dreaMCometrue,

Literary (Submission): Paalam

9/24/2015 09:34:00 PM Media Center 0 Comments



Hinawakan mo ang kamay ko
Habang nakasandal ako sa balikat mo
Ang lahat ay perpekto
Alam kong walang mali sa nararamdaman ko

Hanggang sa nagbago ang lahat
Ang dating matamis na panaginip ay naging masalimuot
Ang mga mata ko ay hindi maimulat
Hindi na yata matatakasan itong aking bangungot

Dahan-dahan kang bumitaw sa aking kamay
Iniangat ang ulo ko’t inilayo sa iyong balikat
Tinanggihan mo ang pag-ibig ko
Basta ka na lamang tumayo’t iniwan ako

Nakaupo pa rin ako habang pinanunuod ka
Lumalakad kang papalayo’t
Nadudurog man ang puso
Hindi ako tumayo upang pigilin ka

Nananaginip ako
Nakakulong ako sa bangungot ng katotohanan
Ayaw kong imulat itong mga aking mga mata
Pagkat di ko matanggap na wala kang pagpapahalaga

Umasa akong panaginip lamang ang lahat
Baka sa pagtunog ng kampana’y
Mga mata ko’y mamulat
Sa sakit na naramdaman diwa ko’y magising sa katotohanan.

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary (Submission): Umuulan na Naman

9/24/2015 09:29:00 PM Media Center 0 Comments



Umuulan na naman.
At sa bawat patak nito, naaalala ko
Ang bawat luhang tumulo sa mga mata mo.
Ang mga tawa mong halatang hindi naman totoo.
Noong isang gabi'y sa aki'y ikinuwento mo,
Kung paanong ang lalaking inibig mo
Ay dinurog ang busilak mong puso.

Umuulan na naman.
At sa bawat patak nito, naaalala ko
Kung paanong sa tuwing magkasama tayo,
Ang kislap lang ng mata mo ang napapansin ko
Sa tuwing kinikilig ka habang ikinukwento
Na noong nakaraan naglalakad kayo,
Bigla na lang niyang hinawakan ang mga kamay mo.

Umuulan na naman.
At sa bawat patak nito, naaalala ko
Ang bakas ng lungkot sa mga labi mo
Noong nalaman kong nag-away pala kayo
At kung paanong sobrang nanggigigil ako
Na aawayin ko na rin sana yung kasintahan mo,
Ngunit, pinigilan mo ako.

Umuulan na naman.
At sa bawat patak nito, ay may hinihiling ako.
Na sana, kahit papaano, ay mapansin mo.
Na kahit kaunti ay madama mo ang damdamin ko sa'yo.
Na sana, hindi naman siya ang pagmasdan mo, kundi ako.
Alam ko namang sa aki'y kaibigan lang ang tingin mo.
Pero, nais ko lang talaga na malaman mo.

Na kahit sobrang nasasaktan na ang puso ko,
Hindi kita iiwan, at palaging nandito lang ako.

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary (Submission): Ilusyon

9/24/2015 09:24:00 PM Media Center 0 Comments



Ikaw
Ikaw ang tanging nagustuhan
Sa dinami-dami ng kaibigan
Kahit halos lahat ng babae ikaw ang natitipuhan
Kahit na sa iyo, damdami’y palaging nasasaktan

Hindi ka katulad nila
Ikaw ang palaging nakauunawa
Sa bawat problema, ikaw ang siyang nagpapasya
Ikaw na nga ang ideyal para sa iba
Hindi kataka-taka kung ang iba’y may lihim na pagtingin na

Ako
Naririto’t nagnanais na iyong gustuhin
Pero di inaasahan ang araw na hindi akalain
Ikaw na mismo ang umamin
Noon pala’y ako’y gusto mo rin.

Naging malapit tayo sa isa’t isa
Lalo pang nagkakilala
Sa bawat seryosong kuwentuhan
O mga biruan at tawanan
Mga nararamdaman nati’y mad lumalim pa

Mga di namamalayang paglipas ng oras
Sa tuwing ikaw ang kausap
Walang araw na hindi ikaw ang kasama
Mayroon pa bang mas sasaya sa pakiramdam na iyon?

Kay sarap isipin ng mga ganitong bagay
Mga imahinasyong nagbibigay ng panandaliang ligaya
Kahit na alam kong malayo sa
Kay hirap tanggapin na ang lahat ng ito’y isa lamang ilusyon.

0 comments:

capulet,

Literary (Submission): Fantasy in Reality

9/24/2015 09:19:00 PM Media Center 0 Comments



I never knew how perfect a single moment could be -
As if every sweet aroma, every glorious sound,
Every fleeting kiss the cold breeze would leave upon my cheek,
Was destined to be right here at this exact time
Presenting themselves before me,
Coaxing me to surrender to their beauty
While the sun hid and retired into the abode only it knows

Everything played out like a dream, a lucid reverie -
And the stars above, my only witnesses
I wandered around, not knowing my destination
Until my eyes discovered another, drowned in deep slumber.
I quickened my pace towards him, fresh with earnest curiosity
But he remained placid, unshaken, undisturbed.

"Look up!" I said to him, as the stars danced above us
But all I could elicit was the sound of steady breathing
So I settled beside him and wallowed, on my own,
At the beauty of that moment, still perfect and flawless,
Without a hint of interest in what would happen after it ends

For hours, we laid there, on the newly cut grass,
Yet not once did his face turn to meet mine
'My fantasy,' I thought, 'is nearing its ending.'
So I savored every last fragment I could grasp.

The sun slowly began to peek out from the horizon
But in truth, I didn't want that moment to end
"When will l see you again?" was all I could ask.

I took his hand, cold from the early morning air
And waited for the universe to snap me out of my trance

But when he opened his eyes and looked at me, I knew I wasn't dreaming.

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary (Submission): Stars

9/24/2015 09:14:00 PM Media Center 0 Comments



The scent of newly cut grass, the warm air that dissipates into a cold breeze, the blue sky that fades into vibrant shades of orange, soothes me while I lay here. As the big ball of fire, begins to hide out of sight, mystery crawls into the desolate night.

With just a blink of an eye, everything was dark. Nothing to see, everything to hear… a blind man became of me.

“Look up!" a faint voice from afar awoke me and lifted me up, to the sky that cradles the stars.

The little lights fill the space, staying still all this time. Their undying beauty is known in the whole universe. But no one seems to notice, for they're busy dreaming, fantasizing.

I stare at them in awe, mesmerized by their glow. I can feel them touch my hand. I write stories about them. About the queen ant and her soldiers, protecting their home. Some ants fall, but that's the most amazing sight of all.

So many things I can do with them, although I start to feel a sudden mood swing. As the bright night sky turns into a gloomy scene, the stars decrease in numbers.

I gently lay down back to the soft grass. Slowly close my eyes, to avoid a glimpse of the rising ball of fire. But the glare hit me, along with a soft hand touching mine.

I opened my eyes, and saw the collection of stars inside her eyes.

0 comments:

barsiti,

Literary (Submission): After Us

9/24/2015 09:09:00 PM Media Center 0 Comments



After you left me, I began to wonder
What am I going to do
With all these poems and letters
Written especially for you?

It brings me back to where it all started.
I read the poem again and again.
It was about how we laughed and chatted,
About what happened after you pressed "send."

Browsing through my box, I found
The song of our midnight thoughts
Singing it again, I still hear no sound.
Without your voice, I feel so alone.

I listen closely to the song I played,
The lyrics speaking the words I fail to say.
I tried to forget it all in my sleep.
But even in my dreams, you're everything I see.

I wish I could forget you
Like how you forgot about me.
Even in dreams, I'm done with all the hurt and misery.
Can somebody please bring me back to reality?

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary (Submission): You in Every Dream

9/24/2015 09:04:00 PM Media Center 0 Comments



Daydream
You started out as a wandering thought
My mind's eye searched for you
Leaving me with a faraway look
And a pit of emptiness inside

Recurring dream
I never thought that you would be
A constant in my unconsciousness
Over and over, again and again
Always you, you in every dream

Nightmare
But reality infiltrated my phantasm
I could never catch you in my sleep
You just weren't mine to keep
I began to dread the moon's awakening

Lucid dream
Then again it was a chance to see you
A chance to just keep on trying
I realized that I may be just an illusion
But that doesn't mean I'm powerless

Mutual dream
Maybe if I wish hard enough
I'll finally catch you in my slumber
And maybe your fantasy and mine
Will at last come hand in hand

0 comments:

bahaghari,

Literary: Until We Wake

9/24/2015 08:58:00 PM Media Center 0 Comments



As we sleep,
Our fantasies live.
Beyond the heavens,
There is a dream.

Dreams that are meant for children:
A wonderful place
Where rainbows are within reach
And on an endless happy ride.

Dreams that are created by fools:
A make-believe world
Where curious hearts wander
And try to chase the fictional home.

Dreams that are inside everyone’s minds:
An unimaginable dimension
Where everything is perfect
And true happiness is attainable.

But a dream for me is:
Our own universe
Where we reign as rulers of reality
And all its elements—stardust, space, and time
Are shaped by our hands.

Where we are not afraid to take chances
At what’s deemed impossible.

All until we wake.

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: I Am

9/24/2015 08:53:00 PM Media Center 0 Comments



Most days have different routines
Such as beating some eggs
or brewing coffee beans
But when I wake up,
I am something new,
Something that isn't quite me,
Yet something quite true.

I am the sun that shines
On these asphalt streets
Smiling courteously and such
With merry ringing greets

I am the rose that tells
Of quiet love stories
Hushed by terrible fears
Yet innocent worries

I am midnights filled with thoughts
Dying moments in ink
With flaws kissed by blots

I am the morning rush
Racing figures and lines
As canvas meets brush

I am tragic as they tried
I am tough, tested, and tried
I am gentle and soft
I am one who once thought
That I am one who could not.

Yet I am young with these plans in mind
And with my roaring soul,
With these fears free,
I am no longer blind
And these dreams are what make me,
As I write, as I love, as I learn
As I thank,
As I draw, as I believe, as I yearn

From now on, I will forever be
The girl who can,
Because I am me.

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: You Don't Want Me

9/24/2015 08:48:00 PM Media Center 0 Comments



I am not
One of them
Who dreams
Of you

You may be
My unattainable goal
But I do not
Dream of you

I dream
And live
And breathe
For you

I burn bridges
And break walls
Trying to be
Your perfect match

I am fueled
By hopes of being
Worthy of
Your recognition

All of these
You are to me
All of these
I do for you

Yet I know
You wouldn’t
Want me
In your dreams

I know
You’d rather
I stop
This hopeless devotion

Maybe you
Are my
Unworthy
Saint

Maybe it’s time
To finally stop
And do all these
For me

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: Don't Bother

9/24/2015 08:43:00 PM Media Center 0 Comments



I glance at the sky
For a glimpse of a sign
Perhaps a divine message designed
To comfort my weary mind

For the who, what, why
Fill this messed up mind of mine
And the how, where, when
Follow this infinite line

Even as I sleep
My zzz’s I could never keep
As my dreams they contort
They distort, for a relief is a leap of an effort

They would never be complete
Running away from, racing to some
Powerful entity, divine, imaginary
A faceless space with an uncanny gaze

And then I would wake up
And “What’s up?” Well, guess what
Taunted, left torn, and tainted
There is no sweet in dreams that are haunted

Without a mission, I envision
A life with no passion
As I look for a purpose
I can only curse with these verses

This life that I lead
Left to plead with these dreams
For a divine sign in those uncanny eyes
No mission, no vision, only an entity reviled.

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: Talking Dreams

9/24/2015 08:38:00 PM Media Center 0 Comments



The echoes of imagination
Bring forth our fascination
So we continue in our sleep those that are in too deep
While tomorrow’s sun creeps, we scavenge what’s left

The thoughts of tomorrow in yesterday’s mind
From a place that’s surreal but not too hard to find
The fragments of visions which we have woven
We live our talking dreams when our eyes open

But how can we walk these lines when we’re scared?
And what begets these hollow signs that we share?
Should we be afraid to deviate from the normal and the rest?
When in our dreams, every single thing is at its best?

The time to live our tomorrows starts right now
And now is the time for us to make this special vow:
We’d dream and live it—
Live this dream called life without limits

0 comments:

barcode,

Literary: Panaginip

9/24/2015 08:33:00 PM Media Center 0 Comments



Isipan (png.)
Punong-puno ng alaala
Ng pagmamahalan nating dalawa,
Ngunit sa paglipas ng oras ay tila nag-iba,
Pintig ng puso sa isa’t isa.

Imahinasyon (png.)
Hawak kamay tayong nangarap
Ibinigay buo nating puso sa isa’t isa.
Binigyan rin ng kulay,
Ang madilim at tahimik nating buhay.

Ilusyon (png.)
Pag-iibigan noon na pinuno ng musika,
Nabalot ng kadilima’t ingay.
Unti-unti kong napagtanto,
Na pag-ibig mo pala ay hindi totoo.

Bangungot (png.)
Simula noon lahat ay nagbago,
Ang masayang relasyo’y unti-unting naglaho.
Ang pagmamahalan noon
Ngayo’y nauwi sa kasawian.

Panaginip (png.)
Ating pag-iibiga’y tila isang imahinasyon,
Isa lamang mapanlinlang na ilusyon.
Napuno ng dilim at kalungkutan itong pagkatao,
Lahat ng ito’y bangungot sa aking isipan.

Kahit ganito ang kinahantungan,
Ng inakalang perpektong pag-iibigan,
Sa aking paggising akin pa ring binabalik-balikan,
Ang tila panaginip nating pagmamahalan.

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: Lost

9/24/2015 08:28:00 PM Media Center 0 Comments



She dreamed of becoming an architect
Because you were to be a doctor
She thought it would be seemly
To have both art and science
Fall in each other’s principles
She strived to be number one
Because for her, you are the only one
She wanted to be like you
So you could be like her, too

But one night
It felt like it was the coldest of all nights
Her nightmares gave her chills
It felt like there was something missing
She looked under her pillow
And found nothing
All those dreams that she kept—now lost
She rummaged through her things, under her bed
Her dreams were not there
She heard the sound of a door closing
Then the sound of your steps—
They grew softer and softer
She then remembered and she was sure
That she gave them to you

She then realized
That you took all the fairytales she believed in
When you walked away from her
But all of these,
And the distress of nightmares she has to face—
You never knew.
You will never know.

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: Living the Dream

9/24/2015 08:23:00 PM Media Center 0 Comments



Years back
You haven’t even set foot
In my dreams
Not even a touch
On my mind
You made.

Since that day
When my eyes
Beheld your beauty,
The way you spoke,
The way you danced gracefully,
Everything about you
Lingered
In my every dream.

Deep slumber
I welcomed
For it was my only chance
To approach you
To show you
How much I care

Yet, dreams
Don’t last long enough
To spend eternity
With you.
I hope that
The next time I wake up
From this dream
I’d be living it
In a world called reality.

0 comments:

dimples,

Literary: Pintig sa Bawat Pantig

9/24/2015 08:18:00 PM Media Center 0 Comments



Ika’y papalakad patungo sa akin
Hindi ko alam kung bakit,
Ngunit parang lumiliwanag ang buong paligid.
Marahil sa mga mata mong kumikislap,
O dahil sa labi mong mapupula,
O baka naman sa iyong mga ngiting nakatutunaw.

Sa bawat hakbang mo papalapit sa akin,
Palakas nang palakas pintig niring dibdib.
Nanlalamig aking mga kamay,
Nang hawakan mo ako’t sabihing-
“Matagal na kitang minimithi.”

Hindi mo alam kung gaano ako kasabik,
Na mula sa iyo iyan ang ay aking marinig.

Ngunit…

Alam kong mali ang maghangad,
At lalong mali ang umaasa,
Sa isang bagay na tila kahit kailanman,
Tila hindi ko makakamtam.

Siguro’y dapat na akong magising
Mula sa iyo na isa lamang panaginip.

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: Maybe Tonight will be Different

9/24/2015 08:13:00 PM Media Center 0 Comments



Just as the night is coming to a close and the festivities are learning the art of slowing down, you take my hand and we dance under the moonlight to an inaudible tune, as if we are the only two entities still standing despite the unending flurry of faces.

As the warm air sparks something inside me that I never knew was there, my body moves and I feel less human and more like an illusion, floating in zero gravity.

Tonight, we are not human. Tonight, we are a reverie.

I look into your eyes, but you are unable to hold my gaze. I smirk and chuckle but in truth, I think we are like people who are enticed by the idea of a beautiful vision but are unable to give their full attention to the process of achieving it.

You bring me closer with every step as we follow the beat of a tune coursing through our veins. But soon these steps are forcing us to dance away from the beat of each other’s hearts. I’d like to think nothing of it but somehow it resembles the way human beings choose to follow the beat of their heart but deviate from it as they go along with the dance of life.

You are everything I have ever wanted and you clutch my hand more tightly than a child who clings to his mother. But just like how people hold on tight to false hopes and unrealistic expectations, the tighter we hold on, the faster everything slips away.

We come to an abrupt stop and time freezes over as the air becomes stale with quiet breaths and inaudible goodbyes. Slowly, I feel less and less of the hand I was holding and the chilly silence grips each finger like an old friend I’ve grown apart from.

You turn your back on me. And in that moment, I remember… I am human.

And you?

You are just another dream I allowed to slip away.

0 comments:

crescencia,

Literary: Hanggang Pangarap

9/24/2015 08:08:00 PM Media Center 0 Comments



Ngayon, alam ko na
Pangarap na kita
Pangarap kong araw-araw kang makita
Pangarap kong palaging marinig ang boses mo
Pangarap kong masilayan ang iyong mga mata
Pangarap kong mapansin mo ako
Pangarap kong makausap ka
Pinapangarap kita

Noon pa ma’y alam ko na
Pinangarap kong makapiling ka
Pinangarap kong makita kang masaya
Pinangarap kong maging tayong dalawa
Ngunit noon pa ma’y alam ko na
Hanggang pangarap na lang kita

Sa kabila nito’y
Pangarap pa rin kita
Pangarap ko pa ring malaman mo
Ang totoong sinasabi ng puso ko
Pangarap ko pa ring mahawakan ang iyong mga kamay
At makapiling ka habambuhay
Pangarap ko pa ring makilala mo ako
Pangarap ko pa ring maging tayo

At kahit alam kong walang pag-asa
Pangarap pa rin kita

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: Bangungot?

9/24/2015 08:03:00 PM Media Center 0 Comments



Sa pagbagsak ng aking mga mata,
Bangungot ang bumungad sa akin.
Napakadilim, nakakikilabot,
Nakabibinging katahimikan ang bumabalot.

Nasaan na nga ba ako?
Ito na ba ang kinatatakutan ko?
Isang lugar na walang kahit isang tao,
At kay tamlay ng buong mundo.

Pilit akong gumigising,
Ngunit biglang dumating
Isang binibini sa gitna ng kawalan,
Siyang nagbigay ng saya at kulay.

Sa iyong pagdating napagtanto kong ikaw na nga,
Ang sa aki’y siyang nakatadhana.
Isang binibining kailanma’y di magsasawa,
Na ako’y samahan sa hirap man at ginhawa.

Di ko na pinakawalan,
Pagkakatao’y aking agad na sinunggaban,
Pagkat nagawa mong mapagbago ang ihip,
At ang isang bangungot ay gawing napakagandang panaginip.

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: A Night to Remember

9/24/2015 07:58:00 PM Media Center 0 Comments



I had a wonderful dream
It made me joyfully scream
It seemed so real
And I cannot explain how I feel

As we were watching the stars together
Holding hands to forever
Telling stories to each other
My mind begins to wander

To that one night to remember
That one night in December
When all my feelings I can’t seem to gather
I think… I have fallen further.

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: Panaginip Lamang

9/24/2015 07:53:00 PM Media Center 0 Comments



May mga bagay na mas mabuting manatiling panaginip na lang. Wala nang bangon-bangon, huwag na sanang magising. Kung puede sanang ganito na lang. Sa panaginip, kahit ano ay puedeng mangyari. Lahat ng imposible, nagiging posible. Pati ang “tayo” nagiging totoo. Alam kong maliit lang ang posibilidad na mangyari iyon, ngunit ito at umaasa ako.

Sa panaginip, kasama kita sa langit, nagtatampisaw sa mala-bulak na kalangitan. Napakasaya ko dahil kasama kita, ang minamahal ko. Ang pinakamamahal ko. Sana araw-araw ganito; hindi ako umaasa at hindi mo rin ako pinapaasa. Sana mistulang panaginip na lang ang buhay ko.

Ngunit ito’y isang napakalaking kalokohan. Masaklap na ang realidad, ang katotohanan. Kahit sinusubukan kong limutin ka, patuloy pa rin kitang nakikita sa aking panaginip.

‘Di nagtagal at nahulog ang puso mo sa akin, at bumalik ang kumpiyansa ko na muling ibigin ka. Nakabagabag sa isipan ko na aminin ang nararamdaman ko. Dumating ang araw, kabadong-kabado akong lumapit sayo.. at umamin. Hinding-hindi ko inasahan ang sunod na nangyari. Umamin ka rin. Tumigil ang mundo ko nang mapuno ng kaligayahan ang puso ko. Dinama ko ang bawat segundo nang biglang…

“Gising! Gising!”

Bakit ganito? Mistulang ginising ako ng katotohanan. Akala ko akin ka na, hindi pala. Panaginip lang pala. Hindi na talaga ako natuto, patuloy pa rin akong umaasa at umiibig sa taong hindi naman kayang suklian ang aking pagmamahal.

“Lagi na lang bang ganito?”
Na ang kasiyahan ko’y, isang panaginip lamang.

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: Beautiful Nightmare

9/24/2015 07:48:00 PM Media Center 0 Comments


Tick tock tick tock
It’s midnight, twelve o’clock
I can finally go to sleep
Into the world of dreams, I shall leap

And like I expected
You were there
And with just a simple glance
My knees tremble with a weakened stance

I never dreamed how it could be
But there you were, so close to me
You gently asked me to close my eyes
So I did

I was waiting for something to happen…
Waiting…
Waiting…
Waiting…

Until I realized…

Slowly…
Surely…
Spiraling into consciousness
Something happened to that beautiful dream

I opened my eyes, you were far away
The pleasant meadow became a barren wasteland
I can see you in the distance
Why did you leave, o, Alice of my Wonderland?

I look forward to the next time
The sun would say goodbye with a dainty kiss
And the night would approach us
With the moon ready to trap us in her solemn lips

Because that is the only time
I’ll be able to spend with you
Be it a dream or a nightmare
My mind and my heart will never care

For you are the kind of nightmare
I never want to wake up from

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: Dreams Do Come True

9/24/2015 07:42:00 PM Media Center 0 Comments



I went to sleep last night
And witnessed a war between two nations
Saw families breaking apart and homes being ruined
Saw armed men taking advantage of women and mistreating helpless children

I went to sleep last night
And watched a country where injustice dominates
Where the lucky get to live like kings
And the unfortunate have to live in misery

I went to sleep last night
And observed a society where women stands lower than men
Where they are seen as objects
Where they are forced to obey men for they had no choice

I went to sleep last night
And noticed that there was a separation between humans,
A discrimination based on skin color,
A division between people with different religion and beliefs

I woke up at dawn
Sweating and panting
Wishing that everything I saw was just an illusion
But then I remembered what I wanted in the first place—

I have a dream of changing the world
I want to give meaning to peace and unity
I want to stand up for something
I want my dreams to become reality

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: So Much Better

9/24/2015 07:34:00 PM Media Center 0 Comments



So much nonsense in this place
Like seeing no planes in an airbase
Better get out soon, find some breathing space
Or go back to sleep so as not to face
People who make living in this world a disgrace—
Those who mock you for your race
Use you as if you were a tool from a case
In a deck, they are kings but you’re an ace
And they still think they’re right on base
What happened to the world that was easy to embrace?
The one that was like a beautiful bobbin lace
Maybe we should restart with a blank space
Get back on track and start in the right place
Help this world we so desperately want to replace

Life would be so much better…

If we lived in a world of sanity
Where everyone is in the right mentality
Where more value is placed on morality
And everyone practices more of hospitality
If they’d give up brutality
For it gives nothing but agony
To a world that needs vitality
Yes, this is just a simple fantasy
Far from our reach, a distant galaxy
It seems that there is only one way to see this reality

‘When I count the sheep,
Close my eyes, and fall asleep.’

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: One Day

9/24/2015 07:23:00 PM Media Center 0 Comments



There once was a boy
Who wanted to shine
But his fear of being judged
Dragged him to the crowd

An exuberant girl
Vivacious by all means
Was told she was too annoying
So she became lackluster

My closest friend
Her laughter I have missed
Since somebody pointed out
That she’s too loud and distracting

My classmate
Whose joy is nothing but food
Stopped eating
When someone told her she gained weight

This poem may not mean
Anything to you
But it means a lot
To some of us

I dream
That one day, when I wake up
No one will ever have the right
To steal someone’s happiness

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: Aninag ng Pangarap

9/24/2015 07:14:00 PM Media Center 0 Comments



Sa isang aninag ng mga pangarap,
Pagpupursigi sa puso ko’y lumaganap.
Malaki man ang sagabal na aking kinakaharap,
Wala akong takot dahil sa aking pagsisikap.

Tagumpay sa napiling larangan aking hinahanap.
Abutin ang mga munti kong pangarap.
Isipin pa lamang ay nuot na sa sarap,
Sa dulo alam kong sulit ang lahat ng paghihirap.

Hamon ito sa aking buhay,
Sapagkat para sa pamilya ko’y isa itong tagumpay.
Kanilang dedikasyo’y inialay,
Sa mga pangarap naming tunay.

Ika nga ng matatanda-
“Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”
Kung puno ka ng kasipagan at pagtitiyaga,
Huwag matakot na abutin ang pangarap mong tala.

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: Atleta

9/24/2015 07:08:00 PM Media Center 0 Comments



Simpleng pangarap,
Aking nahanap.
Ako’y magsusumikap,
Para sa hinaharap.

Hindi ako susuko,
Lalaban ang aking puso.
Ako’y determinado,
Lalakas pa ito nang husto.

Katunggaling malalakas,
Matatalo rin sa wakas.
Dahil sa pagtitiyaga,
Nakamit ang gintong medalya.

Sa aking paglangoy,
Karera’y ipagpapatuloy.
Sa likod ng mga paghihirap,
Ay ang aking pagsusumikap.

Pagkat isa akong atleta,
Na nangangarap na makamit
Ang tagumpay,
Na aking pinapangarap.

0 comments:

dreaMCometrue,

Literary: Knowing Dream

9/24/2015 07:01:00 PM Media Center 0 Comments



Determination went around town to find out what a dream is. He roamed the streets and asked around. Here is what he found.

Sorrow said, “A dream is a vision that cannot be attained and will only appear in your mind but will not happen in your life.”

“It is a wish that you want to happen but may well be your downfall,” suggested Fear.

Hopeful exclaimed, “A look into your future that is bright and beautiful!”

“A waste of time, energy, and talent because it is purely fictional,” answered Frustration.

“A pleasing sight right before your eyes,” Excitement answered.

“A goal that somebody has attained before you,” replied Jealousy.

Even after all these, however, Determination still did not understand what a dream is. Confused, he left the park and went to an alley near his home. He sat down on the steps of a doorway while thinking about the answers. Then he felt an arm on his shoulders. He looked and saw an old man with a cane. He wondered if this old man can answer his question but before he could ask, the man said:

“A dream is what fuels us to live our life to the fullest. It makes you feel happy, sad, angry… it makes you feel wonderful. It is an idea, a vision, an image that you see everyday and think about every time. To reach it may be your downfall or victory. It is a fragile stone you want to keep, care for, and polish. It is like the sky—sometimes bright, sometimes dark, clear or cloudy, sunny or rainy. But it is always there, just right above you.”

Determination was amazed. “What is your name, old man?” he asked.

“My name,” the old man answered, “is Purpose.”

Determination smiled, got up, and walked home, satisfied and determined to achieve his dream with purpose.

0 comments:

dreaMCometrue,

Reach for the stars.

9/23/2015 08:00:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

dreaMCometrue,

Chase your dreams.

9/17/2015 08:00:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

bella swan,

Literary (Submission): Hakbang (Part 1)

9/10/2015 09:42:00 PM Media Center 0 Comments



“Bespren! Malelate ako. Sorry! Huhu. Una ka na ha. Kita na lang tayo dun.”

Hay. Siyempre late na naman si Mica. Sabi ko nga. Inexpect ko naman. Pero umasa pa rin kasi akong may makakasabay papuntang freshie welcome assembly. Lalo tuloy akong di mapakali. Kinakabahan kasi ako. Like super kaba. Ngayon mas lalo pa. Yung naninikip-ang-dibdib-parang-hihimatayin na klase ng kaba. Sino ba namang hindi?

Eleven years. Eleven years na alam ko kung sinong aabutan ko sa school sa unang araw ng klase. Alam ko kung kanino ako sasama, kung saan ako kakain pag lunch o tatambay pag may free time. Alam ko kung anong gagawin.

Eh ngayon, wala akong alam. Mangangapa ako. Ilang beses kong hiniling na tumigil muna ang oras. Balik muna sa nakaraan. Hindi pa ako ready. Kahit pa sabihing halos sa UP na ako lumaki. Kahit pareho kaming nasa Diliman ni Mica, kahit pa may mga ka-batch ako na kapareho ko ng course. Iba pa rin ang college. COLLEGE! Wah!!! Big word. Big world. Hay.

Kaya normal naman sigurong kabahan. Pero okay. Inhale. Exhale. Isa-isa lang. Ito munang assembly. Ayoko talagang pumunta mag-isa. Mukha naman akong kawawa pag dumating ako dun alone. Sino kayang masabayan?

Hmmm… text ko nga si Alice. “Lea! Umattend na ko kaninang umaga eh. :)”
Oo nga pala. Si Luis na lang. Tagaaaaal magreply. Tapos… “Huh? Ngayon ba yun?”
Hay naku! Sino pa ba? Ah! Alam ko na! Si Mike! “Papunta ka na ba sa Theater? Sabay tayo,” text ko sa kanya.

“Sure bb. HAHA.” Kainis. Pero ayan! May kasabay na ako! Bago pa ako maka-reply para tanungin kung saan kami magkikita, may dumating na text niya: “Lunch muna ko sa Coop. Text ka na lang.”
“Yey! Ok. Punta na lang ako diyan. Sinong kasama mo?”
“Wala. :)”
“Ok. Kita tayo sa may shed.”

Tinext ko agad si Mike pagdating ko sa Shopping Center. Mga 10 minutes na siguro akong naghihintay nang may natanaw akong naglalakad papunta sa Shopping dun sa may kanto ng Infirmary. Bumalik ang kaba ko. Ang sobrang kaba ko. Kasi alam kong si Mike yun at… at… may kasama siya. At kahit ilang taon ko na siyang hindi nakikita sa personal… Sa hawas ng mukha, sa buhok, sa tindig, sa lakad, sa kilos… kahit sa may kalayuan, hindi ako pwedeng magkamali.

Si JC ang kasama niya. Si JC na best friend niya. Na kaklase ko ng apat na taon sa elem. Na naging kaibigan ko at naging crush ko. Na laging tinutukso sa akin. Na hindi na masyadong lumalapit at nakikipag-usap mula noong asarin kami. Na lumipat ng school. Na huli ko pang nakausap noong summer bago mag-high school. Na akala ko nakalimutan ko na at sigurado akong nakalimutan na ako.

Tinext ko agad si Mike: “San ka na?” Malamang hindi magrereply pero sunod-sunod pa rin ang sinend ko.
“Wala ka ba talagang kasama???”
“Sabi mo mag-isa ka lang!”
“HOOOYYY!!!”
“UGHHHH. Una na ako.”

At lalakad na talaga ako paalis nang may kumalabit sa balikat ko. “Uy, Lea!” sabi ni Mike na para bang nagpipigil ng tawa. Wala na akong choice! Kailangan nang humarap at tumingin sa kaniya. Sige na nga. Baka naman mag-isa talaga siya at baka guniguni ko lang ‘yon. Pero… hindi eh. Ayun siya sa likod ni Mike. In the flesh.

“Hi,” sabi ko sa kanila, sabay ngumiti ng tipid. Nakita kong ngumiti rin si JC bago nagsalita si Mike.

“Papunta ka na bang Theater?” tanong niya. Pinili ko nang hindi sumagot at pinandilatan ko na lang siya. Sana naintindihan niya na ang ibig sabihin nun ay: “Oo! Di ba nga tinext kita na sabay tayo? Sabi mo wala kang kasama! Hay naku ka naman talagang Mike ka! Ano bang pumasok diyan sa isip mo?”

“Sabay ka na sa amin ni JC,” patuloy ng pa-inosenteng si Mike. “Kilala mo pa naman si JC di ba?” Gustong-gusto ko siyang irapan. Oo, Mike. Alam mo naman di ba? Pero inisahan mo ko. “Ah, ok,” na lang ang naisagot ko.

“Tara na!” excited na sabi ni Mike. “Baka ma-late pa tayo,” dagdag niya bago tumalikod sa amin at nauna nang lumakad.

Nagkatinginan kami ni JC at nakita ko rin sa mukha niya ang pagtataka sa pinaggagawa ng kaibigan niya. Parang nagkibit siya ng balikat at humakbang palapit sa akin. Nagsimula na rin akong maglakad. Siguro nauuna lang ako ng kalahating hakbang kay JC. Tamang bilis lang para hindi kami sabay na sabay. Kasi… ang awkward. Sooobrang awkward.

Pero si Mike… si Mike! Nung una mga limang hakbang lang ang lamang niya sa amin. Pero pag binibilisan namin ang lakad para mahabol siya, MAS BINIBILISAN PA NIYAAAAA. Iniiwan niya talaga kami ni JC! Loooord! Ano po bang parusa ito? Bakit ba naghanap pa ako ng kasabay? Alam ko rin pong hinihiling kong bumalik muna sa nakaraan pero hindi ko naman akalain na ganito ka-throwback, ano po. Hindi na po talaga ako uulit!

Paano nang gagawin ko ngayon? Hindi ko talaga option yung mauna akong makipag-usap eh. Maglalabas na ba ako ng libro? Weird. Tsaka baka matapilok pa ako. Mag-earphones na lang kaya ako? Ang rude naman yata. Alam ko na….

Nakatingin lang ako sa sapatos ko habang naglalakad hanggang sa nag-vibrate ang phone ko. Text. Galing kay Mike. “Usap naman diyan! :)”
“CHE!” mabilis kong reply. Nakuuu. Maka-survive lang ako sa paglalakad na ‘to, lagot kang Mike ka!
“Kausapin mo naman.”
“Ako ba talaga Mike? EWAN!”
“Tingin ka lang sa kanya sandali.”
“Bahala ka. FO na tayo!”
“Dali na! Nakita ko sinusulyapan ka. :)”
“WEH.”
“Tatlong beses na!”

Hindi ko napigilan. Mabilis akong tumango para itago ang ngiti ko na mabilis ko ring inalis. Sinabi ko sa sarili ko na walang ibig sabihin yun. Malamang titingnan niya ko kasi ang tagal naming di nagkita. Hindi ibig sabihin gusto niya kong kamustahin o kausapin o kwentuhan. Katulad ng dati. Kaya, oops, stop!

Pero hindi ko pa rin mapigilang magnakaw ng tingin sa kanya. Parang wala namang masyadong pinagbago si JC. Ganun pa rin ang aura niya. Mukhang seryoso pero maloko. Marami akong gustong itanong at sabihin kaso hindi ko alam paano sisimulan. Likas akong mahiyain at sa mga ganitong sitwasyon, hindi ko talaga alam ang gagawin. Alam niya naman yun. Dati. Kaya sana… sana… mauna siyang magsalita. Kaso naabutan na namin si Mike, na sa wakas ay tumigil maglakad para makahabol kami, wala pa ni isang salitang namamagitan sa amin.

“Nagmamadali ka ba, Mike?” naiinis kong tanong.

“Oo eh, baka ma-late tayo,” nakangisi niyang sagot.

“Brad, relax lang. Wala namang humahabol sa ‘tin,” pabirong sabi ni JC.

“Hahaha. Okay! Let’s go!” At naglakad na si Mike. Ng naaaaaaaaaaapakabagal. Yung tipong bumibilang ng 10 seconds kada hakbang. Hihintayin munang magkatabi kami ni JC bago humakbang ng kasunod.

“Wala na bang ibibilis yan?” sabay naming nasabi ni JC. Nagkatinginan kami at napangiti sa isa’t isa.

“Ay! Akala ko wag magmadali,” tumatawang sagot ni Mike. “Naisip ko kasi, mga kaibigan, na tama kayo. Hindi naman talaga dapat madaliin ang mga bagay-bagay. Pero dapat may masimulan. Kahit medyo mabagal, basta magsimula.”

Mike! Diyos ko! Ano bang pinagsasabi mo diyan? Pero gets ko kaya bago pa siya makahirit ulit sinabi ko, “Tama! Halika na. Magsimula na tayong maglakad ng SABAY-SABAY.”

Buti na lang di na pumalag si Mike. At buti na lang makwento siya kaya walang dead air. Nakikinig ako sa mga hiritan nila, sumasagot pag tinatanong, at nakikitawa pero sa loob-loob ko, iniisip ko kung bakit sa dami ng araw na pwede kaming magkita ulit ni JC, ngayon pa talaga.

Bakit ngayon pang hindi inaasahan? Wala man lang warning! Di man lang ako nakapaghanda ng sasabihin. Bakit ngayon pang kasama ang mapang-asar naming kaibigan? Niyang kaibigan. FO na nga pala. At bakit kasabay ng pagsisimula ng milestone sa buhay ko? Sign ba ‘to? Ng ano? Hay, Lea, stop. Stop assuming. Giving meaning. Overthinking. Just stop. Hindi dahil pinagkita ulit ng tadhana sa pamamagitan ng pasaway na kaibigan, may ibig sabihin na. Go back to reality.

“Ayun na ang blocmates ko,” sabi ko sa kanila pagdating namin sa theater.

“Aalis ka na?” tanong ni Mike, sabay tingin kay JC. Ni hindi man lang sumimple.

“Uhm… oo…” sagot ko. Hindi pa ba dapat? Mamaya ano pang maisip nitong si Mike.

“Sige, bye!” sabi ni Mike, sabay nakipag-apir sa akin at tumingin ulit kay JC.

Nginitian ako ni JC, kumaway, at parang nahihiyang sinabi, “Bye, Lea.”

“Bye,” kaway ko. Tumalikod ako at iniwan na sila. Gusto ko mang kalimutan ang pangyayaring ‘to, alam kong hindi mangyayari ‘yun. Siguro, iisipin ko na lang na kung ano man ang ibig sabihin ng pagkikitang ‘to, kung may ibig sabihin man, hindi ko pa ngayon malalaman.

ITUTULOY.

0 comments:

literary,

Literary (Submission): A Love Letter

9/10/2015 09:37:00 PM Media Center 0 Comments



To you,

Years have passed, times have changed, and I thought my feelings would too. You’ve taught me that feelings are not always right for someone can manipulate it. You’ve proven me wrong until this day. Before all this, before you... I was a song without a melody, a poem without a story. The word “love” wasn’t even in my dictionary. I never knew a four letter word would inspire me, motivate me, and would change me in more ways than one.

Love is happy, love is sad. Love can walk through the door anytime. Love is never sure at first but will eventually realize the truth. Love can be two-sided, but also unrequited. And in my life you are synonymous to love.

Every moment with you feels like I have all the time in the world to waste with you. Without you, I feel like time is slowly making me suffer. You’re the only one who understood me, through my problems and in the darkest of times. Without you, it feels like I'm lost in translation.

Love would also hurt much. There are no words that can describe the pain. There are times when memories hurt more than words, when remembering leaves the largest of scars. I couldn’t stop remembering, not what we were, but what we could’ve been.

Love could either be heartbreaking or that “kilig story” you’ve always wanted. But, love for me is regret. I keep remembering my tragedy. I keep to myself my thoughts on what we could’ve been. Like we could’ve been talking personally, sharing all the thoughts and stories. We could’ve been a couple as great and perfect as Romeo and Juliet. Though it’s too late now to be drowned in regrets, for memories stay the same and you couldn’t change a thing.

Love is the greatest cure for anything but also the simplest weapon of all. Love is my biggest regret but I don’t know why I keep repeating this mistake for there’s a feeling love gives that I just can’t let go of.

0 comments:

crisostomo ibarra,

Literary (Submission): Sa Tuwina Naaalala Kita

9/10/2015 09:31:00 PM Media Center 0 Comments



Sa aking pagpasyal sa Maynila
Magagandang tanawin ang aking nakita
Mga gusaling kahanga-hanga
At mga obrang kay ganda

Noong una ako’y masaya
Nagliliwaliw at namamasyal pa
Ngunit nang sa isip ko’y sumagi ka
Nagbago ang aking nadama

Magkahalong saya at lungkot
Ang nararamdaman at sa aki’y pumaloob
Saya dahil ikaw ang nasa aking alaala
At lungkot kasi dito sa tabi ay wala ka

Pauwi na ako noon lulan ng tranvia
Nakaupo at nakadungaw doon sa bintana
Nang sa malayo bigla akong natulala
Sa kaiisip sa maganda mong mukha

Kahit sa hapag ikaw ang nasa isip
Mula sa ngiti mong panghimagas sa tamis
Hanggang sa pisngi mong mapula parang kamatis
Busog na ako sa kakaisip sayo nang labis

Magpahanggang sa aking pagpapahinga
Ang pagtawa mo ang naririnig ng tainga
Sa handog nitong himig na tila mula sa harmonika
Tiyak mahimbing ang tulog ko mamaya

Pati sa panaginip ako ri’y binisita mo
Doon ay lumapit ka at tinabihan ako
Ang labi mo’y paunti-unting lumalapit
Papalapit nang papalapit hanggang sa ako’y nagising, badtrip

Kahit ito’y nasa isip lang ako’y masaya na
May halong imahinasyon at iba’y alaala
Kahit na madalas ay di tayo nagkikita
Wala ka man sa paligid napangingiti mo naman ako nang sobra

0 comments:

capulet,

Literary (Submission): Memory Lane

9/10/2015 09:28:00 PM Media Center 1 Comments



Writing about you, the one I love, is quite a feat, I must confess. I’ve written a great deal about love and all its intricacies; from its heartwarming innocence down to the gory, unforgivable bits of reality it ensues. Yet when I get the sudden urge to turn you into words - to break you down into literature - nothing comes out.

The words, the punctuations, and the tiny smudges of ink that cling to the end of each letter all become meaningless when stitched together for they prove to be insufficient - lacking in essence. My penmanship worsens as I struggle to fill each page with words worthy enough to describe you and all the things you make my uncertain heart feel. What is it about you that leaves me absolutely tongue-tied?

Is it the soft, gentle tone in your voice that arrests me and holds me captive long after we stop talking? Could it be that athletic build of yours; your perfectly sculpted figure that boasts to none? Is it the way your eyes light up when you talk about the things that excite you; these things that ignite your passions? Or is it perhaps the way you turn vulnerability into something beautiful when others would treat it as something to be ashamed of?

I guess if I were sure about something, it’s the fact that my memories of you are what I long to write most about.

I remember the way you’d gently pull my head towards your shoulder, as if giving me permission to lay there and doze off for a while. I can still feel your arms wrapped around me in an affectionate embrace while you whisper oh-so-few loving words that never fail to tease my senses. I recall the way our hearts would waltz with each other as our favorite ballad plays and how perfectly our love matched the beat of every song.

I go back to the times you said my name; the smooth, unrushed moments each syllable would escape your lips. I don't think I've heard anyone say it better than you.

Every single memory I have of you, each moment that I continuously dwell upon, remains engraved in the deepest corners of my mind. Why should I deprive the world of knowing someone as great as you, the one person who leaves me speechless by saying so little?

So here I am, pen in hand and you on my mind, together with a new-found eagerness to transform you into a masterpiece. It still challenges me to write about you though I’ve come to a point where I crave the blank spaces, untidy erasures, and trips down memory lane - a place I’m beginning to call home.

1 comments:

filipino,

Literary (Submission): Bumabalik na Alaala

9/10/2015 09:24:00 PM Media Center 0 Comments



Sa simpleng pang-asar
Ako’y napapangiti
Sa tuwing ako’y kukulitin mo
Di ko magawang magalit,
At sa panahong kasama kita
Bawat minuto’t segundo aking sinusulit

Para bang alaala’y bumabalik
Na tila kahapon lang nangyari,
Parang tayo ulit
Kung saan mahal pa ang isa’t isa
At parang ikaw lamang
Ang mundong aking ginagalawan

Kay hirap maiwan sa nakaraang
Nilimot mo na
Kay sakit na makitang
Masaya ka na
At kay lungkot
Isa ka na lang na alaala

0 comments:

english,

Literary: Sticky Notes

9/10/2015 09:19:00 PM Media Center 0 Comments



It’s funny what people choose to remember. Our mind, even when we don’t notice it, chooses what matters most to us. Something we know we will need in the future, becomes a memory. A little post-it in our brain that reminds us whenever we try to extract that memory we left behind. Yet sometimes, we try and try to tap into our brains, looking for those little sticky notes, but we end up blank.

No, it’s not even about ending up blank. It’s about never wanting to look back on those memories again. Like wanting to shove those sticky notes in a shredder and hope that everybody else has forgotten about your past, too. But never forget that life is full of opportunities for you to be happy. Recognize the superb memories like you remind yourself of the lousy ones.

Yet you, you remember all the pain you’ve been through and all the anguish in you. Is it too much to ask for you to remember all the joy in the world? Is the idea of the universe being so gargantuan and celestial not enough for you? You dream of sleeping with the stars and the sky as your kingdom, yet you forget that this wondrous world is open for you to explore.

Your despair will only limit what you can achieve in this brilliant world. Take the memories; the good, the not-so-good, and the great. Make them bow to your will and shape them. Make your own stars and make this world your kingdom. Then the Earth will thank you for the memories you've left behind for generations to come.

If you are still not convinced, I could fill a hundred post-its right now. Every single one would remind you to remember how amazing life is when you start living it.

0 comments:

barcode,

Literary: Old Building

9/10/2015 09:16:00 PM Media Center 0 Comments



Sa labing apat na tambayan
Sa mga masisikip na koridor
At kay Aling Norms na tindahan
Lahat tayo ay nagtawanan
Alaala ito ng kasiyahan

Mga ensayo para sa paligsahan
Mga break- up ng mga magkasintahan
Lahat tayo ay nagdamayan
Alaala ng kabigua’t kalungkutan

Ang mga malalawak na damuhan
Mga estudyanteng nagtatakbuhan
Umaraw man o umulan
Alaala ng ating mga kulitan

Mga istatwa kahit saan
Mga kwentong horror at kababalagahn
Lahat tayo’y natakot at kinabahan
Alaala ito ng hiwaga’t katatakutan

Sa dating gusali ng paaralan
Nabuo mga pangakuan
Tayo’y nagkatuwaan at nag-iyakan
Napakaraming alaala na kaysarap
Balik balikan.

0 comments:

crescencia,

Literary: That Thing Called Alaala

9/10/2015 09:12:00 PM Media Center 0 Comments



… Kapag tinawag ka niya sa pangalan mo,
At ‘ di mo mapigilang ngumiti

… Kapag nagkatitigan kayo, at babalik sa iyo
Ang lahat ng nangyari dati

… Kapag bigla siyang humingi ng tawad
At mapupuno ng luha ang iyong mga mata

… Kapag ipipikit mo ang mga ito
At ang una mong maririnig ay boses niya

… Kapag nahanap mo ang dapat sana’y
kakalimutan mo na

…Kapag, sa kabila ng lahat, at dahil sa lahat ng nangyari sa inyo,
Alam mong napatawad mo na siya.

0 comments:

emanon,

Literary: Naaalala Kita

9/10/2015 09:07:00 PM Media Center 0 Comments



Araw-araw kong iniinda
Nakaririnding paggising ng aking ama’t ina
Ngunit aking naalala
“Oo nga pala! Kailangan pa kitang makita”

Nang makita ko ang almusal
Sa tocino naalala ko, mapupulang labi mo
At tamis ng iyong ngiti, parang hot choco

Sa aking pagligo, sabon ay nadulas
Parang noong napatid ako sa aking sintas
At mga salitang “gusto kita”, sa harap mo’y binigkas

Bago umalis ay sinigurado ko
Na ako’y mabango at gwapo
Para maging presentable pag nagkita tayo

Nagmamadali, sa bus ay sumakay
Dahan-dahan ang daan ay binaybay
Simbagal noong pasimple akong sayo’y umakbay

Sa turo ng guro, naalala kita
Nakakaantok man, masarap sa tainga
Parang iyong himig, habang ika’y kumakanta

Mula sa malayo, natanaw ko ang pila sa canteen
Mahaba man ito ay akin pa ring susuungin
Tulad sa’yo, lahat ay handang harapin

Sa aking pag-uwi ay dumaan ako sa eskinita
At sa aking itaas, mga bituin ay nakita
Kumikislap-kislap gaya ng iyong mga mata

Bago ko ipikit ang aking mga mata
Hanggang sa ako’y nananaginip na
Ikaw at ikaw pa rin ang sa isip ko’y nagmamarka

0 comments: