crescencia,

Literary: Magkabilang Mundo

12/02/2016 08:40:00 PM Media Center 0 Comments




Mag-aalas-siyete na…

Ayokong pumasok ngayon pero dahil alam kong nandun ka, papasok na lang din ako.

Maaga na naman ako, nag-aabang sa pagdating mo.


Nasa malayo ka na naman…

Madalas mag-isa kang naglalakad, nakayuko at tila maraming iniisip.

Kasama mo na naman ang barkada mo at narinig kong cutting ang plano niyo.


Nagkasalisi ang ating mga mata…

Hindi ko alam kung bakit parang natataranta ka.

Hindi ko alam kung bakit tila nagtataka ka.
Hala! May test nga pala!

Aha, naalala mo na!

Oras na ng pagsusulit…

“Bahala na”, sabi ko, sabay tingin sa’yo.
Sa pag-ikot ng paningin, ‘di inaasahang nakatingin ka rin.


Slow-mo moment…

Para ‘di mahalata, sinabi ko na lang, “Goodluck!”

Kinilig ako, pero siyempre ‘di puwedeng malaman mo, kaya, “Sa’yo rin,” ang tugon ko.


Nakapila sa canteen…

Sa sobrang kadaldalan, ‘di na napansing ikaw ang nasa aking harapan.
Natahimik bigla, naubos ang salita.

Batid kong ikaw ang nasa likod nang marinig ang tinig mo.
‘Di napigilang mapalingon sa iyo.


Tapos na ang isang oras…

Nilabas mo na ang mga armas pang-aral mo.

Handang-handa na ako, at mukhang handang-handa ka na rin… magsiyesta.


Pero bakit ganoon…

Sa kabila ng kaadikan mo, tila ganoon din kalakas ang tama ko sa’yo.

Kung gaano ka kawalang-pakialam, ganoon kita lihim na pinapahalagahan.


Hindi mo lang alam…

pero ikaw ang dahilan kung bakit ako bumabangon.

pero kahit maraming ginagawa, nagawa pa ring mahulog sa’yo.


Sana…

ako na lang ang mga libro na lagi mong kasama, na lagi mong sineseryoso.

ako na lang ang iyong barkada, na laging sa’yo nagpapaligaya.


Kaya ngayon…

Aaminin na.
Sasabihin ko na.

“Mahal kita.”

‘Di akalaing sa bibig mo’y magmumula

Mga salitang matagal nating ikinaila

Sa kabila ng pagkakaiba

Sa kabila ng ‘di pagtutugma


Ikaw at ako,
Magkaiba man ang ating mundo
Tayo pa rin ang sadyang ipinagtagpo.

You Might Also Like

0 comments: