cinnamon bun,
Minsan, naaalala ko
sabay tayong naglakad sa ilalim ng karagatan ng mga tala.
Umupo, nagkatabi tayong dal’wa
at tumanaw sa mga bituing kumikislap
parang ang iyong mga matang kumukurap.
Pinatahimik ko ang paligid
pinatagal ko ang oras
para makinig sa ’yo, sa tinig mo,
at sa mga sandaling iyon
nakilala kitang lubusan.
Ikinuwento mo ang sikreto ng nakaraan
sinagot kung paano, kailan, saan
ang masasaya at malulungkot mong karanasan,
ating pinakamasasakit na iyakan
hanggang sa pinakamatatamis na tawanan
hinding-hindi ko malilimutan.
Sa pagbukas ng iyong bibig
nagmistulang tanghalan, ating inuupuang sahig
nagsimula kang umawit,
sinaliwan ko ng tugtog
‘tug-tog’…’tug-tog’ – tibok ng aking puso.
Pinakinggan ko ang iyong pagkanta
awit na isinulat nating dalawa
rinig ko ang bulong, paghinga
ramdam ang talinghaga ng bawat salita
habang sinasabayan mo ang kislap ng mga tala.
Dumating na ang oras upang magpaalam sa isa’t isa
kailangan ko nang tumayo sa inuupang entablado
sa ilalim ng kalawakan.
Ngunit ayoko pa.
Nais ko pang makita ang iyong kumikinang na paningin
nais ko pang marinig ang iyong awitin
nais ko pang subaybayan ang iyong mukhang kasinliwanag ng mga bituin.
Gusto kong ihinto ang oras
upang masabi ko
ang nararamdaman
para sa ’yo:
Sa dinami-rami ng mga bituin, minsan, isang gabi
ang pinakamagandang tala ay nasa aking tabi.
Literary: Tabi

0 comments: