filipino,

Literary (Submission): Mister Yoso

2/09/2019 08:40:00 PM Media Center 0 Comments




Mister Yoso ang aking ngalan
Mag-ingat sa taglay kong kagwapuhan
Baka mabighani’t mahulog ka niyan
Masasabi mo na lang, “You’re the man.”

Oh yes, of course, I am the man
Misteryoso parang si Superman
Di ko man kayang liparin ang kalawakan
Kaya kitang dalhin sa dulo ng walang hanggan

Kung ako ang pipiliin, di ka magsisisi
Daig ko pa si Batman ‘pag malalim ang gabi
Sa dilim man ako’y ‘di mo makita
Humanda ka na lamang sa pag-ibig na madarama

Teka lang naman, baka ako’y pinagdududahan
Maniwala ka’t ako’y tulad ni Spiderman
Babalutin ka ng sapot hanggang sa maging akin
At mangangakong ikaw lang ang iibigin

Kaya miss, baka naman ako’y mapagbibigyan
Pumayag kang maging aking Wonder Woman
Tayo’y lilipad sa lawak ng kalawakan
At doon makikilala ang aking misteryosong katauhan

You Might Also Like

0 comments: