barsiti,
Lahat tayo ay may ideyal na tahanan
detalyado itong nakapinta sa ating mga isipan:
ito man ay nakabatay sa pisikal na anyo,
o sa isang matatag na grupo ng tao.
Malayang maglaro ang ating mga isip
kung gaano kataas ang ibig na haligi,
kung kadilim o kaaliwalas ang nais na paligid,
o kung saan gawa ang bahay, o kung marangya ba o hindi.
Anuman ang maging pisikal na itsura,
dapat panatilihin ang disiplina at pag-aaruga.
Kaayusan ay nararapat para mas kaaya-aya itong tirhan
ng may bahay, kapamilya o bisitang sinuman.
Sa isang tahana’y maaari ding ikonsidera
ang anumang nagdudulot sa atin ng saya:
maaaring pamilyang buo’t magkakasama
o kahit ‘di kadugo, basta’t may pagkakaisa.
Kaya mahalaga ang pangkalahatang pagkakaunawaan,
sabihin ang lahat, giginhawa sa dibdibang usapan.
Sa ganitong paraan, saloobin ng lahat ay napapakinggan,
para magkaroon ng kapayapaan at pagkakaintindihan.
Hindi maitatanggi na sa isang tahanan,
ang kapakanan ng lahat ay palaging nasa isipan:
isang komportableng lugar na maaaring takbuhan,
na palaging isinasaalang-alang at prayoridad ang kaligtasan.
Tahanan pa ba ang isang kinatatakutang lugar?
Isang silid na puno ng malalagkit na tingin at pagnanasa?
Pook na may mga kapamilyang nananakit sa bawat pagkakasala?
O isang komunidad kung saan ang mga armas ay libre’t sagana?
Kung mapagmasid tayo sa pagpili ng tahanan,
dapat ganoon din sa ating bayan.
Kung gayon ang obserbasyon at mga hinuha,
ang bayan mong Pilipinas, tahanan pa ba?
Literary: Ang Kailangan sa Isang Tahanan

0 comments: