ned pucyutan,

10 Bagong mag-aaral ng Grado 7, inanunsyo na

5/11/2019 07:00:00 PM Media Center 0 Comments



Nakalabas na ang resulta ng Grade 7 Admission Test (GAT) na isinagawa noong ika-13 ng Abril sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) 7-12 building upang makapasok sa UPIS High School.

Ayon kay Prop. Portia Dimabuyu, Katuwang na Prinsipal sa Administrasyon, higit kumulang na 500 na aplikante na galing sa iba’t ibang eskuwelahan na pribado at pampubliko ang kumuha ng
pagsusulit. Mula sa mga aplikante, 10 estyudante lamang ang nakatakdang tanggapin para sa susunod na akademikong taong 2019-2020.

Bukod sa GAT, may iba pang paraan para makapasok sa UPIS sa Grade 7. Ang mga mag-aaral na atleta ay pwedeng makapasok sa pamamagitan ng UPIS Varsity Athletic Admissions System (UPIS VAAS).

Maaaring makita ang requirements sa website ng eskuwelahan.

Mahahanap ang resulta ng GAT sa harapan ng UPIS 7-12 Bldg. entrance gate at sa website ng eskuwelahan na https://www.upis.upd.edu.ph //nina Ned Pucyutan & Roel Ramolete

You Might Also Like

0 comments: