dimasawi,

Literary: One More Chance x A Second Chance

2/04/2016 08:55:00 PM Media Center 0 Comments




One More Chance
Noisetier

“Sana ako na lang, ako na lang ulit.”
Noong huling beses tayong mag-usap
Paulit-ulit kang humingi ng tawad
Hawak mo ang kamay ko
Ngunit hawak na ng iba ang puso mo
Lumayo ka na sarili mong luha lang ang nakikita
Hindi mo na napansin na nawawasak mo ako
Ang dami kong tanong
Pero pinili kong magparaya
Gusto kong malaman kung ano ba ako sa’yo
Kung may ako ba sa’yo
Sa akin, sobra kitang pinahalagahan,
Kaya ngayon, ako naman.
Ako naman ang lalaya sa luha
Ako naman ang mabubuo
Mapapawi ang lahat ng tanong
Sa pag-ibig,
Muling maging masaya’t malaya.



A Second Chance
Dimasawi

"She loved me at my worst, you had me at my best
At binalewala mo lang lahat ng yun."
Noong huling beses tayong mag-usap
Parang wala lang sa'yo ang lahat
Hawak ko ang kamay mo
Pero lumalayo na ang puso mo
Sige, ako na ang makasarili at nang-iwan
Ako na ang sumira, ano pa ba ang kailangan?
Hindi na ako sasagot
Dahil walang kwenta ang magsalita
Kahit sobra kitang minahal, sobra
At lagi kang nasa puso ko
Para sa'yo, hindi ko naramdaman
Kaya ngayon, wala ka na
At iba na ang papawi ng luha
Iba na ang sayo'y bubuo
Malilinawan ang mga pangamba
Sa pag-ibig,
Sana'y maging masaya at malaya

You Might Also Like

0 comments: