feature,

Feature: Namamasko po! Regalo, handa na ba?

12/07/2019 08:45:00 PM Media Center 0 Comments



Lumalamig na muli ang simoy ng hangin at nagsisilabasan na ulit ang mga Christmas decors sa iba’t ibang lugar gaya ng mga bahay, malls, opisina, paaralan at kahit sa mga streetlights. Disyembre na at nagmamadali ang mga tao na mamili ng regalo para sa Pasko, humahabol sa mga sale at promo.

Kilala ang Pasko bilang panahon ng pagbibigayan kaya ‘di maiiwasang masira ang budget at mabawasan ang mga ipon.

Narito ang ilan sa mga ideya na maaaring magamit pamasko na swak sa inyong budget! Madali lang itong mabili dahil maraming stores lalo na sa mga malls ang nagbebenta ng mga produktong ito kaya mayroon kang variety ng mga maaarin mong pagbilhan.

1. Korean socks

Litrato mula sa: www.aliexpress.com

Bukod sa murang presyo nito, makasisiguro kang magagamit talaga ito ng taong pagbibigyan mo! Maaari nila itong gamitin tuwing lumalabas o gumagala sila. Dagdag pa ay napakakomportable nitong gamitin!

Kung naghahanap ng murang mga medyas, may nabibiling 10 pares sa Divisoria sa halagang ₱200.00 hanggang ₱300.00.

Kung gusto niyo naman ng ibang opsyon, maaari kayong bumili sa Mumuso, Daiso, o Japan Home Center. Ang isang pares ay nagkakahalagang ₱88.00 hanggang ₱99.00.

Kung kaya mo pang itaas ang budget ay pwede mo rin subukan ang Iconic Socks na madalas ipinanreregalo tuwing Christmas party. Ito ay nagkakahalagang ₱150.00 hanggang ₱200.00 kada isang pares.

2. Second-hand books


Ngayong pasko, patok ang pagbukas ng mga tiangge sa iba’t ibang lugar. Halimbawa na rito ang tiangge sa UP Diliman. Isa sa mga tiangge nila ay ang Zeitgeist Bookshop kung saan nagbebenta sila ng mga high-quality secondhand na libro. Isang halimbawa sa kanilang binebenta ay ang Everyday ni David Levithan na nagkakahalaga na lang ng ₱250.


3. Stationery set


Litrato mula sa: www.papemelroti.com

Ang stationery set ay isang magandang ideya para iregalo lalo na sa mga estudyante ngayon. Marami itong mga disenyo, lalo na sa mga mahilig magsulat o gumawa ng kanilang journal.

Ang nilalaman ng isang stationery set ay mga journal notebooks, iba’t ibang uri ng ballpens, at iba pa. Maaaring makabili ng mga stationery products sa Papemelroti kung saan pwede kang makakita ng notebook na nagkakahalagang ₱35-55. Maaari rin kayong bumili sa Shopee ng mga murang gamit!

4. RAINcelets


Ang RAINcelet ay isang bracelet, angklet, o headband na gawa sa mga makukulay na strings. Ito rin ay pagmamay-ari ni Rain Fagela Tiangco mula sa 11-MLM Barros.
Nagkakahalaga ito ng ₱20.00 hanggang ₱100.00 kada piraso. Mainam itong bilhin hindi lang dahil sa ganda ng disenyo nito, kundi dahil sa pagbili mo nito ay nakatutulong ka na rin sa pagsagawa ng outreach program na pinagagamitan ng nalilikom na pondo.

Noong 2018 ay nagsagawa ng outreach program si Rain at tumulong siya sa mga residente ng Smokey Mountain sa pamamagitan ng pagbigay ng pagkain at school supplies.

5. Skin care products


Perfect na perfect ang skin care products ngayon lalo na tuwing hell week. Manatiling mukhang fresh kahit tambak ng requirements at mga kailangan gawin.

Isa sa mga maaaring ibigay ay ang Nature Republic Aloe Vera Soothing Gel na hindi malagkit sa balat kapag ginagamit. Ito ay nagkakahalagang ₱185.00 lamang.

O ‘di kaya ay ang iba’t ibang face masks ng The Face Shop sa halagang ₱65.00. Mayroon silang olive face mask, potato, blueberry, aloe vera, shea butter, honey, rice, cucumber, real ginseng at marami pang iba. Maaaring mabili ang mga ito sa stores nila sa malls o kaya ay sa online store na beautymnl.

Mayroon ka na bang regalo?

Ilan lamang ito sa mga pwedeng ipanregalo ngayong Pasko na siguradong matutuwa ang pagbibigyan mo at hindi ka pa mahihirapan sa pag-budget dahil affordable naman ang mga ito.

Dagdag pa rito, magagamit din nila ito sapagkat pangmatagalan ang materyal na ito. Siguradong sulit ito! Ngayon--nakabili na ba kayo? //nina Mariel Diesta at Alapaap Coquilla

You Might Also Like

0 comments: