filipino,

Literary: Instagram Boyfriend

9/29/2017 07:46:00 PM Media Center 0 Comments






Ako,
Ako na laging dala ang aking cellphone
Kahit saan, kahit kailan.
Kailangan full ang battery
Kailangan may sapat na memory
Lahat ng gagawin, kailangan mala-documentary

Ikaw,
Ikaw na lagi kong kasama
Kahit saan, kahit kailan. Go na go ka.
Alam mo ang lahat ng magandang angle ko.
Handa ka pang umakyat ng puno,
Para lang makuhaan ako.

Ako ang namimili ng kakainin.
Pero flat lay muna bago lamunin.
Ikaw na takam na takam na,
Pero pagdating sa kainan, malamig na.

Ako na sobrang arte
Na kailangan lahat nasa IG.

At ikaw na walang ka-arte arte
Dahil wala ka namang account sa IG.

Akong nais nang ihinto ang kahibangang ito
‘Pagkat nilalamon lang ng Instagram ang oras ko sa ‘yo.
Ayaw ko nang puro picture na lang ang alam ko.
Gusto ko na lang na iparamdam sa’yo.

Ang buong-pusong pagmamahal ko.

Ikaw na hindi karapat-dapat sa akin
Ngunit nandito pa rin sa aking piling.
Na kung ibang tao ang nasa posisyon mo
Ay malamang iniwan na ako.

Pero nanatili ka pa rin,
Lahat ng oras na nasayang ay babawin.
Mula ngayon, tayo lang ang magkasama
Instagram ay isasantabi na muna.

You Might Also Like

0 comments: