feature,
Ang UP Health Service o Infirmary ay matatagpuan sa tapat ng Parish of the Holy Sacrifice, sa Laurel Avenue. Ayon sa mga interns, kanilang inikutan ang mga departamento ng site, katulad ng Triage, Publich Health, Dental, X-Ray atbp. Ilang sa kanilang ginawa ay ang pangongolekta ng impormasyon ng mga pasyente, katulad ng height, weight at blood pressure, pagkuha ng mga impormasyon mula sa mga blood sample at marami pang iba.
Natuwa naman ang mga interns sa nasabing site dahil bagaman matagal ang proseso ng iba’t ibang mga trabaho na binigay sa kanila ay gusto talaga nila ang kurso ng medisina. Nakakakaba nga lang daw minsan sa tuwing naiiwan sila ng kanilang mga supervisors ngunit dahil doon ay natutunan nilang maging mas independent.
Napagtanto rin ng mga interns na higit pa sa sweldo, ang higit na mahalaga sa mga empleyado ng UPHS ay ang pagtulong sa mga nangangailangan. Kaya bagama't di kataasan ang kanilang sinasahod ay nananatili pa rin sila rito.
Ang UP Institute of Civil Engineering o ICE ay matatagpuan sa TH Pardo de Tavera Street. Ayon sa mga interns, iba’t ibang mga field ng Civil Engineering ang kanilang sinubukan at bawat field ay mayroon silang ginagawang hands-on activity. Naranasan din nilang dumalo sa mga pagtalakay ukol sa nasabing field, kung saan nag-sit-in sila sa isang lecture. Isang halimbawa na ang sa Geotechnical field, kung saan nagsala ng lupa ang mga interns upang mahiwalay at mapag-iba-iba ang mga uri ng lupa.
Ang UP Electrical Electronics and Engineering o “Triple E” ay matatagpuan sa tabi ng Department of Computer Science at “Triple M”, sa Velasquez Street. May 14 na mga laboratoryo ang gusali ngunit lima lamang ang inikutan ng mga interns sa dalawang linggo. Isa sa mga laboratoryong kanilang napuntahan ay ang Digital Signal Processing Lab, kung saan tinalakay sa kanila ang iba’t ibang uri ng signal at audio. Tinuruan din ng audio-editing ang mga interns gamit ang isang software.
Ayon sa interns, talagang namulat sila at maraming natutuhan sa kanilang site. Binanggit din nila na friendly at accommodating ang kanilang supervisors. Bagama't may katagalan ang ilang proseso ng mga gawain, nakakaramdam naman ng saya ang mga interns kapag kanilang natatapos ang mga trabaho. Natutunang din nilang maging mas strategic at resourceful sa pagharap ng ilang maliliit na problema.
Ang UP Institute of Biology ay matatagpuan sa Science Complex, Regidor Street. Ilan sa mga ginawa ng mga interns rito ay species identification, DNA extraction, pag-resaerch sa DNA bar coding, at iba pa.
Nakatulong sa mga interns ang pagkakaroon ng mga libreng oras at maayos ang kanilang schedule. Inilarawan naman nila ang mga supervisors na accommodating, palakaibigan at palabiro na naging dahilan para hindi maging masyadong seryoso lagi ang kanilang trabaho.
Nahasa naman ang pasyensa ng mga interns dulot ng tagal ng proseso ng kanilang trabaho. Bukod pa rito, natutunan ng mga interns na maging precise sa mga pinagawa sa kanila, partikular ang nauugnay sa DNA na isang pagkakamali lamang ay malaki na agad ang epekto sa kanilang research.
Ang National Center for Transportation Studies o NCTS ay matatagpuan sa likod ng Department of Interactive Learning Center, sa G. Apacible Street. Ang mga ginawa ng mga interns ay ang pag-encode ng mga forms ukol sa household activities, pagpa-plot ng mga jeepney stops sa mapa, pagsasarbey ukol sa bilis at dami ng mga sasakyan at ng mga bisikleta sa UP Sunken Garden at pagmo-monitor ng daloy ng trapiko sa intersections sa campus.
Ang Information Technology Development Center o ITDC ay matatagpuan sa Vidal A. Tan Hall, Quirino Avenue. Ang pangunahing gawain ng mga interns ay pananaliksik, paggawa ng inforgraphic at pagtalakatay sa iba’t ibang isyu ng teknolohiyang ginagamit para sa paraan ng komunikasyon, katulad na lamang ng Data Privacy.
Bagaman maraming pinagawang presentasyon sa interns, nagkaroon naman sila ng mga break. Mabuti rin ang pakikitungo at mauunawain ang kanilang mga supervisor.
Dahil mga presentasyon ang pangunahing trabaho ng mga interns, natutunan nila kung ano ang mga dapat isaalang-alang sa tuwing gagawa nito. Bilang karagdarag, naging independent rin sila sa pagri-research dahil na rin sa dami ng inaasikaso ng kanilang mga supervisor.
Ang Institute of Chemistry ay matatagpuan sa Science Complex, sa tabi ng National Institute of Molecular Biology and Biotechnology, sa CP Garcia Avenue. May dalawang lab na napuntahan ang nag-internship rito. Ang mga lab ay para sa pag-research ng drug design na maaaring gamitin upang maging lunas sa sakit. Samantala, ang isa namang lab ay para sa iba’t ibang uri ng halaman na gagamitin para sa nasabing drug design. Ang intern ay nagsasagawa ng research ukol sa posibleng lunas sa malaria.
Feature: Int-2nt-ship: AppSci
Noong Oktubre, sumailalim ang Grado 12 ng Applied Sciences and Engineering Track sa programa ng internship sa iba’t ibang institusyon sa UP Campus sa loob ng dalawang linggo. Samu’t sari ang kanilang mga gawain at ambag, ‘di lang sa internship site na kanilang napuntahan, pati na rin sa buong unibersidad. Upang magkaroon tayo ng ideya kung ano-ano ang kanilang mga kinaharap sa kanialng internship, ating isa-isahin ang mga site na napuntahan ng ating mga kapwa mag-aaral mula sa App Sci.
1. UPHS
Ang larawan ay kuha ni Ned Pucyutan.
Ang UP Health Service o Infirmary ay matatagpuan sa tapat ng Parish of the Holy Sacrifice, sa Laurel Avenue. Ayon sa mga interns, kanilang inikutan ang mga departamento ng site, katulad ng Triage, Publich Health, Dental, X-Ray atbp. Ilang sa kanilang ginawa ay ang pangongolekta ng impormasyon ng mga pasyente, katulad ng height, weight at blood pressure, pagkuha ng mga impormasyon mula sa mga blood sample at marami pang iba.
Natuwa naman ang mga interns sa nasabing site dahil bagaman matagal ang proseso ng iba’t ibang mga trabaho na binigay sa kanila ay gusto talaga nila ang kurso ng medisina. Nakakakaba nga lang daw minsan sa tuwing naiiwan sila ng kanilang mga supervisors ngunit dahil doon ay natutunan nilang maging mas independent.
Napagtanto rin ng mga interns na higit pa sa sweldo, ang higit na mahalaga sa mga empleyado ng UPHS ay ang pagtulong sa mga nangangailangan. Kaya bagama't di kataasan ang kanilang sinasahod ay nananatili pa rin sila rito.
2. MSI
Ang Marine Science Institute o MSI, ay matatagpuan malapit sa UP EEE, paglagpas sa UP gate ng CP Garcia Ave. Ilan sa mga ginawa ng mga interns dito ay ang pagreresearch ukol sa physical oceanography at pag-ayos ng impormasyon ukol sa dagat, katulad ng salinity at pressure nito. Dagdag dito nagsagawa rin sila ng mga graphs upang ilatag ang mga impormasyong kanilang nakalap. Bukod pa rito, nag-enhance rin ang mga interns ng satellite images ng mga reclamation areas upang mapakita kung alin ang mga maaaring tirhan ng iba’t ibang hayop.
Natuklasan ng mga interns ang iba’t ibang gadgets na ginagamit upang magrecord ng impormasyon ukol sa karagatan, gaya ng salinity at pressure ng tubig sa iba’t ibang lebel.
j
Naging hamon sa kanilang ang mga impormasyong kanilang kailangang makalap ngunit sila nama’y nabighani kanilang natuklasan sa pag-aanalisa ng karagatan. Bukod pa rito, mas nahasa ang mga interns sa coding at interpretasyon ng data na magagamit nila ito sa hinaharap.

3. UP Arki
Ang UP College of Architecture o mas kilala bilang UP Arki ay matatagpuan sa Delos Reyes Street. Dahil sumakto sa Science Society Month ng UP Arki ang internship, mas nagpokus ang mga trabaho ng interns ng Arki sa pagtulong sa pagsasagawa ng mga events katulad ng space + silhouette, isang talk ukol sa aplikasyon ng arkitektura sa fashion. Bukod rito, nagsagawa rin ang mga interns ng drafting.
Hiling nila na sana’y mas mahaba ang panahon ng internship upang mas marami silang nagawang aktibidad sa Arki.

4. ICE
Larawan ay mula kay Ellene Arceo.
Ang UP Institute of Civil Engineering o ICE ay matatagpuan sa TH Pardo de Tavera Street. Ayon sa mga interns, iba’t ibang mga field ng Civil Engineering ang kanilang sinubukan at bawat field ay mayroon silang ginagawang hands-on activity. Naranasan din nilang dumalo sa mga pagtalakay ukol sa nasabing field, kung saan nag-sit-in sila sa isang lecture. Isang halimbawa na ang sa Geotechnical field, kung saan nagsala ng lupa ang mga interns upang mahiwalay at mapag-iba-iba ang mga uri ng lupa.
Ayon sa mga interns, natuwa sila sa pagkakataong makagamit ng iba’t ibang uri ng kagamitan sa pangangalap ng datos. Naging komportable rin sila dahil bagong renovate ang gusali kaya’t malinis ang site. Nakatulong din sa kanila ang mabuting pakikitungo ng kanilang mga supervisors.
Dahil sa internship, natutunan ng mga interns ang makaangkop sa bagong kapaligiran at mas maging malay sa oras at iskedyul ng mga gawain. Bukod pa rito, natutunan ng mga interns na maging mas maingat sa mga kagamitan sa kanilang trabaho lalo pa't mamahalin ang mga equipment sa kanilang site.

5. “Triple E”
Larawan ay nakuha mula sa: https://www.eee.upd.edu.ph/eee-tech-fair-2017-sponsors
Ang UP Electrical Electronics and Engineering o “Triple E” ay matatagpuan sa tabi ng Department of Computer Science at “Triple M”, sa Velasquez Street. May 14 na mga laboratoryo ang gusali ngunit lima lamang ang inikutan ng mga interns sa dalawang linggo. Isa sa mga laboratoryong kanilang napuntahan ay ang Digital Signal Processing Lab, kung saan tinalakay sa kanila ang iba’t ibang uri ng signal at audio. Tinuruan din ng audio-editing ang mga interns gamit ang isang software.
Ayon sa interns, talagang namulat sila at maraming natutuhan sa kanilang site. Binanggit din nila na friendly at accommodating ang kanilang supervisors. Bagama't may katagalan ang ilang proseso ng mga gawain, nakakaramdam naman ng saya ang mga interns kapag kanilang natatapos ang mga trabaho. Natutunang din nilang maging mas strategic at resourceful sa pagharap ng ilang maliliit na problema.
6. “Triple M”
Larawan ay nakuha mula sa: https://www.philippinenickel.org/mining/wp-content/uploads/2019/02/UP-COE-DMMME.jpg
Ang UP Mining Metallurgical and Materials Engineering o “Triple M” ay matatagpuan sa tabi ng Department of Science, sa Velasquez Street. Ilan sa kanilang ginawa ay ang environmental assessment at synthesis of materials. Tinukoy nila kung saan magagamit ang materials at pinag-iba-iba ang mga uri nito.
Para sa mga interns, hindi nila masyadong napaghusay ang kanilang buong kakayahan dahil isang laboratoryo lamang ang kanilang napuntahan sa buong dalawang linggo. Gaya sa ibang site, accomodating naman ang mga supervisors sa kabila ng pagiging abala sa mga gawain.
Dahil sa internship, natutunan ng mga interns na mas habaan ang pasyensa dahil kailangang maging maingat sa mga equipment at mga proseso sa laboratoryo. Bukod pa rito, nahasa rin ‘di umano ang mapanuring pag-iisip ng mga interns dahil sa kawalan nila ng malalim na kaalaman sa trabahong nabigay sa kanila.

7. Institute of Biology
Ang larawan ay kuha ni Ned Pucyutan.
Ang UP Institute of Biology ay matatagpuan sa Science Complex, Regidor Street. Ilan sa mga ginawa ng mga interns rito ay species identification, DNA extraction, pag-resaerch sa DNA bar coding, at iba pa.
Larawan ay mula kay Reinard Grimaldo.
Nahasa naman ang pasyensa ng mga interns dulot ng tagal ng proseso ng kanilang trabaho. Bukod pa rito, natutunan ng mga interns na maging precise sa mga pinagawa sa kanila, partikular ang nauugnay sa DNA na isang pagkakamali lamang ay malaki na agad ang epekto sa kanilang research.
8. NCTS
Ang larawan ay kuha ni Ned Pucyutan.
Ang National Center for Transportation Studies o NCTS ay matatagpuan sa likod ng Department of Interactive Learning Center, sa G. Apacible Street. Ang mga ginawa ng mga interns ay ang pag-encode ng mga forms ukol sa household activities, pagpa-plot ng mga jeepney stops sa mapa, pagsasarbey ukol sa bilis at dami ng mga sasakyan at ng mga bisikleta sa UP Sunken Garden at pagmo-monitor ng daloy ng trapiko sa intersections sa campus.
Larawan ay mula kay Trixie Badong.
Ayon sa mga interns, naging sobrang busy nila dahil ipinaranas sa kanila ang mismong trabaho ng mga empleyado ng kanilang internship site. Sa kabila nito, naging masaya naman raw ang karanasan dahil nauugnay sa kanilang interes. Bukod pa rito, sobrang accommodating at palakaibigan rin ng kanilang supervisors.
9. ITDC
Ang larawan ay nakuha mula sa: https://business.facebook.com/iclibupd
Ang Information Technology Development Center o ITDC ay matatagpuan sa Vidal A. Tan Hall, Quirino Avenue. Ang pangunahing gawain ng mga interns ay pananaliksik, paggawa ng inforgraphic at pagtalakatay sa iba’t ibang isyu ng teknolohiyang ginagamit para sa paraan ng komunikasyon, katulad na lamang ng Data Privacy.
Bagaman maraming pinagawang presentasyon sa interns, nagkaroon naman sila ng mga break. Mabuti rin ang pakikitungo at mauunawain ang kanilang mga supervisor.
Dahil mga presentasyon ang pangunahing trabaho ng mga interns, natutunan nila kung ano ang mga dapat isaalang-alang sa tuwing gagawa nito. Bilang karagdarag, naging independent rin sila sa pagri-research dahil na rin sa dami ng inaasikaso ng kanilang mga supervisor.
10. Institute of Chemistry
Ang larawan ay nakuha sa: https://business.facebook.com/iclibupd/
Ang Institute of Chemistry ay matatagpuan sa Science Complex, sa tabi ng National Institute of Molecular Biology and Biotechnology, sa CP Garcia Avenue. May dalawang lab na napuntahan ang nag-internship rito. Ang mga lab ay para sa pag-research ng drug design na maaaring gamitin upang maging lunas sa sakit. Samantala, ang isa namang lab ay para sa iba’t ibang uri ng halaman na gagamitin para sa nasabing drug design. Ang intern ay nagsasagawa ng research ukol sa posibleng lunas sa malaria.
Larawan ay mula kay Angelo Ortiz.
Ayon sa intern, magandang oportunidad ang maging saksi sa mga maaaring maging lunas sa modernong sakit. Naging hamon lang sa intern dahil ang ilang kasama niya sa site ng College of Science ay nasa ibang institute. Mas madali raw sana kung may kasama ang siya at posibleng natapos raw sana ang study na kaniyang ginagawa ukol sa malaria. Dahil sa kakulangan sa oras, hindi natapos ang study na ginawa ng intern sa dalawang linggo ng internship.
Ang mga supervisor naman ng intern ay mababait, ‘di raw siya pinabayaan at hindi naging mahigpit sa kaniya. Pero dahil mga propesor din ang supervisors, medyo busy rin sila sa kanilang mga klase.
Ilan sa maraming natutunan ng intern ay ang pagiging mas mahusay sa komunikasyon sa kaniyang supervisor dulot ng pagiging mag-isa sa site. Bukod pa rito, nahasa rin ang time management skill ng intern. Natutuwa siyang naranasan ang totoong buhay sa field ng mga chemist.
Iilan lamang ang mga nasa listahang ito ang mga posibleng internship site sa buong campus, sa larangan ng siyensya. Sana ay hindi maging sanhi ng takot at kaba ang listahang habang papalapit tayo sa Grado 12. Sa halip ay gamitin natin ang mga impormasyong ito bilang paghahanda sa ating on-campus internship, bago man ang internship site na mapupunta sa atin o nasa listahang ito. //ni Ned Pucyutan

0 comments: