Opinion: They may be leftist, but they still have rights
2/27/2019 08:20:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2019 08:20:00 PM Media Center 0 Comments
Opinion: Ang Tagas sa Liquid Ban
2/27/2019 08:15:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2019 08:15:00 PM Media Center 0 Comments
Tubig ang isa sa pinakaimportanteng bagay sa buhay ng tao. Ito ang bumubuo sa halos 60% ng ating katawan, at tatagal lamang ang isang indibidwal nang mga apat na araw hanggang isang linggo kung wala siyang tubig.
Mga mag-aaral ng UPIS, nagpaligsahan sa Iskosina 2019
2/27/2019 08:10:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2019 08:10:00 PM Media Center 0 Comments
Media Center Hosts Annual MCLive
2/27/2019 08:06:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2019 08:06:00 PM Media Center 0 Comments
Rampa for Sustainable Development Goals
2/27/2019 08:00:00 PM
Media Center
0 Comments
2/27/2019 08:00:00 PM Media Center 0 Comments
Literary (Submission): Baklang ‘To
2/25/2019 08:41:00 PM
Media Center
0 Comments
2/25/2019 08:41:00 PM Media Center 0 Comments
Literary (Submission): Unan at Kumot
2/25/2019 08:36:00 PM
Media Center
0 Comments
2/25/2019 08:36:00 PM Media Center 0 Comments
Isa na namang gabi na mag-isa
Sa aking silid, walang kasama
Buong araw nakahiga sa aking kama
Kayakap ang mga unan at kumot na tila ba
Akin nang ganap na pamilya
Ang unan na nariyan para sumalo
Ng balde-baldeng luha ko
Mga luha na laging tumutulo
Sa tuwing nasasaktan ng ibang tao
Kapag tila ‘di na kaya mabuhay sa mundo
Mabuti pa ang unan
Laging nariyan
Nariyan kapag tulong ang aking kailangan
Ito’y lagi kong nasasandalan
Nagsisilbi itong aking sandigan
Ang unan din ay laging nakikinig
Nakikinig sa aking mga hinanakit
Ang una’y sa akin may malasakit
Para bang pinapagaling ang sakit
Sa tuwing ako’y hinihikayat pumikit
At nariyan din ang kumot
Lagi akong niyayakap sa oras ng lungkot
Ang kumot na parating nakabalot
Sa aking katawan
Sa mga araw na parang di na nakakayanan
Mabuti pa ang kumot ko
Mas may pakialam sa’kin kaysa sa’yo
Handa akong yakapin
Ito ang nagmamalasakit sa akin
Sa mga oras na kahit sarili’y ‘di ko kayang mahalin
Kaya mo bang magmahal
Tulad ng unan at kumot?
‘Yung tipong nasasaktan ka na
Ngunit gagawin mo pa rin ang lahat
Mapaligaya lang siya
Alam mo, sana maipahiram ko sayo ang mga ito
Upang maramdaman mo kung paano
Paano ang mag-alaga
Mag-alaga ng isang tulad ko
Tulad ko na mabilis masaktan, isang hamak lang na tao
Sana maramdaman mo ang unan
Na laging nariyan
Para sa iyo kahit na nadadaganan
Walang pakialam kahit masaktan
Ayos lang, mapabuti lang ang iyong kalagayan
Sana rin mayakap ka ng aking kumot
Na sa mga gabi na ika’y nilalamig
Isusugal ang panahon
Para lang ika’y ‘di manginig
Para ‘di ka makaramdam ng kung ano mang sakit
Pilit ka nilang yayakapin
Hanggang muling mag-init
Mag-init ang puso mo
Na nanlamig na
Nanlamig na sa akin
Alam mo,
Nagpagtanto ko
Na ako pala dapat
Ako pala dapat ang unan at kumot mo
Kaso wala, sinayang mo lang ako
Ako sana yung nandiyan
Nariyan sa tabi mo
Tuwing kailangan mo ng makikinig sa’yo
Ako sana yung yayakap sa’yo
Kapag gusto mo nang talikuran ang mundo
Ako ‘yung magpapaala sa’yo
May nakasuporta lagi sa likod mo
Yung tipong hindi ka iiwan
Nandito lang lagi
Para ikaw ay ingatan
Kaso binago mo
Binago mo ang pag-uugali ko
‘Di na pala ako tulad ng unan at kumot
Simula noong sinaktan mo ako
Wala nang ako na nariyan para sa’yo
Hindi na ako kasinlambot ng unan
Simula noong ako’y nasaktan
Bigla kong nagpagtanto at nalaman
Na kailangan ko palang maging matigas
Para ‘di na muli pang mapaglaruan
Hindi na ako kasing komportable ng kumot
Dahil natutunan ko
Na kapag komportable ka sa tao
Mas madali ka nilang masasaktan
Mas madali ka nilang maloloko
Sinayang mo ako
Na sana maaaring magsilbing unan at kumot mo
Sana ngayon natutunan mo
Gaano kabilis mong maaapektuhan ang isang tao
Sa isang iglap lang, lahat magbabago
Bumili ka na lang ng sarili mo
‘Di kaya’y maghanap ka ng tulad ko
Lagi ka lang dapat sigurado
Na pangangalagaan mo ito nang maayos
Mamahalin mong totoo
Literary (Submission): Ang Kinatatakutan Ko
2/25/2019 08:31:00 PM
Media Center
0 Comments
2/25/2019 08:31:00 PM Media Center 0 Comments
Sa mundong ating ginagalawan
Maraming bagay ang kinatatakutan
Hindi natin alam kung saan
Kailan
Natin ito malalabanan
‘Di natin alam kung magagawa
Magagawa ba nating madaig ito
Walang nakakaalam kung sino
Sino ang ating kasama
Sa mga oras na ito’y ating matalo
May tutulong ba sa akin?
Mag-isa ko ba itong pupuksain?
May kasama ba ako
O ako lang ang gagawa nito?
Walang nakakaalam
Pero sa isang bagay lang sigurado
Kung sa akin man may tumulong
Kailangan kong maghanda
Maghanda sa pagharap
Pagharap ng pagsubok na mahirap
Walang nakakaalam
Maaring may kasama sa pagbagtas
Maaring magkasamang makarating sa taas
Sa tuktok ng napuksang kinatatakutan
Magkasamang nadaig ang kadiliman
Kadiliman na isa sa malaking kinatatakutan
Isang bagay na kahit kalian
‘Di aakalaing malalabanan
Noong ako’y iyong sinamahan
Buong tapang na nilabanan
Sa paglaban natin
Unti-unti kong napagtanto
Mistulang nanggaling sa’yo
Ang kalakasan ko
Pinalakas mo ‘ko sa mga pagkakataong ito
Hindi ko maintindihan
Sa lahat ng pagkakataon
Ako’y hindi mo iniwan
Ano bang nangyayari?
Tayo ba ay ganap na nagmamahalan?
Ngayon malapit na tayo sa tuktok
Hindi matinag ng kahit ano
Pinoprotektahan mo ako
Sa lahat ng pagkakataon
Lagi kang nasa tabi ko
Nang marating ang itaas
Sa sobrang hirap ng binagtas
Aking napagtanto
Hindi ang bagay na ito ang pinakakinatatakutan ko
Ito pala ay ang ako’y iwan mo
Pinanatag ko ang sarili
Kinausap sa isang tabi
Panatag ako na ‘di mo ako iiwan
Sa dami ng ating napagdaanan
Hindi ka aalis kahit kalian
Maraming araw ang lumipas
Tila ba pagmamahalan ay kumupas
Mukhang parating na
Parating na ang aking kinakatakutan
Na ikaw sa aking tabi ay lumisan
Sinubukan ko ang pigilan ka
Ngunit ako ay walang nagawa
Hindi kita napigil
Sa isang tabi ay umupo na lang
Tila ba ng mundo ko ay tumigil
Sa lahat ng panahong tayo ay magkasama
Ginamit lang pala natin ang isa’t-isa
Kinailangan natin ang lakas
Lakas para mabuhay
Mabuhay sa darating na mga bukas
Kahit na ako’y iyong iniwan
Ikaw pa rin ay aking pinasasalamatan
Kung ‘di dahil sa iyong paglisan
Ang aking pinakakinatatakutan
Ay hindi ko malalampasan
Literary (Submission): Monthsary
2/25/2019 08:28:00 PM
Media Center
0 Comments
2/25/2019 08:28:00 PM Media Center 0 Comments
Ang iyong mga mata na sa aking paningin ay pumukaw
At sila ring dahilan kung bakit sa titig mo ako’y natutunaw,
Hinding-hindi ko ipagpapalit kahit sa matang bughaw
Mga matang nais kong makita sa bawat araw
Ang iyong mukha na ubod ng ganda ay kay sarap tingnan
At minsan ay hindi ko maiwasang ito’y aking matitigan
Kahit minsan, sa malayo ko lang ito nasusulyapan,
Ay nakapaghahatid na sa akin ng lubos na kasiyahan
Tatlong buwan na rin ang lumipas simula noong ako’y sagutin
At tila ba kay bilis ng panahon na gusto ko itong patigilin
Ang mga oras na tayo’y magkapiling ay aking gustong sulitin
Mananatili tayong masaya dahil ako’y sayo at ika’y akin
Sa bawat pagsapit ng umaga, sa bawat pagmulat ng mga mata,
Kasiyahan ang tangi nadarama dahil alam kong muli kang makikita
Ako’y nasasabik na muli kang makasama na para bang isang bata
Di kayang tumbasan at mabigyang kahulugan ng kahit anong salita
Ikaw lamang ang nakapagbigay sa akin ng saya na hindi maipaliwanag
Patawad kung minsan ay hindi ko maiparanas sa’yo at maipahayag,
Patawad kung minsan kang napag-aalala at aking nababagabag
Wag kang mangamba, para sa ating dalawa, ako’y magiging matatag
Ang magmahalan tayo habang-buhay ay ang siyang aking pangarap
Aking napagtanto na tapos na ang matagal na paghahanap
Sa iyo naranasan ang kaginhawaan matapos ang mga paghihirap
At handa pang harapin ang mga pagsubok sa ating hinaharap
Literary (Submission): Pulang Bolpen
2/25/2019 08:25:00 PM
Media Center
0 Comments
2/25/2019 08:25:00 PM Media Center 0 Comments
Unang araw ng klase, tinabihan mo ako.
Nasa kaliwa ka at nasa kanan naman ako.
Nanghiram ka ng panulat at nangakong papalitan ito.
Doon nagsimula ang ating kwento.
Nagpalitan ng mga salitang sa papel nakaburda
Upang maikubli ang mga bagay na
Ikaw at ako lang ang dapat makadama.
Mula sa bolpen na ibinigay mo,
natutunan kong isulat ang mga salitang
di ko masabi nang harapan sa’yo.
Ang ganda pala ng mga mata mo.
Hindi ko inakalang matutunaw ako
Sa titig ng isang singkit na katulad mo.
At ang labi mo
Simpula ng tintang nagmula sa’yo.
Subalit gaya ng ibang panulat,
Nawawalan din ito ng tinta.
Dumating ang panahon na kailangan natin
Sumagot sa isang pagsusulit.
At ayun na nga,
Nasa punto na tayo ng tama o mali.
Tama pa ba,
Na umasa ako sayo dahil nangako ka?
O mali na,
Dahil sa papel at bolpen lang kita makikita?
Handa na akong ipasa sa kaniya
Ang papel kung saan itinakda
Ang mga salitang di mo dapat makita.
At ang pulang bolpen, ubos na ang tinta.
Literary (Submission): Basilio at Maximo
2/25/2019 08:20:00 PM
Media Center
0 Comments
2/25/2019 08:20:00 PM Media Center 0 Comments
“‘Di lahat ng posible ay nagkakatotoo,
‘Di lahat ng gusto mo, makukuha mo.”
Iyan ay tanyag na kasabihan tungkol sa buhay,
Sa buhay na punung-puno ng kasiyahan, katuwaan, at kagandahan,
Sa buhay na nagtuturo ng pag-irog sa isang taong alam mong ‘di ka iiwanan,
At
Sa buhay na mayroon ding hangganan,
Ang iyong kalayaan at kakayahan upang maabutan
Ang taong sana kasama mo hanggang sa walang hanggan,
Sa buhay na ‘di patas at maraming kaakibat na kawalan.
Magsimula tayo sa kung saan una kitang natagpuan,
Sa isang imahe,
Sa isang pahina,
Sa isang libro.
Sa isang imahe,
Sa isang pahina,
Sa isang libro.
Kitang unang nakita Maximo.
Hindi na ako magpapanggap pa
At sasabihing mga mata mo ang una kong nakita
Dahil tao lang ako.
Dahil mga bata pa lang tayo.
Dahil sa totoo lang ang una kong napansin sa iyo
Ay ang iyong mga makikisig na braso.
Sa tuwing natatanaw ko, isang eksena lamang ang tanging naiisip ko.
Gabi ng Promenade.
Ang silid ay bahagyang madilim.
Nababalutan ng iba’t ibang kulay ang mga kisame at pader.
Ang ilang tao’y nakaupo at nag-uusap.
Ang iba’y nasa gitna’t sumasayaw.
Ipinapatugtog nang mabagal ang isang kanta.
Sa tuwing natatanaw ko, isang eksena lamang ang tanging naiisip ko.
Ako.
Nasa silya minamasdan ang kuwarto.
Nag-iisip kung may makakasayaw? Oo.
Ikaw.
Papalapit sa aki’t mukhang manliligaw
Iniaabot ang iyong kamay, nag-aalok na sumayaw.
Ako.
Walang pag-aatubiling sumang-ayon
Dali-daling tumayo.
At sumama sa iyo.
Ikaw.
Dinala ako sa gitna’t sinayaw.
Ipinaramdam sa aking nagkatotoo ang hiling ko sa isang bulalakaw.
Sa tuwing natatanaw ko, isang eksena lamang ang tanging naiisip ko.
Habang sumusunod sa musika ang ating mga paa.
Pinaikot mo ako’t niyakap.
Binalot ang iyong mga braso.
Sa buhok ko, iyong ulo.
Ang akin sa dibdib mo.
Pinikit ko ang aking mga mata na parang walang takot sa buong mundo.
Na parang ako’y kontento.
Protektado.
Gusto.
Sabay bukas ng mga mata
Gumising mula sa panaginip
Alalahaning hindi ito mangyayari
Bumalik sa realidad, sa totoo, sa buhay.
Sa realidad, sa totoo, sa buhay, ay iba
Sa ibang paraan tayo Maximo nagkakilala
Nagkakilala sa isang laro ng mga di aakalaing magbabarkada
Magbabarkadang nagpapalipas-oras sa isang gilid
Sa isang gilid ng isang malaking silid sa malamig na sahig.
Sa sahig kung saan ang mga mata nati’y nagkatitigan
Nagkatitigan ang dalawang binata dahil sa pustahan
Sa pustahang ang pagtitinginan nati’y tatagal ng isang minuto
Sa isang minuto na nakapagbigay sa akin ng sapat na oras
Oras upang sumisid sa mga mata mong malalim at matuklas
Matuklas ang katauhan mong magpaparamdam sa akin na ako ay ligtas.
Ligtas mula sa mga tingin ng ibang nanghuhusga.
Husga, isang bagay na alam kong ginawa mo na noon
Ngunit di ko alam kung gagawin mo pa rin ngayon
Ngayong magkakaalaman at aking aaminin
Ang mga damdaming isang taon ko nang nililihim
Nililihim ngunit ito na, akin nang sasabihin
Sasabihin ang mga linyang “Ikaw na! Ikaw na talaga
Ikaw ang aking mamahalin nang sobra-sobra
At bilang kapalit aarugaan mo ako
Ipapakita mong mahal mo rin ako
Ikaw yan! Ang banayad at matipuno
Ikaw yan! Ang pangalan mo ay Maxi--”
At natapos na ang isang minuto.
Doon nangyari ang ating pinakamatagal na pagsasama
At doon din nagtapos ang ating pakikisalamuha sa isa’t isa.
Ngayon, sa malayong lugar ka na nakarating
Diyan ka nag-aral, nagtrabaho, at nagtayo ng bagong buhay.
Kaming mga kaibigan mo’t kakilala’t iniwan mo
Kasama ng isang bagay na gabi-gabing nasa isipan ko.
“Kung aking tinuloy ang pag-amin sa iyo,
magkakatotoo kaya ang lahat ng plano ko?
Magkakaroon kaya ng “tayo”?
Magkakaroon kaya ng panahon na walang-hiyang naglalakad tayo
Habang ang bisig mo ay dahan-dahang umaakbay sa leeg ko?
Magkakaroon kaya ng mga panahong pagkatapos ng pag-eensayo sa sayaw,
Sa ilalim ng kabilugan ng buwan na nakakakilig ang ilaw,
Nais mong sa aking gabi ay maging bahagi
Mabagal tayong naglalakad, ihahatid ako, at sasamahan hanggang sa makauwi?
Magkakaroon kaya ng panahon na magsasama tayo tuwing uwian,
Uupo sa silya sa kantina at magkukuwento ng mga nararamdaman,
Habang ang ulo ko, sa balikat mo, ay komportableng nakapatong,
Kaharap ang makulay na kalangitan ng dapit-hapon?
Magkakaroon kaya ng panahon na lahat ng ito,
Ay maaamin ko sa iyo,
At tatanggapin mo ako nang buong-puso,
O, Maximo,
Magkakaroon kaya ng tayo?”
- Basilio
Literary (Submission): Kandila
2/25/2019 08:17:00 PM
Media Center
0 Comments
2/25/2019 08:17:00 PM Media Center 0 Comments
Literary (Submission): Misteryosong Mundo
2/25/2019 08:14:00 PM
Media Center
0 Comments
2/25/2019 08:14:00 PM Media Center 0 Comments
Dito sa mundong punong-puno ng misteryo
May hiwagang sa puso’y nagtatago
Kailangan lamang hanapin ang kandado
Sa puso ng iyong kapares, doon sa malayo
Ang pag-ibig na hinahanap, maaaring nariyan lang
Diyan sa iyong tabi na laging sinasandalan
O ‘di kaya nama’y sa ‘di kalayuan
Sa likod ng kalawakan ng sangkatauhan
Kung doon matatagpuan ang kapares ng iyong susi
Bakit ‘di pa maglakbay sa mga ulap na puti
Sumakay sa mga bitui’t tawirin ang langit
Lagpasan ang anumang kaharapin at hagupit
Sapagkat kung ika’y tunay na umiibig
Kakayani’t magtitiis para sa pusong pumipintig
Tutuklasin ang hiwaga’t misteryong bumabalot
Hahanapin ang pag-ibig nang hindi natatakot
Literary: TRAPIKO
2/25/2019 08:11:00 PM
Media Center
0 Comments
2/25/2019 08:11:00 PM Media Center 0 Comments
Napakalapit sa isa't isa
Ngunit tig-isang sasakyan
Dulot ng hindi pag-usad
Resulta nati'y bangayan
Sa tagal ng ating biyahe
Patuloy kang nabagot
Kung naging isa ang ating kotse
Galit mo sana’y nalimot
Ngunit sa totoo lang,
Nakakasawa rin ang iyong mukha
Maaari bang minsan
Ika'y ngumiti para naman maiba
Dahil hindi na kayang magtiis
Sa galit mong lumalabis
Sa'yo, ang oras ko'y sayang
Ako’y maglalakad na lang
Literary: Sa Ngalan ng Pag-Ibig
2/25/2019 08:08:00 PM
Media Center
0 Comments
2/25/2019 08:08:00 PM Media Center 0 Comments
“Hanggang kailan…”
Tuwing umaga ako’y natutuwa
Hinihintay ang iyong pagdating
Sabik na makita ang iyong mukha
Ang mukhang hahanapin ko t’wing uwian
“Nasa’n ka man…”
Pagkatapos ng klase ay tatakbo palabas
Hahanapin ka sa bawat stone table sa quad
Hahawakan ang iyong mga kamay
Sasamahan ka hanggang sa pag-uwi
“Isang umagang ‘di ka nagbalik”
Sumunod na araw ikaw ay lumiban
Ako’y nag-alala at hindi mapakali
Mga text at tawag ay ‘di sinasagot
Ano bang nangyari sa’yo aking sinta?
“Gumising ka at nang makita mo…”
Nakatayo ako sa iyong tabi
Pinagmamasdan ang iyong mukha
Nagdadasal na sana gumising ka
At hindi ito ang ating huli
“Huling kapiling ka’y sa aking panaginip”
Pagkalipas ng limang taon
Naaalala ko pa rin
Ang mga sandaling kasama pa kita
Na sa panaginip ko na lang mababalikan
Literary: Diary ni Tanya
2/25/2019 08:04:00 PM
Media Center
0 Comments
2/25/2019 08:04:00 PM Media Center 0 Comments
Literary (Submission): A Fiery Night
2/23/2019 08:25:00 PM
Media Center
0 Comments
2/23/2019 08:25:00 PM Media Center 0 Comments
As I look up into the steamy sky, fuzzy orbs of light float around, illuminating the cave ceiling. The dark horizon seem less inviting than the bright heavens. In the middle of the street, many carriages and people come and go. I felt my suitcase weigh on my hand. My palms were sweaty and my legs were shaking. I looked above hoping that I wouldn’t have to take another step forward. Yet I did.
Goodbye, City of Steam, I shall visit you in my dreams.
Literary (Submission): Salamin
2/23/2019 08:21:00 PM
Media Center
0 Comments
2/23/2019 08:21:00 PM Media Center 0 Comments
"Salamin, salamin, ipakita sa'kin
Malalabong tanawing dapat tuklasin,"
Mga salitang sa aki’y iyong sambitin.
Papansinin lang kung kailan naisin.
Malayo sa tingin, sa iyo'y palapitin.
Ang tangi mong hiling ay aking linawin.
Ibinigay ko ang 'yong nais ngayundin.
Natagpuan mo na ang nais abutin.
Subalit di na ako binigyang-pansin
'Pagkat nakita mo na ang susuyuin.
Kahit lagpasan mo man ako ng tingin,
Ako pa rin ang 'yong unang tatanawin.
Paggising mo, ako ang unang isipin,
Sa paghimbing ako ang huling batiin.
Iningat-ingatan para lang gamitin.
Sa'yong tingin isang hamak na salamin.
Literary (Submission): Hulog ng Langit
2/23/2019 08:18:00 PM
Media Center
0 Comments
2/23/2019 08:18:00 PM Media Center 0 Comments
Nang maidlip ako sa opisina naramdaman kong nahulog ako. Pagmulat ng aking mata, nakita kong napalitan ang kulay-abo na kisame ng opisina ng lilang langit. Pinaghatian ng araw, buwan, at bituin ang makulay na langit. Ang simoy ng matamis na hangin ay pumapasok sa aking ilong. Unti-unting napalitan ang usok sa aking baga. Ang kamay ng aking orasan ay hindi na gumagalaw. Nakita ko ang mga asul na dahon na nahuhulog mula sa likod kong puno.
Nakabalik ako mundo ng aking kabataan.
Sa mundo ng mga Duwende.
Literary: Mother's Pet Shop
2/23/2019 08:12:00 PM
Media Center
0 Comments
2/23/2019 08:12:00 PM Media Center 0 Comments
Mother started her pet shop 121 years ago. Although, she just finished paying an unfair debt 73 years ago.
Her pet shop has had 16 managers. Unfortunately, the first had to be fired due to the unfair debt. The actions of the managers after that had to be approved by the debt collectors. A new one was appointed when the old debt collectors were bought out by other debt collectors. However, the old ones came back and saw that Mother’s shop was not doing well since the new debt collectors, so they just forgave Mother’s debt and left, claiming that they “saved” the pet shop from an oppressive debt scheme.
The first few managers that Mother was able to appoint by herself did well in getting things back up. Unfortunately, the one who showed great potential to do good, turned out to be pocketing money from the register to buy his wife tons of shoes. He also paid the janitor to make the doves disappear. He claimed the doves had the “Red Plague”. His “New Pet Shop” plan also turned out to be a scam. Mother kicked him out and he joined up with the old debt collectors.
Things from then on have not been so great. Another manager was kicked out for stealing money. Only this time, he was also running a poker club in the basement. The one after that spent too much time talking on the phone with her friend Garci. The next one tried to set things straight, but he didn’t really do much at all.
The latest one appealed to Mother because he seemed determined to set things right and he promised all the unwanted merchandise would be “wiped out” in 3 to 6 months. Except not only did that not happen, but Mother also suspected that he killed the black cats that won’t sell. He claimed the black cats were too violent to be on sale due to an alleged catnip addiction. He also started to sound like one of the parrots with his false promises, rants and swearing. He also blames other pet shops for our lack of business. Mother’s other pet shop-owning friends all agree our manager is out of control.
Mother hoped he would change his ways. Like the manager whose wife had a shoe fetish, he could have done so much good for the pet shop if he just paid attention to what the animals and customers needed. At the very least, it would have been great if he stopped swearing like a parrot.
By this point mother was fed up, she had it with managers stealing from her, abusing the animals and in general not being productive and beneficial for the pet shop and the animals living there. She walked right up to the manager and said, “If you don’t straighten yourself up, you’ll be worse than fired!” She then listed in alphabetical order the many ways other pet shops dealt with their crooked managers. When he heard about the pet shop across town and what they did to their manager who ate cake instead of feeding the animals, he knew what he should do.
Now he no longer “does away” with the cats, he now puts them through an adoption program. He also now limits his rants to once a month. Things are now looking up for Mother’s pet shop, another pet shop even decided to invest in it. The only remainder of the bad days are the parrots who still unfortunately swear and rant.
Literary: Drowning to Fly
2/23/2019 08:06:00 PM
Media Center
0 Comments
2/23/2019 08:06:00 PM Media Center 0 Comments
The sun above is high in the sky
Far, yet within hand’s reach
Its light is warm and bright
Yet it never reaches us
An ocean in the sky
Deep blue, shrouded in darkness
Between the earth and heavens
Go through it to reach the sky
People yearn for the sun
To fly into its light and warmth
People strive onward and upward
Only to fall back to the ground
This ocean is infinite and perilous
Pass the abyss in its stomach
The sun is waiting on the other side
The promised land is there
The higher you swim the heavier it becomes
Muscles ache, your heart breaks
The closer you reach, the farther the dawn
Swim into the abyss to reach the sun
Going up feels like sinking rock bottom
Swimming or drowning, it’s all the same
Up feels down and down feels up
Where do you go to grasp for air?
Light fades, darkness seeps in
Warmth disappears, cold sinks in
Breath runs out, lungs start to fail
Must reach the sun
To reach the sun, dive into the sea
The sea that traps you within
Go through the deep cold abyss
And take the promised warmth
Feel needles prick you as you dive deep
Feel the water close in on you as you swim
Light blue sky replaced with a dark blue abyss
A speck of light to keep you going
Going through the cold to reach the warmth
Diving deep to reach the sky
Drowning to fly
Laughable
Literary: A Feeling
2/23/2019 08:03:00 PM
Media Center
0 Comments
2/23/2019 08:03:00 PM Media Center 0 Comments
A giant pegasus broke its left wing,
Unable to fly and move—losing the hope of
Moving on.
The pegasus wanted to go to the east,
To find his purpose,
To make a new life,
And to search for a nurse that could heal his broken wing.
Unable to flinch,
One crocodile went near the pegasus,
Making the pegasus feel uncomfortable and scared,
Scary, pegasus says in his mind.
For he thinks it’s impossible to win against him.
Looking at the crocodile’s figure—
Pegasus thought:
Huge, masculine… But at the same time,
He looks empty.
“I’m as broken as you, fellow pegasus,”
Crocodile muttered under his breath, scaring the pegasus.
“How did you know that I’m broken?”
The Pegasus asked, completely clueless.
“Your wings,”
The crocodile said,
“It’s broken, pegasus. However, the level of brokenness between us isn’t the same.”
Confused, Pegasus continued to ask more questions.
“What do you mean, crocodile?”
“You’re broken physically,”
Crocodile said quietly.
“I’m broken emotionally.”
Pegasus was speechless.
The silence between them was awkward.
He doesn’t even know what to say
For he has not experienced emotional brokenness.
“You know,”
Crocodile huffed,
“there really are things that don’t go as planned
as we thought it would be.”
Bita and the Botflies: Baffling and Bewildering
2/23/2019 07:35:00 PM
Media Center
0 Comments
2/23/2019 07:35:00 PM Media Center 0 Comments
Who is Bita? What exactly is a botfly? A bit of research would let you know that Bita is actually another name for Sofy, and that a botfly is a parasite that grows inside human flesh. This, along with their rather interesting yet creepy art and graphics in their videos and publication materials, really builds up intrigue with its audience. All this build up is not futile though since their music will not let you down.
List of songs mentioned in this article:
- Tagu-taguan (https://youtu.be/6cw7xxHO4ew)
- Manghuhula (https://youtu.be/riEbt1qKh0g)
- Sisikat Ka Iha (https://youtu.be/dln8tnQANVs)
- Peklat Cream (https://youtu.be/GHaKcSJUvSo)
//by Angelia Albao
Feature: Nostalgic Gaming
2/23/2019 07:30:00 PM
Media Center
0 Comments
2/23/2019 07:30:00 PM Media Center 0 Comments
Do you ever mourn the loss of your old beloved Nintendo Gameboys you would bring everywhere? Ever miss the chip tunes and the pixelated graphics of your old gaming systems?
Well, no need to fret! Introducing, gaming emulators! These programs and apps will take you back to simpler times, getting rid of the hassle of hunting down your old games in random garage sales and online shops.
The first emulator anyone should ever know about is My Boy! GBA Emulator on Android. It’s a very simple starter emulator, and it helps that there’s a good selection of games to play. With a collection including Pokemon Generation III, Legend of Zelda, and Super Mario Advance, it’s refreshing to go back to the basics. It just goes to show that 3D graphics and surround sound is needed for a game to be good. Although fair warning, these games may take more of your time than you anticipated.
There are multiple other GBA emulators for other platforms, but My Boy! has been the most reliable one to date. Another available emulator for Windows and Mac OS that does the job as good as My Boy! is mGBA, which does the job as good as this one.
The second emulator that is a must-know is PPSSPP. The PlayStation Portable is not considered retro because games from the PSP have higher graphics since the console’s release was in 2004, fairly recent compared to the 8-bit to 32-bit styling of the consoles from the 80s and 90s. However, it is a fairly nostalgic console for the current generation. Game titles like Tekken 6, God of War, Assassin’s Creed, The 3rd Birthday, and other PSP exclusives make the console worth emulating.
PPSSPP is available on Windows, Mac, Linux, and mobile.
RetroArch logo on a box, with multiple consoles bursting out. Source: RetroArch.com
RetroArch page, opening Knuckles’ Chaotix on Sega. Source: RetroArch.com
RetroArch! is a software that makes emulation easier. It’s one program that handles multiple emulators (or cores as it’s termed in the software), so you only have to worry about one application to fulfill your emulation needs! It emulates everything retro, from old arcade machines and Atari models to Super NES and GameCube.
It can run almost everywhere; Windows, Linux, Mac OS X, and phones that run on Android and Apple, but also on gaming consoles like PS3, PSP, PSVita, Wii, and more! It’s completely configurable, open-sourced, and free.
Now, the talk about emulators has brought up the actual legality of playing old video games in new technology. Emulation has always been in a gray legal area. While emulators themselves are not illegal, the ROMs (read-only memory) for the games are. ROMs are the copyrighted game files, and the distribution of them harms the company that owns them. However, since it has been literal decades since the games have been released with no plans for re-releases, and a large number of companies from the 70s and 80s have been bought out or shut down. That leaves the consumers to search far and wide for an overpriced cartridge of an old retro game.
The people who archive old games and turn them into ROMs for emulators aren’t looking to steal copyrighted content, they are just solving a distribution problem that the gaming industry won’t. Video games don’t have a concentrated application where it can be largely found, like what Spotify is for music. Therefore, the community is on its own to scour the hidden treasures of yesterday’s past. //by Kiara Gabriel
Literary (Submission): Dear Moonlight,
2/21/2019 09:23:00 PM
Media Center
0 Comments
2/21/2019 09:23:00 PM Media Center 0 Comments
Hi, hello! Will you be here long?
How much can I expect or am I wrong?
Your silver touch how soon will it go?
Will you come another night or… no?
Shall I witness your graceful rays
Or shall I burn in the sunlit days?
Those of my nature, those of my stature
I cannot see but upon my departure
I wish to feel your gentle embrace
As I go off and disappear to my ways
I’d like to go calmly to you, dear
How I’d love if you were near
May I? Or may I not?
Lay upon your silver cot
For another night and on and on
Until the day that I am gone
My lovely serenade
All for you, I am your humble aide
I love the night as I do me
I’ll sing it to you and you will see
The things we come to love, it begins in mysterious ways
Literary (Submission): A Set of Haikus about Our Goodbyes
2/21/2019 09:08:00 PM
Media Center
0 Comments
2/21/2019 09:08:00 PM Media Center 0 Comments
This bitter curse stays,
As we leave each other’s arms:
I miss you too much.
Your sweet whispers stay
Ghosting in between my ears
“Just know I love you.”
Don’t be mistaken.
Love is dreamlike, but still real.
Doubting only hurts.
You are terrified
Years from now I will forget
Knowing you will not.
However, darling
I don’t think I can forget
This eternal love.
Your lip marks still stay,
Your scent will always linger
Your heart still in mine.
Your presence still felt.
Even when you walk away,
Trust in beating hearts.
This one empty room
Where if we can stay for long,
We’d stay forever.
We’d hear the clocks tick
But time stays an illusion
When we’re together.
When it’s time to leave
As we leave each other’s arms:
“I’ll miss you too much.”
Welcome
This is the official blogsite of the UPIS Media Center. Check in every now and then to be updated with the latest UPIS news.
Look into the literary compositions and go through the creative works of various students.
Enjoy and don't forget to leave a comment.
Featured Post
Blog Archive
-
▼
2019
(
695
)
-
▼
February
(
119
)
- Opinion: First Step: Excise Taxes
- Opinion: They may be leftist, but they still have ...
- Opinion: Ang Tagas sa Liquid Ban
- Mga mag-aaral ng UPIS, nagpaligsahan sa Iskosina 2019
- Media Center Hosts Annual MCLive
- Rampa for Sustainable Development Goals
- Literary (Submission): Baklang ‘To
- Literary (Submission): Unan at Kumot
- Literary (Submission): Ang Kinatatakutan Ko
- Literary (Submission): Monthsary
- Literary (Submission): Pulang Bolpen
- Literary (Submission): Basilio at Maximo
- Literary (Submission): Kandila
- Literary (Submission): Misteryosong Mundo
- Literary: TRAPIKO
- Literary: Sa Ngalan ng Pag-Ibig
- Literary: Diary ni Tanya
- TRESE: Oktubre (Episode 2)
- When hearts collide
- Literary (Submission): A Fiery Night
- Literary (Submission): Salamin
- Literary (Submission): Hulog ng Langit
- Literary: Mother's Pet Shop
- Literary: Drowning to Fly
- Literary: A Feeling
- Bita and the Botflies: Baffling and Bewildering
- Feature: Nostalgic Gaming
- A magical, epic finale
- TRESE: Oktubre (Episode 2 Trailer)
- Literary (Submission): Dear Moonlight,
- Literary (Submission): A Set of Haikus about Our G...
- Literary (Submission): Difficulty
- Literary (Submission): Grow
- Literary (Submission): The Painting’s Serenade
- Literary (Submission): Are You There?
- Literary (Submission): Love is The Answer
- Literary (Submission): Lists
- Literary: B: Mahal Kita
- Literary: An Apology to My Mother
- Literary: Rain Bygones
- Literary: Our Infinity Together
- Literary: Your Time
- Literary: The Last Time
- Literary: Super Man
- Literary: Mimosa Pudica
- Literary: Kapag Nag-isip ang Puso
- Literary: If Your Love Will Be True
- Literary: A Matter of Confessing
- Literary: Wave at 11:11
- UPIS students compete in SDG Quiz Bee
- ACLE 2019, idinaos
- Kilos Kalikasan 2019 Special Number: 19nite
- Kilos Kalikasan 2019 Special Number: 2NT
- Kilos Kalikasan 2019 3rd Runner-up: 24P
- Kilos Kalikasan 2019 2nd Runner-up: AMA23D
- Kilos Kalikasan 2019 1st Runner-up: 20NE
- Opinion: Tagu-taguan ng SALN
- Opinion: On Fear-mongering the Measles Vaccine
- Opinion: The Fare is Fair
- Opinion: The Filthy Truths
- Opinion: Pelikula lang ba, o may Pulitika?
- Kilos Kalikasan 2019 CHAMPION: Dobledos
- Who does your heart call for? Who does your heart ...
- Literary: Star-hopping
- Literary: Stitched
- Literary: Mundo
- Literary: Lumiere, Darling
- Literary: Muni-muni
- Literary: How I Passed
- Literary: Kahita
- Literary: Longing
- Literary: Eroplano
- Literary: The Place I Dreamt
- Literary: Sa Gitna ng Expressway
- Literary: Abduction
- Literary: Ang Hindi Pangkaraniwang Love Story
- Literary: A Shooting Star
- Literary: Guniguni
- Literary: Running Time
- Literary: Panaginip
- Literary: The Road
- Literary: Di Maipaliwanag
- Literary: A Dream to Keep
- Babangon ang pag-asa ng bayan.
- Bagong simula tungo sa bagong sigla
- Tilamsik
- Surreal or so real?
- Buong puso iaalay.
- Do YOU have a story to tell?
- Literary (Submission): Not a Poem
- Literary (Submission): Ngiti (Part 2)
- Literary (Submission): Imaginary Fiend
- Literary (Submission): A Heavy Night
- Literary (Submission): Mister Yoso
- Literary: Hour of Death
- Literary: This Feeling
- Literary: Polaris
- Literary: Laundry Break
- Literary: Malinaw na Imahinasyon
- Literary: Dis-Association
-
▼
February
(
119
)
0 comments: