news,

UPIS BLK, humataw sa UAAP Streetdance Competition

5/08/2019 07:45:00 PM Media Center 0 Comments



HATAW SAYA. Pagpasok pa lamang sa entablado, maangas na hinarap ng UPIS BLK ang mga manonood at mga hurado. Photo credit: Tracy Mondragon


Muling lumahok ang UPIS sa taunang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Streetdance Competition sa Araneta Coliseum noong Marso 23, Sabado.

Ngayong taon, nakamit ng UPIS BLK ang ikaanim na puwesto. Ang kanilang pangalang UPIS BLK ay nanggaling sa salitang block, na kaugnay ng pagsisimula ng hiphop sa Bronx, New York kung saan mayroong bloc parties. Ang tema ng mga routine sa kompetisyon ay 2000s kaya ang isinuot nilang costume ay asul na jersey na nausong suotin noon.

Ayon sa kanilang Team Captain na si Yumi Dela Torre, “Sobrang proud ako sa team ko kahit hindi varsity ang streetdance sa school. Unti-unti kaming na-grow sa loob ng isang buwan. Sa team mates ko, sana patuloy pa rin kayong sumayaw at kahit wala na ako next year sana mag-UAAP pa rin kayo.”

Nagkaroon ng dalawang kategorya ang kompetisyon: Juniors at Seniors. Umindak sa iba’t ibang routine ang mga kalahok ng mga unibersidad tulad ng University of the East (UE), University of Santo Tomas (UST), De La Salle University (DLSU), Adamson University (AdU), National University (NU), Far Eastern University (FEU), Ateneo De Manila University (ADMU), at ang University of the Philippines (UP).

Inanunsyo sa dulo ng kompetisyon ang mga nanalo. Narito sa talahayanan ang resulta:

Juniors Seniors 
Kampeon
 UST Galvanize
    La Salle Dance Company

1st Runner Up
 UE Street Varsity Team 
    FEU Street Alliance

2nd Runner up
 FEU Baby Tamaraws Dance Company
    NU Underdawgz // ni Tracy Mondragón

You Might Also Like

0 comments: