filipino,
Ang akdang ito ay sequel sa “Pintuan” na mababasa sa http://upismc.blogspot.com/2018/04/literary-pintuan.html.
Matapos ang araw na iyon, patuloy kong binabalikan ang bahay na walang pintuan. Ayos lang kahit hindi niya ako papasukin, gusto ko lang naman talaga siyang kilalanin.
Araw-araw akong dumaraan sa bahay na iyon upang mangumusta at makipagkuwentuhan. Noong unang araw, hindi niya talaga ako pinapansin kaya naman bumalik ako kinabukasan. Palagi lamang siyang nakatingin sa malayo. Palagi rin siyang nagkukunwari na walang kumakatok sa kaniyang bintana—nagbibingi-bingihan. Kahit nga tingin, hindi man lang ibinigay sa akin. Naisip ko, ganoon ba kalala ang naging karanasan niya sa pagtitiwala sa ibang tao?
Dumating ang araw, pagkatok ko sa bintana, pinagbuksan naman niya ako. Hindi siya makatingin nang diretso, tila ba hiyang-hiya sa akin. Pero sa pagpupursigi ko, sa dami ng aking mga pag-uusisa at pagkukuwento, sa masidhing pagnanais kong makilala siya, unti-unti rin siyang nagsalita sa akin. Dahan-dahang nagbago ang pakikitungo niya sa akin araw-araw—mula sa mga matipid na sagot na nagiging kuwento na tungkol sa kaniyang pamilya at mga naging kaibigan. Sa sarap ng kuwentuhan, hindi namin namamalayan ang oras.
Kahit madalas, pareho na kaming hirap mag-usap sa pagitan lamang ng bintana, pinagtiyagaan ko pa rin ang pagpunta at pakikipagkuwentuhan sa kanya. Sa palagay ko kasi, hindi pa sapat ang mga oras na ginugugol ko sa mga pagdalaw ko sa kaniya para makilala siya nang lubos.
Natutunan ko na hindi naman pala talaga siya nakakatakot o masungit. Sadyang pinoprotektahan lamang niya ang sarili niya para hindi na masaktang muli. Masakit naman pala talaga ang pinagdaanan niya. Sa lahat ng taong nakilala niya, lahat sila ay iniiwan lang din siya. Nakakalungkot mang isipin, oo, medyo nawalan na ng puwang sa kaniyang bahay ang mga taong nais pang kilalanin siya. Kaya naman sinubukan ko talagang magtiyaga at bigyan siya ng oras upang magtiwala muli.
Minsan nga’y naiyak na lamang siya sa aking harapan. Paulit-ulit niyang sinabi na gustong-gusto niya akong papasukin sa loob ng kaniyang bahay pero hindi niya talaga alam kung papaano. Hindi niya alam kung paano maibabalik ang pintuan.
Gusto ko man siyang yakapin upang makibahagi sa kaniyang kalungkutan, hindi ko naman magawa. Kaya naman sinubukan ko na lamang siyang patahanin sa pamamagitan ng pag-abot ng panyo at sinabing “Huwag kang mag-alala. Tutulungan kitang ibalik ito.”
-----
Nandito na naman siya. Pang-ilang balik na niya ngayong linggo. Lagi ko nga siyang hindi pinapansin pero bumabalik at bumabalik pa rin siya. Sa bawat araw na dumadaan, nakakarindi na ang bawat pagkatok niya sa aking bintana. Hindi pa ba sapat ang hindi ko pagpansin sa kaniya? Minsan, sinubukan ko nang magtago pero sino ba namang maniniwala na walang tao sa loob ng bahay, ‘di ba?
Sa bawat araw ng kaniyang pagbalik, parati kong pinapaalalahanan ang sarili ko na hindi ko siya puwedeng pagbuksan ng bintana. Mauulit lang ulit ang mga nangyari noon. Iiwan din niya ako. Sinubukan ko talagang iwasan siya. Ngunit ang puso ko ay nagtutulak sa akin, “Bigyan mo siya ng pag-asa. Baka naman iba siya sa mga nakaraan.” Pero, nagpapaalala pa rin ang utak ko, “Ganyan din naman ang sinabi mo sa mga nakaraan. O ‘di ba, ganoon lang din ang nangyari?”
Hanggang sa unti-unti kong napagtanto, alam kong hindi titigil ang kaniyang pagkatok hangga’t hindi ko siya pagbubuksan ng bintana. Hindi siya aalis sa labas hangga’t hindi ko pinapansin. Hindi siya susuko hangga’t hindi niya ako nakikilala nang lubusan.
Kaya’t binuksan ko ang bintana at hinayaan ko siya. Hinayaan ko siyang kilalanin ako.
Sa bawat araw ng aming mga kuwentuhan, hinayaan ko ang sarili kong makipag-usap sa kanya. Hinayaan ko ang sarili kong magpakita ng emosyon sa harap niya. Hinayaan ko ang sarili kong ilahad sa kaniya ang aking pinakanatatagong sikreto. Hinayaan ko ang sarili kong umasa na hindi siya magiging katulad ng mga nakaraan. At panghuli, hinayaan ko ang sarili kong magtiwalang muli.
Sa bawat araw na kami’y magkausap, napapansin kong unti-unting numinipis ang pader sa pagitan ng bahay pati na sa labas. Sabi niya, huwag daw akong mag-alala dahil tutulungan niya raw akong maibalik ang aking pintuan.
Naaalala ninyo noong sinabi ko na hindi ko na alam kung paano makakalabas sa bahay na ito? Parang ngayon, alam ko na. Hindi man ako sigurado kung paano niya gagawin ‘yon, ang tanging alam ko lang ay ang pagkatiwalaan siya hanggang sa muling magbukas ang aking pintuan. Naniniwala akong balang araw, kusa kong sasabihin sa ‘yo na may kasamang ngiti sa aking mga labi, “Tuloy ka.”
Literary: Tuloy Ka

0 comments: