news,
Sangguniang Pangwika, bumisita sa mga bahay-ampunan sa Bulacan
Ang mga ngiti ng mga miyembro ng Sangguniang Pangwika. Makikita ang kanilang ngiti at pag ka-excite sa pagpunta nila sa Orphanage sa bulacan.
Muling bumisita ang Sangguniang Pangwika sa dalawang bahay-ampunan sa Bulacan noong May 6.
Pumunta sila sa Bethlehem House of Bread sa Baliuag, Bulacan at sa San Martin De Porres sa Bustos, Bulacan, na nauna na nilang dalawin noong makaraang taon.
Bilang bahagi ng gawain, tumulong ang mga miyembro ng Sangguniang Pangwika sa paglalaba, pag-aalaga sa mga sanggol, at pakikihalubilo sa mga bata sa Bethlehem House of Bread. Sa San Martin De Porres naman, lumahok ang mga batang nasa orphanage sa isang acting workshop na pinangunahan ni Prop. Carlo Pineda, tagapayo ng Sangguniang Pangwika. Ang mga batang na sa orphanage ay isinama ang mga miyembro ng Sangguniang Pangwika sa bahay na kanilang tinutuluyan.
Ang acting workshop ay iniugnay sa ginagawang senakulo ng mga bata bawat taon.
Binigay rin ang nakalap na donasyong mula sa mga estudyante ng UPIS na magagamit ng mga bata sa kanilang pang araw-araw na gawain. //ni Tracy Mondragon
0 comments: