filipino,

Literary: Dabda sa Pagkabata

12/14/2019 08:25:00 PM Media Center 0 Comments




Denial
Hindi maaari, di ko mawari,
hindi na ba talaga tayo mga bata?
Mukhang imposible, ano bang nangyari?
Hindi ako makapaniwala

Hindi ako makakapayag,
ako na ba ay tumatanda?
Hindi puwede, hindi ito maari,
ako ay dapat manatiling bata.

Anger
Hindi ko 'to gusto. Ba't nagkaganito?
Nililito niyo ako
Tigilan natin 'to, oras ay ihinto,
o gusto niyo ba ng gulo?

Nakakapang-init ng dugo
'di mapigilang sumakit ang ulo
Habang tumatanda'y, ako'y mas bigo
at pagkadismaya'y 'di maitago

Bargaining
Kung sakali, kung maibabalik,
handa akong mag-alay
Basta’t ​habang lumalaki,
nariyan pa rin si nanay at tatay

Ibibigay ang lahat ng ​mayroon​,
titiisin ang bawat sakit
Maibalik​ lamang ​sa bata​
ang ​kalayaan​, kahit na saglit

Depression
Sapagkat labis na lumbay
ang naghihintay,
sakaling mawala ang kabataang
natamasa na pansamantala lang pala

Ang araw na ito
ay hindi inaasahang darating
Mga hiniram na oras,
hindi inaakalang ako’y mahuhumaling

Acceptance
Ngunit kung wala talagang magagawa,
kung kabataa'y lumilipas na
Sige, tanggap ko na.
Sarili na lamang ay ihahanda

At pagdating ng panahon,
sana ako’y maging handa
Lumaban sa mundo
ng matatanda

You Might Also Like

0 comments: