arrow,
December 18, 2029
Sampung taon na rin ang nakalipas mula noong huli akong pumunta sa UPIS. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot o mae-excite. Kumusta na kaya ang mga ka-batch ko? May pamilya na kaya sila? Maayos kaya ang kanilang mga trabaho? Kilala pa kaya nila ako? Kilala mo pa kaya ako?
Kaiisip ko ng mga puwedeng mangyari sa gabing 'to, 'di ko namalayan na huminto na pala ang sinasakyan kong taxi sa tapat ng school. Ito na, lumalakas na ang kabog ng dibdib ko. Jusko, hindi naman ako makikipagkita sa bagong kliyente ng kumpanya. Hindi rin naman ako magpapasa ng proposal sa boss ng boss ko pero ba't ako kinakabahan nang ganito?
Nakita ko agad ang mga kaibigan ko pagpasok. Nakatambay sila sa mismong stone bench na iyon. ‘Yung bench na puwesto natin tuwing lunch break o 'di kaya nama'y uwian. Tanda ko pa na madalas tayong maglaro doon ng baraha. Lagi rin tayong nagca-cram ng mga requirements, at nakikipagkuwentuhan kasama ng ibang pa nating mga kaibigan doon. Narinig din ng bench na 'yon ang napakaraming sikreto at sumalo ng napakaraming luha. Nakasanayan na nating tambayan iyon kaya siguro ay doon sila pumuwesto.
Lumapit ako sa kanila at nakipagkumustahan. Kumpleto sila maliban sa isa. Saka ko lang napansin na wala ka roon. Pero hindi na rin ako nagulat. Matapos ba naman ang huling pag-uusap natin noon sa Ramp, gugustuhin mo pa ba akong makita?
~~~~~
June 11, 2019
“Sampung taon iyon, Andrei!” sagot mo sa akin. “Maraming puwedeng mangyari sa panahong ‘yon!”
“Alam ko.”
“Tapos ngayon mo lang din naisip sabihin sa akin mga nararamdaman mo? Kung kailan paalis ka na?”
“Sorry, Selena...”
“Sorry? Sorry saan? Sorry dahil biglaan kang aalis kahit nangako ka na sabay tayong mag-aaral dito? Sorry na sa tagal nating magkakilala ngayon mo lang sinabi na gusto mo ako? Sorry dahil kung kailan mo sinabi na ganyan pala mga nararamdaman mo, aalis ka na para mangibang bansa? Sorry dahil iiwan mo ako kahit na sinasabi ko sa ’yo ngayon na gusto rin kita?”
“Sorry. Paalam.”
“Andrei!”
~~~~~
Pumila kaming magkakaibigan sa buffet table sa loob ng gym para kumuha ng pagkain. Medyo natawa ako na dito ang napili nilang lugar para kumain. Dati ‘pag nahuli ka ditong kumakain, lagot ka. Pero kahit na bawal, dito pa rin tayo kumakain noon. Lagi kasing puno sa canteen at sobrang init naman kung sa stone bench kakain. Lagi pang may halong hiyawan kapag tayo na ‘yung dadating. Lagi nila tayong inaasar sa isa’t isa dahil lagi raw tayo magkasama. Lagi mo rin silang sinasabihan na walang namamagitan sa atin at magkaibigan lang tayo. Lagi lang din akong ngingiti lang at hindi magsasalita.
Umakyat kami sa 2nd floor pagkatapos kumain. Doon daw kasi naka-assign ang batch natin, sa Room 121. Madalas tayo noon sa silid na ‘to kapag may mga batch activities. Bawat batch assembly, Christmas party, pati na rin nung nag-review tayo para sa mga CETs. Tanda ko rin na dito umiyak ang halos buong batch nu’ng nanalo tayo sa Powerdance. Dito ko rin natanggap ‘yung tawag na bumago sa buong buhay ko.
~~~~~
May 28, 2019
“Hello, sino ‘to?” sagot ko sa unknown number na tumatawag sa cellphone ko.
“Hello Mr. Mijares? This is Evelyn Pearson from Yale University…”
(“I accept your offer.”)
~~~~~
Wala masyadong tao pagpasok namin sa room. Karamihan daw kasi sa batch ay busy sa kani-kanilang mga sariling buhay at walang oras para pumunta. Siguro isa ka sa mga ‘yon. Siguro nasa ibang bansa ka na ngayon at masayang nagtatrabaho sa propesyon na matagal mo nang pinapangarap. Nalungkot ako na hindi tayo magkikita sa unang uwi ko sa Pilipinas mula nu’ng umalis ako para mag-aral sa ibang bansa. Pero siguro ito na rin ang mas nakabubuti para sa ating dalawa. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kapag nagkita tayo. Alam kong galit ka pa rin sa akin at kahit na anong dahilan pa ang sabihin ko ay hindi mo ako mapapatawad. Huminga ako nang malalim para huwag na munang isipin ang mga bagay na ‘yon. Hindi na muna kita iisipin ngayong gabi.
Inikot namin ang buong eskwelahan para balikan ang mga alaala noong high school. Tinatawanan na lang namin kung gaano kababaw minsan ang mga pinoproblema natin noon. Binalikan din namin ang mga kalokohan ng bawat isa. Kung paano muntik nang masunog ang school, ‘yung upuan sa English room na nasira dahil sa kalikutan ng kaklase, ‘yung ilaw na nabasag dahil sa volleyball, ‘yung bintana na nalaglag, at marami pang iba na katatawanan na lang ngayon. Sa sobrang saya namin ay hindi ko napansin na muntik ko na palang mabangga ang isang babae.
~~~~~
April 4, 2019
“Hoy pag-graduate natin baka kalimutan mo na ako, a,” sinabi mo bigla noong naghihintay ka ng sundo sa Library.
“Ha? Posible ba ‘yon, e, pareho naman tayong sa Diliman mag-aaral,” sagot ko.
“Wala lang.” Dinig ang lungkot sa boses mo. “Baka kasi sa sobrang stress natin sa college mawalan ka na ng oras para sa akin.”
“Ang OA nito! Baka nga 10 years mula ngayon sabay pa tayong pupunta ng homecoming, e.”
“Tama. Dapat maging masaya ang gabing ‘yon para sa atin, a! Promise mo!”
“HAHAHA! Sige basta dapat nakangiti ka buong gabi, a!” pabirong sabi ko.
“Oo naman. Promise!”
~~~~~
Bakas sa mukha ng muntik ko nang mabangga ang gulat. Bigla siyang ngumiti at kita ang tuwa sa kaniyang mga mata nang magtagpo ang aming tingin. Hindi ko maintindihan kung bakit tuwang-tuwa siya na muntik ko na siyang matulak pero hindi maipagkakaila ang kasiyahan na kaniyang ipinapakita. Saka ko lang napansin na pamilyar ang kaniyang ngiti. Alam ko rin ang tingin na kaniyang ibinigay sa akin. Tatlong taon akong nabighani sa tingin na ‘yon at sampung taon kong hinintay na muling masilayan. Pumunta ka pala.
“Hi!” masaya mong bati sa akin. “Welcome back home!”
Literary (Submission): Homecoming 2029

0 comments: