aldric de ocampo,

Mag-aaral ng Grado 11 at 12, dumalo sa Intellectual Property Rights talk

5/23/2019 08:23:00 PM Media Center 0 Comments



Nakinig ang mga estudyante ng Grado 12 mula sa Applied Science and Engineering Track at mga mag-aaral ng Grado 11 mula sa nabanggit na track at Social Sciences and Humanities Track sa isang talk tungkol sa Intellectual Property Rights noong ika-24 ng Abril sa Audio Visual Room ng UPIS 7-12 Bldg.

Pinangunahan ni Senando Angelo Santiago mula sa Intellectual Property Office, at alumni ng UPIS, ang nasabing talk. Tinalakay niya ang halaga ng pagkuha ng patent at copyright sa mga gawa tulad ng mga imbensyon at mga sulatin.

Ayon kay Prop. Zenaida Bojo, naimbitahan nila si G. Santiago na magsagawa ng talk bilang bahagi ng mga gawain para sa Math and Science Week para sa Grado 11-12. Mahalaga rin daw ito upang maipakilala sa mga mag-aaral ang pag-copyright ng kanilang mga gawa o imbensyon.

Ayon din kay Prof. Bojo, nais din nilang magkaroon pa ng mga talk si G. Santiago para sa ibang track at sa ibang grado. //nina Aldric de Ocampo at Kiel Dionisio

You Might Also Like

0 comments: