filipino,
“May kahahantungan pa ba tayo?”
“Bakit tila wala naman? O nag-aaksaya lang tayo ng oras? Gusto ko na lang matapos lahat eh.”
“Makakarating saan? Wala akong ideya kung saan tayo dadalhin ng atin mga paa, hayaan na lang bang kapalaran natin ang magdikta?”
“Magtiwala? Kanino? Sa Diyos? Wala ngang maibigay na paliwanag sa akin ‘yon. Bakit ba kasi kailangan pa natin tahakin ang mga daan na ‘di naman natin ginusto?”
“Alam mo may punto ka. Lahat naman ng bagay lumilipas, sa palagay mo ba mararating natin ang nais nating maabot?”
“Doon ko na ba makikita lahat ng ninanais kong maabot?”
“Ngunit ano-ano ang susunod na mangyayari kapag tayo’y nasa itaas na?”
“Ha? Hindi ba nakakapagod ‘yun?”
“Pero paano ko malalaman kung oras na ba para huminto sa pag-akyat at paghanap ng panibagong daan?”
“Paanong hindi mo na alam?”
“Saan ka mapapadpad kapag nasa itaas ka na? Ano ang balak mong gawin? Hanggang titig na lamang ba ang iyong gagawin?”
“Kung ano bang mayroon ako ngayon, dala ko pa rin hanggang makarating ako sa taas?”
“Hindi ba ako magbabago kapag narating ko na ‘yung matagal ko nang hinihintay?”
“Huy, sagutin mo ako.”
Literary: Mailap
“May kahahantungan pa ba tayo?”
“Mayroon naman, matagal lang at nakaiinip pero sigurado akong mayroon.”
“Bakit tila wala naman? O nag-aaksaya lang tayo ng oras? Gusto ko na lang matapos lahat eh.”
“Matatapos lang ang lahat kapag tumigil na ang pagpihit ng orasan, malayo pa ang lalakbayin natin, hintayin mo lang, makararating din tayo.”
“Makakarating saan? Wala akong ideya kung saan tayo dadalhin ng atin mga paa, hayaan na lang bang kapalaran natin ang magdikta?”
“Basta, magtiwala ka lang. Maglakad lang tayo nang maglakad kahit ‘di natin nakikita ang dulo.
“Magtiwala? Kanino? Sa Diyos? Wala ngang maibigay na paliwanag sa akin ‘yon. Bakit ba kasi kailangan pa natin tahakin ang mga daan na ‘di naman natin ginusto?”
“Magtiwala ka sa akin dahil tayo lang naman ang makapagdidikta kung saan tayo pumunta. Kung hindi naman natin gusto, bakit pa tayo dito mananatili? Hindi ba’t panahon na para hanapin natin ang daan na para sa atin? ‘Yung gusto natin at magiging masaya tayo.”
“Alam mo may punto ka. Lahat naman ng bagay lumilipas, sa palagay mo ba mararating natin ang nais nating maabot?”
“Oo. kung ikukumpara mo sa hagdan, mataas man ang kailangang abutin, kung patuloy lang tayo na hahakbang, mabilis man o mabagal, maaabot din natin ang tuktok."
“Doon ko na ba makikita lahat ng ninanais kong maabot?”
“Pwede. ”
“Ngunit ano-ano ang susunod na mangyayari kapag tayo’y nasa itaas na?”
“Eh di aakyat ulit tayo. Panibagong daan. Panibagong adventure.”
“Ha? Hindi ba nakakapagod ‘yun?”
“Nakakapagod nga pero kapag naabot mo na lahat hindi ba’t nakapapawi ‘yun ng pagod na naramdaman mo?”
“Hindi ko na alam.”

0 comments: