batman,

Literary(Submission): Wallet Size

9/29/2017 09:27:00 PM Media Center 0 Comments





Nagsimula ang pagtingin sa’yo.
Ako ay napapangiti
Kapag nakikita ko ang mukha mo.
Kaya agad kong pinrint
Para mailagay sa wallet ko.

Nang sunod tayong magkita,
Napansin mo ang ating litrato.
Naka-laminate at nakalagay sa wallet ko.
Hindi ko alam ang gagawin
Kaya akin na lang ipinakita
At nilunok ang aking kaba.

Handa akong magpaliwanag
Dahil sa takot na ikaw ay magalit.
Ngunit bago pa ako magsalita,
Iyo ring ipinakita
Ang isang litratong maparehas ng sa akin.

Hindi man tayo magsalita
Alam natin ang ibig sabihin
Ng mga litratong itinago natin.
Hindi man tayo umimik,
Alam na natin ang ibig sabihin.
Ang kahulugan ng ating pagtingin,
Ang simula ng isang kwentong,
Nagmula sa isang litrato.

Naalala ko pa ‘yung una nating litrato
Nag-aalangan pa ako
Dahil sa takot na baka malaman mo
Tinabihan kita at sinabing “Selfie!”
Nagulat ako nang tumingin ka sa camera,
Sabay ngiti.

Buong gabi kong tinitignan
Ang ating unang larawan.
Prinint ko ito at nilagay sa wallet ko
Sana nabuhay na lang ako sa litratong ito,
Dahil dito mukhang tayo.

Nang sunod tayong magkita,
May napansin akong kakaiba.
Sa wallet mo’y nakalagay rin
Ang litratong kagaya noong akin.
Umiwas ka ng tingin at biglang namula.
Bakas na bakas ang kaba sa iyong mukha.

Hindi ko man sabihin,
Alam mo na siguro.
Ipinaliwanag na iyon ng litrato.
Hindi ka man magsalita
Alam ko na.
‘Wag ka mag-alala, gusto rin kita

You Might Also Like

0 comments: