filipino,

Literary: Ang Hindi Pangkaraniwang Love Story

2/12/2019 08:23:00 PM Media Center 0 Comments




Tumitibok
Nagpapawis
Nanginginig
Nauutal

Dadaan ka pa lang, hindi na makahinga
Pinipilit ngumiti, sa likod ng kaba
Tumitibok, tumitibok, sumasakit na nga ang dibdib ko
Kumakawala, nawawala ang puso kong papunta yata sa 'yo

Nang tayo'y magtabi sa ating mga upuan,
Nagpasa ng papel, kamay nati'y nagkahawakan
Binitawan ko agad, tinanong mo ang dahilan
"Pasmado ako, sorry, ang kamay ko'y pawisan."

Sa pangkatang gawai'y ako ang tagasulat
Ikaw ang tagadikta, pati ang tagaulat
Nangatog ang mga laman ko, nang ako’y tinabihan mo
Nanginginig, nanginginig, teka, kumalma ka, o puso ko!

Tumitibok
Nagpapawis
Nanginginig
Ito na ba ang tinatawag nilang pag-ibig?

Palabas ako ng classroom nang bigla mo akong kinalabit
Nagmistulang estatwa, ngunit pinilit kong lumingon
"Naiwan mo," at saka inilahad ang pencil case ko
Nag-isip ako't humingang malalim bago sabihing "Teka! May sasabihin pa ako!"

Lumingon ka't lumapit muli at saka ako nagdalawang-isip
Nauutal, nauutal, gustong magsalita ngunit walang lumalabas
"I-I like you..."
Nasabi na rin sa wakas!

Ngumiti kang mataimtim, may kaunting awa sa mga mata
Akala ko may pag-asa, akala ko magiging akin ka na
Ngunit gumuho ang mundo nang bigla mong sinabi na,
"Sorry, may mahal akong iba."

Paggising ko nang umaga, napatingin sa kalendaryo
Kinilig nang kaunti, ikalabing-apat ng Pebrero!
Napawi ang ngiti sapagkat naalala
Ay, single pala ako.

You Might Also Like

0 comments: