gian palomeno,
Inuwi ng Batch 2020 o 2NT (Grado 10) ang kampeonato sa powerdance competition na ginanap noong Pebrero 13 sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) 7-12 Quadrangle bilang bahagi ng taunang selebrasyon ng UPIS Days.
Naging tema ng kompetisyon ngayong taon ang “Himigdakan: Talentong Makukulay, Buhay na Buhay!” kaugnay ng pangkalahatang tema ng UPIS Days 2018 na “Iskolor: Iba-ibang Kulay, Lahat Pantay-pantay.” Layunin nitong maipakita ng mga estudyante ang pagkakapantay-pantay sa kabila ng pagkakaiba-iba sa pamamagitan ng pagsayaw, pag-cheer, at pag-awit.
Nakuha rin ng 2NT ang parangal na Best Interpretation of the Assigned Song na “Kaleidoscope World” ni Francis Magalona. Nasungkit naman ng Batch 2022 o Doble Dos (Grado 8) ang ikalawang gantimpala at ang Most Resourceful Costume Award. Sumunod ang Batch 2021 o 20NE (Grado 9) na nakamit ang ikatlong gantimpala at ang Best Cheer Award. Ang Batch 2023 o 23nith (Grado 7) naman ang nakakuha ng ikaapat na puwesto.
Tinanghal namang male stunner si Ynosh Ilagan mula sa Doble Dos, at female stunner si Ayesha Fernandez mula sa 2NT.
Nagkaroon ng hiwalay na field demonstration ang Kindergarten hanggang Grado 6. Napanalunan ng Batch 2024 (Grado 6) ang Best Cheer Award habang ang Batch 2025 (Grado 5) ang Most Energetic at Best Choreography Awards. Naigawad naman sa Batch 2026 (Grado 4) ang parangal na Best Interpretation of the Assigned Song na “Bawat Bata” ng Apo Hiking Society. Ang Batch 2027 (Grado 3) naman ang nagtamo ng Most Resourceful Costume Award at ang Batches 2028, 2029, at 2030 (K-2) ay nakuha ang Crowd Favorite Award.
Nagpakita rin ng espesyal na pagtatanghal ang Batch 2018 o 2x9 (Grado 12), mga piling mananayaw mula sa Halili-Cruz School of Ballet, at ilang mga miyembro ng UPIS faculty bago ibigay ang resulta ng kompetisyon.//nina Nica Desierto at Gian Palomeno
2NT, kampeon sa Powerdance 2018
|

0 comments: