english,

Literary (Submission): You and I

10/24/2014 08:09:00 PM Media Center 0 Comments



DIFFERENCES
by Michael Tee, Jr.

You are a sunflower
That always faces the bright side of things
And you stand with the heat and light on your face

I am the mushroom
That looms in the shadows, hiding from everyone
And I lie in the damp cool ground within my caves

We are different from each other
Completely opposite
Together for now, but will soon part from each other


POLARITY
by Zero

You are water
That ripples in my mind
And splashes the rocks by the sea

I am oil
That can’t catch up with your greatness
And am slow but more intact

We are elements that aren’t for each other
Whatever we do we can’t be together
It would be better if we could
Just part ways. Forever.


APART

You are like the rainbow
That appears after the rain
And gives me hope for a better day

I am like the moon
That can never be with you
And always in the dark without you

We are like the sky and earth
That can never be together
But here I am, still hoping for the better

0 comments:

haiku,

Literary (Submission): Four Haikus

10/24/2014 08:01:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

english,

Literary (Submission): Remember Me

10/24/2014 07:58:00 PM Media Center 0 Comments


I hope you remember me
When you watch your favorite movie
When you eat a blueberry
When you reread Casual Vacancy

I hope you remember me
When you go for a swim at the pool
When you wear Roshes and feel cool
When you drink like a fool

I hope you remember me
When you see the mural we painted
When you walk by the alley where we skated
When you drive by the shed where I usually waited

Because I remember you
When I listen to Eraserheads
When I lay still on my bed
When I remember the things you said

I remember you
When I see blonde hair
When I smell rain in the air
When I visit carnivals and fair

But I remember you the most
When I see your face
When I see that you’ve changed the pace
When I realize that you’ve forgotten me, left no trace

0 comments:

1978,

Literary (Submission): Anong Meron sa Pag-ibig?

10/24/2014 07:54:00 PM Media Center 0 Comments


Anong meron sa pag-ibig,
Kung nagmamahal ka
Di naman matumbasan.

Anong meron sa pag-ibig,
Kung nagmahal ka
Di ka na pala mahal.

Anong meron sa pag-ibig,
Kung sa simula mahal mo talaga
Siya pinag-aralan lang mahalin ka.

Anong meron sa pag-ibig?
Masasagot mo ba?
Maipapaliwanag mo kaya?

Anong meron sa pag-ibig?
Masasagot ko.
Maipaliliwanag ko.

Ang pag-ibig ay patas
Parehong kailangan matumbasan.

Ang pag-ibig nararamdaman
Di kailangang pag-aralan.

Ang pag-ibig panghabambuhay
Di nauubos, naglalaho.

Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon
Sagutin sa harap mo ang tanong…
Anong meron sa pag-ibig?

IKAW.

0 comments:

english,

Literary (Submission): Impossible Girl

10/24/2014 07:49:00 PM Media Center 0 Comments



This is one of the school works I hate the most
A writing that gives people a step forward into my thoughts
Nonetheless it is a requirement
I have to see it fulfilled even if I dread it

The girl in this poem is not the most important in my life
Though she is the one I truly care about through happiness and strife
Her identity is not to be revealed, not for the sake of her privacy
But to keep at bay my ever drifting sanity

Her characteristics are what really sparked my interest
Her kindness, ambition, and her enthusiasm
She is a person I have had the great fortune of knowing
Her companionship makes this blurred and unpleasant world interesting

She is kind not only to humans but to all other living things
She believes that freedom and happiness are a right of all beings
As a person sometimes I'm unpleasant, rude, obnoxious, or ignorant
I am redeemed only by the warmth and constancy of her friendship

She has seen what I thought was invisible
She has broken through what I thought was unbreakable
She has done what I thought was impossible
She is my Impossible Girl

0 comments:

english,

Literary: Perspective

10/24/2014 07:44:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

english,

Literary: The Thinking Comes First

10/24/2014 07:40:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

english,

Literary: Light Tears

10/24/2014 07:37:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

english,

Literary: Symptoms

10/24/2014 07:31:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

english,

Literary: Psyche

10/24/2014 07:26:00 PM Media Center 0 Comments



Hey, I just wanted to say I like you. A lot.    
No.                                 
We’ve been best friends for like, what, a year
This is stupid.                         
I love you                            
Oh hell no.                            

I crossed off everything, crumpling the paper into a ball. I swear this confession is going nowhere.

Why don’t you just. Go say it. You know. Right now.

...

“I... I like you!” I blurted out, unable to look you in the face.
“You... What?” You looked at me, confused.

My best friend of 4 years, looking at me in a way... In a way I can’t... Don’t know how to react to.

“I like you.” I said calmly, or at least sounding calm, even daring to look in your eyes. It took all my self-control to keep standing there looking like a goddamn idiot.

“What do you mean?” You looked quizzically at me. Not believing.

“I mean I really like you. More than a friend. Ro-romantically.” Did I just... Oh my god I stuttered.

“I. Well. I don’t think I, I don’t know if, I...” You said, lowering your gaze, talking slowly and hesitantly.

...

You know what? No.

No. We are not going there.

Forget this confession, let’s just keep this... Friendship. I’m. Ok. With. That.

...

“Dude. Dude, I cannot believe you fell for that! Psyche!” I spit out, a little too loudly.

“I... You... What?” You widened your eyes, giving me a light punch afterwards.

“It was just a stupid dare. Prank. You know. Whatever.” I said, putting on a smile.

“Well, you got me-”

”It’s not like I’m really gay or anything. That would be stupid.” I laughed out loud.

“I don’t think... Hey, being gay is not-”

“Right.” I cut you off yet again, waving my hand.

...

Except it was.

I saw how stupid it was, saw it in your eyes, heard it in your voice.

Well, you know what?


Psyche!!!!!!!!!!!!!!.

0 comments:

bsp,

4-day camporee matagumpay na inilunsad ng GSP at BSP

10/24/2014 07:18:00 PM Media Center 0 Comments

Inilunsad muli ang taunang camporee ng mga Senior Boy Scouts at Senior Girl Scouts noong Oktubre 17-20 sa UPIS.
Photo credit: Mai Arciga, Arienne Baladad


Sinimulan na noong Oktubre 17 ang iba’t ibang gawain na inihanda ng dalawang nabanggit na organisasyon. At noong Oktubre 18 ay pormal itong binuksan sa isang Joint Flag Ceremony na pinangunahan naman ni Dr. Ronaldo San Jose at ng mga tagapayo ng GSP at BSP. Kasama rin sa nabanggit na okasyon ang pamunuan ng Kabalikat sa pangunguna ni Sir Rene Rollon. Kasabay nito, pinarangalan rin ang mga nahirang na Huwarang Scouts noong AY 2013-2014. Sina Ruth T. Siringan ang pinarangalan bilang Huwang Scout para sa Senior Girl Scout at JC Lorenzo naman para sa Senoir Boy Scout.

Ilan sa mga gawain na pinakaabangan sa taong ito ay ang Amazing Race na pinaghandaan ng mga miyembro ng BSP at GSP. Nasukat rito ang lakas ng pangangatawan at pag-iisip ng mga scouts gayondin ang kanilang teamwork. Pinakainabangan din ang Socials na isa sa mga joint activity ng BSP ay GSP. Naghanda ng mga palaro ang pamunuan ng bawat organisasyon. Matapos nito ay sumunod naman ang pinakahihintay ng lahat na sayawan.

Bilang pangwakas na programa, magkahiwalay na nagdaos ng awarding ceremony ang BSP at GSP na ginanap sa huling araw ng camping. Itinanghal na Best Camper si Basti Regala para BSP at Dana Sumalabe naman sa GSP. / nina Trisha Serrano at Juneau Villanueva

0 comments:

edward cullen,

Literary (Submission): Oo* (Part 2)

10/14/2014 08:49:00 PM Media Center 1 Comments

Basahin ang unang bahagi dito: http://upismc.blogspot.com/2014/10/literary-submission-oo.html

"Hindi mo lang alam kay tagal nang panahon..."

Bad trip ako sa’yo.

Sanay kasi talaga ako na ang mga babae (at lalaki) ang nagkakagusto sa‘kin. Siguro dahil maalaga, maunawain, nakakatawa, at pogi ako. The works! Mukhang buhat bangko 2014 ‘yan pero ganyan naman talaga ako.

Pero simula nang maging kaklase kita, lagi kitang napapansin. Hindi ka naman tahimik. Hindi ka naman maingay. Siguro kaya natripan kita. Kasi hindi ka maarte. Simple ka lang. Hindi ka feeling maganda kahit ang ganda-ganda mo na, matalino ka pa. ‘Yun yung nakita ko sa'yo na hindi ko mahanap sa iba. Ibang-iba ka talaga.

"Ako'y nandirito pa rin."

Hindi ko na maalala kung kailan ako nagsimulang magkagusto sa’yo. Pero hindi ko makakalimutan ang araw na ‘to. Sa isang subject lang naman kasi kita katabi tapos parang wala ka pang paki sa ‘kin. Kaya matagal ko nang iniisip kung anong maaaring sabihin sa’yo. Tapos, sakto! Nahulog ang G-tec mo. Ang bait naman ng pagkakataon sa ’kin. Sa wakas pinagbibigyan na ako ng tadhana!

Kaya, ayun, pinulot ko nang dahan-dahan kasi alam kong GC ka, kaya notes ka nang notes. Kaso sa kagustuhan kong maiabot sa’yo dahil sa sobrang excited ako, nauntog ako sa desk ng armchair mo. Sa kagustuhan kong magpakitang gilas, pumalpak. Minsan na nga lang maka-pogi points, zero pa. E di mo naman ako masisisi, iniisip ko lang naman na chance ko na yun na matignan mo ko at makausap kahit sandali lang. Kahit sabihin mo lang na “salamat ha.”

Para makabawi, inabot ko sa’yo na parang walang nangyari. Nahilo talaga ako nun pero sinabi ko na lang sa’yo ng pabiro. Nag-sorry ka tapos ang tamis ng ngiti mo kahit alam kong naiinis ka't may sukli pang irap, haha. Ngiting-ngiti ako nun kaya siguro inasar tayo ng mga kaklase natin. May "sparks" daw. Siyempre, 'tuwa naman ako kasi di ba kapag tinutukso mas mabilis mahulog? Mas mabilis madebelop? O di ba? Labtim na tayo.

Pero simula talaga nun, naisip ko sana ako na lang ang G-tec. Kahit papano kasi ‘yung G-tec mo pag nahulog, pinupulot mo. May lugar sa mga gamit mo. Pero ngayon, hindi ko na alam saan ako pupulitin simula nang mahulog ako sa'yo.

"Lumipas man ang araw na ubod nang saya..."

Dahil dun, nagkaroon ako ng kaunting lakas na loob. Nilabas ko na ang mga simpleng damoves ko. Tipong lalapit-lapit sa flag kahit dapat nasa kabilang dulo ako ng pila. Kapag lunch, sinasadya kong umupo malapit sa’yo para mapansin mo yung paghaharutan namin ng barkada ko. Masaya na 'ko sa mga sulyap na nakukuha ko habang nagre-review ka. Hindi ko kasi talaga mapigilang magpapansin, kahit kaunti. Iyon na lang kasi ang naiisip kong paraan para kahit konti makita mo ako. Kahit inis lang ang nararamdaman mo puede na ‘yun. Masaya na dapat ako dun. Kesa naman para lang akong hangin.

Sana hindi mo malaman na yung mga GM ko, PM talaga. Humahanap talaga ako ng mga hugot na quote para sa’yo. Tapos naglakas loob na rin akong mag-send ng "Hi. :)" at sa'yo rin ako nagtatanong ng HW kahit may nakapost sa group. Kapag may practice, sa'yo ko nagpapaalam kahit hindi ikaw ang leader. Pag nagreply ka kasi, eh di makakapag-usap na tayo.

Nang minsan nabalitaan kong may meeting kayo ng 9am para sa Econ project… kahit isa’t kalahating oras ang byahe ko, kahit di kita kagrupo, kahit wala akong gagawin sa school ng araw na yun, kahit di ako binigyan ng nanay ko ng allowance, dumating ako ng 7am dahil alam kong unang-una kang darating. Sulit na sulit na ako nang makita ko sa mga mata mo ang pagkagulat na sinabayan mo pa ng maganda mong ngiti.

"Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta..."

Sa wakas, nagbunga rin ang efforts ko. Nagrereply ka na!!! Madalas mo akong mapasaya kahit hindi mo naman sinasadya. At kahit na hindi ako makuwentong tao, sadyang bumabagsak mga depensa ko pagdating sa'yo. No holds barred, kumbaga. Kahit ano. Makakwentuhan ka lang. Sana hindi ka naiinis sa araw-araw kong hi, good morning, good night, kita tayo bukas. Ewan ko ba nauubusan ako ng sasabihin kapag ikaw ang kausap ko.

Pero nararamdaman ko naman kasing gusto mo na rin akong kausap. Nahahalata ko sa mga reply mong puro “hahahaha” at maraming smiley kahit pa sobrang corny ng joke ko. Nakikita ko rin sa mga galaw mo. Yung pagtingin-tingin mo sa phone kung may text, kunwari pang hindi. Aminin mo na. Tinititigan kita. Tumayo ka nga lang susulyap na ako. Bumaling ka lang ng kaunti sa upuan mo nanakaw na ako ng tingin sa’yo. Higit na nagpapalakas nang loob ko ay yung mga ngiti mo kapag may nagtetext sa’yo. Sana para sa akin lang ang ganyang reaksyon mo. Ang pagkatuwa mo.

Pero hindi ko maiwasang isipin na baka hindi talaga. Baka wala naman talaga. Baka kinukumbinsi ko lang ang sarili ko na meron. Baka umaasa lang ako sa hinala. Kasi kapag hindi ako nag-text, aba, wala ka na naming imik. Kaya baka naman ako lang 'tong umaasa. Gusto kita pero takot akong mabasted. Ayoko namang itetext ko lang sa’yo na “Alam mo ba crush kita.” Kaya kuntento na muna ako sa ganito. Patingin-tingin, patext-text, at paasa-asa, na baka may something kahit baka wala. Saklap!

"Kung ako'y nagkasala patawad na sana..."

Pero mga dalawang linggo kitang hindi nakatext. Marami naman kasing requirements. Kaso kapag nakikita naman kita, parang di ka naman busy. Kaya naisip ko, baka iniiwasan mo lang talaga ako. Tipong ayaw mo na akong makausap.

Kaya ayun, sige, nireplyan ko na yung mga nagte-text sa'kin. Friends lang naman eh. Walang kahit na anong namamagitan. Alam naman ng lahat na ikaw ang gusto ko. Ikaw na lang yata ang hindi nakakaalam, hay. Grabe naman talaga ang balita! Bigla ko na lang narinig na anim na pala ang girlfriend ko tapos kaka-break lang natin. BAKA NAMAN. ‘Yung una puedeng di mangyari. ‘Yung pangalawa lalong di mangyayari. Di ba puedeng ang maging balita na lang ay tayo na at di na maghihiwalay pa. Walang break-break. Ang lagay, ‘di pa nga nagsisimula break na agad. Saklap naman!

Parang nabunutan ako ng tinik nung nakatext ulit kita. Ang saya kasi parang walang lumipas na oras. Ganun pa rin. Masaya, nakakakilig. Kahit nagtampo ako kasi hindi ka nagrereply minsan, okay lang sa'kin. Ikaw naman 'yun eh.

Kaso may kumalat na naman. Na may something na naman sa'min nung "ex" ko. Masama bang okay na kami? Na hindi na kami awkward. Madali lang sa’kin makipagkulitan sa kanya kasi wala. Friends. Yun na. Samantalang sa'yo, hindi ko kayang makipag-usap nang matagal kasi nangingisay ako sa pinaghalong kilig at kaba.

Bad trip kasi wala akong lakas ng loob na makipagkulitan sa‘yo sa personal. Kahit magpapicture kasama ka, di ko magawa. Kaya sana patawarin mo na ako kung nagmumukhang kami sa mga picture namin. Kahit naman maka-picture ko pa si Anne Curtis, ikaw pa rin ang gusto kong akbayan.

"Puso kong pagal, ngayon lang nagmahal..."

Pero mas nakakabad trip yung hindi ko alam kung bakit hindi mo na 'ko pinapansin. Na kahit isang minutong usapan, wala na. Parang nanlamig buong mundo ko. Minsan naiisip ko na sana inaasar pa rin tayo para kahit papano mapansin mo ulit ako kaso hindi eh. Pinagkakalat pa nila na iba yung gusto ko.

Ayan tuloy. Nagmukha akong paasa. Kahit di naman talaga. Kahit ako yung gumagawa ng paraan para makapag-usap tayo. Kahit ako yung laging naghihintay ng reply. Akala ko kasi gusto mo rin ‘to. Kung ano man ‘to. O baka nilagyan ko lang ng malisya yung pag-uusap natin.

Hindi ko alam, pero masakit. Ang saya ko na eh. Tapos biglang ayun. 3 steps forward, 300 steps back. Para na ring hindi ko napulot yung G-tec mo. Nakakainis. Nakakabigo.

"Oohh… di mo lang alam..."

Hindi mo mawawari, kahit sabihin ko pa sa'yo, kung ilang oras, ilang araw ko nang pinag-iisipan kung anong nangyari sa'tin. Hindi ko maintindihan bakit bigla mo na lang akong hindi pinansin. Na bakit bigla na lang parang hindi mo na ako gusto. Na halatang umiiwas ka. Kahit na sabihin pang iniisip ko lang ‘yun, masakit pa rin eh.

Alam ko naman na may ibang dating sa’yo yung pakikipagtext at pakikipag-usap ko sa iba. Gusto kong magpaliwanag pero ‘pag kakausapin na kita tungkol dito, naiisip ko na baka mas lalo kang lumayo. Gusto kong maibalik ang dati, pero tuwing nakikita kong masaya ka kahit wala ako, nawawasak lalo yung puso ko. Baka iniisip mong ginulo ko lang ang buhay mo.

Pero kasi ikaw lang talaga ang gusto ko. Ikaw lang. Ikaw. Gets mo? Kaya sa araw na hindi mo inaasahan, tatanungin kita. Hindi ako mapapagod. Alam kong hindi sisiw ang umibig sa katulad mo pero sino bang nagsabing mahilig ako sa balut? Wala akong paki sa mga sinasabi nila. Wala na rin akong paki kung anong isipin mo. Basta ang alam ko hindi kita susukuan.

Kaya ngayon, sige, kahit masakit, oo na, hanggang dito na lang muna tayo kung para sa ikaliligaya mo.

"Ako'y iyong nasaktan o baka sakali lang maisip mo naman..."

/ ni Edward Cullen

*Inspired by Up Dharma Down's Oo

1 comments:

english,

Literary (Submission): Used Reality

10/14/2014 08:36:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

filipino,

Literary (Submission): Huling Pagkakataon

10/14/2014 08:29:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

english,

Literary (Submission): Love and Sorrow

10/14/2014 08:20:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

dimension leaper,

Literary (Submission): Dimension Leaper

10/14/2014 08:15:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

best friend,

Literary (Submission): 10 Tips on How NOT to Fall for your Best Friend

10/14/2014 08:11:00 PM Media Center 1 Comments



1. When he hugs you tight and keeps you close, do not think anything of it. When he smiles at you and you see the twinkle in his eyes, make sure yours do not shine brighter. When he tells you he loves you so nonchalantly, say it back as if you didn't mean it in any other way but friendship.

2. When he stares at you with his orbs of brown, don't act as if you would fall right into the depths of his enchantments. Smile, chuckle, and finally, painfully look away.

3. When he doesn't reply after a few hours, forgive him too easily. When he brushes off his late reply, brush it off harder, as if this would make it easier to bear the shallow pain of unmet expectations.

4. When he holds your hand, clutch it tightly and then let go. His hand is like his love: it is in your grasp but you must let it go; it is not yours. His love is like wet sand. It escapes quickly from your tight grip, pouring into someone else's ocean.

5. When he spends time with you, know that those precious seconds, minutes, hours, are only his excess. Remember that his time is only found, not made.

6. When he tells you his secrets, keep them close to your heart. It's the least you could do since you can't tell him of the secrets you keep about how you wish he was yours, that he loved you the way you love him, how you wish he wasn't hers.

7. When he shows you the ways to his heart, do not use them. Stop yourself from using them. It is for her disposal and her alone.

8. When he gives you a gift, say thank you and accept it without pretense. He does not need to know that even the gift of his words are hidden away in the corners of your mind, inducing a plethora of emotions you wish to forget.

9. When he needs comfort, freely give it to him. When he is hurting, be his rock when she is his waters. Don't take it to heart when you give him comfort but it is still she that he chooses. After all, you are the best friend.

10. You just can't.

1 comments:

english,

Literary (Submission): Questions

10/14/2014 08:02:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

filipino,

Literary (Submission): Kayo

10/14/2014 07:59:00 PM Media Center 0 Comments



Sa bawat pagpatak ng ulan,
Paulit-ulit ko pa ring nararamdaman.
Lahat-lahat bumabalik sa isipan ;
Mapapait na karanasan.

Sinubukan kong gawin ang lahat,
Inunawa kita, pero di talaga sapat.
Pero hindi akong may kasalanan,
Dahil sa ikaw ang unang lumisan.

Umuulan noong nag-usap tayo.
Sabi mo, "Parang medyo malabo."
"Anong malabo? Ang gulo."
Nalilito kamo ang puso mo.

Ang pag-ibig daw ay para sa dalawang nilalang;
Hindi pantatlo o pang-isa lang.
Ginawa mo kaming salawahan,
Pero parang mas ako ang napaglaruan.

Hindi na ako nagtanong pa.
Hindi na umimik kahit isa.
Anong saysay na ungkatin ko pa?
Kung uulitin mo lang na “nalilito ka.”

Hangad ko lang sumaya ka.
At tiyak maligaya na rin kayo;
Mapagmahal naman kasi ang kaibigan ko.

0 comments:

faber castell 0.7,

Literary (Submission): Para Sa'yo

10/14/2014 07:50:00 PM Media Center 1 Comments

Noon, hindi ko man lang naiisip na magiging seryoso ako sa buhay o, kahit sa pag-iisip. Ang alam ko lang, papasok sa sa eskuwela, makikita ang mga kaklase, teacher, at makakasama ang barkada. Pero ngayon, iba na. May sineseryoso na akong talaga. Ikaw, ikaw, at ikaw. Wala nang iba. Sakit sa ulo talaga.

Naiisip kong may mga bagay na kailangang sukuan kung alam mong wala na talagang pag-asa at may mga bagay rin naman na kailangang pagtiyagaan at sobrang paghirapan para makuha. Para lang ‘yang grades. Kapag sumuko ka, lalagpak ka.

Pero, bakit pagdating sa’yo kahit anong gawin ko lagpak ako. Pagdating sa’yo hindi ko na alam kung ano ang dapat pang gawin. Pakiramdam ko naman nagawa ko na lahat. Halata na ngang nagpapansin ako pero ikaw lang ang mukhang di nakakapansin.

Ayan tuloy, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong piliin. Gulong-gulo na ako, magkaiba ang sinasabi ng isip at puso ko. Sabi ng isip ko, "sumuko ka na, na, na, na…" Kailangan ko na bang tanggapin, aking isip, na wala naman talaga akong pag-asa? Ang sabi naman ng puso ko “Gusto mo siya. Magtiis ka lang at magtiyaga, ga, ga, ga…” Kailangan ko na bang tanggapin, aking puso, na maghintay nang matagal? Na masaktan basta't para lang sa kanya? O, patuloy lang akong ‘wag mawalan ng pag-asa at patuloy na lumaban pa?

E, pero parang mas matimbang sa akin ang puso ngayon. Naniniwala at nananalig kasi ako kay Daniel Padilla na - na sa’yo na ang lahat, ang ganda, ang bait at ang talino... pati ang puso ko...

Alam ko naman magkaiba tayo. Minsan para di gaanong masakit, iniisip ko na lang na isa lang akong pangkaraniwan. At dahil dun mas madali ng kaunting-kaunti para sa akin na tanggaping baka (umaasang mali ako) wala naman talagang tiyansa na magustuhan mo ang isang tulad ko.

Hindi kita gaanong kinakausap kasi natatakot akong di ka tumugon. Iniiwasan kong biruin ka kasi baka di mo magustuhan ang biro ko. Hindi kita nilalapitan kasi baka lalo ka lang lumayo sa akin. Tawagin mo na akong torpe ayos lang din yun sa akin. Totoo naman kasing pagdating sa’yo sobrang natatakot ako. Nakakaasar nga e, nakakahiyang aminin. Pagdating sa ibang bagay napakalakas ko. Ngunit pag ikaw na ang nasa harap ko napakaduwag ko, nawawala ako sa pokus at nababawasan ang kakapalan ng mukha ko. Tumitiklop ako. Parang makahiya.

Gusto kong malaman mo na ikaw ang dahilan ng aking pagbabago. Naging seryoso ako dahil sa’yo. Higit sa lahat, seryoso ako… sa’yo. Hiling kong lagi ka lang nandiyan para lahat ng bagay ay nagagawa ko nang kumpleto at maayos. Hindi mo siguro alam. Pero ako alam ko. Sigurado ako ikaw ang inspirasyon ko. Pakiramdam ko kaya kong maging magaling na tao kapag nandiyan ka. Kaya kong tapusin ang lahat ng requirements dahil ganoon ka. Nagiging mabuti akong tao dahil napakabuti mo rin. Binago mo ako. Pakiramdam ko karapat-dapat ako sa lahat ng bagay na natatamo ko. Maliban na lang sa isa- sa’yo. Hangad kong maging karapat-dapat para sa’yo. Matutupad ko iyon dahil iyon ang sinasabi ng puso ko.

Gustong-gusto na kitang kausapin. Gustong-gusto ko nang sabihin sa’yo ang nararamdaman ko. Pero totoo rin na natatakot ako dahil baka muli na naman akong masaktan. Alam ko naman na walang mangyayari kung wala akong gagawin pero hindi ko maalis ang takot dahil baka hindi na ako muli pang umibig kung muli pa akong masaktan. Lalo pa’t sa iyo manggagaling ang pag-ayaw.

Ngayong di kita nakikita, nalilito na naman ako. Ano nga ba ang dapat kong sundin? Ang puso kong handang masaktan at magpakamartir para lang makasama ka o ang isip ko na duwag at torpe dahil sobrang nag-iingat na masawi?

Ewan ko. Hindi ko talaga alam. Hindi ko mainitindihan kung bakit pagdating sa’yo nahihilo ako. Litong-lito ba. Para ka kasing araw, sa’yo umiikot ang mundo ko at buti nga di ka napapagod kakatakbo sa isip ko. Alam ko marami akong mga kalokohang kagaya nito ngunit sa totoo lang, ito ang paraan ko para hindi ako laging mamroblema sa kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. Hahakbang paatras o pasulong?

Pero pagbali-baliktarin ko man ang sinasabi ng puso at isip ko, isa lang ang alam ko: kaya kong magtiyaga at magpakahirap makasama ka lamang. Kahit alam kong walang sigurado sa mundo, gusto kong masabi sa sarili ko na sinubukan ko, na ginawa ko lahat ng makakaya ko, na hindi ko lang basta isinuko at pinalagpas ang pagkakataon.

Kaya kong maghintay na pagbigyan mo akong patunayan sa’yo na kahit minsan nakakalimot ako at medyo palpak ang damoves ko. Ikaw talaga ang gusto ko. Kaya kong maghintay ng tamang pagkakataong makausap ka ng masinsinan at masabi sa’yo ng harapan lahat ng ito.

Kaya ang sagot siguro’y pareho kong dapat sundin. Susundin ang pusong ikaw ang gusto ngunit pakikinggan rin ang isip at tahimik na lang munang hihiling na sa mga simpleng pagpapansin ko’y mahalata mong nandito lang ako para sa’yo. / ni Faber Castell 0.7

1 comments:

filipino,

Literary (Submission): Regalo

10/14/2014 07:44:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

9,

Literary (Submission): Butones

10/14/2014 07:40:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

literary,

Literary (Submission): Tamang Pag-asa / Oras

10/14/2014 07:34:00 PM Media Center 1 Comments



Tamang Pag-asa

Nang una kitang masilayan
Hindi ka na maalis sa’king isipan
Nabighani ako sa iyong kagandahan
Hanggang sa ika’y napapanaginipan.

Sa tuwing ikaw’y nakikita
Bumibilis ang tibok ng puso ko
Kakaiba ang nararamdamang saya
Sa labis na paghanga sa’yo.

Maaari bang ibalik mo na
Ang puso kong sa iyo’y sumama
Baka di ko kayanin
Ang mabuhay nang wala ka.

Sinong lalaki ang di gugustuhin
Na ikaw ay mapasakaniya at mahalin
Sana naman ay bigyan mo ng pansin
Ang puso kong umaasa’t nagmamahal din.

Sabi nga nila tamang pag-asa lang
At ako raw’y hangal
Ipinipilit na tama lang
Na ang puso ko ang nagmamahal.

Minsan ay naisip ko na layuan ka na lang
Para hindi na masaktan
Subalit sa paunti-unting paglayo
Mas nasasaktang itong puso.

Masakit ang masaktan
Alam kong alam mo ‘yan
Pero para sa’yo
Kakayanin kong magtiis at magsakripisyo.

Sa huli ikaw pa rin ang may pasya
Kung sinong dapat na mahalin
Ano man ang maging desisyon mo
Ay maligaya kong tatanggapin ito.

Isa lang ang aking kahilingan-
Na sana…
Sa pagtungtong mo ng kolehiyo
Ay makita mong ikaw pa ri’y aking hinihintay.



Oras

Sa mismong Clearance Day
Tinawag nila ako’t pinakilala sa’yo
Isang ngiti, isang kaway
Ganoon lang ang sa’yo ay bati ko.

Nagsimula ang bagong taon
Nagsimula rin ang biruan
Magpahanggang sa ngayon
Ay puno pa rin ng asaran.

Hindi mapigilan ang aking tuwa
Sa tuwing nakikita kang nakatingin
Hindi ako sanay na may natututula
At biglang bumabati sa akin.

Ito’y naging bahagi na
Ng bawat araw kong pinagdaraanan
Na sa tuwing makikita ka
Nagwawala, nagkakagulo, iyong mga kaibigan.

Ako ay naninibago
Nang minsang natigil ang asaran
Para bang hindi kumpleto
Ang araw na walang nagkukulitan.

Huwag kang mag-alala
Dahil pansin na pansin kita
At ako ay natutuwa dahil may katulad mo pa pala
Na sa’kin ay humahangang talaga.

Hindi ka hangal
‘Yan ang iyong tatandaan
Walang masama
Lalo na kung ikaw ay nagmamahal.

Masakit ang masaktan
Alam ko talaga ‘yan
Kaya naman hindi ko hinahayaang
Makasakit ng sinuman.

Bakit hindi tayo sabay na umasa
Na sa tamang oras ay darating
Ang para sa’yo
At para sa akin

1 comments:

bella swan,

Literary (Submission): Oo*

10/13/2014 08:46:00 PM Media Center 0 Comments

“Hindi mo lang alam, naiisip kita…”

Naiinis ako sa’yo.

Nananahimik kasi ako. Ordinaryong estudyante lang. ‘Yung mga tipong pag pina-describe ako, hindi masasabing, “Ah siya, yung editor ng MC?” o kaya “Yung GSP?” Kahit nga talent-related, di pa rin. Di naman ako sintunado kumanta at di rin ako parang kinuryenteng bulate sumayaw pero di rin sobrang “Wow, singer/dancer!” ang dating. Pwede na siguro yung nasa top ako ng klase pero wala namang paki mga tao dun. Parang alam nilang nag-eexist ako pero ‘di big deal talaga sa kanila.

In short, I’m normal. Just there. Di pansinin. Okay naman akong ganun. Tinanggap ko nang ‘yan na ang high school para sa ‘kin.

Tapos one day, ayan ka bigla. Biglang dumating. Isang napakalaking abala sa buhay.

“Baka sakali lang maisip mo ako…”

Hindi naman kasi tayo close. Tapos isang simpleng moment lang… Nahulog lang ‘yung Gtec ko at pilit kong inaabot nang di tumatayo sa upuan kasi number one, nakakatamad, at number two, feeling gymnast ako bakit ba. Magkatabi tayo noon at ewan ko ba kung gentleman ka ba talaga o sadyang pakialamero lang kaya pinulot mo. Pag-angat ng ulo mo, ayun, nauntog ka sa desk ng armchair ko. Kung di ka ba naman… hay naku! ‘Yan ang napapalala ng pakialamero. Dapat nagtatanong ka muna kung gusto kong magpatulong. Abot ko naman talaga ‘yun. Gusto ko lang pahirapan ang sarili ko.

Pero di ba? Wala namang ibig sabihin ‘yan. Nagpasalamat ako. Tapos drumama ka na nahihilo ka. Kinailangan ko pang mag-sorry, grabe talaga! Kahit di ko naman kasalanang feeling knight-in-shining-armor ka. Ayun, simula noon, tinutukso na tayo lagi. May “sparks” raw. Pinaparinggan ako ng friends mo. Bagay raw tayo. Juice colored.

“Hindi mo lang alam…”

Pero kasi… papansin ka rin. Lagi kang lumalapit. Tulad ng pila sa flag ceremony. ‘Di ba pag matangkad nasa likod? Pero ipinipilit mo yung sarili mo dun sa gitna. Mga dalawang tao na lang katapat na kita. Paglingon ko sa kaliwa, mukha mo. Lilingon naman ako sa kanan, nandun pa rin mukha mo. Ano ka ba? Pag lunch naman, dun pa talaga kayo maglalaro ng mga kaibigan mo sa bandang likod ng upuan ko. Pero di mo naman ako kinakausap so baka feeler lang ako. Baka dati ka nang ganyan, di ko lang napapansin.

Kaso text ka na rin nang text. Nung una puro Gm. “*insert quote here* Good morning/noon/night.” Hanggang naging “Hi. :)” tapos “Anong hw?” tapos mga tanong kagaya ng “Pwede bang ma-late sa practice?” kahit di naman ako leader at wala naman akong karapatang mag-decide.

Pero kahit di ko masyadong iniintindi yung mga text mo at halos mawala na yung itim ng mata ko sa kaiirap pag tinutukso tayo ng mga friends mo, ayan ka pa rin. May awareness pa rin ako sa presence mo. Lalo na nung nahiya ang 9am call time sa pagdating mo ng 7am nung group meeting para sa Econ project. Kahit hindi ka namin groupmate.

“Hanggang sa gabi, inaasam makita kang muli…”

So sige. Binawas-bawasan ko ang taray. Nag-reply-reply rin ako pag may time. Masaya ka naman pala ka-text. Napapadalas ang ngiti ko at ang napapalakas ang tawa ko sa mga kwento at pambobola mo. Hanggang sa inaasahan ko na ang hi, hello, good night, kita tayo bukas. Naghihintay na ako.

Di na ako maka-concentrate minsan kache-check ng phone ko kung may message ka na. May times na gusto ko nang ako ang maunang mag-text, minsan na-type ko na yung message pero di ko sinesend. Nandun na yung daliri ko sa SEND. Isang pindot na lang. Tapos biglang, STOP! Then DELETE! Nahihiya ako. Tsaka baka kasi isipin mo na may something na para sa‘kin.

Pangako ko kasi talaga sa sarili ko (at sa nanay ko) na kahit pa nasabi na yata sa‘kin ng lahat ng kaibigan mo, hindi ko iisipin na may something hangga’t hindi ikaw ang nagsasabi sa ‘kin.

Pero, by this time, too late na yata. Kasi kinikilig na ako. Kasi gusto na kita. At alam ko, nararamdaman ko na may katotohanan yung sinasabi nila na gusto mo ako. Hinihintay ko na lang na sabihin mo para mapag-usapan natin kung ano man ‘to.

So ganyan tayo. Akala ko okay tayo diyan. Na catch mo at catch ko. Kung ano man ‘yan.

“Nagtapos ang lahat sa di inaasahang panahon…”

Perooooooo… parang dalawang linggo lang yata akong medyo missing in action (dahil bukod sa tambak ang requirements, nalabhan ni yaya ang phone ko), may iba nang parinig sa akin! May mga iba ka raw tinetext. MGA. Yung mga lower batch na may crush sa’yo, yung mga kalabtim mo nung elem na tinothrowback Thursday sa’yo… Aba naman! Hindi naman ako na-inform na chickboy pala ang peg mo! Hindi kasi halata… hindi talaga.

Hindi naman ako basta naniwala. Lagi ka naman kasing pinagtitripan. Convincing rin naman ang pagkasabi mo ng, “Hoy! ‘Di ah!” Tsaka nung nagka-text tayo ulit, ganun ka pa rin naman. Masaya. Makuwento. Walang pinagbago. Nakalma naman ako. At na-guilty rin kasi hindi kita narereplyan. O, sabihin nang hindi kita nirereplayan.

Ang kaso ano tong nagaganap na pakikipag-usap mo sa personal dun sa MGA sinasabi nila? Samantalang tayo smile, hi, goodbye, kaway at minsan nga tingin lang. Kapag usapan natin sa personal, matagal na yata ‘yung isang minuto. Kayo may biruan, may kulitan at harutan pa. Habang nandoon ako ha. May pa-picture pang nakaakbay. Couple pic?!?!?!

Pero ang mas nakakainis yung tinetext mo ko na parang walang nangyayaring ganyan. Na parang ako lang ang ka-text mo kahit hindi naman.

Nasaan na diyan ang sinasabi nilang lahat na ako ang gusto mo? O ganyan ba ang gusto mo? Yung hindi ka na mahihirapan? Yung ikaw ang lalapitan at sasabihin sa’yong type ka nila? Sorry ha. Pero kahit sinasabi ng marami na okay lang ngayon na girls ang gumawa ng first move, hinding-hindi ko ‘yan gagawin.

Yan. Kaya naiinis ako sa’yo. Inis na iniiiiiiiis.

“At ngayon ako’y iyong iniwan… luhaan, sugatan, di mapakinabangan…”

Ang gulo gulo mo. Sobra. Ano ba talaga, sino ba talaga ang gusto mo? Nakakaasar kasi ginulo mo ang isip ko. Iniisip ko ‘yung mga hindi ko naman dapat iniintindi. Yung mga wala naman akong dapat na pakialam. Tapos feeling ko, wala ka talagang idea. Walang kaalam-alam. Nganga. Tunganga. Hindi mo alam na nagmukha akong ewan. Na masakit ng slight, joke, ng so much on my part.

O baka naman kasalanan ko rin. Baka wala naman kasi talaga. Naniwala lang ako agad sa mga kaibigan mo. Binigyan ko lang ng malisya yung pagtetext mo. Assume pa, more.

Kaya pinakanaiinis ako sa sarili ko. So bago pa ko tuluyang mabaon sa hukay na ‘to (wow), tigil na. Mahirap na, baka ang ending ako pa ang brokenhearted. Erase. Undo. Go back to the start.

“Sana’y nagtanong ka lang kung di mo lang alam…”

Gayunpaman, hindi ko idedeny na wish ko pa rin na maitanong mo kahit sa sarili mo lang kung bakit ako lalayo o lumalayo, unti-unti, yung simpleng iwas lang. Wish kong maisip mo, ma-realize mong kaya ako lalayo ay dahil nasaktan ako at ayokong masaktan pang lalo. Wish kong mag-eeffort kang maging maayos. Na kakausapin mo ako para malinawan tayong pareho. Ano ba talagang meron sa atin?

Pero mukhang malabo. Feeling ko o baka naman iniisip mo lang na ayaw ko talaga sa’yo. Sabagay, ‘yun naman ang pinipilit kong gawin. Kaso, hindi ganon kadali kahit magpanggap ako. Hay. Nasabi ko na bang nakakainis ka? Kasi nakakainis ka talaga.

Sa ngayon, itatago ko muna sa pinakailalim ng puso ko at sa pinakadulo ng utak ko ang maliit na pag-asang magkakalinawan tayo. Para kung sakaling dumating na ‘yung panahon na maisip mo at mapatunayan mong ako pala talaga, tayo pala talaga… kukunin ko yan, panghahawakan, at di na bibitawan.

“Ako’y ‘yong nasaktan… baka sakali lang maisip mo naman…”

ITUTULOY.

/ni Bella Swan

*Inspired by Up Dharma Down’s Oo

0 comments:

bog,

Literary (Submission): Kasi

10/13/2014 08:41:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

dimasawi,

Literary (Submission): Malakas ang Ulan

10/13/2014 08:36:00 PM Media Center 0 Comments



Malakas ang ulan. Medyo baha na sa kanto. Sayang naman ang porma ko kung susulong ako sa tubig, magmumukha akong dugyot kapag nagkita tayo. Isip, isip… anong dapat gawain para naman di diyahe sa’yo. Saktong may truck na dumating!

“Manong pasabit sa likod! Makatawid lang diyan sa sakayan ng bus!”

Naligo muna ako nang ilang wisik ng ulan bago makapasok ng bus. Pagkaupo, bunot kaagad ng panyo at wax para sa buhok na kaunting nagulo. Sa kasawiang palad, halata pa rin na nabasa ako. Ah bahala na, malakas naman ang aircon dito at tiyak masa malakas doon sa loob ng mall kaya doon na lamang ako magpapatuyo. Kaunting spray pa ng cologne, amoy…amoy…pwede na.

Iyon ang alamat ng Disyembre 27, 2013 ko. Hindi ako sigurado kung noong araw na iyon nagsimula basta ang alam ko, noon tayo muling nagkasama at nag-usap matapos ang isang taon. Maraming dapat alalahanin nung araw na iyon tulad ng kung anong sasabihin ng mga magulang mo, kung magagalit ba yung may gusto sa’yo (pagkakatanda ko ay kayo pa rin ang magkasama noong araw na iyon) pero nakita ko yung saya mo noon nang tumingin ka sa akin kaya nawala rin ang lahat ng pag-aalala. Sa totoo lang, nangangalay na ang mukha ko kakangiti. Hindi ko na ito matanggal mula noong pumayag kang sumama. Kahit hindi naman talaga nakakatakot iyong pinanood nating pelikula, kahit nahirapan akong humanap ng regalo at binagyo ako ng ulan at sermon pag-uwi; masaya ako.

At habambuhay ko nang magiging bahagi ang araw na iyon ng aking kasiyahan. Kaya kahit patawirin muli ako sa baha, sumabit sa truck, umilag sa itak ng ama mo, o maghintay ng ilang taon, sige lang! Sige, Sabihin na nilang tanga ako sa paghihintay sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. Kesyo umaasa raw ako sa wala. Na baka kaya kailangan kong magihnaty kasi dinebelop mo pa ang feelings. E paano raw kung hindi mo mapag-aralan, matutuhan akong mahalin. Ang sagot ko, WALA AKONG PAKIALAM!! Basta kung para sa iyo, tanga na kung tanga pero hihintayin talaga kita.

0 comments:

english,

Literary (Submission): Suki Desu

10/13/2014 08:30:00 PM Media Center 0 Comments



I know that we have only known each other for a short time
But you left a great impact on me
A thousand mountains I will climb for you
So that "you and I" could be "we"

I don’t know if you remember
The few times we spent together
We were talking and laughing with others
I wish it would continue forever

Your eyes are as small as a distant star
That shines bright even from afar
Your smile is like a flower brilliantly blooming
One that I will forever be longing

I want you to be my O-sei-san
And I will be your romantic Jose Rizal
I will be as strong as Jackie Chan
To protect you from any kind of trial

But you are an impossible dream
Whose radiance will always gleam
I know that I will never have your heart
But your perfection just makes me fall apart

I know to many I may seem foolish
For chasing girls I know I do not have a chance with
Maybe I am just someone who dreams of the impossible
Desiring love which is improbable

Remember me, please do!
In return I will never forget about you
So goodbye for now, Hime-sama
Adios, farewell, sayonara!

0 comments:

emanon,

Literary (Submission): Pelikula

10/13/2014 08:24:00 PM Media Center 0 Comments



Sana ang buhay ay tulad ng isang pelikula
Ako ang bida, pwede bang ikaw ang maging sinisinta?
Sisiguraduhin ko na ‘di matatapos ang kwento
Kung di ka magiging masaya pagdating sa dulo.

Magsisimula lamang sa simpleng pagkikita
Ng dalawang taong di naman magkakilala
At habang lumilipas ang bawat segundo
‘Di malayong magtagpo ang ating mga puso.

Mag-away man o magkaroon ng tampuhan
Di na palalawakin, sigurado, lilipas din agad ‘yan
Ano man ang problemang kakaharapin
Lahat 'yon ay kakayanin at lulutasin.

Sa lakas ng loob na aking angkin
Para sa'yo, lahat ay kakayaning gawin
Para maipadama sa'yo ang tunay na ligaya
Hindi ba't ang sarap ng buhay sa isang pelikula?

Ngunit kahit ano pa ang sarap ng buhay pelikula
Magtatapos ito ‘pagkat may pagwawakas
Pwede bang hindi na lang matapos?
Pwede bang maging masaya na lang nang lubos?

Kung di man mapipigil ang pagwawakas ng pelikulang ito
Sana'y maging isang magandang alaala na masarap balikan
At kung nais mong di matapos ang kwentong ito
Ating ipagpatuloy, ang ikaw at ako.

0 comments:

awit,

Literary (Submission): Awit Para Kay E

10/13/2014 08:19:00 PM Media Center 0 Comments



Dear MC…

Sana’y maiparating itong awit ng aking pagsinta.
Pagkat tanging hiling ko’y maiparating sa kanya
Ang nilalaman ng puso nitong binata
Na naghihintay sa tamang panahong mahalin din siya.

Eto ang una kong harana para sa isang dalaga
Lumikha ako ng kanta na tanging para sa kanya
Awit na sana’y babagay sa iyong ganda
Awit na sana’y papantay sa aking nadarama.

Regalong awit na ito’y di nagmula’t umusbong sa isip
Pagkat sa puso nagbukal ang himig ng pag-ibig
Pagkat higit na sumisigaw ang puso kong umiibig
Higit na malinaw ang damdaming para sa iyo’y labis na nananaig

Ikaw ang nag-iisang iniisip
Ang itinitibok ng puso kong muling pumintig
Pinakatatago kong pagmamahal sa iyo’y sasabihin
Pagkat ang mahalin kay bagay na maipagmamalaki.

Kay sarap na maghintay sa panahon
Kung ang isang tulad mo ang darating sa panahong iyon
Kay sarap isiping sa paghihintay kong iyon
Mukha mo ang masisilayan nitong mga mata kong sa’yo lamang ang tuon.

Aking mahal maghihintay ako’t maghahanda
Sa tamang panahong makita ako’t sa buhay ko’y dumating na
Tanging hiling ko lamang sa iyo sinta
hayaan mo na lang muna akong mahalin ka ng nag-iisa.

0 comments:

capt shparky,

Literary (Submission): Hey, Jane!

10/13/2014 08:13:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

diego badion,

Literary (Subsmission): Friend

10/13/2014 08:09:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

english,

Literary (Submission): You Were

10/13/2014 08:04:00 PM Media Center 0 Comments



I was the perfect guy with the perfect girl in hand
But now I am alone
I was sad with guilt
Unlike cookies and milk
But I know that you don’t care still

I thought you were the one for me
The apple to my pie
The door to my key
The you to my me
But I did not know how wrong I could be

I listened to those words come out of your mouth
That you don’t love me and you love him now
At that moment I was alone and free
Suddenly

I noticed there were perks
When I was just with me

But once again you proved me wrong
When you came back to me
With angry eyes and a crying heart
I knew that this would happen right from the start
He broke your angel wings and made you fall apart

Writing this poem was difficult for me
Because you might think I’m boastful, you see
But actually I’m thankful that you returned to me
At that time I realized I didn’t need an angel from above
Because I had a friend,
A friend that I could love

0 comments:

aqua blue,

Literary (Submission): Rubiks Cube

10/13/2014 07:52:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

brenzoned,

Literary (Submission): Brenzoned

10/13/2014 07:46:00 PM Media Center 3 Comments


3 comments:

english,

Literary (Submission): To Love

10/13/2014 07:42:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

jenn elona,

Sports: UPIS VST, umani ng medalya sa UAAP 77

10/13/2014 07:35:00 PM Media Center 0 Comments

Naghakot ng medalya ang UPIS Varsity Swimming Team sa ginanap na UAAP Season 77 Swimming Competition noong October 2-5, 2014 sa Rizal Memorial Stadium.

Tinanghal na 1st runner up ang Junior Girls sa pangkabuuan. Samantalang nakuha naman ng Junior Boys ang ikaapat na pwesto. Season MVP naman ng Girl’s Division si Pricila Aquino ng 10-Lauan na nakakuha ng gintong medalya sa pitong events – 800m freestyle, 400m freestyle, 100m butterfly, 400m individual medley, 200m individual medley, 100m breaststroke, at 200m breaststroke.

Masayang itinaas ng mga miyembro ng UPIS Girls Varsity Swimming Team
ang kanilang first runner up trophy sa UAAP Season 77.
Photo credit: Mai Arciga
Sa Girls individuals, nasungkit ni Francheska Joves ang dalawang gintong medalya sa 50m backstroke at 100m backstroke at isang bronze sa 200m backstroke. Nakatanggap naman si Charize Esmero ng ginto sa 200m backstroke, silver sa 200m butterfly, at dalawang bronze sa 800m freestyle at 400m individual medley. Habang nakakuha naman si Drew Magbag para sa boys individuals ng tatlong bronze sa 200m individual medley, 100m breaststroke, at 200m backstroke.

Sa relays, nakamit nina Suzy Uy, Mary Llorente, Luan Silvestre, at Mae Rodgers ang ginto sa 4x100 medley. Samantala ang ang relay team naman nina Llorente, Rodgers, Uy, at Jasmine Esguerra ay nakakuha ng silver sa 4x100 freestyle relay. Para sa boys relay, nasungkit nina Glenn Anicoche, Daniel Directo, David De Layola, at Ernest Arceo ang silver sa 4x100 freestyle relay at silver sa 4x100 medley ang relay team nina Ryan Dimayuga, Daniel Directo, Aquila Esmeralda, at Ernest Arceo ay nakakuha ng silver sa 4x100 medley.

Hindi nakalaro ang team captain ng swimming team na si Juneau Villanueva dahil sa dengue ngunit nagpakita naman siya ng taos-pusong pagsuporta sa team sa pagbisita niya noong mga huling araw ng kompetisyon. Ayon sa kanya, malaki ang kanyang panghihinayang sa hindi niya pagsali sa kompetisyon dahil sa pagkakasakit. Gayunpama’y masaya siya bilang team captain sapagkat mas maraming naiuwing medalya ngayong taon, kumpara sa nakaraang taon. / nina Jesica Caneca at Jenn Elona

0 comments:

christine bailon,

UPIS Teenage Ambassadors, bumisita sa Japan

10/13/2014 07:31:00 PM Media Center 0 Comments

Dalawampung estudyante mula sa UPIS ang bumisita sa Japan mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 6 bilang bahagi ng Teenage Ambassador Program.
Photo credit: Carolyn Faulan

Dumating ang mga Philippine Ambassador noong Lunes, Setyembre 29 sa Tokyo, Narita kasama sina Prof. Devora Tengson at isang NYC Delegate. Bumisita sila sa ilang environmental facilities ng Japan at sa Rainbow Sewerage Museum sa Tokyo, at Matsumori Factory sa Sendai. Ito ay pawang bahagi ng environmental awareness promotion ng Teenage Ambassador Program.

Binisita rin nila ang Sendai Nika High School bilang bahagi ng cultural exchange program. Kasama sa rito ang Home Stay Program kung saan tumira ang mga delegadong nagmula sa UPIS sa bahay ng kanilang Japanese counterpart upang maranasan nila ang pamumuhay sa Japan at ang iba’t ibang kultura ng isang pamilyang Hapon.

Sinuportahan ng AEON One Percent Club ang programang ito sa tulong ng National Youth Commission at ang mga tagapangasiwa nito. Layunin nitong pagtibayin ang relasyon ng mga bansa sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mabuting ugnayan at pagkakaibigan sa pagitan ng mga kabataan sa buong mundo.


0 comments:

cw spoof,

Literature: Dual Sim

10/08/2014 09:26:00 PM Media Center 0 Comments



0 comments:

bebang,

Literature: Confesziohnsz of a J3j3 Bh0y

10/08/2014 09:15:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

bieleber101,

Literature: Dubstep

10/08/2014 09:08:00 PM Media Center 0 Comments



Wheeeeeeeennnnggggg dugdugdug…

This one is for the boys with the booming system, top down AC with the cooling system… pshpshpshpsh

It’s Friday, Friday, gonna get down on Friday. Walk into the club like tugs tugs tugs tugs, party rock is in the house tonight, cause it’s we who own the night. I wear your granddad’s clothes, I look incredible, I’m so fancy, I’m sexy and I know it. I’ve got the move like Op, op , op, op, oppa Gangnam style, I can teach you how to dougie(like a virgin) . Can’t touch this.

Trrttetetetet bratatata psh psh whoopee ding dong tsss

Wubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwubwub.

When he walk on by, I be looking like, damn he fly. Hey, I just met you, and this is crazy, but here’s my number, talk wubwubwubwub to me.WAAAAAAAAAAAAAAAAHH ching chong. Come, come, kitty kitty, you’re so pretty, pretty. You’re like a laserlight You make me feel like weeeyooweeyooweeyoo, ‘cause your wikiwikiwikiwik takes me to paradise. Before you came into my life, I missed you so bad. I’m glad you came. I love you like boop boop beep boop. And I keep hitting repea-pea-pea-peat (break it down ‘yo) psshhhhhh BOOM.
Where you think you’re going baby? Tenentententenenten I’m your biggest fan, I’ll follow you until you love me. I wanna be the very best, like no one ever was (ladumladum). I’m talking to the man in the mirror. Who is that guy I see staring straight back at me? Why is my reflection someone I don’t know? My ana-bshckbshckbshck don’t want none unless you got wawawawa, hon. No more hiding who I wanna be, this is me. I’m a Barbie girl, a primadonna girl, I was born this way. Hot girls we have problems too, we’re just like you, except we’re gay. Don’t be a drag, just be a queen. My vibe is too vibelicious for you, babe. I got so much swag. The haters gonna hate, hate, hate, hate. Boom boom pow.
WUBWUBWUBWUBWUBWUBWUBWUBWUBWUBWUBWUBWUBWUBWUWBUWBWUBUWBWUBWUBWUB

0 comments:

DiMaAninag,

Literature (Submission): Hustisya Para Kay Shylock

10/08/2014 09:03:00 PM Media Center 0 Comments


(Original text by William Shakespeare)                                  
What judgment shall I dread,                                          
Doing no wrong?
You have among you many a purchased slave,
Which like your asses and your dogs and mules—
You use in abject and in slavish parts
Because you bought them. Shall I say to you,
“Let them be free! Marry them to your heirs!
Why sweat they under burdens?
Let their beds be made as soft as yours
And let their palates be seasoned with such viands?”
You will answer,
“The slaves are ours!”
So do I answer you,
The pound of flesh which I demand of him
Is dearly bought. ‘Tis mine and I will have it.
If you deny me, fie upon your law—
There is no force in the decrees of Venice.
I stand for judgment. Answer, shall I have it?




(Filipino Spoof Translation)
Anong hatol ko sa’yo?
Pero wala naman akong gawang mali?
Kayo, kayo ay may mga biniling alipin!
Itinulad nyo sila sa inyong mga puwit, aso, at kabayo
Ginawa nyo silang miserable at hindi makatao ang turing
Dahil binili niyo sila. Sasabihin ko ba sa’yo,
“Palayain sila! Ikasal sila sa mga mayayaman at milyonaryo!
Bakit kailangang pagpawisan sila habang pasan mo sila?
Bakit hindi mo gawing kasing lambot ng kama mo ang kanila?
At ang pagkain nila’y kasing sarap ng sa’yo?"
Pag binalewala n’yo ako, walang kwenta ang iyong batas!
Ang sagot mo sa’kin,
“Amin ang mga alipin!”
At ang isasagot ko sa’yo,
Ang isang pundo ng laman na dinedemanda ko sa kanya
Para sabihin ko sa’yo- binili ko iyon, kukunin ko at akin yun!
Walang pwersa ng hustisya dito sa Venice!
Tumatayo ako para sa hustisiya. Sagot, ito ba ay akin?

0 comments:

cookies and cream,

Literature: Super Labidabs

10/08/2014 08:58:00 PM Media Center 0 Comments


0 comments:

DiMaAninag,

Literature: Sirang Plaka

10/08/2014 08:54:00 PM Media Center 0 Comments


Mapapansin mo ba kaya ang tulad ko? Minamasdan kita nang hindi mo alam. Panalangin ko sa habang buhay, makapiling ka, makasama ka, ‘yan ang panalangin ko. Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit, ika’y lumalayo?

Tanggap ko o aking sinta, pangarap lang kita. Hindi mo lang alam kay tagal nang panahong ako’y nandirito parin hanggang ngayon, para sa’yo. Pero sige nang sige, sige nang sige. Hangga’t ako’y humihinga, may pag-asa pa. Hindi ako susuko, isisigaw ko sa mundo. Ikaw lamang ang aking inaasam.

Mundo ko’y biglang nagbago. O kay tamis ng iyong pagdating. Mahal kita, mahal mo ba ako? Sumagot ka naman, wag lang ewan. Miyerkules, nagtapat ka ng iyong pag-ibig. Di akalaing sabihin mong ako na ‘yon, ang hinahanap mo. Ako na yata ang pinakamagandang lalaki sa mundo.

Ikaw ang bigay ng maykapal. Sa umaga’t sa gabi, sa bawat minutong lumilipas. Sa iyong yakap, ako’y nasasabik. Paggising ko ikaw ang nasa isip. Ka-date kita hanggang sa panaginip. Wala na ‘kong hihingin pa.

Sabado, tayo’y biglang nagkatampuhan. O kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta.
Iba na ang iyong ngiti, iba na ang iyong tingin. Nagbago nang lahat sa’yo. Daig mo pang isang kisapmata. At sa pagsapit ng Linggo, giliw ako’y iyong iniwan.

Nagtapos ang lahat. Sa di inaasahang panahon, at ngayon ako’y iyong iniwan. Sinaktan mo ang puso ko. Sinaksak mo ng kutsilyo. Di mo alam dahil sa’yo, ako’y di makakain. Ikaw ba ang nararapat sa akin? Bakit ka pa nakita, kung puso ko ay iiwan mo lang. Di ko kayang tanggapin.

Ngunit anong magagawa, kung talagang ayaw mo na. sino ba naman ako para pigilin ka? Sana may luha pa, akong mailuluha. Kung ako’y muling iibig, sana’y di maging katulad mo.

Tamatakbo ang oras, lumilipas ang panahon. Giliw ko, miss na miss na kita. Ngayo’y takang-taka na may kasama kang iba. Siya ba ang dahilan? Wala na bang pag-ibig sa puso mo?
Pangarap lang kita.

Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo. Ako’y napatingin sa isang maginoo pero medyo bastos. Sa isang sulyap mo…. This guy’s inlove with you pare.

0 comments:

DiMaAninag,

Feeture: DJ Law

10/08/2014 08:30:00 PM Media Center 0 Comments

Isang napakatalentadong DJ ang kasalukuyang sumisikat sa UPIS. Mayroon siyang kakayahang malaman ang mga sikat at bagong kanta at patugtugin ito tuwing mayroong mga programa sa UPIS. Sa tulong ng kanyang DJ skills, nagagawa niyang mapasigla ang mga mag-aaral ng UPIS bago magsimula ang mga programa sa paaralan.

Sino nga ba ang taong ito na responsable sa pagbibigay-sigla sa mga estudyante ng UPIS? Sino nga ba siya na may kaakayahang maging mala-disco ang Auditorium?

Itago natin siya sa pangalang DJ Law.

Sa unang tingin, simple lamang ang ating DJ. Araw-araw, suot niya ang kanyang uniporme—itim na t-shirt at kulay beige na pantalon. Madali lamang siyang hanapin. Karamihan ng kanyang oras ay nauubos sa kanyang pamamalagi sa ikaapat na palapag ng ating gusali. Walang nakakaalam kung ano ang ginagawa niya roon pero ipagpalagay na natin na may ginagawa siya.

“Naku, hindi gumagana ang TV! Pakitawag nga si DJ Law!” Ganyan ang madalas na maririnig mula sa mga nangunguna at die-hard fans niyang guro. Ito ay dahil hindi lamang sa Dj skills kilala ang minamahal natin na si DJ Law. Nandidiyan rin siya upang mag-ayos ng technical problems sa tuwing nasisira ang ating kagamitan.

“Kahit hindi ko pa naririnig ang kanyang boses, bilib ako sa kanyang DJ skills at sa dahilang siya lamang ang may kakayahang mag-ayos ng mga kagamitan, at wala nang iba pa,” sabi ng isang estudyante sa Grade 10.

“Gustong-gusto ko ‘yung favorite remix niya na ‘I knew I love you before I met you tugs tugs tss tugs tugs tss’,” sabi ng isang estudyante sa Grado 9.

“Tsaka yung ‘Tenten-tentenenten-tenten tenten-tentenenten-tenten tententen-tenentenen-tenten DING DIIING’!!!” sabat naman ng kaibigan niya.

Talagang maraming nakakabilib na talent ang ating nag-iisang DJ Law. Kaya, sa susunod na programang pampaaralan, sana’y maaalala mo si DJ Law, ang napakasipag at poging-poging si DJ Law nalaging nariyan para bigyan ng himig at musika ang buhay nating lahat. / nina Jennifer Elona at Katreena Nulud

0 comments:

DiMaAninag,

MC Expose: Mga Hapon, nagkalat

10/08/2014 08:22:00 PM Media Center 0 Comments

Dumating noong Agosto 1, 2014 sa UPIS ang 20 exchange student mula Japan. Sila ay nanatili dito ng isang araw kasama ang mga estudyante ng UPIS. Sila ay malugod na tinanggap ng mga taga-UPIS at naging masaya sa saglit nilang pananatili.

Ngayon na ang mga delegado naman ng UPIS ang ipinadala sa Japan, kumalat ang balita na may ilang estudyante mula sa Japan ang naiwan. Hindi ito napansin ng ibang mga exchange students dahil sa kanilang ninja moves kaya nakatakas sila at nanatili rito. May ilan naman sa kanila ang di umano’y nakalimot na oras na para bumalik sa Japan. Sila ngayon ay nakakasama pa natin sa loob ng UPIS at ang ilan ay naging ating kaklase nang hindi natin nalalaman.

“Weh? Nakaalis na pala sila? Bakit may nakita yata ako na kumakain sa canteen? Pawis na pawis pa dahil mukhang kakatapos lang maglaro. Sino ba ‘yun?” ani Noraiza habang sarap na sarap na kumakain ng siomai at sakto coke sa canteen.

Tulad namin, siya’y takang-taka sa kababalaghang ito. Pinatunayan din ito ng isa pang estudyante na nagngangalang Gaea. Namataan daw niya ang isang Haponesa na nagmamadaling umuwi. Umuwi nga ba o nagmamadali para sa kanyang flight?

“Oo nga eh, nakita ko nga ‘yan kanina pa. Hindi mapakali, nagmamadaling umalis. Nakalimutan niya nga siguro ang flight niya kahapon!“ sabi ni Gaea na bumubungisngis pa.

Hindi lang mga estudyante ang naging takas. Maging ang isang guro na kasama ng mga estudyante ay umeskapo rin. Siya raw ang mastermind ng lahat ng ito. Nagtuturo ang gurong ito sa isang departamento at hindi man lang ito napansin ng mga estudyante at kapwa mga guro. Napag-alaman pa ng mga estudyante na marunong itong magsalita ng Hapon. Namataan siya na nakikipag-usap sa iba pa niyang kapwa guro.

Nakapanayam naming ang isa sa mga estudyante niya na itatago natin sa pangalang Kristel.
“Siya ba ‘yun? Omg. Grabe naman. Sabi niya sa klase cosplayer daw siya at nakakaintindi siya ng ilang mga salitang Hapones na sinasabi ng kaklase kong si Greg na mahilig sa amin. Grabe naiwan din pala ‘yun! Haist!” sabi ni Kristel.

Kung may mga reaksyon man ang mga estudyante, ito ay wala na silang pakielam kung nangyayari tito. Sa halip, tuwang tuwa nga sila dahil hindi nila akalaing makakasama nila ang mga ito. Sa katunayan, lahat sila’y naging palakaibigan. Sayang nga lang daw at hindi naiwan si Kotaro… ang napakasayang si Kotaro…

Ngunit may natanggap din kaming balita na kahit si Kotaro ay naiwan. Siya’y nasa Grado 7 ngayon. Hindi namin siya nakapanayam dahil napag-alaman pa namin na siya ay sumali bilang swimmer ng UPIS at naghahanda para sa UAAP ng Swimming Team. / nina Trisha Serrano at Jediael Neri

0 comments: