo, naging masaya ako.
Pero sa dulo ng lahat,
Ang mukha niya pa rin
Ang nais mong makita sa bawat paglingon mo,
Ang mga paa niya
Ang inaasahan mong sumasabay
sa bawat yabag mo
Ang kamay niya ng hinahangad mong hawak-hawak
Na nagbibigay sa iyo ng katiyakan
Masigurong nandiyan pa siya.
Oo, naging masaya ka
Sa piling niya.
Heto pa rin ako
Patuloy na kumakapit pa rin sa'yo
Kahit alam kong sa dulo
Ng ating pagsasama, sa huling araw, sa dulo ng mundo,
Nasa huli ako ng buhay mo
Dahil kahit anong gawin siya ang una sa puso at isip mo.
Oo, mahal kita.
Nakakatawa nga naman
na ang salitang "mahal"
Ay maraming kahulugan.
Mahalaga, iniibig, isang sugal.
Mahalaga ako,
Pero siya ang iniibig mo.
Ngunit dahil ito’y isang sugal,
Ako ang pinili mo.
Ganito ako mahalin.
Literary: Para sa Pinakamamahal
2/17/2017 07:44:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 07:44:00 PM Media Center 0 Comments
Araw na naman ng mga puso. Panahon na upang ako’y bumili ng iyong paboritong mga bulaklak at mga tsokolate. Kay bilis nga lumipas ng oras. Magpipitong taon na tayo ngayon. Sa pagkakaalala ko’y sa ating ika-pitong taon, doon na kita aayaing makasama habambuhay.
Heto na nga, dumating na ang araw na pinakahihintay. Hinanda ko na ang singsing. Ipinagpaalam ko na rin sa mga magulang mong aayain na kita. At mas lalong nahanda ko na ang sarili ko. Ikaw na lang talaga ang kulang at ang pagsagot mo ng “oo.”
Ilang oras kitang hinintay sa ating tagpuan kung saan una tayong nagkakilala. Nag-alala na nga ako. Naka-ilang tawag at text na ako pero hindi ka sumagot. Hindi ka dumating.
Pinalipas ko ang gabing iyon na puno ng kalungkutan, kaba, at napakaraming tanong. Subalit naging malinaw ang lahat nang ‘di kinalauna’y may natanggap akong mensahe mula sa’yo. Sabi mo, “Sorry, tigilan na natin ‘to.”
Hindi ko alam anong dapat maramdaman. Sinuyo kita upang ako’y iyong balikan. Binabagabag ako ng aking isipan—kung may pagkukulang ba ako sa’yo o may mali ba akong nagawa. Iniiyakan kita buong magdamag at iniisip kita oras-oras.
Pero kahit anong gawin ko wala talaga, Kahit anong pilit ko, hindi na magiging tayo muli.
Lumipas ang ilang taon, sinubukan kong kalimutan ka at maghanap ng iba. Sa ‘di inaasahang takbo ng tadhana’y bigla akong nakatanggap ng tawag mula sa iyong ina. May pinasasabi ka raw.
“Para sa aking pinakamamahal,
Pasensya na at kailangan kong iwanan ka. Alam kong masakit pero kinailagan ko talaga. Iyon lang ang tanging solusyon at ‘yun lang din ang paraan upang ‘di ka masaktan nang lubusan. Wala akong pinagsisihan doon at ‘wag mo sanang isipin na ginawa ko ito dahil hindi na kita mahal. Mahal na mahal pa rin kita. Pero kinailangan kong iwan ka para sa ikabubuti nating dalawa.”
Nagpaliwanag siya. Ngayon, talagang malinaw na ang lahat. Ngunit bakit ganito, lalong mas masakit? Bakit ngayon ka pa bumabalik kung kailan sinusubukan ko nang kalimutan ka? Namuo ang galit sa akin. ‘Di ko na napigilang iiyak na lang ang lahat. Napagtanto kong mahal pa rin talaga kita.
Tinawagan kong muli ang iyong ina at tinanong kung bakit kailangan ka pang bumalik. Kung bakit ‘di mo masabi sa akin ng personal ang mga bagay na iyon. Kung bakit bigla ka na lang naglaho. Hindi na kita nakita. Wala akong narinig mula sa iyo.
“Wala na siya.” gumagaralgal ang tinig ng iyong ina habang sinasabi ang mga salitang iyan.
Naluha ako. Hanggang ang luha ay napalitan ng iyak. Sa huli’y mga hikbi na lamang kasama ng pait ng katotohanan. Noon ko lamang napagtagpi-tagpi kung bakit biglang naging ganoon ka sa’kin—kung bakit kinailangan mong gawin iyon.
Lumipas pa ang ilang taon mula noong araw na iyon nang makipaghiwalay ka sa akin. Narito ako ngayon, tanggap na ang pag-alis mo. Ngunit, hindi maikakaila sa sarili na ikaw pa rin ang nilalaman ng aking puso. Sigurado ako, walang sinumang makakapalit sa’yo—ang pinakamamahal ko.
Literary: Ask
2/17/2017 07:38:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 07:38:00 PM Media Center 0 Comments
WHEN
It was Valentines then
When my heart broke
It was torn apart, went up in smoke
That was the time I lost all hope
Now it’s coming back, all over again
WHERE
Hurts me still
Right beneath my chest
Can’t accept the fact that it was all a jest
Now there’s nowhere to go
Suddenly, my life’s a mess
WHO
The girl who lifted me up
The one who I once considered
My other half,
Ended up breaking my heart
WHAT
It was the end of our love story
And up to now everything remains a mystery
WHY
I still don’t know
Literary: 10 Things I Hate About You
2/17/2017 07:36:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 07:36:00 PM Media Center 0 Comments
I hate everything about you, even the perfect parts
I hate that you’re the type of girl everybody wants
I hate the way you smile, and how it captivates me
I hate it when you tie your hair, and how it looks quite pretty
I hate it when you don’t reply to my messages; it makes me feel worthless
But I also hate it when you talk to me; you keep me up for days, sleepless
I hate the way you dress, elegant and classy
I hate it when you’re with him ‘cause you look really happy
I hate the fact that I hate everything about you, but you still make me fall
But most of all I hate the fact I can’t have you, not today, not tomorrow, never at all
Inspired by the film “Ten Things I Hate About You”
Literary: You are Not My Valentine
2/17/2017 07:30:00 PM
Media Center
0 Comments
2/17/2017 07:30:00 PM Media Center 0 Comments
I love the way
Your hands caress
The tips of my fingers
As you nudge my hand
To feel the warmth of yours
I love the way
Your forehead turns
Into a crease
When you doubt the things
That seem out of our reach
I love the way
You hold my gaze
And pin my soul to place
As we laugh and fill the cracks
Of this little world we’ve made
I love the way
You speak of your love
As you part your lips
And slowly mouth
My name
But
It is not your name
That fills the void in my lips
It is not your gaze
That I long to hold
It is not your worries
That I yearn to ease
It is not your hands
That I desire to touch
It is not you
That I love
Literary (Submission): To the Ends of the Earth
2/16/2017 09:12:00 PM
Media Center
0 Comments
2/16/2017 09:12:00 PM Media Center 0 Comments
Until the end of time
When the river stops flowing
I will not leave this world
Without you knowing
If the sea dries up
And the sky clashes with land
I will stay by your side
I’ll be here to hold your hand
If the darkness takes over
Or the sun swallows us all
I will take one look at your face
And for you, I’ll continue to fall
To the ends of the earth,
And when time is left to rust
I will love you
‘Til this world is no longer meant for us
Welcome
This is the official blogsite of the UPIS Media Center. Check in every now and then to be updated with the latest UPIS news.
Look into the literary compositions and go through the creative works of various students.
Enjoy and don't forget to leave a comment.
Featured Post
Blog Archive
-
▼
2017
(
615
)
-
▼
February
(
81
)
- Life is about the people you meet.
- Feature: Sneak a Snack into Your Day
- Feature: Hot Topic: Setting the UPIS Vlogging Trend
- Feature: Ang Pagbabalik Lupa
- Sports: UPIS TNF at VST, nakarating sa NCR Meet
- Student Services Dept. conducts Support Staff Seminar
- News: UPIS ‘67 reunites to give back
- News: Batch 2020, dumalo sa career talk kasama ang...
- News: Batches 2019 and 2020 glimmer in Lumine 2017
- News: Mga mag-aaral ng UPIS, lumahok sa Youth in A...
- News: UPIS, nakamit ang ikalawang gantimpala sa DA...
- UPIS places 2nd overall in YouThink 2017
- Literary (Submission): Prom?
- Literary (Submission): Second Lead Syndrome (SLS)
- Literary (Submission): For the Right Love That'll ...
- Literary (Submission): Repazoned
- Literary (Submission): Para kay F
- Literary (Submission): Tayo? Kayo.
- Literary (Submission): Pitik-bulag
- Literary (Submission): Undone
- Literary (Submission): Kailan
- Literary (Submission): Ikaw at Ako
- Literary (Submission): Forelsket
- Literary (Submission): For One More Chance
- Literary (Submission): Sa Tamang Panahon
- Literary (Submission): On the Encomium of Aristoph...
- Literary (Submission): Abot Langit
- Literary (Submission): Bawat Tulang Pang-Araw ng m...
- Literary: Supernova
- Literary: Stargaze
- Literary: Muling Sagipin
- Literary: Siya Pa Rin
- Literary: Long Stemmed Rose
- Literary: Ganito Ako Mahalin
- Literary: Para sa Pinakamamahal
- Literary: Ask
- Literary: 10 Things I Hate About You
- Literary: You are Not My Valentine
- Literary (Submission): To the Ends of the Earth
- Literary (Submission): Universe
- Literary (Submission): Crossing the Yellow Line
- Literary (Submission): New Message
- Literary (Submission): My Valentine
- Literary (Submission): No Longer Alone
- Literary (Submission): Tara?
- Literary (Submission): Para sa Muling Iibig
- Literary (Submission): Reason
- Literary (Submission): Love's Letter
- Literary: The Alphabet of Love
- Literary: Malaya
- Literary: Me
- Literary: The Waltz in our Stars
- Literary: If Only You Knew
- Literary: Torpe Probs
- Literary: Medyo Popular and Pretty
- Literary: Love at First Ride
- Literary: Kung Pipili Ka Na
- Literary: Healthy Options
- Literary: Right Time
- Literary: O, Pag-Ibig Nga Naman
- Literary: My First Love
- Literary: What Is Love?
- Love always finds a way.
- Love is worth the wait.
- Feature: Kumpletos Regalos
- Feature: UPIS Peer Facilitators: Messengers of Love
- Feature: Serbisyong Totoo
- Sports: Junior Maroons falls short of UAAP79 Final...
- Sports: UPIS TnF places 4th in UAAP79
- Sports: UP Fencing Team competes in UAAP S79
- Opinion: Definitely not Clickbait: Fake News
- Opinion: Filipino, Mabuhay!
- News: Batch 2018 prepares for UPCAT
- News: UPIS elem students secure spots in 2016 YES ...
- News: GP Project sends 16 Ehime students to UPIS
- News: UPIS students participate in NARIT Astronomy...
- News: UPIS student, nabiktima ng street children
- It's going to be one magical night.
- Love is in the air!
- Sports: UPIS TnF Team: Dashing to the Top
- It's the PEERfect gift for #MCValentines Day!
-
▼
February
(
81
)
0 comments: