angel dizon,

GSP Annual Camp 2019 idinaos sa Batangas

5/23/2019 08:30:00 PM Media Center 0 Comments



Ang mga miyembro ng GSP na sumama sa camping. Photo credits: Rain Fagela Tiangco.

Ginanap ang Annual Camp ng mga University of the Philippines Integrated School (UPIS) Girls Scouts of the Philippines (GSP) noong Mayo 3-6 sa Tabing Ilog, Nasugbu, Batangas.

Ang Annual Camp 2019 ay pinamunuan ng 25 UPIS Cadets at ng kanilang tagapayo na si Prop. Margaret Atela. Sinalihan ito ng 55 UPIS girl scouts. Ang tema ngayong taon ng camping ay Katha dahil nais ng cadets na iparating sa mga scouts na kaya nilang makagawa ng sarili nilang kwento. Katha o imahinasyon nila ang inaasahan at kailangan pairalin sa annual camp. Sa bawat gawain nila ay mayroon silang inasahang mapupulot na aral.

Ang apat na araw na camping ay naglalayong mapaunlad at mahasa ang kasanayang sosyal, praktikal, pamumuno, at kakayahang sa kaligtasan ng buhay ng bawat isang scout. Layon din nitong maging responsable at magkaroon ng kasarinlan ang mga scout habang pinapaigting ang samahan ng mga miyembro.

Ilan sa mga aktibidad na isinagawa sa camp ay Patrol Amazing Race, Batch Team Building at Rampa.

Pinarangalan si Anna Dalet ng 7-Neptune bilang Best Camper ngayong taon. //nina Ria Amano at Angel Dizon

You Might Also Like

0 comments: