alyssa avila,
Batches 2021, 2022, nagmistulang bituin sa JS Prom 2019
Idinaos ang Junior-Senior Promenade (JS Prom) ng Grado 9 (Batch 2022) at Grado 10 (Batch 2021) sa La Chandelle Events Place, Quezon City noong Abril 13.
Ang JS Prom, na may temang “Stellar” ngayong taon, ay isang pormal na pagdiriwang na nagbibigay-oportunidad sa mga estudyante ng Grado 9 at 10 upang malinang ang mabuting pakikipagkapwa at samahan at higit pang kilalanin ang bawat isa.
Upang opisyal na simulan ang daloy ng programa, itinanghal ng 24 na mag-aaral mula sa dalawang batch ang tradisyonal na Cotillion de Honor.
Para naman sa taunang turn-over ceremony, ibinahagi ni Zoe Hilario kay Willem Rollon ang Torch of Light. Ipinagkaloob ni Robert Ambat kay Alliyah Suyo ang Banner of Excellence, at ang Key of Responsibility naman ay ipinasa ni Reneil Grimaldo kay Onise Manas.
Ginantimpalaang Prom Prince at Prom Princess sina Rofert Ramos at Onise Manas, at si Joshua Dela Paz at Magan Basilio ang hinirang na Prom King at Queen. Nakamit naman nina Polo Uera at Joey Catibog, mula sa Batch 2021, ang gantimpalang Best Dressed o Stars of the Night.
Sila rin ang pormal na nagbukas ng Socials.
NATATANGING BITUIN. Pormal na binuksan nina Onise Manas, Rofert Ramos, Magan Basilio, Joshua Dela Paz, Joey Catibog, at Polo Uera ang sayawan. Photo Credit: Prof. Grace Reyes-Sumayo
Tumugtog din ang mga banda mula sa dalawang batch na Prizmo, Titos, Blue Moon, Out of Time, The Wednesdays, Alitaptap, at On the Horizon.
Nang tanungin tungkol sa kaniyang karanasan, sagot ni Manas, pangulo ng Junior Association na nag-organisa ng Prom, “Kung sa hirap lang po, mahirap talaga...Pero every after may naa-accomplish kami, ang sarap po talaga sa feeling at mas ginaganahan kaming gumawa pa para sa worth it naming batchmates and 2ONE.” // nina Alyssa Avila, Yel Brusola, Kyle Mararac, at Pamela Marquez
0 comments: