Literary (Submission): Sa kabataang Filipino
Gusto kong maging agila
Gaya ng aking mga ninuno.
Sa halip ay ipinanganak akong kalapati.
Nais ko sanang manirahan sa alapaap
Makaalpas mula sa lahat ng limitasyon
Ngunit tila ako’y nakakandado sa lupa
Nakapiring ang mga mata
Nakatakip ang mga bibig
Pinutulan ng mga pakpak
Ipinanganak akong kalapati
Tila ganito na rin akong mamamatay
Ngunit bakit?
Kay tagal na nating nakakulong sa ating hawla
Gayong nasa mga kamay lang natin ang mga susi
Hindi maaari
Ipinanganak akong Pilipino
Matayog ang potensyal
Didinggin ko ang mga bulong ng dugong
Nananalaytay sa aking mga ugat
Aalpas mula sa hawlang kay tagal nang kumulong sa aking lahi
Kaya sa muling pagpagaspagas ng aking mga pakpak
Samahan ninyo ako
Isang migrasyon ng bagong henerasyon ng mga kabataan
Mula Pilipinas
Hanggang pagbabago
0 comments: