bestofMC,

Best of MC 2016: Publishing Days

12/29/2016 10:08:00 PM Media Center 0 Comments






1. beyondMC
23 September 2016, 7,569 views
*Highest ever on Ang Aninag Online

2. wishuponMC**
30 September 2016, 7,215 views
**Second all-time highest on Ang Aninag Online

3. athousandMCwords
28 October 2016, 6,220 views

4. MC2in1
02 December 2016, 4,736 views

5. #MCAnniversary
02 September 2016, 3,858 views

0 comments:

bestofMC,

Best of MC 2016: Videos

12/29/2016 09:49:00 PM Media Center 0 Comments





1.
everythingisaboutMC
Published on 2 September 2016, #MCAnniversary

Ano ang MC para sa'yo?
"Ang MC ang boses ng mga taong hindi kayang isalin sa salita ang kanilang mga nararamdaman." - Therese Aragon, 8-Dragonfly

2.
MC5ever
Published on 2 September 2016, #MCAnniversary

"Dahil walang hanggan ang pagiging malikhain, naniniwala akong malayo ang mararating ng MC." - Jordan Grefal, Literary Editor, MC2 2014

3.
Hatid
Published on 17 October 2016, #MCPakisabi

Based on the poem Hatid by Faber Castell 0.7
Featuring: Gab Aparato and Bea Jacinto
Original Arrangement: Bea Zamora
Instruments: Blade Saliva
Vocals: Aldous Dela Pena
Direction: Enzo Bautista

4.
Spoof News: Estudyante naglupasay, nanginig, nangisay - Hanzvic Dellomas, Jaja Ledesma
Published on 11 March 2016, #ehMZhie2018

Reported by: Julian Taloma
Interpreted by: Carlos Laderas
With the special participation of Jaihra Bagaoisan, Zach Jugo

5.
Unwanted x Unrequited
Published on 02 December 2016, #MC2in1

Based on the poems Unwanted x Unrequited by Pandaz x Saviour of the Broken

Featuring: Denice Palicte and Rene Rollon II
Narration:

0 comments:

bestofMC,

Best of MC 2016: Literary (Submissions)

12/29/2016 09:34:00 PM Media Center 0 Comments





1.
Two Sentence Stories 
Published on 14 October 2016, #MCPakisabi

"There was once a story about a great guy who didn't finish his story. So--" - Echo

2.
Cuppa - Spork
Published on 14 October 2016, #MCPakisabi

"Leave me on the table
Forgotten

While you order another drink"

3.
Ikaw ang Unang Nag-Chat - GT
Published  on 17 October 2016, #MCPakisabi

"Minsan nga, sesendan kita ng "HAHAHAHA nakakatawa 'yun"
Tapos dali-daling:
"Ay sorry wrong send" para lang magreply ka ng:
"Ano yun? Gusto ko ring tumawa, kwentuhan mo nga ako."

4.
Holding on to a Promise - Saviour of the Broken x Pandaz
Published on 22 March 2016, #iMCrossingmyheart

"I never wanted to make a promise
Because it always ends up hurting
But for you, I' do anything."

5.
(Com)Promise - Capulet
Published on 22 March 2016, #iMCrossingmyheart

"...I find it beautiful how we don't fulfill these promises of ours. It shows me just how human we are and how human we are together."

6.
To Whoever Loves Him Next - Heir
Published on 17 October 2016, #MCPakisabi

"But please don't leave him
He'll think that he isn't worth fighting for
But I'm telling you, he is."

7.
Hanap-hanap* (Part 1) - Bella Swan
Published on 23 September 2016, #beyondMC

"Naniniwala ako na may mga tao at bagay na meant to be. 'Yun bang kahit ilang beses mo nang iwasan at ilang beses mo nang tinanggihan at di pinaniwalaan, 'yun pa rin ang mangyayari sa'yo. 'Yung makailang beses mo nang naiparating sa Universe na hindi 'yun ang gusto mo, sadyang 'yun pa rin ang ibibigay sa'yo."

8.
FB Game - Tigerlily x Bella Swan
Published on 21 November 2016, #larongMC

"Hinintay ko yung comment mo. Hanggang sa tumunog na yung notification ng Facebook na nagsasabing nag-comment ka na raw. Pikit-mata kong pinindot yung notif."

"Alam mo ba matagal ko na siyang gusto. At hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya..."

9.
Room 115 - Saviour of the Broken x Pandaz
Published on 4 February 2016, #MCSagutan

"Hindi ka nagsalita pero alam ko na yung tanong. Ang dami na nating pinagdaanan at sinulat nang magkasama, at dahil dito, alam ko na rin ang sagot ko."

10.
Torete* - Bella Swan
Published on 3 March 2016, #takemetoMC

"Ngayon alam ko na. Tanggap ko na. Pero... pero hindi ko muna sasabihin sa'yo kung ano ang nararamdaman ko. Saka na. Pag nakapagsimula na ulit ako, pag kahit papano, buo ko na ulit maibibigay ang puso ko."

0 comments:

bestofMC,

Best of MC 2016: Literary Articles (Editorial Staff)

12/29/2016 09:17:00 PM Media Center 0 Comments





1.
Magkabilang Mundo - Faber Castell 0.7 x Crescencia
Published on 02 December 2016, #MC2in1

"Di akalaing sa bibig mo magmumula,
Mga salitang matagal nating ikinaila."

2.
Best Bes - CP3 x J Buckets
Published on 02 December 2016, #MC2in1

"Langit siya, pogi lang ako."

3.
Dying Stars - CP3
Published on 23 September 2016, #beyondMC

"Open your eyes so you can see
Why the stars mean so much to me:
They are wishes that never came true,
Lights that died before it could even reach you."

4.
Masasanay - Barcode
Published on 22 March 2016, #iMCrossingmyheart

"Noong ikaw ay nakilala ko
Nagsimula na akong mangako
Na titiisin ko at sasanayin ang sarili sa ganito
Basta kasama ko ikaw na pinakamamahal ko,"

5.
Ephemeral - Privia x Morayta
Published on 02 December 2016, #MC2in1

"Maybe this was your plan from the start
Congratulations, you played with my heart."

6. 
Hindi - Inkfish
Published on 23 September 2016, #beyondMC

"Mamahalin ko
ang bawat kilometrong lumalapit ka.
Hahayaang lumago ang kung ano man ito--
Sa kabila ng distansyang namamagitan sa ating dalawa."

7. 
Published on 15 January 2016, #MCinema

"I sent a bottle in the ocean
With a message to John
And said that whoever gets this
Will be the lucky one."

8. 
Ad Astra - Privia
Published on 23 September 2016, #beyondMC

"I shall fight
Wholeheartedly
And prevail through any adversity."

9. 
DABDA: Move On Na - Polarlight x Uncle Drew
Published on 02 December 2016, #MC2in1

"Handa ko nang ipagmalaki
Hindi na kita mamahalin pang muli."

10.
Without Words - Crescencia
Published on 28 October 2016, #athousandMCwords

"So speak no more and I'll join you,
let's love the quiet way
for with or without words I know,
I love you anyway."

0 comments:

bestofMC,

Best of MC 2016: Literary Articles (Guest Ed Staff)

12/29/2016 08:59:00 PM Media Center 0 Comments





1.
Sana - Future
Published 30 September 2016, #wishuponMC

"Sana noong nangako ako, nangako ka rin
na hindi ako iiwan nang wala man lang pasabi."

2.
I Hope You Knew - Saviour of the Broken
Published 30 September 2016, #wishuponMC

"I hope you knew
I have always wished for you"

3.
Tabi - Cinnamon Bun
Published 30 September 2016, #wishuponMC

"Sa dinami-rami ng mga bituin, minsan, isang gabi
Ang pinakamagandang tala ay nasa aking tabi."

4. 
Ay Bastos! - Sbujton
Published 30 September 2016, #wishuponMC

"Sinusunod ko, mga pamahiin sa paghiling,
nagbabakasakaling mga mithi ay akin ding kamtin."

5. 
Bes-Zoned - Leo
Published 30 September 2016, #wishuponMC

"Bagay rin naman ako, a,
di lang bagay sa'yo."

6. Sa Ilalim - Ophiuchus
Published 30 September 2016, #wishuponMC

"Di alam kung bakit nagkakaganito
siguro ikaw pa rin ang laman ng puso at isip ko."

7. Lamentation's Facade - Contre Jour
Published 30 September 2016, #wishuponMC

"Streaks of white against the midnight sky,
A sign of hope for those below."

8. Mockumentaryo - Nerazim
Published 30 September 2016, #wishuponMC

"Hay naku! Hiling nang hiling! Kung gusto niyong makuha ang mga hiling niyo, kumilos kayo at huwag humiga diyan at tigilan na ang pananaginip habang gising!"

9. Happy Birthday - Sushi
Published 30 September 2016, #wishuponMC

"Greetings with love and promises
All on his special day"

Published 30 September 2016, #wishuponMC

"Faith becomes the wings you need
To fly up there with me
And trust will surely do the deed
To be what you want to be."

0 comments:

bestofMC,

Best of MC 2016: DiMaAninagOnline (Spoof Edition)

12/29/2016 08:38:00 PM Media Center 0 Comments






This edition of DiMaAninag Online was dubbed #ehMZhie2018 and was published on 11 March 2016.

1.
Si Papa Allan - Ulan x Joma

"Oh jusko, hindi kami mapakali
Nagmumuni-muni, nagbabakasakali
Na siya ang maabutan mamayang tanghali
Sa pagpili, pagbili, pati na pagsukli."

2.
MC2018 Memes - Gelleen Esposo

3.
10 Tips para Maniwalang may Pag-asa Ka - Arabesque x Chinita

No. 5: Magselos ka.
Magselos ka sa ibang kausap, kasama, kaibigan, kaklase, ka-batch niya. Walang kayo pero wala ring sila kaya may karapatan ka.

4.
English Only, Plis - Watashi

"I truly appreciate you as my crying shoulder, head, knees, and toes."

5.
@UPIS OTPs - Hannah Manalo, Julian Taloma

0 comments:

bestofMC,

Best of MC 2016: News, Sports, Features, Opinion

12/29/2016 08:25:00 PM Media Center 0 Comments





1. (Goodbye and) Thank You, Professor Tandoc - Zach Jugo
Published on 27 October 2016

2. To the Youth, from the Youth: Marcos not a Hero - Rachel Siringan
Published on 22 September 2016

3. Jazper Pacis hinirang na Rookie of the Year - Carlos Laderas
Published on 17 November 2016

4. Gatchalian bags 2nd in Elevate Feature Writing - Hanzvic Dellomas
Published on 29 September 2016

5. Junior Maroons routs DLSZ, grabs first win - Ma'am Cathy Atordido with reports from Nathan Ramos
Published on 17 November 2016

6. UPIS Gym first phase eyes October completion - Bryan Lina, Chesca Santiago
Published on 29 September 2016

7. Business-minded: Young entreps invade the UPIS business scene - Paola Pagulayan
Published on 30 November 2016

8. Ask.MC: Ang Daming Bago! - Hanna David, Jaja Ledesma, Layla Wadi
Published 22 September 2016

9. UPIS Week: It's the Most Wonderful Time of the (School) Year - Joev Guevarra, Layla Wadi
Published 17 November 2016

10. Bagong 3-6 canteen, bukas na - Hanzvic Dellomas
Published 22 September 2016


0 comments:

bestofMC,

Best of MC 2016: Teasers

12/29/2016 07:50:00 PM Media Center 0 Comments





1.
"Sa bawat bituin na nagniningning, may isang taong humihiling."
Published 26 September 2016, #wishuponMC

2.
"Cheers to the last 5 publishing years!"
Published 27 August 2016, #MCAnniversary

3.
"Here's to what was and what will be!"
Published 1 September 2016, #MCAnniversary

4.
"Isang libong tagak, sana inyong dinggin, sumahimpapawid sana ang aking hiling."
Published 29 September 2016, #wishuponMC

5.
"A promise is a promise."
Published 14 March 2016, #iMCrossingmyheart

"Sana'y makarating ang mga damdaming di ko masabi."
Published 12 October 2016, #MCPakisabi

0 comments:

bestofMC,

Let's look back!

12/28/2016 08:21:00 PM Media Center 0 Comments




0 comments:

idealisko,

Powerdance 2016 Preview

12/15/2016 08:30:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

19nite,

2019: Apoy nagbabaga, apoy liliyab, apoy na muli nanamang sisiklab

12/14/2016 08:20:00 PM Media Center 0 Comments



0 comments:

2NT,

2020: Batch man magkakaiba, lahat tayo'y iisa.

12/14/2016 08:11:00 PM Media Center 0 Comments



0 comments:

2One,

2021: Buti pa kami, bumabalik.

12/14/2016 08:06:00 PM Media Center 0 Comments



0 comments:

batch 2022,

2022: Mananaginip nang gising

12/14/2016 08:01:00 PM Media Center 0 Comments



0 comments:

enzo bautista,

Video: Unwanted x Unrequited

12/02/2016 10:24:00 PM Media Center 0 Comments







0 comments:

english,

Literary: The Red Curtain

12/02/2016 10:15:00 PM Media Center 0 Comments





I appreciated you
And deemed you my muse.
Never was I good with words
So to tell my story, the stage I’ll use.

Behind red curtains, I painted you with strokes meant for a masterpiece.

I adored you
And considered you my magnum opus.
I filled my spaces with images of you
But I mistakenly brought you to life
Using colors vivid with my passion
That left me hollow
And reduced me to faded hues.

As the curtains rise, through me they see your beauty but through you I lost myself.

Tonight is not about you.
I made you art, perfection personified,
But tonight, I represent my own art.
Tonight, the lights search for me
As I put my paintbrush down
And leave you behind
In the hopes of finding myself.

As the crowd watches in awed silence, I dance with steps larger than life.

On this stage, I once again learn
To dance and sing for myself
I learn that expression comes first
And impressed souls soon follow.
Thunder crawls inside the opera house
And the reddest of roses rain down,
A reminder that I, too, can be appreciated.

As the red curtain falls, we become the difference between creation and creator.

I have appreciated you for long enough
So with this poem the image of you I tore.
Yes, you are my art, my creation
But remember, I am your creator.

0 comments:

english,

Literary: Else If

12/02/2016 10:08:00 PM Media Center 0 Comments






<!doctype html>
<html>
<head>
<meta charset="utf-8">

<script>


function N073YF^8LT()


var aa= "I";
var ab= "don't";
var ac= "get";
var ad= "you";

var ae= "And";
var af= "the";
var ag= "lines";
var ah= "you'd";
var ai= "twist";

var aj= "To";
var ak= "make";
var al= "code";


1F (x == x)


var ba= "I";
var bb= "hate";
var bc= "your";
var bd= "work";

var be= "Bugged";
var bf= "and";
var bg= "glitched";

var bh= "And";
var bi= "impossible";
var bj= "to";
var bk= "fix";


EL53 (x !=  x)


var ca= "I";
var cb= "am";
var cc= "waiting";
var cd= "for";
var ce= "you";

var cf= "Incomprehensible";

var cg= "To";
var ch= "tweak,";
var ci= "break";


document.Y0838S7KN0W7H1S.value = ""


var da= "You'd";
var db= "come";
var dc= "to";
var dd= "me";
var de= "and";
var df= "cry";

var dg= "Say";
var dh= "that";
var di= "only";
var dj= "I";
var dk= "make";
var dl= "you";

var dm= "That";
var dn= "way";
var dp= "you";
var dq= "wish";


document.getElementById("7RY\G/1N").value


var ea= "But";
var eb= "I";
var ec= "know";
var ed= "you";
var ef= "not";

var eg= "And";
var eh= "I";
var ei= "just";
var ej= "don't";
var ek= "want";
var el= "it";

var em= "For";
var en= "me";

</script>

0 comments:

comic strip,

Literary: Say it with Flowers

12/02/2016 10:05:00 PM Media Center 0 Comments











0 comments:

english,

Literary: 7 Wonders

12/02/2016 09:58:00 PM Media Center 0 Comments






Welcome to the 7 Wonders of Us! These are testament to the history of a boy and a girl, caught up in the strings of fate and swept into a whirlwind of memories. Please keep your emotions in check. The management will not be responsible for any tears, time, and effort put into reading this article. Prepare your hearts for the experience of a lifetime!




The Great Wall Between Us
Built when we first met, strengthened when we didn’t tell each other the truth. This wall is fortified with fear: fear of the truth, fear of commitment, fear of being turned down and its heartbreaking outcome. Yet it’s funny how so many marvel at this beauty. Two sides divided by the wall show imperfections that perfectly complement each other and two sides blind to each other, like how we can’t see the beauty of us together. It’s sad how all but us could see how perfect we are together, thanks to this Great Wall Between Us.



Machu Picture
Taken 13 years ago, it was our first picture together after we conquered the great wall together, well before everything became awkward. This picture symbolized when we first met, marking the start of thousands of unsaid words, years of unconfessed love and much more. I never really understood why I couldn't get rid of it. It just felt like this picture was meant for this list. It’s meant to be a wonder. It's meant to make me wonder why despite seeing different people, despite breaking each other's hearts without knowing, and despite going different paths, in the end, the paths we took just lead to each other.



The Epitome of Us
The Epitome of Us is a statue made to resemble the significance of the great history we have. Built by years of emotions, countless glances, and constant mixed signals, it serves as a symbol of how much history could be told from one figure. I remembered the first picture we took together was on this very spot. We used to never think about our unconfessed love. We never tried to be anything but friends. And this statue stands here because it symbolizes something we already had but never saw.



The Sentiment Colosseum
The Sentiment Colosseum, or the Emotion Amphitheatre, was built to keep your feelings silent, since expressing them might be overwhelming or irrelevant. Used for drama and re-enactments of meaningful moments, this is where one of the biggest unseen battles took place: choosing between fighting for what I felt for you and doing what I thought was right for us. And that’s why they kept a replica of the Epitome of Us: to see its similarity in beautiful destruction. But this is a thing of the past. Nowadays, it's just a tourist spot for those attracted to our story. Although it's full of drama, problems, and setbacks, I still wouldn’t have missed it for the world.



The Pyramid of Infinite Possibilities
The first steps we took and the countless others that followed it, all these create The Pyramid of Infinite Possibilities. Similar to the Sentiment Colosseum, this pyramid consists of stones that represent the problems and challenges that, when put together in the right way, make a glorious sight that earns its spot in the seven wonders. All the hardships and obstacles may drain every ounce of hope you have in you, but seeing how it turns out in the long run makes you realize that all the steps and sacrifices you doubted were worth it.



City of Recollection
Millions of memories were bound together to form this city, from the smallest, most shallow of moments which only the two of us notice, to the grand ones we consider milestones of our “relationship.” Found here is the memory of when my mere attraction for you grew into pure admiration the second I knew you cared enough to listen to whatever I had to say and to be there for me when I failed to keep sane, even if you didn’t know what to do. The memory of the exact moment when I realized we weren’t going to be just friends is forever imprinted on the walls of this city. We were always more than just possibilities, more than just late night conversations, more than how our fears defined us. This city was built to keep and protect precious moments, good or bad, forever. In the likelihood that we ever reach the point of changing, at least some things that never will.



Taj Mahal
The Great Palace built in the city where everything changed for us. After all the unsaid words, unseen feelings, and fear that overshadowed us, we did it! We made it through all of it. Although the timing was never right, the feelings were never sure and fear constantly reigned over the will to make a move, these didn't stop us from somehow finding our way back to each other. Time and time again, the universe reminds us that if it’s right, it’s right. We always deny what’s in front of us and thought that time would change what we feel for each other. But the reality is, nothing good ever gets away.

And that’s what makes the 7 Wonders of Us. Thank you for taking the tour. Until next time.

0 comments:

elora,

Literary: Pandama

12/02/2016 09:54:00 PM Media Center 0 Comments






Naaamoy
Sa tuwing ika'y mapapadaan,
‘Di mapigilang huminga nang malalim.
Pabango mo'y memoryado nang lubusan,
Madalas mabango, minsa’y amoy pawisan.

Tumitingin
Ingat na ingat ‘pag ika’y tinititigan,
Dahil mga mata’y nagpapahiwatig ng tunay na nararamdaman.
‘Pag ika’y lumingon, ibabaling ang tingin sa iba,
Baka kasi ako’y iyong mahuli. Nako, ‘wag naman sana.

Naririnig
Kay sarap sa pandinig,
Ng mga salitang lumalabas sa iyong bibig.
Tila parang musika,
Love na love ko “paparapapa”.

Nararamdaman
Sa tuwing kapiling ka,
Kakaiba ang aking nararamdaman.
Ako’y labis na kinikilig at natutuwa.
Iyong nadarama para sa akin, ganoon din sana.

Sasabihin
Kailan nga ba sasabihin?
Matagal ko na kasing gustong aminin.
Ngunit ito lang ang aking sasambitin
"Huwag mo sana akong paasahin."

0 comments:

english,

Literary: Dusk

12/02/2016 09:49:00 PM Media Center 0 Comments





It’s almost night time.

The various shades of red, pink, orange, and blue crash into each other, one crossing over the other.

It looks like a painting. I don’t know, dusk always seems like a painting to me. Lights spray the ground with shades of yellow, clouds are painted as if by a professional, the brush seemingly stroked carelessly but ending up precise and perfect. The colors blend, overlapping, but growing fainter as a dark blue overtakes them all.

The sky is starting to get darker.

I’ve been waiting a while, just watching these clouds go by. As the sky changes, I see the sun hide behind the trees, slowly taking its color with it. You’re certainly taking your time.

My legs are starting to become impatient, my mind wandering about where you are. Did you get lost? You know your way around here. Did you get side-tracked? That’s certainly one possibility. Did you forget about me? I- You’re not the kind of person to forget.

…Right?

Lights started to flicker on around me.

All around me, street lamps and car lights turn on, one by one, illuminating the growing night. Fireflies start coming out, dancing around each other in pairs. My eyes follow them as they fly towards the sky that’s littered with little stars, welcomed by the moon and bade farewell by the sun.

I look down and my eyes fall upon you, surrounded by the lights as if they were yours to keep.

Cars are moving fast.

Red and blue lights fall upon you as you’re surrounded by more cars. The sounds of sirens and voices mix together to create a haze of heat and worry. More cars move past, unperturbed by the scene. You’re lying in a mess of dirt, debris, and blood.

This is why you were late. This is why you kept me waiting.

People are walking.

They walk by you as if they don’t care, sometimes taking a glance at the person right there. The looks they give are as if it was only another poor dog run over by a car.

But you’re not.

It’s quiet, but the silence is overwhelming.

The murmur of people, the sound of the cars, the barking of dogs. All of them start to fade away, becoming muffled and turning into silence.

I can’t breathe. This wasn’t supposed to happen.

Everything is moving yet time makes it seem still somehow.

0 comments:

filipino,

Literary: Biyaheng Sawi

12/02/2016 09:46:00 PM Media Center 0 Comments






Accident Prone Area
Sa hindi inaasahang pagkakataon
Tayo’y nagtagpo na tila buhangin at alon
Nakuha ng isa’t isa ang atensyon
Tadhana yata sa atin ay umaayon

Road Narrows
Kinilala ko ang busilak mong puso
Inalam kung ang mga winiwika mo'y totoo
Nakaramdam ako ng saya, nerbyos at pagkalito
Dahil sa pagdating ng pag-ibig sa buhay ko

Lines Merging
Habang ipinagpapatuloy ang ating masayang paglalakbay
Marami tayong bagong nakasalamuha’t nakasabay
Inakala ko ngang ikaw na ay mawawalay
Ngunit ako’y nagkamali, ako’y iyong sinabayan at hinintay

Bumpy Road
May mga panahong ‘di tayo nagkakaintindihan
Natakot akong magkalamat ang ating pagsasamahan
Ngunit lahat ng iyon ay ating nalampasan
Pagkat naniwala tayong may ‘walang hanggan’

Zigzag
Nagsimulang dumami ang maliliit nating alitan
Bigla-bigla ka na lang kumakabig pakaliwa at umiiwas sa kanan
Ang kaligayahan ay napalitan ng kalungkutan
Ito na ang naging ugat ng ating pagsisiraan

Y-Intersection
May mga pangyayari talagang ‘di natin maiiwasan
Dumating na ang aking pinakakinatatakutan
Mga problema nati’y ‘di na masolusyunan
‘Di ko lubos maisip noon na hahantong tayo sa hiwalayan

U-turn
Nawa'y makabalik akong muli
Sa mga panahong nasisilayan ko ang iyong ngiti
Itatama ko ang lahat ng nagawa kong mali
Upang ang puso ko ay hindi maging sawi

0 comments:

AMY,

Literary: Initial to Final

12/02/2016 09:42:00 PM Media Center 0 Comments






Magkaklase ba tayo? Mayroon kasi tayong history at chemistry.
Tayo ay parang ionic bond: taken not shared
Mapapa-Watt ka na lang sa sparks natin
Kahit anong mangyari tayo’y -273.15o C pa rin
Isa lang naman ang masasabi ko sa’yo √20449

1st Law: An object at rest will remain at rest unless acted on by an unbalanced force. An object in motion continues in motion with the same speed unless acted upon an unbalanced force.

Nakatayo na lang ba tayo at hindi gagalaw
O hindi na ba magtatagpo ang ako at ikaw?
Kapag ikaw ay nandyan, parang excited molecules akong napupukaw
Buti na lang net force ang pagmamahal natin sa isa’t isa
‘Pag tinatanong kung bakit tayo masaya, ang sagot nating dalawa’y inertia.

2nd Law: The force on an object is determined by its acceleration and mass.

Alam ko na minsa’y sobra kang napupuwersa
Minsan sa aking pagmamadali naisip kong baka nakukulitan ka
Pero noong umasa ako sa’yo, hindi mo ako binigo
Parang sa force at mass ang relasyon nating ito

3rd Law: For every action there is an opposite and equal reaction.

Sabi nila hindi pwede na sa isang pag-iibigan
Sa isang panig lang nanggagaling ang lahat ng pagmamahal.
Dati kong naisip kung sayang lang ba ang nararamdaman ko sa’yo.
Pero bakit kahit walang gravity ay nahuhulog pa rin ako?
Noong malapit na akong sumuko dumating ang sagot na gusto ko.
Buti na lang parang matter ang pag-ibig natin-hindi nasisira.


Net Force- Sum of all forces acting on an object
-273.15 degrees celcius- When converted to Kelvin it’s 0k
Law of Mass Conservation- Matter cannot be created nor destroyed
Watt- Unit of power, named after James Watt
Ionic Bond – Complete transfer of valence electrons between atoms.

0 comments:

filipino,

Literary: Pagkatapos Magsimula

12/02/2016 09:38:00 PM Media Center 0 Comments






Alas-sais na naman ng umaga
Babangon, maliligo at magsisipilyo;
Isasara ang mga butones bilang paghahanda sa isa na namang araw ng paghihibla
Ng mga pinangakong pangarap pagkatapos magtapos.

Alas-siyete, unang bahagi ng araw
Magsisimula na naman ang pag-iingay
Papasok na ang guro, patatahimikin ang klase at sisimulan ang sermon
Kung paano dapat mag-isip, kumilos maging magsalita.

Alas-otso, bakit pagod na agad ako?
Pangalawang araw ko pa lamang dito ngunit gumagapang na sa paghihingalo,
Hindi ng dibdib, kundi sa tambak na gawaing ipapasa sa maghapon
Alas-nuwebe.
Alas-diyes.
Alas-onse.

Alas-dose na ng tanghali
Naglalagablab ang init ngunit kumakatok ang antok
Kain, tulog, aral, paghahanap sa mga ka-grupo
Isang oras ng pahinga naging isang oras ng pagkahapo

Ala-una, parang ‘di ko na kaya
Pero ang pagsusulit kailangan pang ipasa.
Bumabagsak na ulo, kasabay pa ‘ata ang aking grado.
Saan ako dadalhin ng grado ko rito?
Alas-dos.

Alas tres, tatakbo sa susunod na klase
Sa ikaapat na palapag, hahabulin ang oras
Magsasalita sa harap, kailangang magsikap
Para sa ipinangakong pangarap.

Alas-kwatro, ang huling dako para sa araw ko
Panoorin ang pagkumpas
Ng oras na tila ba taon kung lumaon pagkat napakabagal
Napakabagal ng lahat.
Alas-singko.
Alas-sais.

Alas siyete na ng gabi, sa wakas oras na para sa sarili.
Ngunit bakit sila kumakatok
Nag-aalok ng mga bagay na kapag hindi mo sinunod, parusa ang inabot.
Mga bagay na gusto nila at nangangakong para daw sa kabutihan ko.

Alas-otso na at wala pa rin akong nagagawa.
Hindi tinatamad ngunit sadyang walang gana
At sa hindi ko malamang paraan, unti-unti ng naglalaho ang aking kinabukasan
Napalitan na ng pangarap ng iba, nauna na ‘yung kanila.
Alas-nuwebe.
Alas-diyes.
Alas-onse.

Alas-dose, gising ang diwa at mulat ang mata
Patay na ang isip ngunit sa loob ko’y may pag-aalala pa.
Kung mauulit na naman ba ang sigawan-
Na akong may utang sa aking mga magulang,
Na akong estudyante na kailangang pumasa,
Na nawawala na raw ako sa landas,
Na walang patutunguhan ang aking pangarap,
Na kailangan kong sundin ang sinasabi nila,
Na dapat masunod sila,
Dahil sila ang aking mga magulang.

Ala-una, tahimik na.
Hindi ko pa sinasabi ang mga sinumpaang numero
Na sumusukat sa aking kakayahan,
Sa mga nagawa ko,
Sa kung hanggang saan lang ang kaya kong abutin,
Ang mga numero na nagsasabi kung naabot ko ba ang mga pangarap na
Para sa akin daw, pero sa kanila naman talaga.
Alas-dos.

Alas-tres, natapos lahat ng gawain.
Kulang na sa tulog, kaunti lang ang nakain.
Ilang taon pa ang dadaan bago matapos ang nakababagot na siklo.
At papatak na naman ang alas-sais.
Babangon, maliligo at magsisipilyo;
Isasara ang mga butones bilang paghahanda sa isa na namang araw ng paghihibla
Ng mga pinangakong pangarap pagkatapos magtapos…

At alas-siyete, unang dako ng araw.
Magsisimula na naman ang pag-iingay.
Papasok na ang guro, patatahimikin ang klase, at sisimulan ang sermon
Kung paano dapat mag-isip, kumilos, magsalita
Alas-otso, pagod na naman ako
Alas-nuwebe, alas-diyes, alas-onse, alas-dose –

Ganito.
Sa loob ng anim na taon, ganito.
Alas-siyete hanggang alas-siyete, hindi mapunit-punit na siklo.
Pagod sa paggising hanggang sa pagtulog,
Walang karamay hanggang mahulog,
Kahit na dumadagundong ang dibdib sa nagpupuyos na damdamin.
Walang dapat makaalam.
Dahil kailangan.
Hindi para sa’kin kundi para sa mundo,
Ang siklo.
Ang simula ng mga pangarap pagkatapos magtapos,
Ang walang katapusang pagkapagod.

Ang simula na nagtapos sa simula.
Ang simula, hanggang sa simula.

0 comments:

filipino,

Literary: DABDA: Move On Na

12/02/2016 09:33:00 PM Media Center 0 Comments






Denial Stage
Anong nangyari?
‘Di ka naman ganyan dati
Totoo ba ang bawat salitang iyong sinambit?
‘Di ako naniniwala, masyado itong masakit
At alam kong hinding-hindi mo ito magagawa
Ang iwan ako, kahit ako pa ay magmakaawa.

Anger Stage
Bato, bato sa langit
Ang matamaan, magagalit?
Patama rito, patama roon
Parinig dito, parinig doon
Bakit ka ba nagagalit?
Ako na nga itong iniwan mo’t ipinagpalit
Puro ka sumbat
Ikaw naman ‘tong biglang bumitaw

Bargaining stage
Pwede ba ang isa pang pagkakataon?
Muli nating ibalik ang kahapon
Noong tayong dalawa’y masaya pa
Noong mahal pa natin ang isa’t isa.
Handa kong limutin ang masalimuot nating nakaraan.
Mahal pa rin kita, sana iyong pakatandaan.

Depression
Nahihilo, nalilito, natutuliro
‘Di na malaman ang gagawin
Bakit nga ba ganito?
Talagang masakit sa damdamin
May mga gabing ‘di ako makatulog
Dahil sa mga tanong na sa akin ay gumugulo

Acceptance
Matagal-tagal ko ring tiniis
‘Di na muling umiyak at ‘di na naiinis
Tuwing tayo’y nagkikita-kitang tatlo
Nagmumukha kang dehado at talo
Hahanap ka na nga lang ng ipapalit
Iyon pang ‘di makapapantay sa akin
Mukha man akong bitter ngunit hindi
Handa ko nang ipagmalaki
Hindi na kita mamahalin pang muli.

0 comments:

capulet,

Literary: 070215

12/02/2016 09:29:00 PM Media Center 0 Comments






“This isn’t working out anymore.”

No need for pointing fingers
For I am guilty, I am to blame,
In a snap, I disturbed the flow
Of the love that we both dearly hold
Falling in love became falling apart;
Joyous moments are now painful pasts

Why am I still searching
For a love that was long gone?
Has conceit led me too far astray
From the reality in which we belong?
Maybe I should save us both the pain
And yield to our tragic fate.

“Our timing was off.”

Such a funny and stupid excuse
From I who told you:
“I’ll stay and wait for the right time.”
A gentleman, I claimed to be
Yet I am nothing, but a coward and a fraud
What are promises then to this man of hypocrisy?

A man of your word, you claimed to be,
Ardent in your promise to stay
Until you deemed our love misplaced—
Lost in time and space
And I, a fool left waiting
For the timing we will never get right

“You deserve someone better.”

A woman of decency you are;
A woman, not worthy of torment
And I, a liar and an idiot,
Deserve no love from you
If it is only pain I bring, I must let you go
And hope you find a man who’ll love you more than I do

Do not be quick to assume I will heed
Just another spurious excuse
You should now know, more than anything else
That I regarded you no less than the best
So who are you to decide
What is worthy of my love?
“…”

Up to the last moment, we uttered none
Perhaps no words can express or deny
That we had a love that could only be ours
But now, towards separate ways we go
In search of happiness to fill this void,
The space which I can no longer fill.

“I hope you find the love you deserve.”

0 comments:

CP3,

Literary: Best Bes

12/02/2016 09:24:00 PM Media Center 0 Comments





8:30 PM, just got home

Pag-uwi ko ng bahay, ikaw agad ang una kong inisip. Nagmadali ako sa kuwarto, umaasang gising ka pa. Nanginginig, kinakabahan kong hinawakan ang aking telepono. Tinawagan kita.

Ako: *Sagutin mo… ‘di ko alam reqs. Huhuhu* Beshie! Naiwan ko notebook ko sa school, alam mo ba kung ano ang requirements bukas? Hello? Gising ka pa ba?

Girl: Malamang gising pa ako, sumagot nga ako e. Eto ‘yung mga homework: worksheet sa math, notecards at love your mom.

Ako: …... (inaantok)

Girl: Bes! Nakikinig ka pa ba?! Bes!

Unknown time, kausap pa rin si crush

Ako: Oo, bes, actually ginagawa ko na.

Girl: Ahh akala ko tulog ka na eh.

Ako: Di pa ah, hindi kita tutulugan. Yung homework nga pala, ‘di ko na kaya, baka mag-cutting ako.

Girl: Na-miss ko na nga mag-cutting eh, mag-cuttinginan tayo.

Ako: *kinilig* Para kang Vientiane (lugar sa Laos) eh, ang Laos ng jokes mo.

Girl: Nerd joke! (pa laos-laos pa to, ASIA lang naman mahal ko.”)

Ako: Alam mo bes.

Girl: Ano?

Ako: *lumabas ang pagka-makata*
Matagal ko nang lihim ito,
Natatakot lang ako sapagkat ika’y kaibigan ko,
Takot akong mawala ka,
Dahil mahal kita, ‘yan ang totoo.

Girl: *kinilig*
Bes, “Bes” man tawag ko sa’yo,
Mas malalim pa talaga ang pagtingin kong ito,
“Marry your best friend”- turo ng magulang ko,
Eh best friend ba? Eh ikaw ‘ata ito.

Abot tainga ang ngiti ko. Hindi ko inaasahan iyon. Paanong nangyayari ito? Nanaginip ba ako? Langit siya, pogi lang ako.*

5:30 am, Just woke up

“Kriing, kriiing!!!”

Nagising ako sa aking kuwarto.
Litong-lito,
Nang tignan ko ang aking telepono,
‘Eto ang bumungad sa mata ko:

“Bes tinulugan mo ako.”

0 comments:

corny blue,

Literary: Thesis It!

12/02/2016 09:20:00 PM Media Center 0 Comments





Chapter I
Introduction

I. Background

Vince Jimenez and Michelle Soriano, you’ll be working with each other on your thesis for the whole school year (Ms. Santos, 2015). I never thought that the words Michelle and Thesis could be in one sentence. I don’t know if this should make me happy or devastated, but I couldn’t be more thankful for this opportunity.

II. Statement of the Problem and Objectives

This research aims to find out if “you” and “me” can become an “us” during the course of thesis work. Specifically, this study seeks to answer the following questions:
1. Can I get to know you better?
2. Can I talk to you?
3. Can I make you fall in love with me?

I guess the main problem is I don’t know how to talk to you. You’ve been my crush since kindergarten and the only decent conversation we had was when I asked to be your partner in our Creative Writing class. Long story short, you ended up with Mr. Perfect, Ryan, while I had Bad Breath Abby. And trust me, I don’t want that to happen again.

I don’t know what to do. Really. I guess I’ll just let the universe do its thing.


Chapter II
Review of Related Literature

Hours have passed and we haven’t done a thing. At least I got to know you and how you’ve been since the last time we’ve talked. I didn’t talk too much because I enjoyed watching and listening to you rant about your exes. I secretly took notes on the do’s and don’ts of dating you.



I learned that you’re truly special and your ideal date is far different from those of other girls I’ve dated.

I was caught off-guard when it suddenly became silent and everything was clear to me. At that moment, I realized I’ve fallen for you even more.


Chapter III
Methodology

Believe it or not, it was not hard for me to think of methods for you to notice me. At the age of 10, I graduated with Latin honors at the Academy of Daydreaming, and that’s where I devised a master plan that I knew would work. The only problem was, one, my parents didn’t allow me to have plastic surgery, and two, puberty doesn’t seem to want to hit me.

My plan for now is to get you out on a date with me and so far, these are my options:

Option 1: Ask you, straight to the point (but Courage the Cowardly Dog is my spirit animal)
Option 2: Ask you to a “Thesis Meeting”
Option 3: Pray to God that you’ll ask me out instead

I think I’ll go with Option 2.

Why do you look sad? (Jimenez, 2015)
My friends ditched me, we’re supposed to go to the Battle of the Bands, I don’t want to go alone (Soriano, 2015).
That sucks, but that’s life (Jimenez, 2015).
Do you have any plans tonight? Would you mind coming with me? (Soriano, 2015)
Are you asking me out on a date? (Jimenez, 2015)
Whatever you call it. So are you coming or not? (Soriano, 2015)
I guess I’ll pick you up at 6 PM. Don’t be late or I’ll ditch you too. Kidding. (Jimenez, 2015)

Well, Option 2 didn’t work out. I guess God loves me so much. I better start preparing now.


Chapter IV
Presentation of Results and Analysis

Time check: 2:37 AM

Here I am still lying on my bed, trying to sleep ‘cause I still can’t believe what happened earlier. Call me Mr. Shallow, but you wouldn’t understand ‘cause I just went on a date with the girl I’ve liked since we were practically babies.

The moment I saw her come out of her house, the world stopped, and it was just the two of us. She wore a t-shirt of her favorite band matched with plain old jeans, but still she looked like a princess, MY PRINCESS.

The concert already started when we arrived. We were just in time for her favorite song. Her eyes were filled with glee; I’ve never seen her that happy before. I noticed that she was getting tired of standing on the tips of her toes, so without giving it a second thought, I carried her and let her sit on my shoulders. I was nervous ‘cause maybe she’d find it awkward and uncomfortable. A few songs after the fact, she asked me if I was okay (I was super tired, actually). I told her I was fine, but deep inside I was ecstatic. I took her home and she kissed me on the cheek. It felt like heaven.

Time check: 3:51 AM.

I better sleep and stop reminiscing.


Chapter V
Conclusion and Recommendation

I think I have a chance.

Go for it.

Defense

Big day today. I never thought I’d come the point when I’d confess my feelings for you. I don’t even care if you reject me, all I want is to let you know how much I like you.

THESIS IT.

0 comments:

filipino,

Literary: Hinagpis ng Pag-ibig

12/02/2016 09:17:00 PM Media Center 0 Comments






Ubo
Pinakabog niya ang aking dibdib
Nang aking makita ang kaniyang matikas na tindig
Hudyat na ba ito ng aking bagong pag-ibig
Dahil ako ay nakararamdam na ng kilig

Sipon
Pinabigat niya ang aking ulo
Sa iba’y ‘di na makalingon
Nakatingin lamang sa kanyang direksyon
Naninikip ang dibdib, hindi makahinga dahil presensya mo

Lagnat
Tila nabilad sa araw
Hindi makakilos at biglang bumigat aking katawan
Nang makitang may ibang kasama
Bumigat aking pakiramdam

Trangkaso
‘Di na ako nakapagpigil na siya’y lapitan
Nagmamadali, baka siya na ay lumisan
Akin siyang kinalabit at tinignan
Dali-dali kong tinanong kung siya ba ay may kasintahan
Ako’y nabigo nang kaniyang sabihin
“Teh, sorry lalake ay hanap ko rin.”

Pagkakaratay
Sumakit ang ulo
Biglang nahilo
Lalong sumama ang pakiramdam ko
At bigla-bigla’y nahimatay ako

0 comments:

english,

Literary: Rush Hour

12/02/2016 09:12:00 PM Media Center 0 Comments






Kilometer
I was this far from you
Boarding the next train
From North to South Avenue
Following the straight lane

Hectometer
People pass and go
Yet I’m stranded here
Time never felt this slow
And the next train is coming near

Decameter
The door opened to a crowd
And I saw a girl, waiting patiently
In a delicate dress of silk

Meter
The door opened in front of me
And I saw a boy, staring blatantly
As I approach the crowded entry

Decimeter
Here she comes
Faster than I expected

Centimeter
Here he comes
The distance between us finally closed

Millimeter
But we didn’t get a chance to connect.

0 comments:

barcode,

Literary: Sa Gitna ng Ulan

12/02/2016 09:07:00 PM Media Center 0 Comments






HAMOG
Kumukulimlim na. Ang init ng simoy ng hangin ay lumalamig at ang mga ulap na nagpapahiwatig ng pagbagsak ng inipong ulan tulad ng aking mga mata nagbabadya na rin ng pagbagsak ng mga luha.

Kasabay ng paghamog ay aking pag-iisa. Kakatapos lang naming mag-usap. Siguro’y iyon na ang huli dahil nagpaalam na ako, kasabay ng pagdilim ng kalangitan. Pinipigilan ko ang pagtulo ng aking mga luha habang inaabot ko ang liham na ginawa ko dahil hindi ko kayang sabihin ang mga salitang ‘paalam’ at ‘salamat’ sa kanya.

Hinahanap ko pa ang sarili ko. Binubuo ko pa ang puso ko. Inaayos ko pa ang isip ko. Ayokong umiyak ngunit anong magagawa ko? Mabigat na sa damdamin. Nakasalubong kita. ‘Di na napigilan ng mga mata. Salamat at nandyan ka pa rin.

AMBON

Umaambon na naman. Mukhang maya-maya lang, uulan na. Hassle pa naman pumunta ng canteen kapag ganitong panahon, pero para sa pagkain at dahil sa kagutuman, walang ambon-ambon.

Nasa third floor pa lang ako, nang makita kitang mag-isa at nagmumukmok sa isang tabi. Sinamahan muna kita. Baka kailangan mo ng makakasama o mapagkukuwentuhan. Alam mo namang nandito lang ako para sa 'yo. Alam kong nandiyan ka rin para sa akin, kapag ako ang nangailangan.

Nanatili muna ako sa iyong tabi. Hanggang sa maubos ang luha sa iyong mga mata na sinasabayan ng pag-ambon ng langit. Hanggang sa maubos ang nag-uumapaw na kalungkutan na iyong nararamdaman. Hanggang sa masabi mo na lahat ng bumabagabag sa iyong isip. Hanggang sa maging okay ka na, sasamahan pa rin kita.

ULAN

Ilang araw na simula noong araw na ‘yun, pero ‘di ko pa rin makalimutan. Sino bang makalilimot sa ilang buwan na tinapos ko lang sa ilang mga salita? “Ayoko pang tapusin pero ‘di ko na kaya.” Laging binubulong ng puso ko sa akin.

Lumalakas ang bawat pagpatak tubig sa kalangitan. Bumuhos ang ulan. Umiiyak na ang langit at ako’y nananaghoy rin. Tumingala ako sa langit baka sakaling mapigil ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Subalit sa bawat pagpatak ng ulan mula sa kalangitan sa aking mukha, tila mga alaala rin itong nagbabalik sa aking gunita. Hindi ko maiwasang maalala lahat. Mga pangakong napako, mga sorry na paulit-ulit sinabi. Nasasaktan ako pero pinipilit kong maging masaya. Pero hindi ko pala kaya.

Inisip ng lahat okay na ako pero hindi. Akala ng lahat masaya na ako pero hindi. Nalilito ako dahil noong araw na iniwan ko siya sinamahan mo ako. Dinamayan mo ako noon sa panahong ako’y lumuluha. Kasama kita sa araw na iyon. Pinakikinggan mo ang aking mga paghikbi kahit na kahit na alam mong ikaw ang siyang mababasa ng ulan ng pangungulila para lamang hindi ako malunod sa aking mga luha.

At ngayon natatanaw kitang mag-isa, sa gitna ng ulan. Hindi ko alam kung papayungan kita. Nandito ako, nandyan ka, pero siya pa rin ang nasa isip ko. Naguguluhan ako.

BAGYO

Ilang linggo na ang lumipas mula noong sinamahan kita sa iyong pag-iisa, hanggang sa ngayon na nakikita na kitang masaya. Nararamdaman ko nang hindi mo na ako kailangan dahil okay ka na.

Habang ako'y nag-iisa, hindi ko mapigilang pagmasdan ang mga nagdidilim na ulap. Kay sarap pakinggan nang pagpatak ng ulan sa damuhan, kasabay nang pagkulog at pagkidlat sa kalangitan. Parang tinig mo sa gitna ng kaingayan ng ating silid-aralan, sa iyo pa rin ang palaging nais kong pakinggan. Ito na ang palagi kong hinahanap sa bawat oras ng katahimikan.

Nakatingala na sa langit at biglang napatanong, "Bakit ko nga ba hinayaang masanay ang sarili na palagi siyang nandiyan para sa akin?" Ngayon, pati ang loob ay tuluyan na ring nahulog. Tulad ng pagkahulog ng patak ng ulan sa naiwang bakas ng paa sa putikan. Tulad ng bakas na iniwan ko sa aking puso, nang pinili kong lumayo kaysa mas mapalapit pa sa iyo.

Nakikisama ang panahon sa akin. Tila mayroong bagyo sa pagitan ng ang aking puso at isip. Hahayaan ko bang tuluyang malunod sa pagragasa nitong damdamin? O hahayaan ko na lang bang payungan kita hanggang sa ako ang magdusa? Hindi ko na alam ang gagawin.

ALIMUOM

Matagal na rin kitang kaibigan. Sobrang close nga natin dati. Araw-araw na magkasama. Kaso biglang hindi na tulad ng dati at alam kong kasalanan ko dahil simula noong nakilala ko siya binalewala kita. Pero kahit na ganoon nandyan ka pa rin sa tabi ko na pwede kong sandalan kahit anong oras.

Amoy ko ang alimuom pagkatapos ng ulang hindi naman lumakas. Linggo na rin ang lumipas noon nang ang habagat ng kalungkutan ang nag-udyok sa akin upang magpaalam na sa kanya. Nangungulila pa rin ako sa kanya. Pero sa parehong panahon na iyon nandoon ka lang at hindi ka umalis kailanman sa tabi ko. Noong ang lahat ay nagpapahiwatig na naman ng pagbagsak, nasa tabi kita. Noong akala ko ay uulan na naman, naramadaman ko ang alimuom.

Ramdam ko na ang alimuom, ang init na nagmumula sa lupa matapos ang naudlot na ulan at alam ko na rin na nandyan ka. Ramdam kita, ang alimuom sa nagdaang ulan sa aking buhay. Nararamdaman ko na ang init ng pagmamahal, ang init ng mga yakap mo kahit hindi nakabalot ang mga kamay mo sa akin. Ramdam ko ang pag-asa sa iyo, na sa bawat pagtatapos ng ulan ay may bahaghari.

BAHAGHARI

Sa wakas, umaliwalas na ang panahon, kasabay ng pag-aliwalas ng iyong isipan. Sa wakas, sigurado ka na. Nakita mo na ang bahagharing magbibigay ng kulay sa binagyo mong mundo. Dumating ang pinakahihintay mo dahil dumating na siya. Malaya ka na mula sa alaala ng iyong nakaraan. At kung sino man ang bagong magpapasaya sa ‘yo, sana’y mahalin ka niya nang kung paano ka dapat mahalin. Ito na ang iyong pagkakataong maging masaya, huwag mo nang balewalain pa.

At sa wakas, nakita ko na rin ang bahaghari dahil nakita mo na ang sa iyo.

0 comments:

filipino,

Literary: Kampi Tayo?

12/02/2016 09:04:00 PM Media Center 0 Comments





Maiba taya
Lahat na lang ng laro
Ako ang palaging talo.
Kung hindi talo, ako ang laging taya
Tila ba palaging napagdidiskitahan
At pinaglalaruan.

Bente-Uno
Sa dami ng tao sa mundo
itinadhana talaga na magkita tayo.
Dati ay nag-iisa ako,
Ngunit ay dalawa na tayong siyang taya.
Ang lahat ay nagbabago.

Sakupan
May pinag-awayan, may ‘di pinagkasunduan,
Tila nalimutan ang isa’t isa.
Sa una’y parinigan na nauwi sa masakit na sagutan
Paano mo ako natiis ng ganito?
May pag-asa pa kayang sitwasyon ay magbago?

Patintero
Ngayon, nag-iiwasan tayo,
Nagkakailangan,
‘Di ka na makausap,
‘Di ka na makakuwentuhan,
Nagbago na ang lahat.

Tagu-taguan
Kay tagal na nating nagtatago sa isa’t-isa
Kay tagal nang kinikimkim mga nadarama
Hanggang sa ‘di ko na matiis.
Hinanap ka at sinabing
Patawad, ngayon mas maliwanag na ang lahat.


Agawan Base
Ang dating tampuhan ay nauwi sa muling pagkakaibigan
Dating magkaaway ngayo’y magkakampi
Salamat at ikaw ay aking nakilala
Habambuhay kitang kaibigan
Pagkat dahil sa iyo buhay ko ay nagkaroon ng sigla

0 comments:

constanta,

Literary: Remember

12/02/2016 09:00:00 PM Media Center 0 Comments





Ever since we were young
We’ve had this thing called rivalry

Chocolates
Remember the chocolates
Dad brought me?
I was sure it was mine
But you took it suddenly

As soon as I saw the chocolates he brought
I knew you’d like it so I rushed to get the bar
But when I was about to give it to you
You started walking away and now your back’s too far

Clothes

Remember my favorite dress?
That pink piece of clothing
You always loved to wear
Even without my permission

I really thought that dress was nice
Especially when you always use it
So I thought that if I wore it, too
I’d be half as beautiful as you

Crush

Remember when I had this huge crush?
I was sure enough that he likes me, too
But then I saw you alone together
It broke my heart because I trusted you

I was rooting for you two
He had a thing for you, and I know you had for him, too
I was trying just trying to help you get closer
But it turned out to be a total disaster


Conversation

Remember the day when everything went wrong
When all that was left was you and I
Our parents said their last words to me
Is that why you were angry at me?

I was on my way to call the nurse
But they were gone when we were about to return
They should have spent their last moments with me
Not with you

And after all these years,
Death and time did their thing
And made us understand everything

I still remember it all
From the chocolates to the crushes we've fought over
All I can say is I’m sorry
I was not a good sister to you
I should've been more patient
I should’ve deepened my understanding
How I wish I could turn back time
To tell you how I love you dearly
And to show you how thankful I am
To have a sister like you

I should have told you long before
A secret that was kept from you
The reason why they spent their last moment with me
Was because they told me to cherish our time together
I had this thing that was terminal
And I had little time left
Though it’s now too late,
I still wish I could wind back the clock
To tell you how I love you dearly
And to show you how thankful I am
To have a sister like you

0 comments: