AMY,
1st Law: An object at rest will remain at rest unless acted on by an unbalanced force. An object in motion continues in motion with the same speed unless acted upon an unbalanced force.
2nd Law: The force on an object is determined by its acceleration and mass.
3rd Law: For every action there is an opposite and equal reaction.
Net Force- Sum of all forces acting on an object
-273.15 degrees celcius- When converted to Kelvin it’s 0k
Law of Mass Conservation- Matter cannot be created nor destroyed
Watt- Unit of power, named after James Watt
Ionic Bond – Complete transfer of valence electrons between atoms.
Literary: Initial to Final
Magkaklase ba tayo? Mayroon kasi tayong history at chemistry.
Tayo ay parang ionic bond: taken not shared
Mapapa-Watt ka na lang sa sparks natin
Kahit anong mangyari tayo’y -273.15o C pa rin
Isa lang naman ang masasabi ko sa’yo √20449
Nakatayo na lang ba tayo at hindi gagalaw
O hindi na ba magtatagpo ang ako at ikaw?
Kapag ikaw ay nandyan, parang excited molecules akong napupukaw
Buti na lang net force ang pagmamahal natin sa isa’t isa
‘Pag tinatanong kung bakit tayo masaya, ang sagot nating dalawa’y inertia.
Alam ko na minsa’y sobra kang napupuwersa
Minsan sa aking pagmamadali naisip kong baka nakukulitan ka
Pero noong umasa ako sa’yo, hindi mo ako binigo
Parang sa force at mass ang relasyon nating ito
Sabi nila hindi pwede na sa isang pag-iibigan
Sa isang panig lang nanggagaling ang lahat ng pagmamahal.
Dati kong naisip kung sayang lang ba ang nararamdaman ko sa’yo.
Pero bakit kahit walang gravity ay nahuhulog pa rin ako?
Noong malapit na akong sumuko dumating ang sagot na gusto ko.
Buti na lang parang matter ang pag-ibig natin-hindi nasisira.
Net Force- Sum of all forces acting on an object
-273.15 degrees celcius- When converted to Kelvin it’s 0k
Law of Mass Conservation- Matter cannot be created nor destroyed
Watt- Unit of power, named after James Watt
Ionic Bond – Complete transfer of valence electrons between atoms.
0 comments: