4ever,

Literary: Isang Linggong Pag-ibig

12/14/2019 08:50:00 PM Media Center 0 Comments




Lunes

     Nagsimula ang lahat
     Sa isang pindot.
     Isang aksidenteng like,
     Na may kasamang harot.

     Pakilala mo’y si Mr. Right,
     Dahil you’ll never go wrong.
     Pakilala ko nama’y si Ms. Up,
     Because I’ll never let you down.

Martes

     Paggising ko pa lang,
     Buo na ang araw ko
     Dahil sa hindi inaasahang mensahe,
     Na sa’yo nagmula.

     “Good morning, kumain ka na ba?”
     Ang laman ng iyong mensahe
     Simpleng mga kataga,
     Pero espesyal dahil mula sa’yo

Miyerkules

     Pag-uusap nati’y nagtuloy-tuloy
     Kahit sa jeep, ikaw ang laging ka-chat.
     Hindi magsasawang ikaw ang kausap,
     Kahit pa abutin ng magdamag.

     Bago matapos ang gabi
     Ika’y nagtapat ng iyong nararamdaman.
     Sinabi mo na ako’y iyong mahal
     Ako lang at wala ng iba.

Huwebes

     Gulong-gulo ang isip
     Hindi mawari ang tibok ng puso
     Ano ba itong nararamdaman ko,
     Pag-ibig na ba ito?

     Buong araw nag-isip,
     Buong araw nagpasya.
     Hindi rin nagtagal,
     Sinagot na rin kita.

Biyernes

     Kasama ng pagsikat ng araw,
     Ang ngiting simula pa kagabi,
     at ang iyong matamis na pagbati,
     “Good morning, I love you!”

     Kumakarera maghapon ang puso ko,
     mula sa pag-iibigan natin,
     Pag-ibig na tila umaapaw na,
     Pag-ibig sana’y hindi na magwakas pa.

Sabado

     Pagmulat ng mga mata’y
     Malamig na yelo sa aki’y ibinuhos,
     Maiikling chat replies mula sa’yo,
     Anong nangyari sa “I love you” mo?

     Sa maghapo’y, hindi tumibok ang puso,
     Kalungkuta’y sa aki’y bumabalot,
     Minsa’y inboxed, madalas ay seen,
     Nasaan na ang pag-ibig natin kahapon?


Linggo

     Wala nang matatamis na salita,
     Isang solidong bomba ang iyong binitiwan,
     Na siyang dumurog sa aking puso,
     “Sorry, hindi na kita mahal.”

     Luha na lamang ang aking kasama,
     Bigat sa aking dibdib ang aking nadarama,
     Nagunaw ang aking mundo,
     Nang dahil sa pag-ibig na isang linggo.

You Might Also Like

0 comments: