filipino,
3
Nanay, Tatay
Bakit kayo nag-aaway
Tayo na’t maghabulan sa parke
Isa sa inyo ang aking kakampi
Nanay, Tatay
Bakit iba na ang inyong mga ngiti
Napapagod na ba kayo
Nais niyo na bang tumakbo?
Nanay, Tatay
Bakit kayo nag-aaway
Mawawalan na ba ako ng kalaro
Dahil nais niyo nang tumakbo?
10
Nanay, Tatay
Simula pa lang ng araw
Mga bangayan sa gabi'y ngayon normal
Puyat na lagi dahil sa ingay at pag-aaral
Nanay, Tatay
Sa paaralan na ako araw-araw
Nagkukwentuhan ang mga iba
Bakit sa kanilang magulang sila'y masaya?
Nanay, Tatay
Patapos na ng araw
Bakit kayo’y nag-aaway pa rin ng ganito?
Puro sampalan, sakitan at sisihan.
18
Nanay, wala si Tatay
Naiintindihan ko na ang lahat
Pero sana'y hindi ako nakialam
Ilang taon na siyang umalis na walang paalam.
Tatay, paano na si Nanay?
Sana’y hindi ko na lang inalam
Para hindi na nagdurusa ang aking pakiramdam
At ninanais na maglaho sa kawalan
Nanay, Tatay
Matatapos na ang aking oras sa paaralan
Ngunit hindi ko pa rin alam ang aking kalalagyan
Nasaan kayo ngayon kayo’y aking kinakailangan
37
Nanay, Tatay
Bumalik na ako sa inyo
Matagal na't muntik kong makalimutan
Mga pinagdaanan ko sa aking kabataan
Nanay, Tatay
Nandito na ako
Gusto ko lang na inyong pansinin.
Katulad ng mga ibang bata, inyong mahalin.
Nanay, Tatay
Nakaya ko ang mga hirap mula sa nakalipas na mga panahon
Mga gabing malamig at malungkot
Upang makasama muli kayo nang walang poot
Literary: Nasaan Kayo

0 comments: