leo,
“Huy, Bes!”
‘Ayan ka na naman, mauulit na naman.
Magkukuwento ka na naman. Masakit na naman.
Isang “Hi,” binalik ko sa ‘yo at isang ngiting nagtatago.
Bawat kuwento mo (mga salitang tungkol sa minamahal mo) ay tila binabaril ako.
BES!
BEST!
BESTFRIEND.
Tanging mensaheng tumatakbo sa isip,
“Kaibigan lang kita, ha?”
“Huy, Bes...”
Tumutulo ang ulan mula sa iyong mga mata, nagiging bagyo na yata.
Di makatayo sa sakit, tindig mo’y nanginginig
na parang isang lindol, winawasak ang loob ng puso mo.
At nang huminahon, ika’y nagkuwento tungkol sa nabigo mong pag-ibig.
(Pareho lang pala tayo, e. Kaya lang, naging parang isa lang akong dingding, isang harang, sa kaligayahan mo.)
“…”
Hindi na nakarating sa ‘yo ang mga nararamdaman kong kay tagal na kinimkim.
Maligaya ka na kasi, nahanap mo na ‘yung bagay na magpapasaya sa ‘yo.
Bagay rin naman ako, a,
di lang bagay sa ‘yo.
Hay.
Sana kasi. Sana ganoon.
Sana pala, di kita hinayaang tadtarin ako ng balang hindi na matatanggal.
Sana pala, pinayungan kita sa bagyong paparating at prinotektahan sa lindol na yayanig.
(Sana, nasabi ko ang mga salitang baka nagpabago sa puso mong hindi tumitibok para sa akin.)
Sana pala di ko itinago.
Baka sakaling di ako na-
bes-zoned sa ‘yo.
Literary: Bes-Zoned

0 comments: