edgewright,

Literary: Kapag Nag-isip ang Puso

2/21/2019 08:16:00 PM Media Center 0 Comments




Parating na naman ang isang natatanging araw sa Pebrero
Isang araw na naging espesyal para sa ‘kin noong nakaraang dalawang taon
Pero hindi na ngayon,
Marami na din kasing nagbago
Edad, panahon, klima, at damdamin ko para sa' yo


Okey lang, naka-move on na ako
Kahit naman hindi naging tayo
Ganon pa man, di naging madali na kalimutan ang naramdaman ko sa’yo
Lalo na kung nakikita kong magkasama kayo


Ano ba talaga kasing nangyari?
Magdamag tayo laging nag-uusap noong Disyembre
Palagi tayong magkasamang umuuwi
Pagsapit ng Enero, iniwan mo na ako sa ere
Hanggang kaibigan lang tayo, iyong sinabi


Pero masaya na ako ngayon, basta't masaya ka
Kahit iba na ang iyong kasama
Kasamang tumawa, kasamang gumawa ng alaala
Kasamang sasabihan ka lagi ng "Mahal kita"


Ewan ko ba kung anong pinagsasabi ko
Ganito ba talaga, pag malapit na ang araw ng mga puso?
Hindi ko na alam, ang gulo na ng isip ko
Mahirap lang talaga siguro dahil may pinagsamahan tayo
Pero ibang landas na ngayon ang tinatahak ko
Basta kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako

Ang maasahang kaibigan mo.

You Might Also Like

0 comments: