francis eloriaga,
Nakamit ng bandang Prizmo mula sa Grado 9 ang unang gantimpala sa ginanap na “Kulay ng Musika, Rak en Roll mga Banda” o Battle of the Bands 2018 sa taunang selebrasyon ng UPIS Days noong Pebrero 15 sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) 7-12 Quadrangle.
Sina Keanne Nuevas (vocals), Pamela Marquez (vocals), Diego Sunga (lead guitar), Nathan Lilang (rhythm guitar), Magan Basilio (keyboard), Polo Uera (bass), at Justin Polendey (drums) ang bumubuo sa grupo.
Nakamit naman ng Amamimamols (Grado 10) ang ikalawang gantimpala at nakuha ng Band Aid (Grado 7) ang ikatlong puwesto.
Ang iba pang kalahok ay ang bandang Chebby mula sa Grado 6, Blue Moon ng Grado 8, at Trackband 2.0 mula sa UPIS Track and Field Team. Tumugtog naman bilang guest performers ang Tripolar at Cosmo mula sa Grado 12.
Ayon kay Nuevas, “Sobrang saya ng Battle of the Bands dahil sa husay na pinakita ng bawat banda. Nakaka-proud talaga mga UPIS students!”
Nagsilbing hurado sa paligsahan sina Prop. Leujim Martinez at Prop. Shiela Pineda na mga guro ng Musika sa UPIS, at si G. Patrick Roxas na instruktor mula sa UP Kolehiyo ng Musika. Kanilang hinusgahan ang dalawang cover songs at isang orihinal na komposisyon ng mga kalahok.//nina Francis Eloriaga at Max Salvador
Prizmo, kampeon sa Battle of the Bands 2018
WAGI.
Abot-tainga ang ngiti ng bandang Prizmo na nagwagi sa kanilang unang sabak sa
Battle of the Bands noong selebrasyon ng UPIS Days 2018. Photo credit: Geraldine Tingco.
|

0 comments: