literary,
Napakasarap pagmasdan
ng mga bituing nagsasayawan, nagkikislapan,
mga ilaw na patay-sindi sa kalangitan,
nagsisilbing gabay sa mga hindi alam ang patutunguhan,
tulad ko na nakawala ng mapa
dahil tangay-tangay mo ito
noong sinabi mong “Ayaw ko na.”
Tuloy, napadpad ako sa pusod ng gubat,
walang karamay, nag-iisa
di alintana ang panganib na kaakibat,
dahil iyan ang ginawa ko noong minahal kita.
Lumalalim ang gabi,
sinubukan kong ipikit ang aking mga mata,
baka pagod ko’y kaya nitong mapawi,
baka maglaho ang sakit at pighati.
Pero hindi ko magawang mahimbing
dala ng bangungot ng nakaraang madilim.
Di alam kung bakit nagkakaganito
siguro ikaw pa rin ang laman ng puso at isip ko.
Mga mata’y muling binuksan,
pagtingin ko sa karagatan ng mga bituin,
may bulalakaw na nagdaan,
pikit-mata kong sinabi ang mumunti kong hiling,
na sana ay isabay nito ang bigat ng aking damdamin,
pati na rin ang mapapait na alaala ay maglaho na.
Kaya naisipan kong sumulat ng tula
sa ilalim ng buwan at libo-libong tala –
mga letrang napakadiin ng pagkakasulat
gamit ang luhang tumutulo sa aking mga mata.
Bawat luhang pumapatak, laman nito’y aking hiling
na sana bukas wala na ako sa kagubatang madilim...
Literary: Sa Ilalim

0 comments: