angel dizon,
BSP Annual Camp, idinaos sa Antipolo
Idinaos ang University of the Philippines Integrated School (UPIS) Boy Scout of the Philippines (BSP) Annual Camp 2019 noong Mayo 5-7 sa Quest Adventure Camp, Antipolo.
Ang BSP Annual Camp ngayong taon ay sinalihan ng 90 na scouts na pinamumunuan ng 12 na Phoenix at nina G. Raffy Ibanez, G. Anton Reloj at G. Molave Macapagal.
Ang tema ng camp ngayong taon ay KOMEDYA: Scouts sa Harap ng Madla. Ayon sa Head SCL na si Winter Quiambao, ang temang ito ay napili ng mga Pheonix dahil isa itong paraan para pansamantalang ilayo ang pag-iisip ng kanilang kapwa scout sa mga problemang kanilang kinahaharap sa realidad. Layon ng mga phoenix na pagaanin ang mga gawain at aktibidad na kanilang inihanda sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan. Sa paraan ding ito, mas tatatak ang mga aral na nakapaloob sa mga aktibidad dahil sa kanilang mga kasiyahang naranasan.
Bukod sa pagsasaya, ang mga scouts na sumali ay inaasahang nahasa kasanayan sa pisikal na aktibidad at mga outdoor activities. Isa sa mga pangunahing gawain dito ay ang Big One Orientation kung saan ipinakita sa mga scout ang mga posibilidad at maaaring tugon sa mga pangyayari na di inaasahan. Bukod pa rito, layon din ng camp na mapaunlad ang pagkakaisa ng bawat batch at pakikisama ng bawat isang indibidwal sa pamamagitan ng mga batch, crew at outfit teambuilding.
Ang biglaang pagpalit ng panahon at malalaking pagbabago ng iskedyul ng mga aktibidad ang ilan sa mga pagsubok na kanilang hinarap. //nina Ria Amano at Angel Dizon
0 comments: