angel dizon,

Resulta ng Halalan 2019, inanunsyo

5/23/2019 09:00:00 PM Media Center 0 Comments


Nilabas ng Senior Council ang resulta ng Halalan 2019 para sa bagong Pamunuan ng Kamag-Aral (pKA) 3-6 at 7-10 at mga Year Level Organizations (YLO) noong ika-9 ng Mayo, Huwebes.

Nanalo ang buong partido ng AWANGGAN para sa pKA 7-10, sa pamumuno nina Danie Cabrera bilang Presidente at Romi Okada, pangalawang pangulo.

Ang nanalong Pangulo ng Sophomore Association (SOA) ay si Anna Dalet at Pangalawang Pangulo si Sophia Dormiendo parehong mula sa partido 8oar. Nanalo ang lahat ng kasapi ng 8oar sa halalan, maliban sa mga posisyong Tagapamahayag (PRO), na nakuha ni Itos Diaz at Tagapamayapang Lalaki (Marshall Boy), na napanalunan naman ni Vince Lagunilla na kapwa kasapi ng partidong United.

Para sa Junior Association (JA), nakuha ng partidong Nin9as na pinamumunuan nina Laica Sitchon bilang Pangulo at Jamiette Ganaden bilang Pangalawang Pangulo ang lahat ng posisyon, maliban sa pwesto ng PRO.

Para naman sa Senior Council (SC), nanalo sina Onise Manas bilang Pangulo at Roczanne Dela Cruz bilang Pangalawang Pangulo at ang mga kasapi nila sa partidong eSCalator. Nakuha ng partidong eSCalator ang lahat ng posisyon sa halalang ito.

Ayon na man sa isang pahayag mula sa Senior Council tunkol sa eleksyon para sa Freshman Association (FA), “Nagkaroon ng kalituhan sa balota dulot ng pagkakapalit ng pangalan ng mga kandidato para sa Auditor at Business Manager. Bagamat nilinaw ng COMELEC at VOLCORPS ang dapat gawin sa partikular na posisyong ito, may mga bata pa rin na hindi sumunod sa panuto. Dahilan upang ma-void ang kanilang boto.”

“Mapupunan ang mga posisyon na walang nanalo sa pamamagitan ng pag pa-approba sa Execom ng appointment ng sino mang mapagkasunduan at irekomenda ng YLO at ng GLC (Grade Level Coordinator) sa susunod na taon.”

Sa eleksyon ng pKA para sa Grado 3-6 ay nanalo ang partidong KAagapay, na pinamumunuhan ni Justice Aguinaldo, liban sa ilang posisyon na hindi umabot sa itinakdang minimun na porsyento ng boto.

Narito ang kabuuang listahan ng mga nanalo sa Halalan 2019:


AWANGGAN
(pKA 7-10)
Pangulo: Danie Cabrera
Pangalawang Pangulo: Romi Okada
Kalihim: Cy Licunan
Ingat Yaman: Rafael Alcazar
Ikalawang Ingat Yaman: Mary Rodriguez
Business Manager: Dean Cabrera
Tagasuri: Abbie Cuaresma
Tagapamahayag: Isa Biason
Tagapamayapang lalaki: Raymond Tingco 
Tagapamayapang babae: Cheska Yanga
eSCalator (Senior Council)
Pangulo: Onise Manas
Pangalawang Pangulo: Roczanne Dela Cruz
Kalihim: Pauline Geronimo
Ingat Yaman: Ram Selva
Business Manager: EJ Cruz
Tagasuri: Rofert Ramos
Tagapamahayag: Gian Manalo
Tagapamayapang lalaki: Jiboy Oseo
Nin9as
(Junior Association)
Pangulo: Laica Sitchon
Pangalawang Pangulo: Jamiette Ganaden
Kalihim: Klyssa Betito
Ingat Yaman: Bianca Baguio
Business Manager: Renz Emperador
Tagasuri: Parker Rudio
Tagapamayapang lalaki: Gio Capili
Tagapamayapang babae: Chelo Neri
Sophomore
Association
Pangulo: Anna Dalet (8oar)
Pangalawang Pangulo: Sophia Dormiendo (8oar)
Kalihim: Ria Bautista (8oar)
Ingat Yaman: Yuri Bustamante (8oar)
Business Manager: Grace Gaerlan (8oar)
Tagasuri: Rochelle Torralba (8oar)
Tagapamahayag: Itos Diaz (United)
Tagapamayapang lalaki: Vince Lagunilla (United)
Tagapamayapang babae: Franz Fugaban (8oar)
Freshman 
Association
Pangulo: Noelle Ballarta (PAMANA)
Pangalawang Pangulo: Jericho Pagulayan (PAMANA)
Kalihim: Trisha Legulab (FAmiliarize)
Ingat Yaman: Aila Orillaza (PAMANA)
Business Manager: Arunee Licerio (FAmiliarize)
Tagasuri: Mira Leano (PAMANA)
Tagapamahayag: Alyssa Sedurante (PAMANA)
Tagapamayapang babae: Faith Fabro (PAMANA)
KAagapay 
(pKA 3-6)

Pangulo: Justice Aguinaldo
Kalihim: Francine Candido
Ingat Yaman: Matthew Sasing
Tagasuri: Sofia Tan
Tagapamayapang lalaki: Uno Alarcon
Grade 5 Representative: Dean Espinosa
Grade 4 Representative: Ryann Lakip

You Might Also Like

0 comments: