MC2018,

"It's the people that make a place."

2/29/2016 08:00:00 PM Media Center 0 Comments

0 comments:

bea zamora,

Song: Pana-panahon

2/11/2016 09:52:00 PM Media Center 0 Comments





Panapanahon (lyrics)

Taun-taon palaging umaasa
Sana lang talaga’y maging kaklase kita
Taun-taon nagugulat ako
Tila biro ng tadhana, magkaklaseulit tayo

Buwan-buwan hinihiling
Na sa bawat gawain ikaw ang kapiling
Buwan-buwan hindi inaasahan
Na kung ako ay may kailangan, ay palagi kang nandyan

Chorus 1:
Pagka’t taun-taon, buwan-buwan, linggo-linggo
Sinasamantala mga sandaling makakausap ka
Pagka’t taun-taon, buwan-buwan, lingu-lingo
Unti-unti, di maitago ngiti sa ‘king labi

Araw-araw sumusulyap-sulyap
Sa bawat sandal hinahanap-hanap
Araw-araw nakikilala
Itong di maipaliwanag na saya

Oras-oras ikaw ang tumatakbo
Dito sa isip kong gulong-gulo
Oras-oras at sa tuwina
Di namamalayang nasaisip na kita

Chorus 2:
Pagka’t araw-araw, oras-oras, minu-minuto
Di mapakali, pagtingin sayo’y gusto nang masabi
Araw-araw, oras-oras, minu-minuto
Napakagulo, ikaw na yata ang laman ng puso ko

Bridge:
Segu-segundo papalapit sa iyo
Nasambit sa wakas damdaming tinatago
Segu-segundo papalapit sa iyo
Handa ko nang aminin ang pag-ibig ko sa iyo

Chorus 3:
Pagka’t taun-taon, buwan-buwan, lingu-lingo
Unti-unti, di maitago ngiti sa aking labi
Araw-araw, oras-oras, minu-minuto
Napakagulo, ikaw na yata ang laman ng puso ko
Ng puso ko

Taun-taon, buwan-buwan, lingu-lingo,
Araw-araw, oras-oras, minu-minuto,
Segu-segundo, panapanahon

Panapanahon

0 comments:

crescencia,

Literary: Tayo

2/11/2016 09:42:00 PM Media Center 0 Comments



Siguro kung hindi tayo,
Maghapon akong mangangarap.

Siguro kung hindi tayo,
Nakatulala na lamang sa ulap.

O kaya nama’y sumusulyap-sulyap,

At sarili ang palaging kausap,

Marahil kung hindi tayo,
Mag-isang naglalakad sa pasilyo.

Marahil kung hindi tayo,
Sa aki’y walang susundo.

At kung hindi tayo,
Hahangaring makapiling ka.

At kung hindi tayo,
Habambuhay na lang aasa.


Pero dahil tayo…

Araw-araw ay maligaya,
Sapagkat lagi nang kasama ka.

Bawat gabi’y nabubuo,
Sa bawat ngiting mula sa’yo.

At may ganang bumangon sa bawat araw,
Dahil alam kong bubungad sa akin ay ikaw.

At ikaw lamang ang inspirasyon,
Na kumukumpleto sa akin ngayon.

At mas lalong minamahal ka,

Mas lalong minamahal ka,

Sapagkat…

Araw-araw,

Oras-oras,

Minu-minuto,

Segu-segundo’y,

Kapiling na kita!

0 comments:

english,

Literary: For Life

2/11/2016 09:35:00 PM Media Center 0 Comments




Ask me when we first met
I won't answer
Ask me how long I've loved you
I wouldn't know
Ask me about the time we were together
I won't bother to remember

Because time is for fools

Ask me how much I love you
I won't measure it with time
I won't say 8 years or 9 months

Because I loved you for 782 miles when we just enjoyed the long ride going to your happy place
I loved you for 1000 paper cranes that we folded together believing that our wish would be the same
I loved you with all the cups of coffee we've shared
And all the conversations that came with it
I loved you through all the tears and laughter
Which made us feel like each other's home

It is not the span of time that makes me fall in love with you deeper
But the memories—sweet and bitter—
Within those years, months, and days,
Which makes innumerable reasons
Enough for me to love you for life

0 comments:

emanon,

Literary: Unchanging

2/11/2016 09:30:00 PM Media Center 0 Comments



Dear Joma,

Writing love letters isn’t really my thing. But for you I will. I will do just about anything, in order to paint a smile on your face—that smile that changed my life in a snap, lit up my world when it was dark and empty, and caught my heart years back. And besides, it’s Valentine’s Day, why not give it a shot?

It has been 3 years, 6 months and 12 days since the day I met you. To be honest, those aren’t really the exact days or months that we met, because for me, that doesn’t really matter at all. What matters most is this feeling. Believe me when I say that, darling, this feeling has not changed since day 1. This feeling still makes my heart skip a beat when our eyes meet. It still gives me butterflies when our hands intertwine. And, it has always made me feel that it is best being in your arms.

I don’t want to be all cheesy, though. All I want is to make you happy, to make you feel special on this day of hearts, and to make you realize that someone will always be here for you no matter what happens. I’m cutting this letter short now for every word, every line, and every character in this letter is nothing compared to what my heart speaks about. Well, just let me tell you this: Worry not if this letter is too short for you. I still have forever to tell you everything I want to say, right?

Time may pass, seasons may change, sweets will melt, and roses will wilt, but this you should remember my dear: whatever happens, my love for you will never fade. I love you, dear, to the moon or whatever planet and back, from now until the end of time.

Love,
Emanon

-----

Dear Emanon,

You see, when I pored through your letter and recognized the hand that first wrote to me three Valentines back, I knew the familiar feeling right away. The thrill of gazing at your handwriting, knowing that it's your love that it contains, I just know it all too well. Three years have passed, but I still love you just the same.

It's true, many things about us now have gone astray from our old ways. The coffee you once liked mugged and strong has been exchanged for a cupped and whipped treat. The handkerchief you once insisted on placing in your breast pocket has lately been finding its way to your trousers'. Almost every detail in you has changed. Sometimes, it makes me wonder if it's still the one I love I see when I look at you every day. But it's been years, and nobody is to blame.

We both have grown, but I am grateful that it's not our love that we chose to amend. You still hold my hand on those dark, cold nights. I still get chills every time you look at me. And these little things are proof that the love we share has never faltered after three long years.

No matter how much you change, please do know that I will still love you over and over again. I love you, dear. I always have, and I always will.

Love,
Joma

0 comments:

collaboration,

Literary: Baka Sakali

2/11/2016 09:27:00 PM Media Center 0 Comments


Nalalapit na ang araw ng mga puso.

Maaari bang maging “tayo?”
Nagdadalawang isip kung sasabihin sa’yo.

Paano ko sasabihin?
Paano ba aamin?

Naguguluhan at nag-aalangan,
Kung pareho ba tayo ng nararamdaman.

Takot na ako’y iwanan,
Mababalewala ang pinagsamahan.

Takot na muling masaktan,
Huwag nang ibalik ang nakaraan.

Loob ko’y patatatagin.

Ako nama’y maghihintay pa rin.

Naghahandang ika’y tanungin.

Pagkakataong ito’y hindi sasayangin.

Magbabaka sakaling,
Ako’y mahal mo rin.

0 comments:

collaboration,

Literary: Dear Kupido

2/11/2016 09:24:00 PM Media Center 0 Comments



Dear Kupido J Buckets,

Bakit po ganoon? Hanggang ngayon single pa din ako? Maganda naman ako, sexy, nakakatawa at mabait. Pero bakit lagi akong sawi? Bakit ako lagi ang iniiwan? Bakit kailangan ako lang parati ang nasasaktan? Bakit?

Baliko ba yang pana mo? Para kasing tuwing pumapana ka ng lalaking para sa akin ay tumatama sa iba. Okay sana kung lalaki kaya lang bading ang tinamaan, kung di naman bading, may girlfriend naman. Papagawan na ba kita ng salamin sa mata? Nang minsan naman ay masakto mo sa lalaking tunay na magmamahal sa’kin ‘yang pana ng pag-ibig mo.

Hindi naman ako naghahangad ng masyado. Okay na ako sa lalaking matangkad, mga 5 11' ang height, matangos ilong, naka-undercut, blue eyes, may abs, marunong kumanta at maggitara, may timbang na di lalampas sa 70 kg, may bigote at magaling sa Math. Kahit yan lang, okay na ko.

Hindi naman sa nagmamadali ako, pero sana po kupido ay bilis-bilisan mong maghanap ng target kasi halos 1 linggo na lang, araw na ng mga puso. Pagod na akong magdiwang ng mag-isa. Yung tipong manonood ka ng sine, wala kang kasama, walang bibili ng popcorn para sa'yo, walang maghihintay sa labas pagkatapos mo mag-CR, wala kang masasandalan sa jeep pag inaantok ka na.

Sa hinaba-haba nitong sulat ko, ni hindi ko alam kung totoo ka ba o kathang-isip. Pero ito ako, sumusulat pa rin sa’yo. Umaasa na kahit kaunti mapagbigyan mo itong mga hiling ko at masagot mo itong mga tanong na napakatagal ng nakaimbak sa puso ko.

Nagmamahal (pero laging sawi at konti na lang mapapagod na itong isip at puso ko),
Dimples

-----

Dear Dimples,

Alam kong ika'y isang napakagandang babae sapagkat ang katulad mo ay mahirap mahanap." One in a million" kumbaga. At sa aking palagay you deserve the best, nothing but the best. Ngunit pagpasenyahan mo sana ako, dahil hindi ko rin alam ang mga tiyak na kasagutan sa mga tanong mo. Basta't ang alam ko lang, kapag para sa iyo ang isang tao, dumaan man ang lahat ng problema ay mananatili ito sa tabi mo kahit anong mangyari. Kaya't kung lagi kang iniiwan ng mga lalaking sinasabi mo, baka ito ay dahil hindi pa tama ang oras at hindi pa din sila ang Mr. Right mo.

Hindi naman baliko ang pana ko at malinaw naman ang mata ko. Sa tingin ko nga ay iyang puso mo ang malabo ang paningin dahil hindi sa mga lalaking minahal mo nakatutok ang pana ko. Mali lang siguro ang tingin ng puso mo. Masyado ka kasi yatang nagmamadali sa pag-ibig kaya nakakalimutan mong hindi ito dapat hinanahanap dahil ito ay kusang dumarating, biglaan at walang pasabi. Baka nga katabi mo na pala sya, hindi mo lang namamalayam dahil tutok ka sa pagtingin sa kagandahang lalaki at di mo na napapansin ang kagandahang loob ng isang lalaki.

Hindi lingid sa akin na isang linggo na lang ay araw na naman ng mga puso. Alam na alam ko iyan dahil milyong-milyong sulat na naman kagaya nito ang dumarating sa opisina ko. Kaya't humihingi ako ng pasensya kung hindi ko agad agad napagbibigyan ang mga hiling nyo. Nag-iisa lang kasi ako at pitong bilyon kayong mga taong naghahangad magmahal at mahalin. Kung kaya ko lamang na tuparin agad agad ang lahat ng iyon ay gagawin ko talaga. Ngunit naniniwala ako na ang lahat ng bagay ay may tinakdang oras, perfect timing kumbaga, kaya't sana'y makapaghintay ka pa ng kaunti. Sa ngayon, ipagdiwang mo muna ang araw ng mga puso kasama ng pamilya't kaibigan mo na mahal ka ng buong buo at hindi ka iiwan.

Sana'y di ka na malumbay. Huwag kang mag-alala, sa maniwala ka man o sa hindi, alam ko ang tadhana mo. Mayroon na akong nakitang lalaking para sayo. Tamang oras na lang ang hinihintay ko. Pagkatiwalaan mo sanang muli ako at ang pana ko.

Nagmamahal,
Kupido J Buckets

0 comments:

collaboration,

Literary: Laro Tayo

2/11/2016 09:20:00 PM Media Center 0 Comments




Sa isang larong tinatawag na “pag-ibig”
Ang unang mahulog ay ang taya.
Hahabol ng hahabol hanggang sa makuha,
Ang matamis na “oo” na pinapangarap.

“Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo.”
“Isa!” Sana hindi mahirap habulin.
“Dalawa!” Sana hindi mahirap suyuin.
“Tatlo!” Sana ay maging akin.

Ang larong ito ay depende sa’yo,
Kung may pag-asa ba o talo na agad ako.
Hindi maganda ang laro kung madali ito,
Ngunit ito’y masaya kaya ‘wag ka sanang susuko.

Kaya heto pa rin ako,
Patuloy na hinahabol at hinahanap ka.
At noong akala ko’y wala ka na,
Sa aking likuran ay may biglang tumaya.

0 comments:

collaboration,

Literary: Opposite Directions

2/11/2016 09:16:00 PM Media Center 0 Comments



I had a rough childhood
Grew up in negativity
Never believed I would be happy
That is, until I met you

I had a rough childhood
Grew up in a chaotic household
Stopped believing in love
Ever since my parents broke up

When I first met you
I really didn’t know what to do
We both shared the same ideal
It was just too good to be real

When I first saw you
I felt a foreign feeling
And like an invader in my territory
I prevented it from taking over me

I love the way you make me feel
I’m actually happy, so surreal
Like life’s worth a shot
Like anything is possible and whatnot

Like going underwater
I saw new horizons and felt differently
But I was frightened
Of drowning and suffocating

I’ll help you breathe
Don’t be scared of what’s underneath
I’ll help you get through this
I won’t let you fall into the abyss

Upon seeing broken souls and unmended hearts
I was frightened yet curious
Then I wondered what would happen
If I gave it a try

Unfortunately love is a mystery
One that is so hard to unravel
Like a present given to you
Unknown yet exciting to open

Just another uncertainty
Don’t know what this will end up to be
Yet I will take the chance even though risky
For us to be together, you and me

The day that I woke up
Feeling that I lost something
Was also the day I told myself
Perhaps it was worth a try

0 comments:

collaboration,

Literary: From the Start

2/11/2016 09:12:00 PM Media Center 0 Comments



Ever since I was a child
Love was felt in so many ways
Yet I didn’t know back then
That I get it everyday

It was my mother’s cooking
And my father’s forehead kisses
It was the food my friends gave
The hugs and birthday wishes

Then it turned to late night texts
With flowers in bouquets
It was being on a date
Love changed, they always say

Because growing up
I have learned that
Love is shared between two people,
With the person I never get tired of looking at

Then they came, those fateful days
To me now it’s all a haze
When I first told you how I felt
Until the day, holding a ring before you, I knelt

Every day, it was your loving goodbyes
And each moment I look into your eyes
It was the angelic laughter
Of our children which brings our family together

Then it was our grandchildren playing in the background
Keeping me company since you’re no longer around
While I absentmindedly fiddle
With the rings we swore with

I remember the love the world gave me
In every little detail, I see
How lucky am I that I could give back
What I so generously received even from the start

0 comments:

filipino,

Literary: Sana, Paano, Kung

2/11/2016 09:09:00 PM Media Center 0 Comments




Di ko alam kung anong gagawin.
Di ko alam kung anong sasabihin.
Di ko alam kung anong mararamdaman.
Di ko alam kung dapat ka bang lapitan.

Gusto kitang kausapin,
Kaso baka ako’y iyong di pansinin.
Gusto kitang lapitan,
Kaso baka ako’y iyong ipagtabuyan din.

Nais kong sabihing mahal kita,
Na di mawala-wala ang aking pagsinta.
Nais kong ipagsigawan
Ang aking nararamdaman.

Sana sumasagi man lang ako sa iyong isipan.
Sana nararamdaman mo ang aking pagmamahal.
Sana dumating ang araw na ika’y maging akin,
At sana ako ay iyong mapansin.

0 comments:

barcode,

Literary: To the One

2/11/2016 09:06:00 PM Media Center 0 Comments




To the one I unexpectedly fell for,

You once said that I should find another fish in this ocean, vast and deep. But I still fell in love with you. Is sorry enough to take away my unexpected love for you?

To the one who makes me tongue-tied,

Every night, I always pray that destiny will find some way to open my heart. For until this day, I still can't reveal my unspoken love.

To the one who can’t reciprocate my love,

I still wish that the gods give me a chance to let you know that I'm here. Because even if my love is unrequited, I will give it still.

To the one I love unconditionally,

I don’t regret loving you but why does it seem like you regret meeting me? Though you cannot return it, I cannot help loving you unconditionally.

To the one I can’t forget,

I promise to try to forget you and let you go. Please forgive me for loving you as I forgive you for not loving me back.

0 comments:

inc101,

Literary: Take Care

2/11/2016 09:02:00 PM Media Center 0 Comments



I have loved you since
We first sat together

I have always loved you
But refused to acknowledge it.

I watched you be with others.
I watched them leave you.
You watched me be with others
Even if it has always been you.

You watched me be with others,
Feeling but never really loving
I watched you be with others,
Giving but never really caring.

I was always here.
I never left you.
I saw every single heartbreak
You've been through.
But am I really not enough?
Am I really just a friend?
I guess we're both suppressed by this
And we will be 'til the end.

You are always here
Even though I run away.
You have seen every heartbreak
That I try to breeze through.
You are more than enough
And that's the problem.
I fear that loving you now
Means leaving you in the end.

But still I stay.
And here I say
I will be anything
You want me to be.
I'll be there
When the pain you can't bear,
I'll be the one who cares.

But I want to stay.
So if it means
Doing anything
But showing you I love you,
I will do it.
When the pain's too much to bear,
I hope you know that I do care.

0 comments:

english,

Literary (Submission): Of Waiting

2/11/2016 08:56:00 PM Media Center 1 Comments




You know how there are things that you're just used to being there? That is, until something or someone comes in and changes everything you think. Then suddenly it’s gone, leaving you hoping that it would come back. Eventually, however, you'd give up on waiting. And just when you stopped, it comes back. But it’s just a little too late. As time passed you realized you never really lost interest. And now, you’re the one who's chasing what was once there.

That’s exactly how it was for me.

For a long time, every night, I would go out and gaze at the stars. There's this constellation that seems incomplete—as if it's missing a star. And I fell in love with it because it reminds me so much of myself.

But that was 'til I met you—the star that completes that constellation in the sky and made me fall in love with it even more. But the problem was you also completed some other constellation. So there I thought it wasn't meant to be, that it just so happens to be there right there, where my constellation lies.

So as time passed, the star drifted away, like you. But I became used to the incompleteness of the constellation. Somehow, I became used to how things were. I didn’t even notice that you came back because by that time, I wasn't there to see it. I've been so busy that I barely have time for anything. In fact, I haven't been out in a long time. I missed whiling my time away, gazing at the stars upon the night sky.

When I finally had the time to go outside, the star wasn't there anymore. You weren't there. And I can’t help asking why is it that whenever I'm there, you're not? And whenever I'm not, you're there? It was like planets aligned in our skies at the same time, but we were from different galaxies.

Now, it’s my turn to wait. It's my turn to stay here. Hoping that you, the star that would complete that constellation in the sky would come back to complete me.

I never had the patience to wait for anything. But I could and I would wait for you. I would wait for that moment when everything in the universe finally clicks in place for us.

Because time has made me realize that you and me, in that moment, would be worth it.

1 comments:

english,

Literary (Submission): A Love Letter

2/11/2016 08:50:00 PM Media Center 0 Comments




Milady Dear,

Love is a topic so often touched, yet it still remains mysterious and shrouded in confusion. What exactly is this curious emotion? Oh, it is so many things at once. It is a faint whisper that is difficult to find and yet is always there affecting your whole being. It’s a siren’s song which lures you to your death that you may be a better man, reborn. It is a slow descent into madness that brings not asylum, but joy and togetherness. It is, lastly, though not, as the cliché goes, the least that feeling I hold for you.

There is so much about you that deserves notice. You are fair—that is without question. One time, you were bathed in the golden light of the sun, and it emphasized all your features, in stark contrast to the room’s dull and drab interior. You were a love fairy in a classroom grove. You’ve a wit that yields only stupid jokes, but I can’t for the love of God, help but laugh. You work hard for your goals. You brave stormy seas and sleepless nights for things you consider important. Your dedication is admirable. You also keep child-like joy about you. ‘Tis something so rarely seen today for people wish to become “adult” quickly. To be able to both retain a child’s glee and become mature and responsible at the same time is commendable.

Forever, according to Emily Dickinson, is composed of nows. May all those nows be spent ‘twixt you and me. We could get lost in the streets of an unknown town and try to find our way home. We could lie beneath a starry sky and just savor the fresh air and each other’s company. We could do anything.


Sincerely,


Rory Williams

0 comments:

chikito,

Literary (Submission): The Invitation

2/11/2016 08:45:00 PM Media Center 0 Comments



When the time has come for prom night
I expect some of us will have a date
Like a seedling looking for its first ray of light
Love struggles to find the perfect mate

You should find a partner while it’s still early
Or in the end you’ll feel sorry
Understand this before you act silly

Get your friends and serenade her
Or buy a bouquet of her favorite flower

Things should be planned, arranged, and prepared
Otherwise you’ll end up looking stupid and scared

Probably wear something nice
Really show her what you feel
Offer her cake or a pizza slice
Maybe a McDonald’s Happy Meal

When you think she doesn’t want your food
Impress her with a song you composed
Then sing it to her when you’re ready
Her reaction is all that matters, really

Maybe a poem, if you can’t sing
Especially if you’re good in writing

Like this secret promposal that I just did
With every first letter of the previous lines
Spelling out my true intention be
“Will you go to prom with me?”

0 comments:

filipino,

Literary (Submission): Pana ni Kupido

2/11/2016 08:41:00 PM Media Center 0 Comments




Sa malamig na simoy ng buwan ng Pebrero,
Ang magkakasintaha’y nagsisipaghahanda,
Ng mga mumunting regalo,
Para sa kanilang mga sinisinta.

Isang araw sa buwan ng Pebrero,
Ako’y napaisip, kung mayroon kaya?
Mayroon kayang isang mabuting ginoo,
Na magbibigay ng puti’t pulang rosas sa isang tulad ko.

Isang gabi sa buwan ng Pebrero,
Ako’y labis na abala sa pag-aasikaso.
Naghahanda ng sorpresa at panregalo,
Sa babaeng iniibig nitong aking puso.

Sa pagsapit ng araw ng mga puso,
Mga tao’y tila sabik ngunit kabado.
Makukulay na palamuting puso ang nakasabit,
at nakaririnig ng gitara, sabay ang pag awit.

Sa pagsapit ng araw ng puso,
Bawat isa’y may kanya kanyang pauso.
Harana dito, harana doon,
Sinusulit ng lahat ang bawat minuto.

Napakaraming nagaganap sa paligid.
Ang simoy ng hangi’y puno ng pag-ibig.
Sana ngayong araw ika’y aking makita,
Pero teka, nasaan ka na nga ba?

Magpapahuli ba ako sa kanila?
Ako’y handa na sa aking sorpresa—
tsokolate at mga rosas na kay pupula
Pero teka, nasan ka na nga ba?

Sa silid-aklatan, nakaupo akong mag-isa,
Aking mga kaibiga’y nagsialisan na.
Naisipan kong lumabas at mag-ikot,
Pero bakit ang taong hinahanap ay tila di sisipot?

Sinuyod ang bawat classroom.
Ipinagtanong ko na kung kani-kanino,
Hindi kita mahanap.
Bigo na nga ba ako?

Naiwang nakatayo sa balkonahe,
Habang nakatitig sa kawalan.
Unti-unting nawalan ng pag-asa,
Na may matatanggap pang regalo mula sa kanya.

Sa paghahanap ko sayo’y nawalan na ng pag-asa,
kasabay sa pagkatuyo ng mga rosas na kanina’y sariwa pa.
Sa balkonahe nais kong itapon na,
Ngunit ako’y nabigla nang matanawan ka.

Nabuhayan ang loob ng kita’y masilayan,
Ang ginoong akala kong din na ako pupuntahan,
At ako’y nabigla ngunit agad ring napangiti,
Sa mga matatamis mong salita na sa aki’y sinabi.

Tibok ng puso’y biglang bumilis.
Ang aking mga pinlano’y hindi rin nagamit.
Dalian ko na lamang ibinigay sa’yo ang mga regalo,
At sayo’y inamin ang nilalaman nitong puso ko.

At sa araw na ito nagsimula,
Ang bagong yugto at kabanata,
Sa buhay ng isang binibini at ng isang ginoo,
Na tila napana ni kupido sa araw ng mga puso.

0 comments:

filipino,

Literary (Submission): Cloud 9

2/11/2016 08:31:00 PM Media Center 0 Comments




Nagsisimula raw ang lahat sa asaran,
Sa pabirong panunukso ng mga kaibigan,
Ngunit bakit hindi ko namalayan,
Unti-unti nang nagiging totohanan.

Sa tuwing ika’y aking nakikita,
Hindi ko maiwasang mapangiti,
Sa aking mundong itim at puti,
Ikaw ang siyang bahaghari.

Sa tuwing boses mo’y maririnig,
Puso’y bumibilis ang pintig.
Hindi ko mapigilang sumabay sa kanta,
At sa bawat tipa ng iyong gitara.

Sa tuwing tayo’y magkasama,
Paligid ay nag-iiba.
Nalilimutan ko ang nakaraan.
Gumagaan ang aking pakiramdam.

Minsan naitanong ko sa sarili ko,
Bakit ako? Bakit sa’yo?
Oo nga’t palagi tayong tinutukso,
Pero… iba kasi ang gusto mo.

Sadyang mapaglaro ang tadhana,
Kaya ngayon hanggang dito na lang muna,
Pagkat kahit naman iba ang laman ng puso mo,
Masaya pa rin akong magkaibigan tayo.

0 comments:

english,

Literary (Submission): A Different Hue

2/11/2016 08:26:00 PM Media Center 0 Comments



You are all the colors in one, at full brightness
A work of art that fills up my senses
I am stranded waist-deep in this beautiful mess
Still, I see you without pretenses

We were written in paint—
The darkness in tune with the light
My thoughts of you will remain
For nothing will ever be as bright

Because at the end of the day
It’s only you; I am in love with you.
I believe in the signs, the fairies, and the stars
And it’s ours because you make me love you

There is a Great Manifesto if you look really closely
Enough to see how grand the world is on its own
You and I know that wandering is the only way to go
But stay, stay here, and be my own

I’ve seen the signs, the fairies, and the stars
Even though they may be miles apart
They agree with nothing less
You are all the colors in one, at full brightness

0 comments:

capulet,

Literary (Submission): Dear Universe

2/11/2016 08:20:00 PM Media Center 0 Comments



I am nothing
But a speck in your entirety;
A blotch of ink
On your novel of destinies–
Yet you play with me
As though toys never wear out

I do not live to succumb
To your petty desires,
Yet an unwary pawn
Is what I have become–
Incapable of escaping
Your formidable domain

Countless times, I thought
You had let my soul meet its mate
And I looked to you
With such grateful eyes,
But each time, they lost their luster
As I watched you tear love apart

You took away all
Those you had given me
Because you can
And because I cannot take them back
You did always have
That unfair advantage

My dearest Universe,
Let us put an end to our game –
I would rather lose to you
Than bear any more of this misery
Just save me from the heartache
Of losing another

0 comments:

filipino,

Literary (Submission): Walang Hanggan

2/11/2016 08:14:00 PM Media Center 0 Comments




Nalulumbay na puso ay iyong binuhay.
Bumilis ang pagtibok,
At nagkaroon muli ng saysay,
Itong puso kong matagal nang naghihintay.

Puso kong ligaw,
Sa'yo ko natagpuan.
Aking mga pagkukulang,
Ay iyong pinunan.

Tadhana ang naglapit,
Sa mga pusong nanlalamig.
Pag-ibig ay unti unting uminit,
Ikaw ang laging isinisigaw nitong aking isip.

Magkabilang mundo,
Ngayon ay nagtagpo.
Sayo'y di na lalayo,
Subukin man ng tukso.

Anumang pagsubok ang dumating,
Hindi ko hahayaang,
Masaktan ang 'yong damdamin.
O, masasayang alaala'y liparin ng hangin.

Pangako sa iyo,
Ilang taon man ang dumaan,
Ipararamdam ng puso ko,
Pag-ibig na walang hanggan.

0 comments:

dimasawi,

Literary (Submission): Minsan

2/11/2016 08:09:00 PM Media Center 0 Comments




Minsan,
Kung matapon sa kawalan,
Gayon na lamang.
Walang salita, boses, tinig
Pagkabingi ang naririnig.
Naririyan ka man,
Wala kong maramdaman.
Kahit nasa harapan lang pala,
Hindi kita makita.
Dahil diwa mo’y naglalakbay na sa iba,
Nakakainis na nandiyan ka,
Minsan.

0 comments:

dawson,

Literary (Submission): Paalam

2/11/2016 08:06:00 PM Media Center 0 Comments



Paalam.
Ito na ang aking huling salita
Habang tayo’y nasa gitna ng ulan,
Habang tayo’y nababasa.

Paalam sa ating mga munting alaala.
Paalam sa mga pagkakataong nagbigay sa’tin ng saya.
Paalam sa mga mata mong aking pinaluha.
Paalam sa puso mong aking nakuha.

Patawad,
Sa lahat ng pagkakamali ko.
Ito ang sigaw ko habang bumabagyo.
Ito ang sigaw ko habang sa isa’t isa’y papalayo.

Patawad sa pagpapaasa sa’yo.
Patawad kung ikaw ay pinaiyak ko.
Patawad kung di ko masagot ang mga katanungan mo.
Patawad kung ngayon ika’y kailangang iwan.

Pag-ibig
Ang tamis na ating pinakaaasam
Ay ang pumapatay sa atin sa pait
Habang nalulunod tayo sa ulan

Pag-ibig na wagas, na walang katapusan
Pag-ibig na buhay at walang kamatayan
Pag-ibig na hinati sa ating dalawa
Pag-ibig, patawad, ako'y magpapaalam na.

0 comments:

filipino,

Literary (Submission): Takas

2/11/2016 08:02:00 PM Media Center 0 Comments




Huminga nang malalim,
Wag ka na lang tumingin.
Ipikit ang mga mata,
Kunwari’y hindi mo nakita.

Kunwari’y hindi mo nakita,
Na may iba siyang kasama,
Na hindi siya sa’yo masaya.
Kundi sa piling ng iba.

Ipikit ang mga mata,
Alam kong nasasaktan ka,
Pero ang mga nakita’y,
Takasan mo na nang di ka na masaktan pa.

Nadarama’y ‘wag nang muling balikan.
Itago ang labis na nararamdaman.
‘Wag bayaang pumatak ang luhang kay tagal pinigilan,
Sapagkat ang sakit ay kailangan mong pagtiisan.

Huminga nang malalim
At iyo na lamang tanggapin,
Na extra ka lang sa kuwento ng pag-ibig nila,
At sa love story nila, ikaw ang siyang kontrabida.

0 comments:

filipino,

Literary (Submission): Para Sa'yo

2/11/2016 07:55:00 PM Media Center 0 Comments




Sa iyo,


Nais kong malaman mong ang mga bagay na sasabihin ko sa liham na ito ay ang mga bagay na matagal ko nang gustong sabihin sa’yo ngunit hindi ko masabi nang harapan.

Maraming beses ko nang gustong amining unti-unti na akong nahuhulog sa’yo. Alam ko namang nagsimula lang ang lahat sa simpleng asaran, simpleng biruan, simpleng katuwaan pero sa totoo lang, bigla ko na lang naramdamang may kumikiliti sa dibdib ko kapag magkalapit tayo.

Minsan, napapansin ko na lang na tinititigan na pala kita tuwing nakikipagkwentuhan ka sa katabi mo habang nagtuturo ang teacher. At alam kong ayaw mong naririnig ito, pero maganda ka. Gumaganda ka pang lalo sa paningin ko kapag hinahawi mo ‘yung buhok mo.

Pero bakit parang di ka nadadala sa mga pang-aasar sa atin? Kahit na halos sa bawat pagkakataon na magkagrupo tayo o kaya naman malapit ang upuan natin sa isa’t isa, halos di magkamayaw ang mga tao sa panunukso sa atin. Bakit parang naiirita ka na sa kanila habang ako nama’y nahihirapan nang itago ang kilig ko?

Nahahalata mo bang ginagawa ko na ang lahat para magpapansin sa’yo? Sinusubukan kong kausapin ka tuwing walang tao para walang mang-asar sa atin. Kaya nga tuwing uwian nagpapagabi ako. Umaasang sana gabihin rin nang konti ‘yung sundo mo para kahit paano magkapagkwentuhan tayo. Kahit sa simpleng “Hi” lang sa “Hello” ko, napakasaya ko na at malamang hindi na naman ako makakatulog sa sobrang kilig.

Ginagawa ko na rin ang lahat para mapalapit sa’yo. Katulad noong kailangan mong magpaturo para sa interclass competition. Hindi ako masyadong marunong pero ginawa ko ang lahat para matuto ka. Di lang halata pero sobrang kinikilig ako sa bawat araw na tinuturuan kita, sa bawat pagkakataon na nakakalaro kita at sa bawat oras na tayo lang ang nagpapasahan sa field.

Hinding-hindi ko rin malilimutan ang unang beses na isinayaw kita. Sandamakmak na lakas ng loob yung inipon ko para maitanong ko sa’yo kung pwede bang ikaw yung huling babaeng isasayaw ko sa gabing iyon. At noong pumayag ka, di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Noong nagsimula na tayong magsayaw, para bang ang bagal ng oras. Habang nagkukwento ka, natutulala ako. Nakatitig lang ako sa mata mo at para bang di ako makapaniwala sa mga nangyayari. Di ko na marinig yung kanta, ikaw lang ang naririnig ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, namamanhid yung katawan ko habang nakikipag-usap sa’yo. Nanlalamig ang mga kamay ko habang hawak-hawak ang mga kamay mo. At sa sobrang katuwaan ko, hindi ko na nga namalayang halos dalawang kanta na tayong nagsasayaw.

Pero sa lahat ng ginawa ko para sa’yo, parang wala ka pa ring nararamdaman para sa akin. Parang walang kwenta ang effort ko sa pagpapansin. Parang kahit anong gawin ko, hindi mo ako magugustuhan. Bakit nga ba ako umaasa? Wala ka namang ginagawang bagay na ka-asa-asa. Ni-katiting na sukli sa lahat ng binigay ko, wala akong natanggap. At parang nababasa ko sa mata mo na… wala… wala akong pag-asa.

Kaya minsan gusto ko na lang umiwas sa'yo. Gusto ko na lang sumuko kasi sa tuwing lumalapit ako, parang lumalayo ka. Tuwing sinusubukan kong makipag-usap, ang lamig ng boses mo. Pero may bahagi pa rin sa puso kong humihiling na mapapansin mo rin ang nararamdaman ko para sa’yo. Maghihintay ako hangga’t kaya ko. Dahil ang mga katulad mo, minsan lang dumating sa buhay na ito.


Umaasa,
Jhong

0 comments:

emrys,

Literary (Submission): Walang Kalalagyan

2/11/2016 07:51:00 PM Media Center 0 Comments


Hindi ko alam kung marunong pa ba ako
Di na kasi ako gumagawa ng tula tungkol sa kahit ano,
Pero eto, susubukan ko ngayong bumuo,
Nagbabakasakaling matapos ko ang isang ‘to.

Unahin na natin ang pamagat.
Pamagat na dapat batid ng lahat.
Lahat ng mga dapat kong ipagtapat,
“Ipagtapat” nga ba ang nararapat?

Hindi ko alam kung aabot ng ilang saknong,
Kung uunahin ko ba ang aking mga tanong,
O kung dederetsuhin ko na nang pabulong,
Pero paano? Hindi talaga ako marunong.

Nahihirapan akong maghanap ng salitang tutugma,
Kung mahal nga ba o basta mahalaga,
Mga salitang malaki ang pinagkaiba,
Pero sa totoo lang, kahit ano nama’y balewala.

Kasi kahit kay tagal nang pinag-isipan,
Kahit bawat linya, bawat taludtod ay pinaghirapan,
Naintindihan man ang totoong nilalaman,
Ang tulang ito ay mukhang wala namang kalalagyan.

Alam kong kumpleto na ito ngayon,
Pero bakit di ko matapos lang nang ganoon?
Aabutin pa ba ‘to ng ilang taon?
Bago ko mahanap ang tamang pagkakataon.

At sa pagtatapos ng tulang ito,
Natuklasan kong may mga bagay na hindi maibibigay,
Masaya na ako kung maligaya ka sa kanyang kamay,
Sanay na akong laging naghihintay.

Ito ang tulang naisulat ko.
Tulang inilalaan ko para sa’yo,
Mawala man ako sa tabi mo,
Hindi ka mawawala dito sa isipan ko.

0 comments:

arrow,

Literary (Submission): Smile

2/11/2016 07:46:00 PM Media Center 0 Comments



Years have passed and I haven’t realized
That someone would light my dark and empty eyes
I never thought that I would need a remedy
To something that I used to think as foolish and crazy

I finally found someone worth fighting for
Something that I’ve never done before
A reason for me to still believe
That there are things I can achieve

Years I’ve waited for this event
So come live in my heart; you’ll pay no rent
I can’t find myself to explain
The things left untouched in my brain

You literally changed my point of view
Now I believe fairytales do come true
I think that what really matters
Is that we can have a happily ever after

All these things were kept unsaid
And it kept taunting my messed-up head
I can’t forgive myself for staying away
‘Cause when the storm arrived, it took you away

Time has come for me to find you again
But someone comes to see you every now and then
It’s too late for me to be your valentine
‘Cause now you’re gone and you’ll never be mine

What I wanted to say a long time ago
Is now a regret that I didn’t do so
But here I am, happy for a while
That at least I can see your wonderful smile

0 comments:

english,

Literary (Submission): What Mountains?

2/11/2016 07:41:00 PM Media Center 0 Comments



Isn’t it amazing how anyone can write a poem or sing a song but with love and patience, one can touch your heart? Or how one can have and raise children but with love and patience, one gets a family?

One of the greatest battles in history came to life because of someone’s love for a special person. But also because of love for the country and its freedom, one of the most tragic times in Philippine history came to an end as the people marched as one to reclaim the throne from the dictator.

One can have enough patience to wait for the right timing, even if it comes in 10 years, and still have love to view this world as a blessing because one person keeps life worth living.

That is how I know patience and love can do anything.

Love encompasses everything. Love gives you the will to do the things you want to do and even the things you think are impossible to do. It challenges people and it makes you go out to the unknown, knowing that eventually, with patience, you can reach your goal.

Love blinds you from the mountains. You are aware that they’re there but you’re willing to continue because something out there is so much more important than saving yourself from fear. And without knowing, little by little, you start moving mountains because you keep going.

My mother has enough love for us to work everyday and enough patience to continue doing it even if sometimes what we give in return isn’t ideal. My father has enough love for us to bring and pick us up no matter how far from home we get because our safety is of utmost important to him. He has enough patience to continue doing it even if he gets less sleep or we wake him up at 12 AM for it.

I have enough love for myself to wake up everyday and take care of things. Enough love for my inspiration to make sure he never runs out of love and spark in his eyes; enough love for my friends to care for them and spend time with them. And I have enough patience to never choose to stop doing these things.

If you think about it, it’s not about the phenomenal things that love can do, but the little things—the ones that happen everyday, ones that without love and patience, wouldn’t be the same.

Imagine the world without those two. There wouldn’t even be a world if it wasn’t for love. We wouldn’t be forgiven if God didn’t have love for us. But He did. So much of it that He sacrificed His own son for us.

Whatever kind of love you have, whether love for someone, something, someplace, or anything, don’t you think it’s what makes you want to do everything so that your love for it would be justified? So that everyone would understand and could somehow feel or share what you’re feeling?

But the problem is no love can ever be the same love twice. The one you’re feeling right now is a different kind of love from what everyone else is also feeling. You can never share exactly the same feeling for only you get to experience that. What we can share, however, is our expression—our way of showing what’s inside. And that is what makes us go beyond the limit.

‘I love you’ means I have patience and all the things that come with love. And I am willing to push through, over or under all mountains in life to prove it.

0 comments:

danna sumalabe,

Halalan 2016 officially begins

2/11/2016 07:18:00 PM Media Center 0 Comments

Aspiring student leaders filed their Halalan 2016 candidacy forms on the last day of submission Tuesday, February 9.

HALALAN 2016. Schedule of events leading to elections
are posted on the bulletin board by the Ramp Area. DANNA SUMALABE

Halalan 2016, which will be held on March 3, was officially opened by officers of the Senior Council, members of this year's Commission on Elections (COMELEC), on January 28.


The campaign period, where candidates go from room to room to endorse their political parties will start on February 12 and end on February 26.

The Miting de Avance, where parties present to the whole school their platforms, will be held on February 26 and March 1, for the year level organization (YLO) and Kamag-Aral (KA) candidates respectively.

Prior to campaigning, candidates will be interviewed by COMELEC membrs on February 12.

The new set of elected officers are to be announced on March 15. / by Hillary Fajutagana, Danna Sumalabe

0 comments:

fun run,

UPIS community runs for a cause

2/11/2016 07:03:00 PM Media Center 0 Comments

The UPIS Centennial Fun Run dubbed “Bagong Siglo, Bagong Sigla, UPIS Takbo Pa!” which also served as a fundraising activity for the UPIS Gymnasium was held on February 7 at the UP Academic Oval.

It was spearheaded by the UPIS Parent-Teacher Association (PTA) Board and participated in by the students, alumni, parents, faculty, and staff.

The race is divided into 3 distances, 6.6 km, 4.4 km, and 2.2 km for the high school students, and 600m and 1.1 km for the elementary students.

Senior JB Cuachin finished first in the 6.6, Kyle Ileto of Batch 2019 won the 4.4 km, and Keanne Nuevas of Grade 7 won the 2.2 km. The winner of each category received medals.

The UP Amphitheater, the venue for the program was already filled with excited participants for the Fun Run at around 4:00 AM. Ms. Zyra Brebante, a well-known Zumba instructor, led the warm-up exercise early that morning.

WELL DESERVED REST. Participants of the Centennial Fun Run wait and watch eagerly as the program continues
with various guests after their run around the Academic Oval. HANNAH MANALO
To set the mood, Battle of the Bands 2016 champion Looney Tunes also performed on stage songs by Chemical Romance and Paramore and their original song Noon Hanggang Ngayon. Battle of the Bands runners-up FLL and Amamimamols were also among the performers.

A series of inspiring messages from PTA Board Members, UPIS Principal Dr. Ronaldo M. San Jose, and UP College of Education Dean Dr. Rosario Alonzo filled the entire program after the Fun Run.

The UPIS Pep Squad and the Kadara Capoeira Diliman, a unique Afro Brazilian martial arts group at UP among others presented performances which entertained the participants while waiting for their turn to take part in the Fun Run. / by Zach Jugo, Marianne Sasing

0 comments:

MC2018,

Love is in the air!

2/10/2016 08:12:00 PM Media Center 0 Comments

0 comments:

MC2018,

What is love?

2/08/2016 08:00:00 PM Media Center 0 Comments

0 comments:

filipino,

Literary (Submission): Room 115

2/04/2016 09:48:00 PM Media Center 0 Comments




Ang bilis pala ng panahon. Matatapos na pala ang 3rd quarter. Tapos UAAP na! Tapos Prom na!!! Grabe. Pero iniisip ko nga, it's now or never. Kasi alam ko na marami akong kailangang lagpasan bago makarating sa'yo. Pero mag-aaral na muna ako, pagbutihin ko ko muna ang mga quiz at requirements para sa araw na ‘to.

Dahil eto na. Today is the day! Ito na ang araw kung kailan maririnig ko ang matamis mong “Oo” o kaya ang masakit mong “Hindi.”

-----

Huling subject na! Pero yung isip ko lumilipad na sa gagawin ko mamaya. Naibalik lang ako sa kasalukuyan nang makita ko sa desk ko ang test paper. Di ko namalayan na binigay na pala ang paper sa'kin at kanina pa nagsimula yung test. Tinawanan ko na lang ang sarili ko eh. Akala ko ba focus muna? Hay nako! Nababaliw na yata ako.

Ngunit, sa totoo lang, kahit ilang beses kong sabihin na magfofocus muna ako sa acads, ikaw pa rin ang nasa isip ko. Mas kinakabahn pa nga akong malaman ang sagot mo kaysa sa mga sinasagot ko dito sa test na ‘to.

"Last 5 minutes!"

Mas lalo na akong kinakabahan. Bawat segundong lumilipas nadadagdagan ang bilis ng tibok ng puso ko. Naalala ko bigla 'yung mga pinagdaanan ko bago ako nakumbinsing gawin ito. Tuwing madadananan ko mga kaibigan mo, sinasabi nila sa'kin:

"Uy, dali naaaa huuuyy!"

"Bilis na!!! Alam naman namin gusto mo eh.”

“Baka maunahan ka pa, ano ba!!!"

Nginingitian ko lang sila. Kasi naisip ko, bakit ko pa lolokohin ang sarili ko. Gusto ko naman talaga. Kaya lang natatakot akong malaman yung sagot mo. Kung mag 'no' ka man, okay lang sa'kin pero sana hindi maging awkward sa'ting dalawa. Yun lang naman ang dahilan kung bakit nagdadalawang isip ako. Ayokong magbago ang pagkakaibigan natin.

"Okay class, ipasa na ang questionnaire at answer sheet."

Malapit na talaga! Kung ano-ano na yung pumapasok sa isip ko. Ano na ang gagawin ko? Ready na ba ang lahat? Ready na ba ako?

Pero inuulit ulit ko sa sarili ko na: 'It's now or never.' Kasi kapag di ko ginawa or maunahan ako, alam kong magsisisi ako. Trust me, I know.

Dali-dali akong bumaba sa 1st floor. Buti na lang pinayagan akong gamitin yung room na 'yon para dito. I cannot think of a better place kasi doon talaga nagsimula ito—kung bakit ganito ang nararamdaman ko at kung bakit ganito ang gagawin ko.

Pagdating ko sa room, tinignan ko kung okay na yung lahat ng kailangan ko. Plano ko dapat kumanta eh, pero di naman maganda boses ko.. Baka masira lang yung moment. Kaya nanghiram na lang ako ng speakers. Buti nalang talaga ang dami kong mababait na kaibigan. Sinabi ko sa kanila na idistract ka habang nagseset-up ako.

Sa wakas, dumating na 'yung oras. Ito na talaga! Tinext ko na sila.

"Okay na!!"

"Oks oks. Ready ka na?"

"Sa totoo lang hindi eh pero bahala na ASHDLAHSDLKHQW HAHAHAHAHAHAH"

"Papunta na kami!!!"

Nangyayari na ba talaga 'to? Grabe na yung tibok ng puso ko! Pero wala nang balikan 'to. Sa pagmamadali ko nilagay ko sa shuffle ang music player tapos random yung kanta na tumugtog. Pero wala na akong oras para pumili pa kaya inihanda ko na lang ang sarili ko.

Minsan oo, minsan hindi… minsan tama, minsan mali…

Grabe yung pakiramdam ko! Sa lahat ng pwedeng kanta, ito pa yung tumugtog. Socials kasi talaga ang naaalala ko tuwing naririnig ko ito. Nang matapos ang kanta nung gabing iyon, sobra-sobra ang pagsisisi at panghihinayang ko. Sinabi ko sa sarili kong hindi ko na palalagpasin ang mga susunod na pagkakataon na maibibigay sa akin.

Tumingin, sa'king mata. Magtapat ng nagdarama.

Bumukas ang pintuan. Agad kitang nasulyapan. Biglang tumahimik ang lahat at ang kantang Sa’yo lang ang naririnig natin. Wala akong imik, as in. Tila ilang minuto ang lumipas nang nakangiti lang ako sa’yo. Yung tipong ngiting hindi mo alam kung bakit pero hindi mo napigilan.

Hinugot ko na lahat ng lakas ng loob ko at sa wakas tinanong ko na sa’yo:

“Will you go to prom with me?"

-----

“Basahin mo, now na,” sabi sa akin nang ibinigay itong submission mo para sa next pub. “Kailangan na kasi niyan ng sagot ngayon.” Nagtaka ako. Bakit now na kailangan ng sagot? Hindi ba pwedeng mamaya na lang or bukas?

Pero di na ko nagtanong kung bakit kailangan ngayon na, binasa ko na lang.

“Tara, sama ka sa ‘min,” bigla kong narinig sa kalagitnaan ng pagbabasa ko. Inangat ko ang aking ulo at nakita ko ang mga kaibigan mong nakangiting nakatingin sa akin. Tapos sinamahan nila akong maglakad papunta sa room na nilarawan mo sa kwento.

“Saan yun???” sabi ko sa sarili ko. Hindi ko agad naisip ang tinutukoy mo. Wala talaga akong idea nung una.
Sa totoo lang, nung ibinigay sakin ‘tong binabasa ko ngayon, akala ko hindi ikaw ang sumulat. Filipino kasi eh. Alam ko namang ayaw na ayaw mong nagsusulat ng hindi English, kaya nagtaka ako. Medyo nag-away pa nga tayo last time dahil gusto kong Filipino ang collab natin, pero ayaw mo.

“Hala, ano ‘to?”
“Bakit kailangan nito ng sagot?”
“Huh? Di ko gets!”

Puro ganyan ang nasa isip ko habang naglalakad kami. Patuloy kong binabasa ‘to, at patuloy kong iniisip bakit ito nangyayari? Anong meron? Bakit ganito? Bakit ngayon? Hay. Bakit ang dami kong tanong?! Basta kinabahan akong bigla, hindi ko alam kung bakit. Na-feel ko na kasi na may mangyayari kasunod nito lalo pa at maaga kaming dinismiss sa klase.

Papalapit na kami sa room, at bigla kong narinig ang kantang Sa’yo. Naaalala ko pa rin yung moment na yun noong socials. Matinding pagsisisi raw ang naramdaman mo. Pero kasi naman, sino bang hindi manghihinayang doon? Na sa’yo na, nandiyan na, pinakawalan mo pa. Kaya naintindihan ko na kung bakit sabi mo na hindi mo na papalagpasin ang anomang pagkakataon na darating.

“Ahhhhh, dito. Gets ko na,” naisip ko noong na-figure out ko na kung saan kami patungo. At bigla kong naintindihan. Kung bakit dito, bakit ganito ang pinili mong gawin, at kung bakit ako.

Nandito na. Saktong sakto, kakatapos ko lang din basahin ang huling linya sa lit mo. At sa oras na ito, hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko. Parang halo-halo ang lahat ng emosyon. Lahat ng pwedeng maramdaman, naramdaman ko. Parang kasi hindi pa nagsisink in.

Ayan na, binuksan na nila yung pinto.

Pumasok ako ng room, agad kitang nakita. Agad ko ring natandaan ang unang beses nating pumasok dito. Lumabas sa utak ko ang itsura nito dati. Ganoon pa rin, ngunit ngayon, tayong dalawa na lang ang tao dito.

Nakatayo ka, nakangiti. At sa mga sandaling ‘yon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko kasi inakalang gagawin mo talaga. Alam kong inaasar at pinupush ka ng mga kaibigan ko, pero naisip ko na hanggang doon lang ang lahat.

Lumakad ako palapit sayo. Ang tanging naririnig ko lang ay ang kanta at ang mga boses ng mga kaklase mo sa labas. More than ten years na tayong magkakilala, pero never pumasok sa isip ko na balang araw, gagawin mo ‘to. Ang tagal na kasi nating magkaibigan, as in sobrang tagal na.

Hindi ka nagsalita (o hindi ko lang narinig ang sinabi mo). Hindi rin ako nagsalita (for a while). Tiningnan ko ang paligid at napangiti ako.

Una kong napansin yung banner, kung saan nakasulat yung favorite line mo sa tulang sinulat ko dati. Natuwa ako dahil ikaw ang nagsulat, kahit alam mong may mas igaganda pa ‘yun kung pinasulat mo sa iba. Sobrang na-appreciate ko yun.

May binigay kang flowers. At may nakapatong na pizza sa upuan. Hindi na ko nagtaka kung bakit pizza ang pinili mong ibigay. Lagi ko kasing namemention kapag nag-uusap tayo.

Hindi ko alam kung paano mo ‘to plinano. Yung magpa-excuse nga sa teacher para sa promposal, nakakahiya nang gawin, paano pa kaya yung mga pinagdaanan mo. Hindi ko rin alam kung paano ka nakahanap ng oras para magsulat, magplano at gawin ang lahat. Malapit na kasi yung perio at nakatambak talaga ang requirements na super lapit na ng deadline.

Hindi ka nagsalita, pero alam ko na yung tanong. Ang dami na nating pinagdaanan at sinulat nang magkasama, at dahil dito alam ko na rin ang sagot ko.

Tinignan kita, ngumiti, at sinabing:

“Yes.”

0 comments:

captain wayward,

Literary (Submission): Poetry

2/04/2016 09:42:00 PM Media Center 0 Comments




I never wanted to love you
But then I saw your eyes
They kept me in a trance
My heart did not stand a chance

You and I were almost inseparable
It was like dividing the stars from night
But you and I were made of glass
I knew we’d never last

I know you’ve stopped caring long ago
But I still lose my mind wishing it wasn’t so
It’s ironic how big this planet of blue
Yet my thoughts are still about you

Even now I struggle to convince myself
To repaint my canvas and start again
Since the only colors I need, I realize
Are ones that can be found in your eyes

Maybe one day I’ll move on
I have no idea how
But I have to start by accepting the fact
That you’re someone else’s poetry now



You never knew how much I love you
Because I hear your voice
Unaware of how much it can soothe
If only you knew the truth

You and I blended in seamlessly
Like the sun and the moon in perfect harmony
But they could never be together, there is just no chance
And so I decided to keep my distance

I wish it didn't have to be this way
I thought I'd hurt you more if I'd stay
So I did what was the "right thing"
Unaware of the pain it will bring

Now I look back and regret what I have done
Trying to erase what was set in stone
I should have tried to make things right
And not just disappear, out of sight

It hurts to think that I might have to move on
But I'm still holding on, can't you see?
There is just no escaping the fact
You are still the only poetry to me

0 comments:

english,

Literary (Submission): Clair de Lune

2/04/2016 09:39:00 PM Media Center 0 Comments



Luna,

It has been a long time since we last saw each other.
We were destined to be separated for it would only destroy us both.
So in letters I find solace, to let you know that you are always in my thoughts.
I have lost count of the times I tried to write you one, only to throw it away and start anew.
It’s just that I can’t find the
right words,
right thoughts,
right emotions.

Only the stars know what captivated me so.
Perhaps it’s the way you carry yourself with such modesty
yet never losing that irresistible charm
Or how that refined look hides,
a childish and adorable personality.

Time will go on but I will never tire of our perpetual game of tag,
Of how we get closer and closer
Until the universe decides that
We are two entities of different realities
Whose combined lights were never meant to be seen.

Patiently yours,
Sol

-----

Sol,

Indeed, it is such a long time since we saw each other. I guess time is the only way of the universe to tell us that we are not meant to be. When I make an effort to see you, I always find
the wrong place,
the wrong time, and
the wrong feelings.

Yes, being drawn to you is a mistake, the best mistake I will ever make. But mistakes are things we should redo and never make again.

I do not know what made me attracted to you,
Maybe it has something to do with your silly, lopsided smile
Or how it can brighten up anyone within your radius
Maybe the joy in your eyes makes all my waiting worthwhile
Or how your happiness can be so contagious.

But as I think of these, I shake my head. It is wrong. We are wrong.
I don’t know why I cry for you even though I know you won’t hear.
I don’t know why I long for you even though I know I am hopeless.
I don’t know why I wait for you even though I know we will never happen.
So I decided on my own, even if it is difficult, that this is the last time I will address you.

Goodbye my dear,
Even if my farewell is bitter
But anything else is better
Than the empty promise of forever.

I will never be yours,
Luna

0 comments:

aveleira,

Literary (Submission): Talang-gunita

2/04/2016 09:35:00 PM Media Center 0 Comments



Naaalala mo ba noong tayo'y mahiga-
Sa damuhan, sa ilalim ng buwan,
Magkahawak ang kamay, walang balak bumitaw,
pinagmamasdan ang mga talang tila pasayaw-sayaw.

Humiling tayo noon nang taimtim
Na sa agos ng buhay at tadhana,
Ay di sana tayo malimot ng panahon,
Sa piling ng isa't-isa.

Pakiramdam ko'y di na matatapos pa ang gabi,
At wala na akong iba pang iniintindi.
Ang alam ko lamang na sa sandaling iyon,
Ika'y habambuhay kong minahal, minamahal, at mamahalin.

Sariwa pa ang mga alaalang iyon,
At hindi na rin makalilimutan kailanman .
Di tulad mong iniwan ang aking tabi,
Nang nagpasyang matulog ang buwan.

At kahit ilan pang bukang-liwayway ang antayin,
At kahit sa pinakadulong bituin ka pa manggagaling,
Kung hindi ka man bumalik sa aking piling,
Tulad ko, nais ko lamang ay…

Mga tala sa kalawaka'y pagmasdan mo pa rin.



Sa lugar na iyon,
Ang kalawaka'y naging atin.
Sa sandaling iyon,
Lubos kitang minahal.
Ngunit kapalit ay paglimot,
Na sarili ko'y mahalin.

Nilisan kita sa pagbubukang-liwayway,
Habang nahihimbing,
Ibinulong ko sa'yo ang pangakong,
ika'y patuloy na mamahalin.

Baon ko ang init ng iyong kamay,
Sa gitna ng lamig buhat ng bawat gabi.
"Ikaw pa rin ang aking mahal at aking tala"
Paulit ulit kong nasasabi sa sarili.

Mapapatawad mo pa ba ako?
Kahit hindi sapat ang mga dahilan ko.
Hihingi ako ng tawad sa bawat pagsikat ng araw,
Maging sa gabing nagliliwanag ang mga tala at buwan.

At kahit ilan pang bukang-liwayway ang antayin,
kahit ika’y nasa ang pinakadulong bituin pa’y aking susuyuin,
Kung hindi mo man ako pabalikin sa iyong piling,
Tulad ko, ang nais ko lamang ay…

Mga tala sa kalawaka'y pagmasdan mo pa rin.

0 comments:

english,

Literary (Submission): Robbed x Red-Handed

2/04/2016 09:31:00 PM Media Center 0 Comments




Robbed
Inarticulate

I know my words and verse and rhyme
And speech may be my foremost skill
I do my deeds with nerve and noise
Yet why can’t I tell her how I feel?

Many have urged me to tell
And yet I still cannot
For fear engulfs and holds me down
Where’s my boldness now?

How do I admit my love
When it leaves me mum?
How do I admit my love
When it leaves my tongue benumbed?

So my friend I ask of you:
What, oh what am I to do?



Red-Handed
Vega

Though words in verse and perfect rhyme
And grandiose displays of skills
May prove the prowess of your strength
In love, you will find how these fail ill

We'd put our best forward
And yet we still cannot
Let our fears go and our guards down
For the sake of gaining trust

Be vulnerable and let her know
How she makes you weak
Surrender and admit your love,
Surrender and admit defeat.

In time, you'll be rewarded
For speaking the heart's truth
For love prefers an honest tongue,
Rather a tongue proud and aloof.

0 comments:

blank canvas,

Literary (Submission): Urong-Sulong

2/04/2016 09:28:00 PM Media Center 0 Comments




Kapag may pagkakataon na mapalapit sa’yo,
Laging nagtatalo ang puso’t isip ko.
Hindi ko alam ang aking uunahin,
Hangga't napagdesisyunang huwag na lamang gawin.

Sa tuwing nakakasalubong ka,
Tila napakaraming bumabagabag sa’yo,
Gustong gusto nang lapitan ka,
Ngunit tila iniiwasan mo ako

Hindi ko alam kung bakit ako ganito
Lagi na lang nangyayaring kapag papalapit na ako,
Hindi ko sadyang iwasan ka,
Sa tingin ko hindi pa ito ang oras na itinakda.

Naghihintay at nag-aabang
Kahit na mapansin mo man lang,
Isang “Hi” lang o “Hello”
Siguradong mangingiti na ako

Huwag ka sanang sumuko sa akin,
Kahit na binabalewala kita.
Hindi pa kasi ako sigurado,
Kung ito ba talaga’y totoo.

Pakatandaan mong maghihintay ako
Masakit mang mabalewala paminsan-minsan,
Di ko pa rin mapigilan ang pintig nitong puso ko,
Na ikaw ang ipinagsisigawan.

"Bata pa tayo," ang laging dahilan ko
"Marami pa tayong makikilala," dagdag ko
Hindi pa kasi ito ang tamang panahon,
Upang pumasok sa isang relasyon.

Kailanma’y di ka mamadaliin,
Gusto natin ang isa’t isa, iyon naman ang mahalaga,
Hindi man maging tayo,
Sapat nang mahalaga ako sa’yo.

Pareho tayong nasasaktan,
Ngunit mas nangingibabaw ang ating nararamdaman.
Kahit hindi tayo sigurado kung ito’y pang matagalan,
O panandalian lamang.

Wag ka nang maguluhan pa,
Alam kong natatakot ka.
Hindi naman kita pipilitin,
Na ang iyong nararamdaman ay aminin sa’kin.

Kaunti na lamang ang tumatagal sa panahong ito,
Kaya’t huwag nating madaliin, may tamang oras para ditto.
Sa ngayon, dapat muna tayong makuntento,
Sa kung anumang meron tayo.

Hangad ko lang sana’y magtiwala ka,
Oo, hihintayin ka
Hanggang maging handa ka na,
Dahil sulit ang paghihintay kung ikaw ang makakasama.

0 comments: