filipino,
Dear Mama,
Naaalala ko pa po noon, nilulutuan mo ako ng pagkain kasi sabi mo ayaw mong nagugutom ako. Ang aga-aga n’yo pong gumigising para lang ipaghanda ako ng makakain ko sa tanghalian. Tinetext n’yo pa po ako kung kumain na ba ako, nakatulog ba ako nang maayos kagabi, kamusta ang araw ko, napagod ba ako, at marami pang iba.
Naalala ko pati ang mga pagsuway ko sa utos n’yo at pagkukunwaring tulog kasi tinatamad ako. Ang mga away natin na mababaw lang naman pero lumalaki pa rin. Kabilang na rin ‘yung mga bonding natin lalo na noong bata pa ako. Naaalala n’yo pa po ba noong ang taas-taas ng nakuha kong grado kaya pumunta tayo agad sa SM para bilhin ‘yung laruang gusto ko? Naaalala niyo rin po ba noong pupunta ako sa birthday ng kaibigan ko at wala akong maisuot na damit kaya sinamahan n’yo ako kahit pagod ka?
At naaalala ko pa rin kung paano n’yo ako iniwan, Mama. Naaalala ko pa rin kung paano n’yo hinawakan sa huling pagkakataon ang aking mga kamay, tulad noong bata pa ako. Naaalala n’yo ba, Mama?
Mama, miss na po kita. Namimiss ko na kung paano mo bigyan ng liwanag ang mundo kong madilim. Namimiss ko na kung paano mo ako gisingin tuwing sumisikat ang araw. Ang matamis mong boses na bumubungad sa akin sa umaga para sabihing handa na ang almusal. Mama, handa po akong isuko ang lahat ng mayroon ako ngayon, bumalik ka lang po ulit.
Pasensya na po kung palagi akong nagkukulong sa kwarto at hindi ko kayo gaano nakakasama. Pasensya na po kung madalas akong busy kaya minsan hindi ko na kayo nasasamahan sa mga lakad niyo. Pasensya na po kung pasaway po akong anak minsan. Mama, sana mabasa mo po ito. Di bale, iipunin ko naman po lahat ng liham sa isang bote para kapag nagkita tayo ulit, maibibigay ko na po sa iyo.
Mahal na mahal po kita, Mama.
Love,
Ang nag-iisa mong anak
Literary (Submission): Liham Para Kay Mama

0 comments: