filipino,

Literary (Submission): Sulyap

2/02/2019 08:35:00 PM Media Center 0 Comments




Hindi mapigilan ang paghamon
Ng isang emosyong nagtutumalon
Galak sa buong katawan ko’y umalon
Di hiniling na ito’y lumisan at umahon

Kay lamig ng hanging dumampi
Sa katawang tila may sumapi
Hindi maipaliwanag ang nangyari
Kung ito ba ay katotohanan o hindi

Ang karikitang hindi inaasahan
Isang binibining taglay ay kagandahan
Pinatitingkad ng kristal niyang katangian
Ang dilim na dati’y di matanglawan

Binibining aking pinahalagahan
Abot kamay na sa aking harapan
Aking minimithing kaligayahan
Isang sulyap lamang nakamtan

You Might Also Like

0 comments: