B5,

Literary (Submission): Kandila

2/25/2019 08:17:00 PM Media Center 0 Comments




Madilim na’ng lahat, wala kang makita
Minsan mong naisip, wala nang pag-asa
Ligaya ang hiling, ang bumalik na siya
‘Wag kang mag-alala, sasamahan kita.

Liwanag kong walang sawang ibibigay
Aking ningas, sa’yo’y buong iaalay
Ako’y nariyan lang, nagsisilbing gabay.
Sa gitna ng dilim, kung saan ika’y nalumbay

Kapit lang, datapwat ako’y paubos na
Hindi napapawi, tumutulong luha
Sandali na lang na ikaw ay kasama
Kakayanin mo ‘yan at babalik na siya

Natatanaw mo na, masaya ka na ulit
Huling iglap ko na, at baka sakali –
Na kailanganin pa, wala nang silbi
Hindi ko na kaya ang isa pang sindi

You Might Also Like

0 comments: