feature,

Feature: Int-2nt-ship: SocSci

12/07/2019 08:35:00 PM Media Center 0 Comments



Isang nametag na sa halip na pangalan, nakalagay ay “Intern”. Source: Deep Sea News

Noong Oktubre ng 2019, lumahok ang mga mag-aaral ng Grado 12 sa kanilang On-Campus Internship, kung saan nakapagtrabaho sila ng dalawang linggo sa mga kolehiyo at opisina ng UP Diliman. Ang mga internship site ay batay sa kani-kanilang track, at ang mga nasa Social Sciences and Humanities na track ay pumunta sa mga internship sites na nauugnay sa panlipunang pagsusuri, sining, at pamamahayag.

Diliman Interactive Learning Center

Lokasyon ng Diliman Interactive Learning Center. Source: Google Maps

Ang Diliman Interactive Learning Center ay matatagpuan malapit sa College of Engineering at sa Acacia Residence Halls.

Ayon sa mga interns, ang pangunahing gawain ay ang paglikha ng mga promotional materials tungkol sa learning objects at pagpresenta nito sa harap ng director ng DILC. Ayon kay Sophia Loriega, isa sa mga interns, “My attitude towards work and professionalism has changed.” (Nagbago ang aking saloobin tungkol sa pagtatrabaho at profesionalismo.)

Diliman Information Office

Lokasyon ng Diliman Information Office. Source: Google Maps

Ang Diliman Information Office ay matatagpuan malapit sa College of Music at sa Bahay ng Alumni. Dito sa site, ang mga gawain nila ay ang pagbabalita ng mga kaganapan sa UP Diliman. Nagsulat sila ng mga artikulo para sa opisyal na website ng DIO.

Ayon kay Ezekiel, isa sa mga interns sa site, “Masaya naman kahit papaano mag-trabaho sa isang office setting na lugar and memorable talaga yung mga small interactions sa mga staff and sa mga nagtratrabaho dun.”

College of Law

Lokasyon ng College of Law. Source: Google Maps

Ang College of Law ay matatagpuan sa kabilang panig ng Sunken Garden, katapat ng College of Education. Ayon sa mga interns, research-heavy ang trabaho nila sa site, kasama sa ibang gawaing maituturing ‘desk work’.

Ang mga interns ay hiniwalay sa dalawang institusyon ng kolehiyo. Dalawa sa interns ay napunta sa Institute of Human Rights at dalawa ay napunta sa Institute of International Legal Studies.

Ang mga nasa Institute of Human RIghts ay inatasang manaliksik tungkol sa mga prosesong ligal para sa mga law modules. Nagsaliksik sila tungkol sa search and seizures, conventions, at iba pa. Pagkatapos ay pina-revise sa kanila ang mga modules. Ipinagawa rin sa kanila ang pagsulat ng directory at mga liham sa mga tao at mga organisasyon na bibigyan ng mga libro tungkol sa karapatang pantao.

Ang mga nasa Institute of International Legal Studies ay pag-aayos ng UP Law website at pagsasaliksik para sa mga salaysay na, ayon sa mga interns, kasing lebel ng thesis sa Grado 10.

“More on paper work talaga,” ang sabi ni Mariel Diesta, isa sa apat na interns sa site, “Mas broad ang knowledge na makukuha mo sa site kasi mas magiging open-minded ka sa mga nangyayari ngayon at mas mamumulat ka tungkol sa mga laws natin na ang dami sanang magbebenefit kung naiimplement lang nang maayos.” Ayon naman sa isa pang intern, si Cynl Tecson, “I realized that [learning how to make a thesis] is very important. A lot of other subjects are not useful. [Ahem], Math” (Napagtanto ko na ang pag-aaral kung paano gumawa ng thesis ay importante talaga. Madaming ibang subjects na ‘di naman kasing kapaki-pakinabang. Ahem, Math.)

Sentro ng Wikang Filipino


Lokasyon ng Sentro ng WIkang Filipino. Source: Google Maps

Ang Sentro ng Wikang Filipino ay matatagpuan malapit sa checkpoint ng University Avenue at sa tapat ng Institute of Small Scale Buildings.

Ang naging trabaho ng mga interns dito ay ‘desk work’ rin. Ang mga gawain nila ay nagpokus sa pagsusulat. Sila’y nagsulat, nag-proofread, at nag-edit ng mga artikulo para sa publikasyon, at gumawa ng pagsasalin, indexing, at naghanap ng mga referees para rito.

“Instead of learning new skills, I got to use the skills I've already developed sa MC in a more professional setting, ” sabi ni Owen Bernos, isa sa dalawang interns sa site, “My confidence in working in this field was boosted because of my experience in SWF.” (Sa halip ng matuto ng bagong kakayahan, nagamit ko ang mga natutunan ko sa MC sa mas propesyonal na setting. Tumaas ang kumpyansa ko sa pagtatrabaho sa field na ito dahil sa karanasan ko sa SWF.)

College of Social Work and Community Development

Lokasyon ng College of Social Work and Community Development. Source: Google Maps

Ang College of Social Work and Community Development, na malapit sa UP College of Human Kinetics, ay kung saan nag-intern sina Aleana Ria Estilon at Roel Ramolete. Ayon kay Roel, masaya at nakaka-enlighten ang karanasan niya sa internship site niya. Ang trabaho nila sa site ay pagsusulat ng mga artikulo, paggawa ng mga poster, at pakikilahok sa mga immersion at workshop programs.

Gumawa rin sila ng radio drama na programa para sa DZUP tungkol sa community development at mga social workers. Sabi ng mga interns na maganda ang kanilang karanasan dahil nakikita nila ang proseso at ang mga ginagawa ng mga taong nagpapabuti sa buhay ng mga mamamayan na nasa marginalized na sektor sa lipunan.

College of Mass Communication

Lokasyon ng DZUP. Source: Google Maps

Ang internship para sa College of Mass Communication, na matatagpuan malapit sa College of Music, ay nagpopokus ng mga gawain nila sa DZUP, ang opisyal na radyo para sa UP Campus.

Ang sabi ng mga interns, karamihan ng mga gawain nila ay pag-eedit ng audio, pagsasanay kung paano magsalita sa mga programa sa radyo, at pagsusulat ng mga script para sa radyo.

Naging mahalagang karanasan ang pagtatrabaho sa mismong booth at setting ng DZUP, at nakatulong ang kapaligiran sa paggawa nila ng mga tungkulin na bago para sa mga interns. Ayon kay Keio Guzman, isa sa mga interns, “A really important thing I picked up on when I was at DZUP [was] how everything you do is learned and how you learn it is by just doing it over and over again until it’s hammered into you.” (Isang mahalagang bagay na natutunan ko noong nasa DZUP ako ay kung paano ang mga ginagawa mo ay matutunan mo at matututunan mo ito sa pamamagitan ng pag-uulit at pag-uulit nito hanggang makabisado mo.)

Center of Women’s and Gender Studies

Lokasyon ng Center of Women’s and Gender Studies. Source: Google Maps

Ang Center of Women’s and Gender Studies ay malapit sa College of Mass Communication at College of Social Work and Community Development.

Ang naging pangunahing gawain ng mga interns sa site ay pagtulong sa mga seminars at workshops ng sentro. Sila ang nakatalaga sa pagkukuha ng mga litrato tulad ng mga picture at video, sa pamamahala registration booth, at sa paggawa ng mga sertipiko. Gumawa rin sila ng directory para sa mga libro sa opisina.

“Nagkaroon ako ng insight sa kung ano ang maaari kong maranasan kapag nagsimula na akong magtrabaho,” ang sabi ni Cedric Creer, isa sa mga mag-aaral na nag-intern dito, “Nakita ko ang kahalagahan ng internship na ihanda kami sa kung ano mang bagay sa future.”

College of Fine Arts

Lokasyon ng College of Fine Arts. Source: Google Maps

Ang College of Fine Arts ay matatagpuan sa kabilang dulo ng checkpoint sa University Avenue. Doon ang internship nina Joy Asuncion, Angel Dizon, at Ulap Coquilla. Nagkakaiba ang karanasan nila sa internship dahil sa iba’t ibang departamento sila nakapunta; ayon sa pagkakabanggit, sila’y naging intern sa Fine Arts Library, Ceramic Studio, at Fine Arts FABLAB.

Ang trabaho sa Fine Arts Library ayon kay Joy Asuncion ay pagsasaliksik tungkol sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa sining, tulad ng mga artista’t pintor at mga likhang sining. “Para sa'kin, ang pangunahing natutunan ko sa intership, maliban sa art knowledge, ay ang halaga ng pakikitungo sa co-workers mo. Isa yung malaking bagay na posibleng ‘magmake-or-break’ ng experience mo at para sa CFA lib, they made my internship really really worth it.”

Ayon kay Angel Dizon, ang karanasan niya sa Ceramic Studio ay katulad ng isang malaking workshop. Ang mga gawain niya ay pagbuo at paglikha ng clay at produkto na gawa sa clay. Naging gawain rin niya ang pag-oorganisa at pag-aayos ng studio, tulad ng pag-repack ng clay at pag-oorganisa ng mga kahoy para sa mga workshops ng studio.

Ang natutunan ni Angel mula sa karanasan niya sa kanyang internship ay tungkol sa kakayahan niyang sosyal. “Lagi at lagi kasing willing magshare ng informations mga supervisors at mga katrabaho ninyo sa site, kaya ask lang nang ask! At magtanong din nang gagawin pag naka-idle ka lang,” ang sabi niya, “Mas okay [na] mas madaming o laging may ginagawa.”

College of Arts and Letters

Lokasyon ng College of Arts and Letters. Source: Google Maps.

Ang internship sa College of Arts and Letters ay ginawa sa Dulaang UP Office sa CAL Pavilion 3.

Ang mga gawain nila ay nagpokus sa departamento ng Dulaang UP at kanilang bagong dula. Dahil lumipas na ang panahon para sa produksyon at paggawa ng mga set props, ang mga gawain nila ay nakatuon sa marketing, publicity, at paghahanap ng sponsor. Nag-print sila ng mga posters at sila’y naglakad sa buong campus para ipaskil ito sa mga bulletin boards sa mga jeepney stop. Sila rin ay nag-promote sa mga kolehiyo room-to-room at naghanap ng mga sponsor sa paraan ng pagtawag sa mga iba’t ibang kompanya at pamamahagi ng liham.

Naging malaking tulong ang karanasan nila sa kahusayan nila sa komunikasyon, time management, at pagtatrabaho ng mabilis. Ayon kay Angie naging pangunahing natutunan niya sa karanasan ay ang halaga ng maliliit na gawain tulad ng paglalagay ng posters sa campus. “These tasks might seem menial to some but they actually require a lot of patience and hard work and more importantly, they contribute a lot to the success of the whole prod.” (Ang mga gawaing ganoon ay karaniwang minamaliit dahil tila sila’y madali ngunit ang totoo ay kailangan ang sipag at tiyaga para magawa ang mga ito. Bukod dito, malaki ang kontribusyon ng mga gawaing ito sa tagumpay ng buong produksyon.)

Ang On-Campus Internship sa Gade 12 ay ang magiging unang karanasan ng mga mag-aaral UPIS sa totoong office setting. Iba’t ibang maaaring impact sa iba’t ibang site sa iba’t ibang track, pero siguradong-sigurado na ang mga karanasan dito ay hindi makakalimutan. //ni Kiara Gabriel

You Might Also Like

0 comments: