filipino,

Literary (Submission): Pagsibol

12/02/2016 08:34:00 PM Media Center 0 Comments





Buto
Mumunting butong tinangay ng hangin
Maaaring tumubo sakaling palarin
Tulad ng pag-usbong ng aking damdamin
Na ‘di ko mawari kung saan ako dadalhin
Araw
Butong nag-iisa sa lupa’y lumaki
Sikat ng araw siya ay sumaksi
Tulad ng aking pagtingin sa iyo
Nakakita ng pag-asa, pinakinggan ang puso
Dahon
Patuloy ang pagtubo sa paglipas ng panahon
Kasabay ng paglago ng mga luntiang dahon

Tulad ng bawat araw na ika’y kasama
Lalong lumalalim ang aking pagsinta
Ulan
Subalit minsa’y dumarating din ang ulan
Hagupit ng baha’y ‘di mapipigilan
Tulad ng mga pagsubok na ‘di inaasahan
Dala’y luha, hinagpis at labis na kalungkutan

Bulaklak
Ngunit sa dulo ng kailiman ay laging may buhay
Pag-ibig ko sa’yo ay ‘di mawawalay
Munting bulaklak ay sisibol sa huli
Sa piling mo, ako ay mananatili

You Might Also Like

0 comments: